Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 122 - Ancient Red Dragon's Awakening!

Chapter 122 - Ancient Red Dragon's Awakening!

Namatay si Celina!

Pareho sila nang pagkamatay ng alaga niyang Great Winter Wolf.

Tila kasing bilis g kidlat ang atake ni Marvin. Gustuhin man iligtas ni Leymann si Celina, walang paraan para gawin ito.

Isa pa, noon pa man ay brutal na kompetisyon na ang Battle of the Holy Grail.

Hindi lang ang Holy Grail ang matatanggap ng mananalo. Bukod sa simbolong ito ng karangalan, makakatanggap rin sila ng maraming gantimpala, kasama na dito ang mga ibibigay ng bawat Academy at ng Three Ring Tower mismo.

At karamihan ng mga ito ay para sa mga Wizard.

Lahat ng kalahok sa patimpalak na ito ay handang mamatay.

Lahat sila'y walang pag-asang magkasundo kaya naman hindi na nakakagulat ang pagpatay ni Marvin kay Celina.

Natapos na ang lahat!

Ang naiwan ay hindi isang mabagsik kundi isang kanais-nais na oso.

Hindi na talaga maaaring manghusga base sa itsura sa mundong ito. Nakakatuwa ang itsura ng Asuran Bear pero sariwa pa sa isip ng mga tao ang brutal na pagkamatay ng lobo.

Kanina lang ay walang awang pumapatay ang osong ito!

Tapos na ang kompetisyon. Ang nanalo ay ang palaging talunan na Ashes Tower.

Hindi makapaniwala ang lahat ng nanunuod. Isa-isang binati ng mga tao ang Magore Academy.

Pakiramdam ng mga guro ng MAgore Academy, kahit papano'y nabawi na nila ang kanilang dignidad. Lalong-lalo na si Hanzel na noong una'y gustong bugbogin si Marvin; pero ngayon, mas nirerespeto na niya ito.

Talagang mahusay ang batang ito!

Hindi na nakakapagtaka kung bakit ang laki ng tiwala ni Wayne sa kanya.

Kaya pala iba ang pagtrato sa kanya ni Dame Hathaway.

Noong naghahanda na ang lahat para batiin ang nagwagi sa Battle of the Holy Grail, biglang mayroong sumigaw.

"Sandali!"

"Hindi pa tapos ang laban!"

Napalingon ang lahat sa magic screen.

Nagulat ang lahat sa kanyang nakita!

Ang nakita nila'y napakaraming anino.

Mga Snow Demon.

Masyadong nayanig ang lupa noong kalaban ni Marvin ang mga lobo.

Nagising nito ang lahat ng nilalang sa kabundukan.

Matapos mag-alisan ang mga lobo, ibang grupo naman ng mga halimaw ang nagmatyag.

Mga Snow Demon at ang kanilang Snow Demon Leader!

Hindi nag-iisang pugad ng Snow Demon ang pugad na pinasok ni Marvin kung saan napatay niya ang lahat ng Snow Demon. Marami pang ibang mga Snow Demon sa kabundukang ito.

Inihanda ang mga Snow Demon na ito para sa Battle of the Holy Grail ng mga 2nd rank na Wizard.

Pero nagising ang mga ito dahil sa pagdagundong ng bawat kilos ni Marvin.

Dahan-dahan silang lumapit. Pinangungunahan ang mga ito ng Snow Demon Leader.

Mag-isang nakatayo naman ang Asuran Bear sa bandang taas na bahagi ng bundok!

...

"Hindi maaari! Wag mong sabihin, matatapos ang Battle of the Holy Grail na 'to na walang nananalo?"

Napasigaw ang isa sa mga Wizard.

Hindi naman sa walang tiwala sa kakayahan ng Asuran Bear. Sadyang napakarami lang

Kapag masyado silang madami, wala nang silbi kahit gaano pa kalakas ang lalaban sa kanila.

Simple lang naman ang kondisyon para manalo, kailangan nilang makuha ang Holy Grail.

Kahit na mapatay moa ng lahat ng kalaban mo, kung hindi mo ito makukuha, hindi ka rin mananalo.

Bahagi rin ng Battle of the Holy Grail ang mga halimaw na ito.

"Kailangan natin magtiwala kay Baron Marvin!"

"Siguradong malulusutan niya uli ito!" Sabi ng isang dalagang noble.

Isa-isang nagtayuan ang mga nanunuod, at mas tumutok sa kanilang pinapanuod.

Sa magic screen, nanatiling mahinahon ang Asuran Bear na si Marvin.

Tiningnan niya lang ang mga papalapit na Snow Demons at yumuko.

