Tulad ng kanyang inaasahan, ito na ang Book of Nalu!
Kahit na alam ni Marvin na nandito ito, masaya pa rin si Marvin na nakuha niya ang item na ito nang walang kaproble-problema.
Ang papel na ito ay ang ika-anim na pahina ng Book of Nalu.
Ang sino mang bumasa nito ay mabubuhay ang kanilang itinatagong potensyal.
Mukha mang maganda ito, pero hindi lang puro kagandahan ang hatid ng Book of Nalu.
Ito ay isang libro ng mga propesiya. Bago mamatay, isinulat ito God of Deception gamit ang kanyang buong divine power.
Dahil hindi ma-kontrol ang posisyon ng God of Fate at God of Fortune, limitado ang kakayahan ng maraming god na makita ang hinaharap. At ang God if Deception ay isa sa mga god na sinasabing sangkot sa river of Fate.
Sinasabing mababaliw ang sino mang makabasa ng buo sa Book of Nalu, kahit na ang mga god.
Hindi pa napapatunayan ang kwentong ito. Isa sa mga god na ipinanganak noong ikatlong era ay si Angola, ang [Berserk Lord] na isang makapangyarihang fighter. Palihim nitong binasa ng buo ang Book of Nalu!
Pagtapos nito, gumuho ang divinity nito at nawasak din ang Divine Kingdom nito!
Nakakatakot ang pangyayaring ito. Nasaksihan ng mga kalapit na god ang pagkawasak. Naging mga bulalakaw ang divine power ng Berserk Lord, at walang habas na sumalpok ito sa lahat ng bahagi ng multiverse!
Katumbas ng isang 6th circle spell ang bawat bulalakaw!
Nakatamo rin ng pinsala ang iilang god na malapit sa Divine Kingdom ng Berserk Lord. Wala silang magawa kundi piliting salagin ang pira-piraso ng mga divine power nito!
Samakatuwid, isa itong hindi inaasahang delubyo!
Dahil lang sa pagbabasa niya, nawala ang pinaghirapan nitong walang hanggang buhay at kapangyarihan.
Magmula noon, ipinagbawal na ang pagbabasa ng Book of Nalu sa mga god.
Maging 1st, 2nd, o 3rd generation pa ng mga sinaunang god, o ang mga bagong god na ipinanganak noong ikatlong era, dumistansya ang mga ito mula sa Book of Nalu.
Naranasan din ng Book of Nalu ang hagupit ng divine power ng Berserk Lord. Kaya naman nagkahiwa-hiwalay ang mga pahina nito na nagkalat sa buong Feinan.
Ang iba pa nga ay napunta sa Underworld.
Lumipas ang mga panahon at mukhang nalimutan na ng lahat ang tunkol dito.
Pero alam ni Marvin na maraming misteryosong organisasyon ang palihim na iniipon ang mga pahina ng Book of Nalu.
Katulad na lang ng [Dark Cavalry Monastery] na itinatag ng dark knight na si Cangore. Ang grupo ng mga taong ito na hindi namamatay ay sinusubukang ipunin ang lahatng pahina ng Book of Nalu.
Sinasabi na tanging isang sage ang tunay na makakaintindi sa nilalaman ng libro. Nasa loob nito ang sikreto tungkol sa pag-unlad at pagbagsak ng Feinan.
Makakakuha ng tunay na kapangyarihan ang sino mang makakapagbasa at makakaintindi ng nilalaman ng Book of Nalu.
…
Maraming pang ibang nilalaman ang libong ito na hindi alam ni Marvin.
Pero alam niya ang tungkol sa ika-anim na pahina, isang kapaki-pakinabang na item para kay Marvin.
Posibleng mabuhay ang potensyal ng sino mang bumasa nito. Subalit, kung hindi malakas ang kanilang will, maaring ang kasamaan sa kanilang kalooban ang mabuhay.
Ipinagmamalaki ni Marvin ang kanyang malakas na will. Samahan pa ng Headless girl's gift, malayong magkaproblema si Marvin sa isang will test.
Kaya naman nagdesisyon siyang basahin muna ito bago ibigay kay Hathaway.
Tulyang nang uminit muli ang katawan ni Marvin dahil sa apoy. Sinuot na niyang muli ang kanyang damit, huminga nang malalim, at binuksan ang papel.
May ilang imahe ng salita ang lumitaw sa harap ni Marvin.
Hindi siya pamilyar sa mga letrang ito.
Isang 3rd generation god ang God of Deception, tulad na lang ng Plague God, pareho itong gumagamit ng makalumang lenggwahe.
Pero isinulat ang Book of Nalu para basahin ng mga tao. Kaya kahit na hindi maintindihan ng mga nagbabasa ang mga letra, makakakuha pa rin ito ng iba't ibang uri ng misteryosong pagkakahulugan.
Iba-iba rin ang pamamaraan ng pagtanggap ng mga tao ng impormasyon.
Sa isang iglap, naramdaman ni Marvin na gumagalaw na parang uod ang mga imahe sa harap niya.
Isang malamig na pakiramdam ang lumabas mula sa scroll na hawak niya!
May mga bulong na umalingawngaw sa kanyang tenga na para bang bulong ng demonyo na inaakit siya.
May malaking anino ang lumitaw sa kanyang harap.
Nag-iiba nang nag-iiba ang hugis nito, hanggang sa maging isang larawan. Ang mga tao sa larawan ay nakasuot ng mga kagamitang may mataas na kalidad. Maayos na sinundan ng mga ito ang isang tao.
Mayroong banging sa harap ng mga ito.
