Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 95 - Treasure Hunt

Chapter 95 - Treasure Hunt

Habang papalapit ang bukang-liwayway, tuloy-tuloy na tumakbo si Marvin sa loob ng Thousand Leaves Forest.

Walang tigil siyang tumatakbo, dahil sa pass na hawak niya, pinapalampas lang siya ng mga Elven Iron Guard na nakakasalubong niya.

Dama niya ang pagdaloy ng lakas sa kanyang katawan matapos matanggap ang Night Monrach's blessing.

Muli na namang napalakas ang kanyang mga attribute, at nakatanggap pa siya ng isang attribute point dahil naabot na niya ang level 6. Hindi na nag-atubili si Marvin at agad na ginamit ito sa dexterity. Ito na ang path na pinili niya. Wala siyang balak gamitin ang mga libre attribute point sa kahit anong stat hanggang sa umabot sa 25 ang kanyang dexterity.

Napakalaki ng Thousand Leaves Forest, pero pakiramdam ni Marvin ay pamilyar siya sa mga lugar dito.

Maituturin na pinakamadaling mahanap na artifact, sa buong Feinan, ang pahina ng Book of Nalu kahit na sira pa ito. Wala itong panganib.

'Sa pagkakatanda ko, nasa dakong hilaga 'yon ng isang maliit na elven village. Mayroon ring talon banda roon.'

'Napakalamig noong ilog na nasa paanan ng talon. Ang mga mayroong lang +5 na cold resistance ang makakalusong doon.'

'Nasa ilog na 'yon ang Book of Nalu.'

Patungo na si Marvin sa lugar na pakay niya habang inaalala kung nasaan nakatago ang Book of Nalu.

Napakalawak talaga ng Thousand Leaves Forest, at kakaunti lang ang karatula sa maliit na bayan na 'yon. Imposibleng mahanap ang Book of Nalu kung wala kang impormasyon tungkol dito.

Kaya hindi na nakakapagtakang wala pang nakakahanap nito.

Unti-unting sumikat ang araw pero hindi naman sumama ang pakiramdam ni Marvin.

Pero ang kakaibang lakas nadama niya noong gabi ay unti-unti na rin nawala.

Mas malalakas talaga ang mga Night Walker tuwing gabi. Pansamantala niyang hindi magagamit ang mga skill na tulad ng Summon Night Crow.

Pero ang Eternal Night ay maaari pa ring magamit ng hindi hihigit sa tatlong beses kada araw.

'Malapit na siguro ako, magpapahinga muna ako.'

Tumigil si Marvin at naupo sa ilalim ng isang puno. Kumuha siya ng pagkain at tubig mula sa void conch para makabawi ng enerhiya.

Ginamit na rin niya ang pagkakataong ito para ilabas ang kanyang magic weapon.

Ang Blazing Fury.

Ang sandatang ito'y isang curved dagger na ginawa mismo ni Sean. Gawa ito sa pnaghalong mga uncommon metal at iba pang natatanging materyal. Eksakto lang rin ang pangalan ng magic weapon na ito dahil sa mga attribute nito.

Mayroong dalawang malalakas na spell ang curved dagger na ito!

Ang Arcane Missiles ay isang pangkaraniwang magic na magpapalabas ng ilang arcane missiles para atakihin ang kalaban, nakadepende ito sa intelligence level ng gumagamit.

Sa intelligence ni Marvin, makakapagpalabas lang siya ng 3-5 arcane missiles. Pero kahit na ganoon, malaking tulong pa rin ito.

Maaaring magamit ang spell ng tatlong beses sa isang araw.

At ang isa pa'y ang [Blazing Fury] na mas mabalasik. Isa itong 2nd circle spell!

At isang AoE spell pa!

Higit na mas malakas ito kumpara sa Hand of the Fire God. Kahit na siang beses sa isang araw lang ito pwedeng magamit, kuntento na si Marvin.

Mas nagpapasalamat siya dahil tugmang-tugma ang pagkakagawa nito kay Marvin!