Sa sunod na sandali bigla itong tumingala at binuksan ang kanyang bibig!

"ROOOAAAARRRR!"

Isang pag-atungal na mahiwaga at makapangyarihan ang kumalat sa buong snow mountain!

Biglang nanginig ang paligig, pero mabuti na lang at pinagtibay ang bundok ng magic kundi nagdulot na ito ng pagguho ng mga yelo at nyebe!

[Intimidating Roar]!

Ang natatanging skill ng Asuran Bear.

Isa itong malawak na AoE Intimidation skill!

Huminto ang lahat ng Snow Demon nang marinig ang pag-atungal ni Marvin.

Biglang natibag at naging tumpok ng nyebe na lang ang ilan sa mga Snow Demon na malapit. Dahil hindi sila nakapasa sa willpower check!

Marami pang mga Snow Demon ang natakot at nagsimulang tumakbo papalayo, sumisigaw!

Biglang nagkagulo ang grupo ng mga Snow Demon.

Kasama na dito ang Snow Demon Leader na kita ang sakit sa kanyang mukha.

Biglang nagulo ang kanilang isipin, ang iba naman ay agad na natibag, habang ang iba naman ay nagsimulang patayin ang isa't isa!

Pero karamihan sa mga ito ay nanatiling maayos ang pag-iisip at nagawang tumakbo habang takot na sumisigaw.

Ang pag-atungal lang ang ginawa ni Marvin.

Maraming Snow Demon na ang natibag.

Wala pang isang minute, wala nang buhay na Snow Demon ang natira sa paligid.

Nagbalikan na sa kanilang pugad ang mga natirang buhay na Snow Demon.

Lalong tumahimik ang kanina'y tahimik nang kabundunkan

....

Tanging ang mga imahe lang ang nakikita at napapanuod ng mga tao. Wala silang naririnig dahil walang tunog ito.

Pero nagulat pa rin silang lahat.

Natibag ng isang pag-atungal ang daan-daang Snow Demon!

Nasira rin nito ang hanay ng mga Snow Demon at natakot ang mga ito palayo.

Napakalakas!

Manghang-mangha ang lahat sa lakas na ipinakita ni Marvin.

Pero mayroon pa ring taong napapatanong:

"Halos kapantay na ng isang 3rd rank class holder ang lakas na ipinakita ni Baron Marvin! Talaga bang level 7 lang siya?"

Di nagtagal, nakuha rin nila ang sagot na hinahanap nila.

At nanggaling ito sa Wizard na si Leymann!

"Walang naging problema sa pagrehistro ni Baron Marvin. Totoong level 7 siya."

Nagkagulo ang mga tao!

Pakiramdam niya'y ang tanga niya dahl sa kanyang tanong.

Hindi niya inaasahang sasagutin mismo ni Leymann ang walang kakwenta-kwenta niyang katanungan!

Maganda ang pakikitungo ng Wizard na ito, na bihirang magpakita, kay Marvin?

Sino ba talaga si Marvin!?

Ito ang katanungan sa isipan ng lahat.

Sa snow mountain, bumalik na sa tunay na anyo niya si Marvin.

Sadyang napakalakas talaga ng mga Shapeshift Sorcerer.

Taglay niya ang ganoon antas ng lakas kahit na 1st rank pa lang siya. Hindi na nakapagtatakang kinatatakutan ng ibang rece sa Feinan ang mga Numan!

Kahit na walang katiyakan ang paglakas ng mga ito, kaya nitong durugin ang ibang mga class na mayroong kaparehong level.

Kaya ng aba marami ang nainggit dito. Kaso nga lang, isa itong bloodline kaya walang magagawa ng inggit. Para maging isang Sorcerer, tanging ang pag kuha ng dugo sa isang ipinagbabawal na experiment, at ang paggamit nito sa isang ritual para baguhin ang sariling bloodline. Pero masyadong malaki ang tyansang pumalya ito!

Matapos niyang mag-Shapshift sa unang pagkakataon, bukod sa nanghina si Marvin, nag-iba ang kulay na ang Beast-Shape na pagpipilian.

Ibig-sabihin, hindi na muna niya ito ulit magagamit agad-agad.

Kahit na malalakas ang mga Shapeshft Sorcerer, mayroon ding limitasyon ang mga ito. Halimbawa, pagkatapos nilang gamitin ang Shapeshift, pansamantala nila itong hindi magagamit.

Hindi niya alam kung gaano katagal bago niya uli ito magamit, kaya kailangan niya pa itong tantyahin.

Gayunpaman, mayroon pa siyang Shadow-shape na pagpipilian. Balak subukan ito ni Marvin at mukhang hindi naman ito mahina.

