Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 105 - Great Elven King!

Chapter 105 - Great Elven King!

War Saint!

Isang simpleng Legend class. Hindi ito katulad ng ibang class na may magagarang pangalan. Kailangan mo lang maabot ang rurok ng pagiging fighter habang nagpapakadalubhasa sa isang uri ng sandata!

Bibihira lang makita ang isang Elven War Saint. Kadalasan ay mas magaling ang mga ito sa magic or sa archery, kaya karamihan sa mga ito ay mga wizard o mga ranger.

400-500 na taon na ang nakakalipas mula noong huling beses na lumitaw sa Feinan ang isang Elven War Saint!

'At tulad ng inaasahan, ang lalaking si Ivan ay isa nang Legend!'

Nakahinga nang maluwag si Marvin. Bumaliktad na ang sitwasyon nang mabasag ni Ivan ang knowledge compass.

Mahirap man kalabanin si Karel, ngunit 3rd rank lang naman ito.

Wala siyang pagkakataong manalo kung ihaharap sa isang legendary class tulad ng [War Saint]!

Wala nang oras pang mag-isip si Ivan dahil bigla na lang sumugod si Ivan kasama ng kanyang Peerless Sword Aura. Hindi na nakagalaw pa si Karel.

Simpleng pagwasiwas lang ang ginawa nito gamit ang kanyang lumang espada, ang pinakasimpleng pag-atake, at isang pag-amba!

Pero kahit napakasimple lang ng atakeng ito, kumikinang ito sa lakas ng kapangyarihang nasa kamay ni Ivan.

"Bang!" Klang!"

Matapos ang apat na simpleng atake, nanlumo si Karel nang makitang nawasak na ang kanyang karit.

Dahil iisang pwesto lang ang pinunterya ng apat na magkakasunod na atake ni Ivan!

Ang bawat taong umaabot sa War Saint ay mayroong kanya-kanyang Peerless Sword Aura. Kahit na hindi alam ni Marvin kung anong uri ang mayroon si Ivan, sigurado siyang may koneksyon ito sa Shatter property!

Mayroon [Shatter] property ang Blazing Fury na ibinigay sa kanyang matandang blacksmith. Napakalakas ng property na ito. Bawat atake ay may kakayahang was akin ang sandata ng kalaban!

Nakasalalay ang paglitaw ng epekto nito sa hidden [Characteristic] property ng sandata.

Siguradong walang Shatter property ang lumang espada ni Ivan. Umaasa lang ito sa sarili nitong lakas!

"Haaa!"

Ang jelly-like membrane na bumalot kay Karel ay nahati-hati sa isang simple atake lang!

Bumagsak sa lupa si Karel, punong-puno ng takot ang kanyang mukha.

Hawak ni Ivan ang kanyang espada at walang emosyong tinitingnan si Karel.

Kung wala ang kakaibang item na sasalo ng atake ni Ivan, marahil ay patay na siya ngayon.

Ganito kalakas ang isang War Saint!

Walang kahit anong kakaibang skill, purong lakas lang!

Gagamit sila ng pinakasimpleng martial skill para makapagpalabas ng pambihirang lakas.

Kaya naman sinasabing ang War Saint ang class na lalaking-lalaki. Simple, marahas, malakas.

Walang silbi ang lahat ng skills kapag sila ang kaharap. Tanging ang knowledge compass, ang bahagi ng artifact na 'yon, ang kayang pumigil kay Ivan panandalian.

Sinamantala ni Marvin ang pagkakataong abala si Ivan kay Karel para tulungan si Ollie.

Pinasalamatan siya ni Ollie pagkatapos pakawalan ito.

Kung hindi dahil kay Marvin na hinarap si Karel, malamang ay napatay na siya nito bago pa man makawala si Ivan sa knowledge compass!

"Bang!"

Lumipad ang katawan ni Karel, at humampas ito sa isang puno matapos sapakin ito ni Ivan gamit ang kaliwang kamay!

Dumura ito ng kaunting dugo, at gumapang mula sa lupa. Mukhang nais nitong gumamit ng ability pero wala itong nagawa.

Nagawa dahil nasa harap na nito muli si Ivan!

"Traydor ka Karel."

"Wala ka nang karapatan dito, pwede ka nang patayin nino man. Kahit ng isang exile na katulad ko ay may karapatang parusahan ka!

"Ngayon, bilang si Ivan the exiled, hinahatulan kita ng kamatayan."

Sa unang pagkakataon, makikita ang isang taimtim na itsura sa mukha ni Ivan.

Gumagamit ito ng espesyal na ability.

Gumagamit ito ng ability na kayang iparating ang kanyang boses sa buong Thousand Leaves Forest at sa lahat ng mayroong masamang intensyon sa mga elf!

Isa itong blessing na ipinagkaloob sa kanya ng Great Elven King noong siya ay bata pa, ang Judgment.

Ang pagpatay kay Karel pagkatapos nitong gamitin ang Judgment ay siguradong makakapagdulot ng saykolohikal na pinsala sa mga Outlaw of the Crimson Road na mayroong masasamang balak!

Pinanuod itong mabuti ni Marvin. Noong pumupiglas si Karel, gumamit si Ivan ng isang domain ability ng isang Legend!

Hindi makatakas o makatakbo si Karel dahil sa ability na 'to.

'[Absolute Prison] o [Peerless Supression]?'

Napapaisip si Marvin habang tinitingnan si Marvin.

Napakalakas talaga ng taong 'to.

Siya na ang pinakamalakas na taong nakilala niya, 'yon ay kung hindi isasama ang red copper dragon. Kahit ang Half-Legend na si Hathaway ay hindi kakayanin si Ivan.

Hindi tinatablan ng mga spell ang mga War Saint.

