Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 103 - Mystical Oddity

Chapter 103 - Mystical Oddity

Sa ilalim ng dilim ng gabi, may dalawang taong papalapit.

Magkatabi silang tumayo sa sanga ng isang malaking puno. Sa loob ng puwang ng isang puno sa di kalayuan, isang lalaking nakaitim ang nakaupo. Hindi ito gumagalaw at nakapikit ang mga mata nito.

May apoy ito sa kanyang harapan. Kung hindi dahil sa darksight, hindi ito mapapansin ni Marvin.

Sadyang napakalakas ng Night Tracking. Basta mayroong gamit na may koneksyon sa taoong hinahanap, malalaman ni Marvin kung nasaan ang tumatakas na kalaban nito.

Pero malaking stamina ang nagagamit ng skill na ito. At halos dobleng stamina ang nagamit niya sa pagpunta sa lugar na 'yon!

At dahil nahanap na nila ito, agad na itinigil ni Marvin ang Night Tracking.

Walang kahit anong hiding ability na ginamit ang Outlaw of the Crimson Road. Mukhang nagpapahinga lang talaga ito.

"Traydor na Karel." Nanlisik ang mga mata ng Elven Prince na tila namumukhaang ang itsura ng taong 'yon.

"Karel? Pabulong na tanong ni Marvin, "Kilala mo siya?"

"Oo naman, 20 na ang nakakalipas noong siya pa ang kapitan ng mga Iron Elven Guard." Tinitigan lang ni Ivan si Karel na nakaupo sa may puno. Hindi maipinta ang mukha nito.

"Hindi lahat ay natutuwa sa mahigpit na pamamalakad ni Nicholas. Si Karel ay isang elf na mahal na mahal ang kalayaan niya. Kahanga-hanga ang potensyal niya kaya naman sinanay siyang maging isang malakas namandirigma ni Nicholas. Pero sa huli, hindi niya kinaya ang ganoong klase ng buhay at tinraydor niya kami."

"Naging isa siyang Outlaw of the Crimson Road, at tuluyang nilamon ng kasamaan. Maraming elf na ang namatay noong mga nakaraan taon dahil sa kanya."

"Noong tinraydor niya kami, kumuha siya ng bahafi ng holy item ng mga elf, ang [Knowledge Compass]. Dahil doon kaya hindi siya mahanap ni Nicholas."

"Nagkataon lang rin na nakita ko siya noong dumaan siya sa teritoryo ng mga Stone Giant."

"Mapanganib na tao si Karel, kaya itago mo nang mabuti ang sarili mo." Ika ni Ivan.

"Ako nang bahala dito."

Tumango si Marvin.

Para sa kanya, ibang-iba ito kumpara kay Black Jack na mag-a-advance pa lang. Isa na itong tunay na 3rd rank class holder.

Maaaring mamatay si Marvin kapag hindi siya nag-ingat sa taong ito!

Naghanap siya ng magandang pwesto para mapanuod ang laban bago ginamit ang Hide.

Hindi naman ganoon kababa ang kanyang Hide, pero matapos niyang mag-advance sa pagiging Night Walker, makikita ang pinakamalakas na epekto ng kanyang mga skill kapag gabi.

Hindi nagtagal, humalo na ang kanyang katawan sa isang sanga.

Kung hindi aabot ng 20 na puntos ang perception, imposibleng mahanap si Marvin.

At bibihirang magkaroon ng mataas na perception ang mga Outlaw of the Crimson Road.

….

Matapos masiguro ni Ivan na nakatago na si Marvin, agad na itong sumugod at hindi na tinangkang umatake ng palihim!

Sa isang iglap, nasa 50 metro na lang ang layo nila sa isa't isa.

Sa loob ng puno, biglang tumingala ang traydor na si Karel habang hawak pa rin ang itim na compass.

"Ivan!"

"Ikaw nga!"

Ngumiti si Karel. "In-exile tayo parehi ni Nicholas. Anong ginagawa mo rito?"

Tumawa si Ivan at sinabing, "Papatayin ka."

"Pareho tayong mga henyo, at ang lahat ng mga henyo ay pinipigilan ni Nicholas. Bakit naman natin papatayin ang isa't isa?" Sagot ni Karel. "Masyasong matigas pa rin ang ulo mo. Wala ka bang kahit anong sama ng loob sa 30 taong pagkaka-exile?"

"Kahit na napakasimple ng mga stone people, masaya naman silang kasama."

Wala pa ring pinagbago ang itsura ni Ivan, pero nakatutok na ang espada nito sa puno kung saan nakaupo si Karel.

"Hindi naman na kita kailangan piliting lumabas, hindi ba?"

"Ayokong lumabas." Mahinahong sagot ni Karel.

"Kung ganoon, ako na lang ang papasok!" Biglang bumilis lalo ang takbo ni Ivan, at may nakakatakot na pwersang lumabas mula sa kanyang lumang espada.

Sa isang iglap, tila umuungol at nanginginig na ang buong kagubatan!

'Ito ang …Peerless Sword Aura!'

Malinaw ang mga mata ni Marvin, at kitang-kita niya ang ginagawa ni Ivan!

