"Paano niya nagawa 'yon!?"
Sa Thunder Tower, ang lalaking tinatawag ang sarili niya bilang ika-anim na tagapagmana ng Unicorn clan ay gulat na gulat sa nakita niya sa magic screen.
Sa gulat nito hindi na niya napansin na nakahinga ng maluwag ang babae sa tabi niya.
'Napakasama talaga ng lalaking 'to, gumamit pa siya ng ganoong paraan para lang mapatay ang Guardian.'
'Nakapakasamang tao nito,' sabi ni Kate sa kanyang isipan.
Hindi niya na pinansin si Lohart na katabi niya.
"Nagawa niyang talunin ang isang Guardian nang ganoon lang? Paano niya nasira ang armor ng Guardian?" Takang-taka si Lohart.
Sumimangot ito habang pinapanuod na kinukuha ang susi mula sa Guardian, hindi ito masaya sa kanyang natutunghayan.
Pero nang masulyapan nito si Kate, muli itong napangiti.
Kailangan niyang ipakita ang pagiging mahinahon sa harap ng babaeng gusto niya.
Umubo ito at sinabi kay Kate na, "Wag kang mag-alala, mas magagaling ang mga killer na pinadala ng pamilya ko."
Bahagyang tumango si Kate.
Ang di alam nito, masama na ang tingin ni Kate sa kanya at sa kanyang pamilya.
At syempre hindi pa rin tumigil sa pagsasalita si Lohart, "Hindi naman naming tauhan ang Guardian na 'yan, kung hindi patay n asana ang Marvin na 'yan."
"Miss Kate, tingnan mo, ayon ang elite killer ng pamilya naming. Haha. Nakipagtulungan kami doon sa witch na 'yon. Tinutulungan rin ng witch na 'yan ang pamilya naming. Binigyan naming siya ng maraming supply at tracking item. Hindi makakatakas 'yang si Marvin at ang kapatid niya."
Biglang napukaw ang atensyon ni Kate sa isa pang magic screen.
At ang witch nga na galing Thunder Tower na si Celina, kasama ng follower nito, ang nasa screen. Isang matipunong lalaking may kulay ubeng buhok ang follower nito. Mas ikinagulat ng mga tao nang makitang manipis lang ang suot nito at hindi nila makita kung saan nakalagay ang mga sandata nito.
"Siya ang ikalawang pinakamahusay na elite sa pamilya naming." Napansin ni Lohart na nakatingin si Kate sa lalaking 'yon kaya nagpaliwanag ito, "Wag mo siyang mamaliitin, nakakatakot ang fighting skill ng taong 'yan. Ibang klaseng pagsasanay ang pinagdaanan niya. Kahit pa wala siyang suot ay kakayanin niya ang lugar na 'yan."
"Maikukumpara sa isang Barbarian ang cold resistance niya. Pero ang pinaka-alas niya… hehe…"
Hindi na tinuloy ni Lohart ang sasabihin na tila binibitin si Kate.
Napasimangot si Kate, mahina niyang tinanong, "Alas? Ano 'yon?"
"Isa siyang Gemini!" Pagyayabang na sinabi ni Lohart.
Gemini!
Nabigla si Kate at mas lalong nag-alala habang tinitingnan si Marvin.
…
Sa tuktok ng bundok, nakatuon ang atensyon ni Marvin sa malayo. Numinipis na ang ihip ng hangin.
Sa wakas ay naaninag na niya kung sino ang dalawang taong ito!
Ang nauuna at tumatakas ay ang kapatid niyang si Wayne.
At ang humahabol dito ay ang Wizard ng Craftsman Tower na si Bergner. Ang Guardian na pinatay niya ang follower ng wizard na ito.
Mabilis n tumatakbo si Wayne, may kulay asul na ilaw na nangagaling sa kanyang mga paa. Ito ay pares ng mga bota na mayroong speed effect na epektibo sa mga lugar na may nyebe.
Sa katunayan, kung hindi dahil sa mga botang ito, Naabutan na ito ng humahabol sa kanya!
'Malas naman.' Ika ni Marvin.
Kanina, simula pa lang ng kompetisyon, nakaharap na niya agad ang Guardian. At kung hindi dahil sa Armor Strip Technique, malamang napahamak na siya. Minalas rin si Wayne dahil sa lawak ng ng snow mountain, nakaharap pa rin niya agad ang isa pang kalaban.
