Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 120 - Roaring Beast!

Chapter 120 - Roaring Beast!

"Paano niya nabawi agad ang lakas niya?"

"Oo nga. Malala na ang kondisyon niya kanina. Bakit nahulog lang siya, gumaling at nakapaglakad na siya?"

"Paano siya nakakatakbo ng ganyan kabilis? DIyo ko! Balak niya bang labanan si Celina?"

Sa Three Ring Towers, nagulat ang lahat habang pinapanuod nila si Marvin tumakbo!

Akala nila ay tapos na ang laban at sigurado na kung sino ang nanalo sa Battle of the Holy Grail. Lalo pa't wala nang natitirang lakas si Wayne at Marvin.

Tapos nahulog pa ang dalawang ito sa butas. Napaka miserable na ng kanilang sitwasyon.

Pero kahit pa ganoon, namangha ang lahat sa katatagan at pagpuprsiging ipinakita ng magkapatid.

Pero hindi pa rin maitatangging isa itong kompetisyon.

Para sa nakakarami, kahit na hindi kumilos si Celina, siya pa rin ang mananalo sa Battle of the Holy Grail!

Napapailing na lang ang mga Wizard ng dalawa pang towers.

"Ano ba 'yan, Thunder Tower na namang ang mananalo!"

"Kahit na kagalang-galang na Wizard si Leymann, malaki pa rin talaga ang pagpapahalaga niya sa Battle of the Holy Grail, kaya sinisigurado niyang makagawa ng oportunidad para sa mga apprentice niya, tsk.."

"Oo nga, kung hindi lang nakaharap kaagad ni Marvin ang Guardian at pagkatapos ay hinabol naman ng Gemini, siguro Magore Academy na ang nanalo ngayon."

Pero hindi na mababago ng pagkadismaya nila ang kalalabasan ng kompetisyon.

Ang referee ng kopetisyon ay hindi nanggaling sa kahit aling tower ng Three Ring Towers, pero isa itong enforcer na nanggaling sa South Wizard Alliance.

Ayon sa palatuntunan ng kompetisyon, madidiskwalipika si Marvin at Wayne kapag hindi sila gumalaw sa loob ng 30 minuto.

Noong lilipad na sana ang mga enforcer patungo sa snow mountain, sakay ng kanilang magic carpet, biglang umalingawngaw sa kanilang tenga ang striktong boses ni Leymann.

"Hindi pa tapos ang kompetisyon!"

Hindi pa tapos?

Natigilan ang ilan sa mga enforcer.

Naglabas ang isa sa kanila ng isang bolang krystal at sa tulong ng magic screen, napansin nilang nakalabas na pala ng butas ang kaninang walang malay na s Marvin.

Hindi sila makapaniwala sa nakita nila!

'Namamalikmata ba ako?'

'Maayos na ba talaga ang lagay niya? Hindi naman ganoon kataas ang constitution ng lalaking ito. Kahit na ang isang Barbarian ay hindi gagaling ng ganoon kabilis?"

Takang-taka ang lahat.

Subalit, tila nasanay na sila sa mga nakakagulat at mala-himalang bagay na nagagawa ni Marvin.

Ang pagtanggal niya ng armor ng Guardian, ang brutal nitong pagpatay sa Gemini, at ngayon ay ang paggaling mula sa kritikal na kondisyon, hindi na ito gaanong nakakagulat!

Sa loob ng Thunder Tower, halos pumutok na ang ugat sa noo ni Lohart sa galit.

Hindi niya inakalang ang Gemini na ito, na maingat na pinili, ay matatalo!

Isang halimaw iyon na kayang makapatay ng 3rd rank class holder. Kung hindi ginamitan ng isang high level Wizard ng kanilang clan ng slave contract ito, hinding-hindi niya sana ito gagamitin.

Nakakagulat na kinayang dispatyahin ng isang level 7 na Ranger ang isang Gemini.

Dahil dito'y nagbago na ang tingin niya sa mga Ranger.

'Pucha, pinaglololoko ata ako ng mga gurong 'yon. Sabi nila wala raw kwentang class ang mga Ranger, kayang gawin ang lahat pero hindi mahusay sa kahit ano. Pangkaraniwan lang daw.'

'Mukhang ginagago lang nila ako. Anong propesor? Pinakamagaling na iskolar daw ng South Wizard Alliance…Pwe! Sasabihin ko sa aking ama na sisantehin ang lahat ng manggagantsong iyon!'

'Kitang-kita na malakas na class ang mga Ranger!'

Sa pambihirang lakas na ipinamalas ni Marvin, binago niya ang pananaw ng tagapagmana ng Unicorn Clan sa mundo.

Hindi pa ito nakaka-alis sa headquarters ng kanilang pamilya, at nag-eensayo sa Crustayl Island bago ito nagpunta sa Three Ring Towers. Kakaunti lang ang mga karanasan niya sa tunay na mundo.