Karapat-dapat lang para sa isang ma-alamat na taong naka-advance sa rank na Elven War Saint! Sa tantsa ni Marvin ay hindi niya maiiwasan ang atakeng 'yon.

Pero sa mga oras na 'yon, biglang humalakhak si Karel nang makitang mahihiwa na ng espada ni Ivan ang puno!

Biglang nang nagpabago-bago ang kapaligiran ng dalawang lalaki.

Para bang nagpapatong-patong at bumabaliko ang lugar na 'yon.

'Space Magic?' kumurap-kurap ang mga mata ni Marvin.

Masama ang kutob niya!

Halatang naghanda si Karel!

Ngunit, sa isang iglap, nanigas si Ivan kung nasaan siya. Isang mahinang liwanag ang lumabas mula sa kamay ni Karel.

Knowledge Compass!

Sinasabi na isa raw itong mystical oddity na ibinigay sa lahi ng mga elf ng God iof Knowledge. Hindi maiintindihan ng mga taga labas ang divine power nito!

Biglang lumutang ang bahagi ng knowledge compass, unti-unting humuhugis ang ilaw hanggang sa maging isa itong hexagonal sigil.

Nasa loob ng sigil si Ivan, hindi siya makagalaw.

Dahan-dahang tumayo si Karel. "Kahit na alam mong hawak ko ang knowledge compass, basta-basta ka na lang sumugod. Masyadong malaki ang kumpyansa mo sa sarili."

"Alam kong sandal ka lang mapipigilan ng Knowledge Compass. Isa kang nilalang na umaasang maka-advance sa War Saint pero tuturuan kita ng leksyon ngayon."

"May kapalit ang pagiging arogante."

Hindi makagalaw si Ivan sa loob ng sigil, pero kita pa rin sa mukha nito ang pagiging mahinahon.

Malinaw na alam niyang may ganitong abilidad ang knowledge compass, pero hindi siya natatakot dito!

May paraan siya para makawala, kailangan niya lang ng kaunting oras.

Pero biglang nagbago ang rekasyon nito!

Lumabas na si Karel mula sa puno.

"Bang!" Sumabog ang puno, at bumagsak ang mga piraso nito sa lupa.

Sa loob ng malaking punong 'yon nakaratay ang maraming bangkay ng mga Elven Iron Guard!

Tanging isang babaeng elf ang naiwang buhay. Tinanggal na ang kanyang helmet, mahigpit na nakatali, at may makapal na tela sa bibig.

Ollie!

Napuno ng galit ang mukha ni Ivan!

Alam na niyang nahulog siya sa patibong. Naunang nahanap ni Ollie si Karel pero nahuli ito. Siguradong naghanda na si Karel.

Pinatay na nito ang iba pang elf at si Ollie lang ang itinira.

Kakaunting tao lang sa buong Thousand Leave Forest ang kaya siyang pagbantaan. Si Nicholas man na nalinlang ang perception, o ang Elven Prince na si Ivan, hindi nila magagawang panuorin lang mamatay si Ollie.

Kaya naman hinayaan na lang niyang ang pagiging arogante ni Ivan para planuhin ang patibong na 'to.

Mapipigilan si Ivan ng knowledge compass si Ivan ng hindi bababa sa 3 minuto.

Kaya walang magagawa si Ivan sa mga mangyayari sa loob ng tatlong minuto!

Hindi niya inaasahang mahahanap talaga ni Ollie si Karel. Sadyang minamalas sila.

"Balak ko talagang gawin ka lang hostage," sabi ni Karel.

"Kaso nga lang, nagbago na ang isip ko."

"Minahal kita noon, Ollie. Pero dinismaya mo ko. Gusto mo talaga ang duwag na 'to?!"

"Naaalala mo pa ba ang sinabi niya sa matandang si Nicholas? Sa harap ng lahat ng noble na pamilya ng mga wood elf, sinabi niyang hindi babae ang gusto niya. Pero ipinagtanggol mo pa rin siya!"

"Hindi pwede 'to. Nagseselos ako."

Humalakhak si Karel at inilabas ang isang nakakatakot na karit mula sa kanyang manggas!

"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ipaghiganti ang sarili ko noon, pero ngayon, papatayin kita sa harap ng taong mahal mo. Kung iisipin, mabait pa akong tao."

Makatutok na ang karit nito sa leeg ni Ollie.

Tiningnan lang ni Ollie si Ivan. Kitang-kita ang takot at lungkot sa mga mata nito, hanggang sa maging kalmado na ito.

Tiningnan niya lang si Ivan.

Galit na tiningnan ni Ivan si Karel.

"Wag mong gawin 'yan, nagmumukha akong masama." Ngumiti si Karel, habang dahan-dahang sinisimulan nitong hiwain ang leeg ni Ollie!

Nang biglang may aninong biglang lumabas mula sa dilim at walang habas na sumalpok sa baywang ni Karel!

Nagulat si Karel pero mabilis ang reaksyon nito at agad na iwinasiwas papunta sa gilid ang kanyang karit.

Hindi na nagawang umiwas ng anino at nahati ito sa dalawa!