Kung susundin nila ang plano ni Marvin, hindi pa maaaring gumamit ng spell si Wayne sa ngayon dahil mas kakailanganin nila ito mamaya!
Kaya naman, wala siyang magagawa sa ngayon, kundi ang tumakbo!
Para sa mga manunuod, tila hindi ito pinag-isipan at nagpapakita ito ng kaduwagan.
...
"Anong nangyayari sa Wayne na 'yan? Kahit na bata pa siya, Wizard pa rin naman siya. Eh bakit parang mas mahina pa siya kumpara sa kapatid niya?"
"Akala ko ba siya ang talentadong estudyante ng MAgore Academy? Bakit niya tinatakbuhan ang kalaban niya?"
"Noong napanuod ko ang laban ni Wayne noong mga nakaraan, hindi siya nagpapatinag kahit kanino. Pero bakit parang kakaiba ang mga ikinikilos niya…"
Nagsimula nan gang usap-usapan ng mga tao. Hindi nila kilala si Wayne kung kaya akala nila ay naduduwag na ito.
Dahil sa Era na ito, ang mga Wizard ang pinakamalakas na class!
May dangal ang bawat isa sa mga ito. At ang pagsali sa Battle of the Holy Grail ay tila pagharap sa mga karibal, kaya dapat itinataya na nila ang lahat!
Pero ang nakakagulat, nang makita ng batang ito si Bergner, tumakbo ito agad.
At napakabilis pa ng pagtakbo nito! Gumamit na ng iba't ibang 0-circle spell si Bergner para pabilisin ang kanyang sarili pero hindi pa rin niya ito maabutan.
Nakakapagtaka ang mga nangyayari.
Sa Ashes Tower, namumutla si Hanzel habang pinapanuod ang pagtakbo ni Wayne. Nagtataka naman ang mga kaibigan nito habang tinitingnan siya.
"Iyan baa ng tinuro mo sa estudyante mo? Unang dapat gawin sa Battle of the Holy Grail: [Tumakbo kapag may nakitang kalaban?]" Hndi mapigilan ng isang Wizard na kutyain siya.
Habang hindi rin maipinta ang mukha ng iba pa.
Lalo pa't kailan lang ay sinabi sa kanila ni Hanzel na talagang pinaghandaan nila ang kompetisyon ito. Marami raw silang binuong stratehiya at pinili ang pinakakapaki-pakinabang na mga spell….
Pero sa mga nangyayari, hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Wayne. Kung dati'y wala itong inaatrasan, basta-basta na lang itong tumakbo ngayon.
Hiyang-hiya siya bilang guro ni Wayne!
"Teka, baka naman may plano ang batang 'to." Biglang sabi ng isa pang guro na pinapanuod ang mabuti ang mga nangyayari sa screen, "Tingnan niya 'yung dinadaanan niya, parang may gusto siyang marating."
"Seryoso ka ba? Saan naman siya pupunta sa malawak na snow mountain? Sa tingin ko, natatakot lang siya. Pero hindi ko rin naman siya masisi, isa lang naman kasi siyang 9 na taong gulang na bata," pangungutyang sagot ng isa pa.
Nanatiling tahimik lang si Hanzer.
Tutok na tutok ang lahat sa magic screen, walang ni isa ang gustong kumurap. Kasabay nito, biglang may nagbago sa mga screen.
Siguro'y nayamot na si Bergner kakahabol kay Wayne, kaya naglabas ito ng isang scroll na napakaraming disenyo.
Sa mga susunod pang sandal, ginamit na niya ang spell scroll!
1st-circle spell, Lightning Speed!
Isang napakalakas na support spell.
Bilang tumaas ang speed n Bergner ng 30%. Sa isang iglap, lumiit ang distansya niya at ni Wayne.
"Tingnan natin kung makakatakas ka pa!" Hindi inalis ni Bergner ang tingin sa likod ni Wayne.
Makikita ang pag-aalala ni Hanzer kay Wayne. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Wayne.
Pero isa lang ang nasisiguro niya, ang pagbabagong ito ay dahil kay Marvin!
Tangin si Marvin lang ang makakapagpabago ng isip ni Wayne sa paggamit ng planong napagusapan nilang dalawa.
'Sumusobra na ang Marvin na 'to. Nilalagay nya sa panganib nag buhay ng kapatid niya!'
'Sino ba siya sa inaakala niya? Walang siyang alam pagdating sa magic! Nangahas ang isang probinsayong noble na baguhin ang mga plano ko!'