Kahit na hindi siya isang Wizard, expert ito sa swordsmanship, at lahat ng nalalaman niya ay itunuro sa kanya ng pinakamagagaling na guro ng kanilang clan.

Habang hinahasa niya ang kanyang swordsmanship, mababa ang naging tingin niya sa mga cruved dagger na ginagamit ng mga Ranger. Bago ang araw na ito, ang naiisip niya kapag nababanggit ang isang Ranger ay mga kawawang taong natutulog at kumakain sa kagubatan, na mayroong magugulong buhok, at balot ng mga insekto sa katawan. Ito ang turo sa kanya ng kanyang mga guro.

At kung tutuusin, hindi naman mali ang mga ito.

May iilang siyang nakilalang mga Ranger na pasok sa paglalarawang ito.

Kaya nga bumaba ang tingin niya sa kanyang nakababatang kapatid na napatay ng isang Ranger. Ano ba ang ginawa nito sa Three Ring Towers sa loob ng mahabang panahon? Hinahasa ba niya ang kanyang magic o nambababae lang?

Bago ang simula ng kompetisyon, naisip niyang sobra na ata ang paggamit ng Gemini para sa maliit na bagay tulad nito.

Kaya naman labis na ikinagulat nito nang pira-pirasuhin ni Marvin ang katawan ng Gemini na ipinadala niya.

Alam niya sa kanyang sarili na siya mismo ay hindi masasalag ang mga dagger na 'yon!

Isang Fighter si Lohart na malapit nang maabot ang 3rd rank pati na ang advancement.

Kahit na ganito, natakot pa rin siya sa ipinakitang husay ni Marvin sa paghawak ng kanyang mga dagger.

Umabot na ito sa puntong nakahinga siya ng maluwag nang mawalan ng malay si Marvin.

Hindi niya mapigilang magsaya nang mahulog ang magkapatid sa isang butas sa snow mountain, kaya tiningnan siya ng masama ng mga tao sa kanyang paligid.

Pero…

Halos himatayin si Lohart sa mga sumunod na nangyari!

Gumaling si Marvin at agad na sinugod si Celina nang makalabas ito sa butas!

Ang reaksyong 'yon, ang kilos na'yon, hindi ito lahat matanggap ni Lohart!

'Sinasabi ng lahat na ang mga Gemini daw ay mga halimaw! Pero hindi ba't 'yan ang tunay na halimaw?'

Kung hindi lang dahil sa mga tao sa paligid, hindi na siguro napigilan ni Lohart na magwala!

Noong una ay malaki pa ang tiwala ni Lohart kay Celina at sa Great Winter Wolf.

Pero parang wala na lang ang mga ito.

Masama ang kutob niya.

Sadyang napakalakas ni Marvin!

Si Marvin ang tunay na panalo sa Battle of the Holy Grail na ito!

Nadama na niya ang pagkatalo habang iniisip ang mga bagay na ito!

"Ipaalam mo kaagad ito sa clan. Sabihin mon a nagkamali tayo sa pagtantsa sa tunay na lakas ni Marvin. Nagawa niyang patayin ang Gemini at mayroong lakas na hindi bababa sa isang 3rd rank!" Sigaw niya sa isa niyang tauhan.

Agad naman itong sumunod sa inuutos ni Lohart.

Ang isang maimpluwensiyang clan tulad ng Unicorn Clan ay may mabilis na paraan ng komunikasyon.

Hindi magtatagal, magpapadala na uli ng mas malakas naexperto ang mga ito para patayin si Marvin!

Bahagyang kumalma si Lohart habang iniisip ito.

Bumalik naman si Kate nang mga oras na 'yon.

"Pasensya na sa biglaan kong pag-alis. Kamusta na ang kompetisyon?" Nakangiting tanong nito.

Pilit na ngumiti si Lohart. "Mukhang minamalas ang mga tauhan ko.."

"Di bale na," sagot ni Kate. "Hindi naman hawak ng mga tao ang swerte."

Si Ding na akap-akap ni Kate ay hindi napigilang bumulong:

"Pero kaya ng isang nakakatuwang Fortune Fairy tulad ko…"

...

Sa mas mababang bahagi ng bundok, isang malamig na hangin ang umihip, sa lakas nito'y nahiwa ang mukha ni Marvin na parang isang kutsilyo.

Pero hindi siya nakaradam ng kahit anong sakit.

Pinanuod lang ni Celina ang pagsugod sa kanya ni Marvin.

Hindi niya pa alam ang tungkol sa nangyari sa Gemini pero kampante itong kaya niyang talunin ang lalaking ito!

Dahil ang class niya ang pinakamalakas, isa siyang Wizard!

Idagdag pa na protektado siya ng isang Great Winter Wolf. Alam niyang hindi makaka-abot si Marvin sa kanya dahil sa dami ng paparating na mga lobo.