Kinailangan dumaan sa matinding pagsasanay ng martial skill ni Ivan para lang maging isang Legend. Pagkaabot nito sa Legend, makakatanggap rin ito agad ng hindi bababa sa tatlong magic resistance specialty.

Kahit noong nag-advance si Marvin sa [Ruler of the Night], nakatanggap rin siya ng tatlong legendary specialty: [Element Immunity], [Negate Death], at [Barrier Breaker]. Dahil sa tatlong majore specialty na 'yon ng mga Ruler of the Night kaya sila kinamumuhian na g mga wizard.

Pero syempre, ang kapangyarihan ng mga legendary wizard ay hindi lang nagmumula sa kanilang mga sarili, galing rintio sa kanilang mga pwersa, mga wizard tower, at kanilang mga estudyante.

Walang class ang makakatapat sa mga ito kung magtatago lang ang mga legendary wizard sa kanilang mga wizard tower. Alam ito ng lahat.

Sa katunayan, kung nagawang mahulaan ni Anthony ang assassinationg ng Shadow Prince, at nakapaghanda ito, marahil ay napigilan pa niya ang doppleganger ng Shadow Prince.

Tumayo lang sa tabi si Marvin, pinapanuod niya lang si Ivan na papatayin na si Karel.

Nang biglang may dalawang maliwanag na sinag ang lumabas mula sa kalangitan!

Hinawakan ni Ivan ng mahigpit ang kanyang espada. Biglang napatayo si Ollie.

Nagulat rin si Marvin na mayroong dalawang sinag ng liwanag ang lumitaw mula sa dilim.

Nang umabot ito sa lupa, bumuo ito ng dalawang poste ng liwanag.

Biglang may umalingawngaw na boses sa mga puso nila na puno ng karisma:

"Wag kang gagalaw Ivan."

"Hindi ka kwalipikado para parusahan ang isang Traydor. Bilang isang exiled, nilabag mo ang hindi bababa sa 19 na batas ng THousadn Leaves Forest."

"Lalo mol ang pinapahamak ang sarili mo."

Biglang nagsama ang dalawang poste ng liwanag at naging isang maliwanag na pigura.

Isang batang-bata at napakagwapong elf!

Magara at maganda ang mga suot nito, at napakapayapa ng ekspresyon sa mukha, at para bang puno ng dunong ang mga mata nito!

May suot itong korona ng laurel sa kanyang ulo.

Ang Great Elven King Nicholas!

Napabuntong-hininga si Marvin.

Hindi niya inakalang magagambala ang nakakatakot at dakilang nilalang na ito!

Ang bawat lugar sa ThousandLeaves Forest ay nakikita at nasa ilalim ng pangangalaga ng Great Elven King.

Nalinlang ito ni Karel noong gamitin nito ang knowledge compass para magtago mula sa kanya. Ngayong nawasak n ani Ivan ang knowledge compass, agad na naramdaman ng Great Elven King ang nangyayaring laban!

Kaya agad itong lumitaw roon. Kahit na isa lang itong doppleganger, matindi ang presensya nito.

"Mahal na hari…" nauutal na sabi ni Ollie, "si prinsipe Ivan ay…"

"Alam kong sinundan niya ang Outlaw of the Crimson Road," mahinahong sabi ni Nichoas. "Pero hindi niya trabaho 'to. At nilabag niya ang mga batas."

Sumimangot si Marvin.

Nabalitaan niyang hindi makatwiran ang Great Elven King. KAsing init ng apoy ang pagnanasa nito sa kapanyarihan pero makaluma rin itong mag-isip.

Sa nakikita niya ngayon, tama nga ang mga balita. Ganito niya tratuhin kahit ang sarili niyang anak."

"Haha…" bahagyang natawa si Ivan, "19 na batas?"

"Wala na rin naman kwenta 'yon, dahil sa 500 taon ng pag-exile mo sa akin, idagdag mo pa yung isa o dalawang libo…"

"1460 taon." Madiin na sinabi ni Nicholas.

"Ganoon na rin 'yon," sagot ni Ivan. "Eh paano mo naman balak dispatyahin ang Outlaw of the Crimson Road na 'to."

"Hindi mo ko hahayaang patayin siya, at isa kang doppleganger, sinong papatay sa kanya, si Ollie?"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Ollie nang marinig ito.

Pero lumagpas ang tingin ni Nicholas kay Ollie at napunta ito kay Marvin.

"Siya ang papatay."

"Hindi kwalipikado si Ollie dahil natalo siya ng traydor na 'to."

"Sa kabilang banda, maganda ang ipinakita ng kakampi nating Night Walker. Pambihira ang ipinamalas nitong galing, tulad ng kanyang guro noong kabataan nito." Mapayapang sinabi ng Great Elven King.

Pero ikinagulat ito ni Marvin.

Siya ang papatay kay Karel?

Totoo ba ito?

'Anong bang ginagawa ng haring 'to…'

'Pinauubaya niya sa akin ang napakalaking experience na to? Teka. Hindi nakakakuha ng exp sa pagpatay ang mga native ng Feinan… Pero para ipaubaya sa aking tapusin ang problema ng mga elf, hindi ba mali 'yon?'

Litong-lito si Marvin.

Pero biglang nagsalita si Nicholas:

"Handa ka bang gawin ito para sa akin? Batang Night Walker?"

"Kung tutulungan mo ko, maaari kong tanggalin ang seal sa Ring of Prayers. Para maibalik ito sa dati nitong lakas."

"Isang tunay na Turin's item. Bibihira nang makakita nito sa panahon ngayon."

Ring of Prayers?

Nabigla si Marvin. Tunay pala ang Ring of Prayers na 'to?