Hindi na tumigil si Hanzel sa pagmumura kay Marvin sa isipan niya.
Kung hindi sa pagpipigil niya at dahil ayaw niyang makipagbiruan sa mga Wizard na kasama niyang manuod, marahil nagwala na siya ngayon!
Talagang kahiya-hiya…
At sa oras na 'yon, dalawang anino ang lumitaw sa harapan ni Wayne.
Ang mga taga Thunder Tower!
Ang witch na si Celina at ang follower niyang bigla na lang pinalitan at nakarehistro bilang isang… Assassin.
Pero masyadong malaki ang katawan ng taong ito para maging isang Assassin. Mas mukha siyang isang Fighter.
"Napapalibutan na siya!"
"Wala na siyang matatakbuhan!"
"Sayang, gwapo pa naman ang batang 'yan."
Napailing at napabuntong-hininga na lang ang mga taong nanunuod. Malinaw na kung ano ang mangyayari. Hnahabol si Wayne ni Bergner nang biglang lumitaw ang duo na nagmula sa Thunder Tower sa harapan nito.
Ano man ang mangyari, napapalibutan na siya ng tatlong tao.
At nasa tuktok pa rin ng bundo ang nakatatatandang kaptid nito na si Marvin. Hindi ito makababa para iligtas ang kanyang kapatid.
Kung hindi pa ito susuko, siguradong mamamatay ito.
...
"Sige lang, wag kang sumuko!" Sa Thunder Tower, ngumiti si Lohart habang nanunuod sa magic screen.
"Hindi rin naman siya hahayang sumuko ng mga tauhan ko."
Napasimnagot si Kate, hindi niya maintindihan kung bakit hindi lumalaban si Wayne. Maling istratehiya ata ito.
Malinaw naman ang palatuntunan ng Battle of the Holy Grail, kailangan nilang makuha ang lahat ng susi para mapunta sa kanila ang Magic Holy Grail.
Maglalaban-laban rin naman ang lahat sa dulo kaya bakit pa ito patatagalin?
Lalo tuloy lumala ang kanyang sitwasyon, napapaligiran na siya ng tatlong tao.
Sa isang open snow field, walang silang pag-asang makatakas, maliban na lang kung pinaghandaan talaga nila ito at mayroon pang mga itinatagong mga alas.
'Sandali…' biglang nagliwanag ang mga mata ni Kate.
Dahil bigla napukaw ang atensyon niya sa kabilang screen na kasalukuyang hindi pinapanuod ng mga tao!
Si Marvin sa tuktok ng bundok!
Anong binabalak nyang gawin?
Nanlaki ang mga mata ni Kate.
…
"Wala ka nang matatakbuhan!" Seryosong sabi ni Bergner.
Biglang tumigil si Wayne sap agtakbo. Dahil namataan na niya ang dalawang anino sa kanyang harapan.
Hindi na siya maaaring umabante pa. Naroon na ang duo ng Thunder Tower, tila nawawalan na siya ng pag-asa!
"Anong gagawin ko?" Nag-aalala na si Wayne.
Kung siya ang tatanungin, kanina pa niya ginamit ang kanyang magic staff at nag-cast ng spell!
Isusugal na dapat niya ang lahat-lahat!
Napakalalakas ng kanyang mga fighting spell, ito ang alas niya.
Pero paulit-ulit na naririnig ni Wayne ang mga paalala ni Marvin.
'Hindi ako pwedeng mag-sayang ng mga spell!' Nagngalit ang mga ngipin ni Wayne.
Malinaw na natagpuan na sila ng duo ng Thunder Tower kaya naan agad nilang pinalubutan si Wayne para hindi makatakas!
.
Pinalibutan siya ng tatlo malapit sa isang bangin.
"Sa wakas nahuli ka rin namin," Ngumisi ang matipunong lalaki kay Wayne, handa nang sumugod.
Nang biglang maririnig ang tunog ng hangin na nagmumula sa tuktok ng bundok!
Isang aninong sobrang bilis ang papalapit!
Sa isang iglap, umabot na ito sa kanilang tabi.
Isang lubid ang inilabas nito, na agad naman bumalit kay Wayne nang walang kahirap-hirap. Hinila nang malakas ni Marvin ang lubid kaya natangay nito si Wayne paangat.
Sa isang iglap, nagkalat ang mga nyebe habang mabilis na dumadaan ang anino/
...
Sa labas ng Three Ring towers, hindi makapaniwala ang mga manunuod sa natutunghayan nila.