Critical hit!
Lahat ng ginawa ni Marving combo ay para lang magawa ito!
Limitado lang ang kanyang lakas kaya ang stratehiya niya ay atakihin ang kahinaan ng kanyang kalaban, at sagarin ang pinsalang maidudulot niya!
Kumalat na ang dilim ng gabi sa kalangitan at tumamaang sinag ng papalubog na araw sa mukha ni Black Jack. Kitang-kita sa itsura nito ang sakit.
Nanlambot ang mga tuhod nito at dahan-dahang napaluhod!
Pero ang ikinagulat ni Marvin ay hindi pa patay ang taong ito!
"Mayroon akong undead na katawan!" Sigaw ni Black Jack kay Marvin!
Subalit, nangangatog ang kamay at paa nito at hindi siya makagalaw!
Nanliit ang mata ni Marvin na parang nagdududa. Hindi siya basta-basta lalapit dito.
Bumagsak na nang sobrang baba ang HP ni Black Jack. Subalit hindi pa rin pala ito Fatal Hit!
'Talagang nasa rurok ng 3rd rank ang lalaking 'to.' Nababahala na si Marvin.
Mabuti na lang at ganitong uri ng atake ang napili niya!
Maraming 3rd rank na class holder ang may toughness na katangian kaya hindi tinatablan ang mga ito ng mga Fatal Hit!
Pinatibay na ang mga katawan nito. Ang mga puso at utak nito ay may kakaibang kakayahang pagalinginang sarili. Hindi sila basta-basta mamamatay maliban na lang kung pugutan ng ulo ang mga ito!
Sa halip, dahan-dahan silang mamamatay!
Sa pagkakataong 'yon, kung magamot sila ng tama, maaari pa rin silang gumaling!
'Buti na lang hindi ko naisipang gamitin ang Cutthroat o punteryahin ang puso niya. Kundi, di ko na alam kung anong nangyari.'
Pinagpawisan ang mga palad ni Marvin.
Ito ay ang kaunting takot na nararamdaman niya.
Sa naganap na laban, kung titingnan sa panlabas, mukhang kontrolado ni Marvin ang buong laban. Pero alam niya mismo, kung gaanong kalaking banta si Black Jack na malapit nang maging isang 3rd rank.
Kung hindi sa galit na nadama niya nang makita niyang naliligo sa sariling dugo ang mga inosenteng elf, siguro'y hindi nagkaroon ng sapat na tapang si Marvin para harapin si Black Jack!
Halos maubos na ang mga itinatagong baraha ni Marvin, dahil sa tatlong magkakasunod na combo na ginawa ni Marvin. Gayunpaman halos hindi pa ito sumapat para mapabagsak si Black Jack.
Kung nagkamali man siya kahit isang beses sa tatlong combo na ito, siguradong si Marvin na ang dehado.
Para siyang naglalakad sa isang manipis na lubid.
Mabuto na lang naging matagumpay si Marvin. Gayunpaman, hindi tinatablan ng Fatal Hits si Black Jack. At nakabaon pa rin ang Kingfisher Jade sa batok nito, nakabaon ito sa kanyang spine¹!
Malaki na ang pinsala na ang nervous system nito. Makikita ito sa galaw ng kanyang mga kamay at paa. Gustohin man nitong tumayo ay hindi niya ito magawa.
Unti-unti nang bumababa ang mataas nitong HP.
Habang namamatay, hindi makaka-iwas ang sino man sa sakit, lalo pa't alam mong nalalapit ka nang pumanaw.
Dahan-dahang naglakad papunta sa likod ni Black Jack si Marvin, pero hindi pa rin ito gaanong lumalapit dito.
Nag-iingat siyang hindi makagawa ng kahit anong pagkakamali. Malay ba niya kung may itinatago pang huling alas ang taong ito. Hindi pa rin ito lalapit hangga't hindi pa ito tuluyang namamatay.
…
"Duwag!"