Subalit, hindi ito maaaring laging gamitin ni Marvin dahil sa mga attribute nito. Kulang pa ang kanyang strength!

Nasa 15 ang pangkaraniwang strength requirement ng sandatang ito!

Pero nilagyan ito ni Sean ng maraming [Cloud Rock], isang uncommon at napakamahal na matryal. Sapilitang ibinababa nito ang strength requirement ng sandata sa 12, isang level kung saan maaari nang magamit ni Marvin ito.

Makikita ang pagiging masinsin ng matandang blacksmith.

Sa mga oras na 'yon lubusang naunawan ni Marvin na kailangan siya mismo ang gumawa ng sandatang sasakto sa kanyang pangangailangan.

Tutal wala namang ibang mas nakakakilala sa isang tao kundi ang sarili nito.

Noong una'y naisip niyang hindi na muling galawin ang kanyang blacksmith na class pag-alis nila ng Eternal Paradise.

Ngunit, napagtanto niyang pinaghirapan ito ni siya kaya naman unti-unting nagbago ang isip ni Marvin.

Siguro mayroong silbi at pakinabang naman pala ang blacksmith class na ito na higit pa sa inaakala ni Marvin.

Ang tanging inalala lang ni Marvin ay ang kanyang Two-Weapon Fighting, kailangan pareho ang laki at timbang ng dagger niya sa magkabilang kamay.

Kahit na mayroong Two-Weapon Fighting, bahagyang mas malakas ang kanang kamay ng isang tao kumpara sa kanyang kaliwa, kaya kung masyadong magkaiba ang dalawang sandata, maapektuhan ang pag-atake.

Pero natural lang namabigla ang tao sa paminsan-minsang pagbabago ng kanyang pagkumpas. Ang mahalaga pa rin ay matutunan kung paano ito gagamitin.

Pinag-isipan niya ito at nagpadesisyonang isasabit na lang niya ito sa kanyang baywang tulad ng Kingfisher Jade.

Sa ngayon, ang Fang na muna ang kanyang gagamitin. Tutal hindi naman ganoon kahirap para sa kanya ang pagpapalit ng dagger sa gitna ng laban.

Matapos niyang aralin ang kanyang sandata, ipinagpatuloy n ani Marvin ang kanyang paglalakbay. Di nagtagal nahanap na niya ang elven village sa kanyang alaala.

Nasa dakong kanluran ng Thousand Leaves Forest ang bayan na ito.

Nasa 200 na pure elves ang naninirahan dito.

Mayroong guard squad ang mga ito, ngunit hindi gaanong malakas ang mga ito. At ang pinakamalakas naman sa kanila ay sapilitang pinasali sa mga Elven Iron Gurad.

Ang sapilitang pagpapasali na 'to ay nagdudulot ng sama ng loob sa mga elves. Kahit pa para ito sa proteksyon ng Thousand Leaves Forest.

Kung di dahil sa lakas at karisma ng Great Elven King, maaaring lumala na ang sitwasyon at umabot na ito sa kaguluhan.

Nang pumasok si Marvin sa bayan, nasa isang dosenang taong may sapat na gulang lang ang kanyang napansin, karamihan sa mga naninirahan dito ay mga bata at matatanda.

Isa lang itong pangkaraniwang elven village.

Nasa liblib na lugar at tahimik silang namumuhay. Sa labas ng bayan ay mayroong malaking taniman ng mais at saging. Sapat nang pagkukunan ng pagkain ng mga wood elf.

Siguro dahil bihira lang makakita ng mga tao ang mga ito, walang takot siyang pinalibutan ng mga bata. Nanghingi ng kung ano-ano ang mga ito kay Marvin.

Natuwa naman si Marvin sa mga ito. Naglabas ito ng meryenda at pinaghati-hati niya sa mga ito. Ito'y mga pagkain ni Marvin na galing sa mundo ng mga tao, kaya naman hindi maaaring pumasok ang mga tulad nito sa Thousand Leaves Forest.