Matapos tumakbo sa takot ng mga Snow Demon, pinuntahan na ni Marvin si Wayne. Wala paring malay si Wayne.

Binuhat niya ito at ipinasan, saka muling naglakad paakyat sa tuktok ng bundok!

Kahit na suot niya ang Thunder Fairy Boots, nahirapan pa rin siyang bumalik sa tuktok!

Pangkaraniwan lang ang constitution niya, idagdag pa rito na halos naubos na ang kanyang stamina noong nag-shapeshift siya sa Asuran Bear.

At mahirap ang pag-akyat ng bundok, lalo na kapag madulas dahil sa nyebe.

Humigit kumulang isang oras bago siya muling nakabalik sa tuktok habang karga-karga si Wayne sa kanyang likod!

Sa wakas!

Hingal na hingal siya. Hanggang ngayon ay wala pa rin malay si Wayne. Inilabas niya kaagad ang mga suso at ipinasok sa mga susian.

Agad namang nawala ang Dissociation spell!

Nakahinga na ng maluwag si Marvin. Humakbang siya at kinuha ang Magic Grail!

Agad naman siyang nakarinig ng ilang paghiyaw ng mga tao!

Nagpalakpakan ang lahat ng nanunuod sa tatlong tower sa ipinamalas ng magkapatid!

Inalalayan ni Marvin si Wayne gamit ang isang kamay habang hawak ang Holy Grail sa kabila.

[Lance's Holy Grail] ang pangalan ng Magic Grail. Marami itong makapangyarihan na ability.

Tulad na lang ng [Rejuvenation] spell!

Walang alinlangang ginamit ni Marvin ang Rejuvenation. Unti-unting nagkamalay si Wayne dahil sa makapangyarihang spell na ito.

"Kuya?"

"Nanalo tayo?" Napansin ni Wayne ang Holy Grail at masayang ngumiti.

"Oo, nanalo tayo." Sagot ni Marvin.

Tumayo si Wayne at masayang-masayang niyakap si Marvin!

Sa wakas, nanalo sila!

"Plang!"

Ibinato ni Lohart ang hawak niyang baso ng alak sa sahig.

Sa sobrang galit nito'y hindi na niya kinayang manatiling mahinahon kahit sa harapan pa ni Kate.

'Nanalo siya?!'

'Dapat… hindi siya nanalo!'

Nagngalit ang kanyang ngipin habang tinitingnan ang magkapatid sa magic screen. Halos mabaliw na siya sa galit!

Bababa ang halaga niya sa kanyang pamilya dahil sa kabiguan niyang magawa ang kanyang tungkulin.

Paanong hindi siya magagalit?

Gayunpaman, nanatiling kalmado sa tabi niya si Kate. Tiningnan lang nito si Marvin at Wayne at sinabing, "Napakagandang laban, salamat sa imbitasyon. Mauuna na ako."

Agad naman itong umalis at hindi na pinansin pa si Lohart.

Napailing si Lohart. Hindi na niya magawang isiping lumandi.

Kailangan niyang makahanap ng paraan para maibsan ang galit ng kanyang clan!

Nang biglang, bumalik na ang tauhan niya.

Lumiwanag ang mata ni Lohart. 'Ganoon kabilis nakasagot ang clan?'

Tatanungin na sana niya ang kanyang tauhan nang biglang sabihin nitong, "May masaang nangyayari!"

"May pumutok na bulkan malapit sa Crystal Island, mukhang nagising ang natutulog na red dragon!"

"Kasalukuyang sinisira ng red dragon ang Crystal Island! Pinapabalik ka agad ng clan!"

Ano? Bulkan? Red Dragon?

Nahilo si Lohart at biglang nagdilim ang paningin. Bigla na lang itong hinimatay.

...

...

Sa tuktok ng snow mountain, nakuha na ng magkapatid ang Holy Grail.

Isang teleportation door ang lumtaw sa kanilang harapan. Pero sino bang mag-aakala na lilitaw si Hathaway!

Nabuhayan ang lahat! Personal na pumunta ang Tower Master ng Ashes tower para batiin sila. Hindi ito kailanman nangyari.

Hindi pa man nakakapagsalita si Hathaway, bigla nilang narinig ang isang nakakatakot na pag-atungal ng isang dragon sa dakong silangan, umaalinawngaw ito sa Feinan.

Kahit na ang incomplete plane ni Leymann ay naapektuhan dahil nakabukas ito!

Nakaramdam ng takot ang lahat!

Madadama ang matim na kapangyarihan sa atungal na 'yon. Hihimatayin ang mga taong mahihina ang willpower!

Nagulat si Marvin!

Nagising na ang Ancient Red Dragon?!