Sumuka ng kaunting dugo si Black Jack, mulat na mulat ang mga mata nitong nakatitig kay Marvin. "Papatayin kita…"
Hindi pa man tapos ang kanyang sinasabi, may narinig itong "Woosh!" Isang dart ang walang-awang ibinato sa kanya, na eksaktong tumama sa kanyang balikat!
Agad namang bumagsak sa lupa ang katawa nito at napaungol sa sakit.
Hawak ni Marvin ang ilang dart, at walang emosyon niyang pinaglaruan ang mga ito.
Hindi na siya nag-aksaya pa nang laway na tanungin si Black Jack kung bakit nito pinatay ang mga inosenteng elf. Alam na niya agad ang rason nito. Ito'y para lang maka-advance siya.
Sa sobrang walang sinusunod ang taong ito, malamang ay natanggal na rin siya sa Shadow Spider Order, at nawala sa kanya ang suporta ng mga 'to. At ang kinahinatnan, sa isang walang sinasantong grupo siya napunta.
Noon pa man ay naghahasik na ng kaguluhan ang mga Outlaw of the Crimson Road. Sa tuwing may kaguluhan sa Feinan, siguradong ang mga Outlaw of the Crimson Road ang may pakana nito.
Tumayo lang siya doon at walang awang tinitira ng dart si Black Jack!
Hindi naman ganoon kalalim ang sugat na natatamo sa dart pero masakit pa rin ito.
At pinunterya talaga ni Marvin ang mga hindi kritikal na bahagi ng katawan.
Di nagtagal, puno na ng mga dart ang katawan ni Black Jack!
Kung titingnan, nakakatakot ang sitwasyon niya ngayon. Nagkalat ang dugo. Mayroon pa nga itong dalawang dart sa kanyang pisngi.
Tila isang walang-awang berdugo si Marvin na tinatapos ang buhay ni Black Jack ng paunti-unti.
Ang mga ganitong klase ng tao… masyadong malaki ang kasalanan nito! Hindi bagay sa kanya ang isang mabilis na kamatayan!
Maikukumpara sa isang 3rd rank na class holder ang vitality ni Black Jack, kaya naman, dahil wala na itong kakayahang gumalaw, wala na itong magagawa kundi tiisin ang pagpapahirap na 'to!
"Pamilyar ka sa ganitong eksena, hindi ba?" Sa tingin ni Marvin ay paubos na ang HP ni Black Jack.
"Mukhang natuwa ka naman noong ikaw ang gumagawa nito sa brown bear." Dagdag pa ni Marvin.
"Sira ulo!" Sabi ni Black Jack sa isang mababang boses, "Hayop lang 'yon!"
"Eh ang mga elf na nakatira sa bayang 'yon? Ang mga wood elf na payapang namumuhay?" Seryosong tanong ni Marvin.
Kahit pa naipaghiganti na niya ang mga ito, hindi na muling mabubuhay pa ang mga elf na may mabuting kalooban. Noon pa man, ang paghihiganti ay napaghuhugutan ng lakas ngunit sa bandang huli, wala pa rin naman itong nagagawa.
Pero hindi pwedeng tumunganga na lang si Marvin.
Biglang ngumiti nang napakasama ni Black Jack.""May dugong elf ka ba? Kinantot ng elf ang nanay mo?! Kaya pala galit nag alit ka… Bastardo ka pala!"
"Aaah!" Naghihingalo na ito bago pa man nito matapos ang kanyang sinasabi. Biglang naging isang atungal na puno ng sakit ang kanyang pang-aasar.
Pumulupot sa kanya ang wisful rope, tinali ang kanyang leeg at isinabit sa isang kahoy na poste.
Tumingala ito at umubo ng napakalakas, pulang-pula ang mga mata nito.
Tiningnan nito si Marvin, kitang-kita ang pagkamuhi nito kay Marvin. "Pu… pu… pupunta ako sa …Underworld Plane… kapag namatay ako…"
"Ipaghihiganti ko ang sarili ko."
Biglang humigpit ang wishful rope. Hindi na ito at nagkulay ube na ang mukha nito!
Lumapit si Marvin sa tabi nito at bumulong, "Pasensya na, hindi mon a magagawa 'yon."