Kinuha lang ng mga bata ang mga bagay na interesado sila, at lalong pinalibutan si Marvin. Kaya naman hindi makausad si Marvin.

Maliligalig at maraming tanong sa mundo ang mga elf kapag bata pa ang mga ito. Unti-unti namang mawawala ang interes na ito habang tumatanda sila. Karamihan sa mga ito'y tatandang wala nang pakielam.

Bahagya namang na-alarma ang ibang matatanda, pero nang ipakita ni Marvin ang kanyang pass, huminahon na ang mga ito.

Kakaunting tao lang ang nakakakuha ng pass, at lahat sila'y malalapit na ka-alyado ng mga wood elf na hindi sila sasaktan.

Di nagtagal, naranasan ni Marvin ang isang mainit na pagtanggap, lalo nan ang ilabas niya sa void conch ang isang maliit na bagay mula sa River Shore City. Mumurahon lang ito pero para sa mga nilalang na nasa liblib na luar gaya ng mga elf, lalo na ang mga bata, kamangha-mangha ito.

Panandaliang namalagi si Marvin sa bayan, at tinatanong ang hepe ng bayan patungkol sa northern waterfall.

At tulad ng inaasahan, itunuri ng matanda kung nasaan mismo ang talon.

"Totoy, kahit na napakaganda ng talon na 'yon, napakalamig naman ng ilalim nito. Wag na wag kang lulusong sa ilog kahit anong mangyari."

Tumango si Marvin. Matapos pasalamatan ang matandang elf, nahirapan siyang makawala sa mga bata saka ito mag-isang tumungo pa-hilaga.

Paglipas ng tatlumpung minute, nahanap na niya ang talon. At di nagtagal, naramdaman niya na ang malamig na hanging nagmumula sa ilog na nasa harap niya.

Dahil sa lamig nito, walang ni isang damo ang tumutubo sa paligid nito.

Lumapit si Marvin sa tubig, at lalo pa nga niyang naramdaman ang malamig na hanging nagmumula rito.

'Buti na lang handa ako.'

Tumingin-tingin siya para makita kung may nakakakita. Saka niya inilabas ang isang bote ng isang kulay asul na gamot at ininom ito!

[Short Cold Resistance Potion]!

Nagbibigay ito ng panandaliang +8 na cold resistance sa kanyang stat. Nakakamangha man ang epekto nito, tatlong minuto lang ito tumatagal!

Ito ang bagay na hiningi ni Marvin kay Hathaway. Dahil sa tingin ni Hathaway na makakatulong ito, ibinigay niya ito kay Marvin bilang paunang bayad.

Sa katunayan, napakahalaga ng potion na ito. Kahit na hindi ito kasing halaga ng Dragon Strength, may kamahalan pa rin ito sa merkado.

Pagkatapos inumin ito ni Marvin, agad-agad na itong tumalon sa tubig!

Mahusay ang kanyang swimming skill, at kahit na malalim ang ilog, kahit papaano'y may ideya siya kung nasaan mismo ang kanyang hinahanap. Kalaunan, pagkatapos ng dalawang pagtatangka, nakuha na niya ang baul na nakadikit sa putik.

"Krash!"

Basang-basa at nanginginig si Marvin, Umahon siya mula sa tubig habang hawak-hawak ang isang maliit na baul.

Hindi naman dahil tumaas ang kanyang cold resistance ay hindi na siya makakaramdam ng lamig, ibig-sabihin lang nito ay hindi siya maninigas.

Mabuti na lang may maliit na yungib malapit sa talon. Pumasok si Marvin, hinubad ang kanyang mga damit at nagsindi ng apoy.

Pagkatapos magpainit, binuksan niya ang baul. Marupok na ang kandado nito dahil sa katandaan nito, kaya naman sapat na ang isang hila para mabuksan ito.

May isang papel sa loob kasama ng isang human skin mask!

Related Books

Popular novel hashtag