Biglang natapos ang kakaibang eksena doon!
Dahil gamit ang kanyang will, nilabanan ni Marvin ang imahinasyong binubuo ng ng ika-anim na pahina ng Book of Nalu!
…
[You are reading the Book of Nalu (Page 6)]
[You entered the Deception Space…]
[Willpower check…]
[Willpower check successful]
[Your potential has been aroused. There seems to be a strange energy lying dormant in your bloodline.]
[You received an innate spell – Shadow Doppelganger]
Tiningnan ni Marvin ang bagong spell sa kanyang spell at agad na natuwa!
"Mayroon palang ganitong potensyal ang katawang 'to?'
Nong una'y kinukutya niya ang katawang ito dahil sa kawalan ng kwenta nito, kahit na mayroong "?" ang kalahati ng kanyang race. Akala niya'y mahihirapan siyang mailabas ang potensyal na ito.
Mula noong sinabi ng Anciet Elven God na isa siyang Numan, alam na niyang mayroong itinatago ang "?" na 'to.
Pero hindi lahat ng may dugong Numan ay nailalabas ang kanilang potensyal. May ilang paraang alam si Marvin para ma-activate ito, pero lahat ng ito ay mapanganib. Hindi na siya nangahas na subukan ang mga 'to.
Pero hindi niya inakalang mabubuhay ng ika-anim na pahina ng Book of Nalu ang potensyal na ito at ma-u-unlock ang isang bagay na may koneksyon sa pagiging Numan niya.
Nakatanggap siya ng isang mabalasik na innate spell – ang Shadow Doppleganger!
[Shadow Doppleganger]: Kung saan may araw paniguradong mayroong aninong nakakubli. Maaari mong gamitin ang mga anino para gumawa ng shadow doppleganger araw-araw. Duration: 3 minuto.
Nasa kalahati lang ng tunay na lakas ni Marvin ang tunay na lakas ng Shadow Doppleganger, pero taglay nito ang lahat ng skill niya bukod sa kanyang bloodline ability.
Lalong tumaas ang fighting strength ni Marvin dahil sa paglabas ng panibagong ability na ito!
Mabalasik ang burst power ng isang dual wielding ranger, at ngayon ay dinagdagan pa ng isang shadow doppleganger!
Kahit na may araw, hindi na nalalayo ang skill ni Marvin sa isang pang advanced class!
At sa gabi… kahit na hindi isya perpekto, malaki pa rin ang lamang nito sa kanyang mga kalaban!
Syempre, iilan lang itong magandang balita.
Ang pinakamahalaga, kaya nang mahulaan ni Marvin ang sarili niyang bloodline!
'Shadow Doppelganger… Shadow Doppelganger…'
'Ang skill na 'to. Kung ganoon, at kung hindi ako nagkakamalu, ang bloodline ng katawang ito ay isang espesyal na uri ng mga Numan…'
Maingat na itinabi ni Marvin ang pahina ng Book of Nalu habang inaalala ang ibang impormasyong may kaugnayan dito.
Isang Espesyal na uri, kakaiba ito kahit pa sa mga Numan. Mahihirapan siyang tuluyang i-activate ang pambihira niyang bloodline.
Kahit na sa dami ng karanasan ni Marvin, hindi niya alam kung paano ito gagawin. Lalo pa at napakamisteryoso ng mga Numan.
'… Saka ko na poproblemahin 'yon. Pero sa ngayon, sapat na ang lakas ko para sa Battle of the Holy Grail at iba pang mga kaganapan.'
'Mayroon pang 4 na buwan bago ang Great Calamity. May oras pa ako.'
Bigla niyang tinuon ang tingin sa isa pang bagay na nasa baul.
Isang human skin mask
Ang Mask of the Deveiver.
Isa itong magic item, pero mukhang may sira na ito dahil sa ilang taong pagkakababad sa tubig. Mukhang maaari pa itong magamit ng dalawa o tatlong beses.
Maaaring mabago ng skin mask na ito ang itsura ng gumagamit nito. Kapag sinuot mo ito, maaari kang maging sino mang gusto mo.
Dahil mayroon itong divine power ng God of Deception.
Maingat na itinabi na rin ni Marvin ang skin mask, pinatay ang apoy at saka ito naghandang umalis ng kweba.
Nang biglang may narinig siyang mahihinang yapak dahil sa kanyang perceptiom!
May ibang tao rito?
Agad na kinuha ni Marvin ang dalawang dagger. At tahimik na lumapit sa bunganga ng kweba!
Isang nilalang na malalim ang paghinga ang maririnig mula sa halaman na nasa tabi ng kweba.
'Walang kwenta…' panunuya ni Marvin.
Bigla itong tumalon palabas at agad na umatake gamit ang kanyang dagger. Biglang lumabas ang isang lalaki mula sa halaman.
"Ah!"
Isang namumutlang batang elf ang tumumba sa lapag!
"Ikaw?" Gulat na tanong ni Marvin.
Ang batang ito ay isa sa mga nakatira sa bayan na nakilala niya kanina. Nagtanong ito tungkol sa mga nagagawa ng isang adventurer. Kinwentuhan naman ito ni Marvin sa pag-aakalang makukuntentona ito.
Pero mas lalong naging interesado ang bata matapos makinig sa mga kwento.
"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahong tanong ni Marvin.
Tiningnan ng batang elf si Marvin at biglang tinanong, "Pwede ba akong sumama sayo?"
"Ayokong makulong sa bayan na 'to habang buhay. Narinig ko na malawak daw ang mundo."
"Gusto kong makita."