"Sa pagkakaalam ko, kapag sinunog ang katawan ng namatay, hindi na 'to makakapasok sa Underworld."
"Kaya naman, mukhang ito na ang huli nating pagkikita, Black Jack."
Kitang-kita ang takot sa mukha ni Black Jack!
Sinubukan nitong pumiglas na tila may gustong sabihin, pero hindi na ito tiningnan pa ni Marvin.
Diretso na niyang sinunog ang posting pinagsasabitan ni Black Jack.
Nilamon ng buo ng apoy si Black Jack. Agad namang pinakawalan ng wishful rope ang bangkay nito at bumalik kay Marvin.
Tuloy-tuloy lang ang paglagablab ng apoy.
Nairita ang ilong ni Marvin mula sa usok. Pinanuog ni Maving maging abo ang nasusunog na bangkay ni Black Jack. Makikita ang pagod sa reaksyon ni Marvin, saka desididong sinabi sa kanyang sariling:
'Kailangan ko pang lumakas!'
Isang napakagulong mundo ng Feinan! Isang mundong puno ng krisis. At kahit na pinoprotektahan ng Great Elven King ang Thousand Leaves Forest, nagawa pa rin makapasok at patayin ng isang Outlaw of the Crimson Road ang isang buong bayan ng mga elf.
Paano pa kaya ang White River Valley?
Ang isang pangkaraniwang ranger ay walang sapat na kakayahan at lakas para maipagtanggol niya ang kanyang mga nasasakupan.
'Pagkatapos ng Battle of the Holy Grail, Kailangan kong palakihin at payabungin ang White River Valley.'
'Pagkatapos kong putulin ang ugnayan namin sa River Shore City, sa Jewel Bay na lang kami pwedeng makipagkalakal ng pagkain.'
'Oras na para tanggaling ang barikada!'
Tahimik na pagpaplano ni Marvin.
Pero sa mga oras na ito, napakaraming anino ang papalapit sa bayan.
"Human! Nagawa mong pumatay ng mga elf sa loob ng Thousadn Leaves Forest?"
Ang mga Elven Iron Gurad.
Hindi bababa sa 20 na tao ang mga Elven Iron Gurad. Lahat sila'y may suot na matataas na kalibre ng armor. Bawat isa rin sa kanila ay hindi baba sa pagiging 2nd rank expert.
Isang 3rd rank na Magic Marksman ang kanilang pinuno!
Sa isang sulyap lang ay natantsa na ni Marvin kung gaano kalakas ang mga ito.
Galit nag alit ang mga gwardya. Kitang-kita ito sa mga kamay nitong nanginginig na may hawak na pana. Kadalasan, matatag ang mga kamay nito. Bihirang makita ang ganito.
Dahil ito sa pagpipigil ng nadarama nilang galit.
Ang Great Elven King mismo ang nagsanay sa mga Elven Iron Guard na sumunod sa utos ng nakakataas sa kanila. Wala silang gagawin hangga't walang sinasabi ang kanilang pinuno.
"Makasalanang tao, maniwala ka sa akin, higit sampung libong beses ang madarama mong sakit kumpara sa naranasan ng mga elf na 'to!"
Tinanggal ng kanilang pinuno ang maskara nito, at nakita ang mukha ng isang dalaga.
Isa itong napakagandang elf na puno ng galit ang mga mata. Pero ayon sa batas, ang mga tulad ni Marvin ay kailangan iharap mismo sa Great Elven King, at ito ang hahatol sa taong ito.
Kaya walang magawa ito kundi pigilan ang kanyang galit na nadarama. Kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili na hulihin si Marvin at iharap sa Great Elven King.
Nang biglang may mahinang boses na nagsalita mula sa isang sulok.
"Ollie, malaki man ang dibdib mo, maliit pa rin talaga ang utak mo…"
"Ang taong 'to, paanong siya ang magiging salarin? Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw ang piniling maging pinuno ng mga Elven Iron Guard ni Nicholas."
______________
TL 1 – Ang pinsala sa spine ay nagdudulot ng pagiging paralisado, at hindi agad-agad nagdudulot ng kamatayan.