Kahit na bigla na lang sumugod si Marvin, nakapagtawag na kaagad ng mga lobo ang batang Great Winter Wolf bago pa man siya umabot sa kanila.

Higit sa 200 na lobo ang nagtipon-tipon sa tabi nila, berde ang kanilang mga mata, lahat nakatitig naman kay Marvin.

Bukod dito, marami pang mga lobo ang paparating!

"Patay ka na!" Bulong ni Celina.

Hinimas niya ang ulo ng kanyang alagang Great Winter Wolf.

Umalulong naman nang napakahaba nito!

Sa isang iglap, sabay-sabay na kumilos ang mga ito!

Talagang nakakatakot panuorin!

Madali lang lumabas sa iisang lobo.

Pero nakakatakot ang paglaban sa isang buong grupo ng mga ito.

Pinanganak na mga sundalo ang mga ito, sa utos ng Great Winter Wolf, naggrupo-grupo ito na parang mga sundalo at bumuo parisukat na hanay.

Hindi na lang ito basta-basta grupo ng mga lobo.

Isang hukbo na ito.

Kahit na nasa level 3 o 4 lang ang mga ito, kung may sapat silang dami, kaya nilang patayin ang isang 2nd rank class holder!

Kahit pa Wizard ang humarap sa ganito karaming mga lobo, mahihirapan ito.

Pasudog na ang mga lobo, yumayanig ang lupa, malakas pa ang ihip ng hangin!

Tahimik lang nananuod ang mga tao.

.

Tila maliit na dalampasigan si Marvin na haharap sa malaking alon ng mga lobo.

Hindi, hndi isang dalampasigan, dahil hindi gumagalaw ang dalampasigan, habang si Marvin naman ay sasalubungin ang mga ito!

Mag-isa niyang sinalubong ang mga ito at sinimulang ang atake.

Hindi siya nagpapatalo!

Ito lang ang bagay na nasa isip ng mga tao.

Isa siyang tunay na mandirigma!

Isa itong tunay…na lalaki!

Tila lumilipad ang mga dagger, pati na mismo si Marvin sa bawat kilos nito!

Nakipagsagupaan na siya sa mga lobo!

Iwinasiwas niya ang kanyang kanang kamay pero wala itong tinamaang lobo.

Sa sumunod na sandal, may naglalagablab na apoy ang lumitaw sa harapan ni Marvin!

[Blazing Fury]!

Ito ang makapangyarihang spell na itinabi ni Marvin para sa ganitong sitawsyon.

Sa wakas, nagamit na niya ito.

Matapos masilaban ng apoy ang balahibo ng isa sa mga lobo sa harap niya, biglang nabuwag ang kanina'y maayos na hanay ng mga lobo.

Nasunog ng apoy ang nyebe, at maririnig ang pag-alulong ng mga lobo dahil sa sakit.

Isang mala-trahedyang eksenang bihira lang matunghayan ng mga tao!

Malawak na bahagi ng lugar na ito ang inabot ng naglalagab lang ang Blaze of Fury. Pilit namang pinapakalma ng Great Winter Wolf ang mga lobo.

Maraming lobo ang nagsimulang magpagulong-gulong sa nyebe para subukang apulahin ang apoy sa kanilang mga katawan.

Kaya naman natisod ang mga lobong nasa likuran ng mga ito.

Nagkakagulo na ang hukbo ng mga lobo!

"Mayroong pa pala siyang spell na ganito!"

"Mahusay ang pagkakagamit sa Blazing Fury. Hindi man Wizard ang taong ito, maayos naman niyang nagagamit ang kanyang magic."

"Saan napunta si Baron Marvin?"

Pinanuod ng mabuti ng mga tao ang siwasyon, at sinusubukan nilang hanapin kung nasaan na si Marvin.

Nang biglang may matangkad na aninong lumitaw sa screen!

Isang aninong mabilis ang paglaki!

"Roaaar!"

Umalingawngaw ang isang malakas na pag-atungal sa buong snow mountain.

Matapos ang Blazing Fury, sumugod pa si Marvin papasok sa hukbo ng mga lobo. Itinabi na niya ang lahat ng gamit niya sa loob ng Void Conch.

At sa isang iglap, ginamit na niya ang isa niyang specialty, ang [Boundless Shapshifting]!

Shapeshift!

Sa pagkakataong ito, pinili niya ang Beast-Shape!

Agad naman lumobo ang kanyang katawan at naging isang Asuran Bear na tatlong metro ang laki.

Naramdaman niya ang pagdaloy ng lakas sa kanyang katawan.

Biglang naging pipitsugi na lang ang mga lobo para sa kanya!

Iwinasiwas niya ang kanyang kamay sa kanyang harapan, dahil dito'y tumalsik ang lagpas sa sampung lobo!

Umaalulong naman sa sakit ang mga lobo habang umatungal naman ng malakas si Marvin!

Nagsisimula pa lang siya!