Paglipas ng tatlong minuto, nakuha na ni Marvin ang gusto niya.
Namumula pa rin ang mukha ni Kate.
Kahit na nakapagdamit na uli siya, pakiramdam pa rin niya ay may mali.
Parang isa si Marvin sa mga manlolokong manyak na sinasabi sa kanya ng kanyang kapatid…
Ito ang iniisip ni Kate.
…
May hawak na alambre si Marvin.
Smulyap siya kay Kate at pinandilatan siya nito ng mata habang tinatakpan ang kanyang dibdib.
Pilit na ngumiti si Marvin at agad na naging abala.
Alam niyang mayroong suporta sa bandang dibdib ng one-piece skirt na suot nito, at mayroong lamang alambre ang suportang ito. Nakakatulong ito sa paghulma ng katawan ng babae.
Ang alambreng ito ang gagamitin ni Marvin para makatakas.
Kayang masungkit ang kandadong gawa sa kahoy ng jail tree gamit ang alambre.
Isa itong sikretong wala pang nakaka-alam sa ngayon.
Dahan-dahang ipinasok ni Marvin ang alambre sa kandado at inikot-ikot ito ng ilang beses.
Hindi nito kailangan ang Lockpick skill. Walang silbi ito dahil hindi naman magical lock ang kandado kung gawa ito sa kahoy.
Pero mayroong itong isang kakaibang katangian, at 'yon ay madali itong matutuyo kapag nadikitan ng bakal. Kaya naman kinakapkapan ng mga Elven Iron Guard ang mga nahuhuli nila bago ikulong dito.
Imposbleng magkaroon ng kahit ano mang bakal ang sino mang papasok dito.
Pero hindi pamilyar ang mga elf sa one-piece skirt na ito. Ang damit na ito'y nagsisimula pa lang pumatok sa timog-kanluran. Isang espesyal na uri ng manlalaro lang, tulad ni Marvin, ang makaka-alam nito.
Dahil sa alambre, biglang natuyo ang kahoy na kandado.
Kaya madaling nakatakas ang dalawa!
Sa mga oras na ito, tahimik ang jail tree forest, walang Elven Iron Guard na makikita!
Normal na lang ito.
Dahil masyadong malaki ang kumpiyansa ng mga elf sa kulungan nila. Tunay naman ito dahil kakaunti lang ang nakakatakas dito. Masyadong mahirap makalabas dito.
Ang ilang bilanggo sa kalapit na kulungan ang nakakita kay Marvin at Kate, nagulat ang mga ito at kinawayan ang mga ito.
Nagdadalawang-isip si Kate, habang nanuod lang sa tabi si Marvin.
Wala siyang balak pakawalan ang mga taong 'to.
"Bilisan mo at kunin mo na ang mga gamit mo, tatakas na tayo." Pagmamadaling sabi ni Marvin.
"Baka biglang bumalik ang mga Elven Iron Guard."
Kaya pinangunahan na niya ito at pumunta sa batong platform para makuha ang kanyang mga gamit.
Kinuyom ni Kate ang kanyang ngipin at saka nito kinuha ang kanyang mga gamit.
Hindi na nanatili ang dalawa at hindi na rin nila pinansin ang ibang nakakulong, na pilit na tinatawag ang pansin ng dalawa.
…
Matagumpay ang pagtakas!
Nakahinga ng maluwag si Marvin pagdating sa hangganan ng kagubatan.
Sa kabuoan, kahit ang mga Elven Iron Guard ay mahihirapang habulin ang isang bilanggo kapag nakatakas na ito at nakapasok na sa Thousand Leaves Forest.
Biglang kinalabit ni Kate si Marvin, namumula.
Nagulat si Marvin, "Ano 'yon?"
Kinagat nito ang kanyang labi at sinabing, "Ibalik mo yung alambre."
Biglang naalala ni Marvin na hawak pa rin niya ang alambre…
.
Nakadikit ito sa katawan nito kaya hindi magandang hawak pa rin niya ito.
Dalawang beses siyang umubo saka binalik ito.
Itinabi n ani Kate ang alambre at mas napanatag. Hindi niya mapigilang magtanong, "Bakit ang dami mong nalalaman?"
Parehong dahilan pa rin ang ginamit ni Marvin, "Wizard ang lolo ko…"
"Maraming may lolo na wizard, pero hindi nila alam na may alambre ang mga damit naming. Hindi rin nila alam na nakakapagbukas ang bakal ng mga kandadong gawa sa kahoy," Sagot ni Kate. "Para ka ngang yung mga sinungaling na lalaking sinasabi sa akin ni ate."
'Ano?'
'Pagsisinungaling ba 'to?' Isip-isip ni Marvin. Gayunpaman, hindi naman niya pwedeng ipaalam sa babaeng ito na nag-transmigrate siya, hindi ba?
"Pero, gusto pa rin kitang pasalamatan."
Bahagyang nag-atubili si Kate. "Dalawang beses mo akong tinulungan, kaya babawi ako sayo. Kaso nga lang wala na akong pera sa ngayon."
"Hindi ko naman kailangan ng pera." Tiningnan ni Marvin si Kate.
Bago siya pumasok ng Thousand Leaves Forest, hindi niya inaakalang makikilala niya ang isa sa tatlong Fate Sisters.
Kung di dahil sa inggit ng mga god, ituturing pa rin na anak ng tadhana ang tatlong babaeng ito.
Kung pwede lang niya itong kaibiganin, bago pa man magsabwatan ang mga inggiterang god, malaking tulong ito.
"Malaki ang respeto ko sa lakas ng isang Sorcerer at interesado rin ako tungkol dito," magalang na sabi ni Marvin. "Kung may pagkakataon, gusto ko sanang matuto sa inyo ng mga kapatid mo."
Biglang nahiya si Kate. "Pero hindi ko pa kontrolado ang kapangyarihan ko."
"Sabi ni ate kung mahahanap ko ang Amethyst Rock, 'yun lang ang makakapigil sa berserk stage. Kaya nga gusto kong mahanap 'yon para hindi ma-kontrol ko na ang kapangyarihan ko."
"Pero hindi ko pa nahahanap ito kaya hindi ko pa maipapakita ang lakas ko."
Amethyst Rock?
Ganoon pala?
Nagulat si Marvin.
Wala siyang masyadong alam tungkol sa mga Sorcerer. Ang mga Sorcerer sa laro ay hindi kailangan dumaan sa berserk stage, kaya hindi niya rin alam kung paao ito malalampasan.
'Kailangan ng Amethyst Rock para malampasan ang berserk stage ng isang Srocerer?'
'Pero hindi ito pangkaraniwan at tumutubo lang ito sa iilang lugar, isa na ang Thousand leaves Forest doon.' Bigla itong pumasok sa isip ni Marvin.
"Pero kung interesado ka, pwede kong sabihin kay ate na ipakita sayo," dagdag pa ni Kate.
"Napakalakas ng ate ko. Hindi siya matatapatan kahit ng isang dragon."
Tumango si Marvin.
Alam niya ang tungkol sa Fate Sorcerer na kasing sikat ng mga Valkyries. Pero kung ikukumpara sa kanyang mga kapatid, mas maikli ang pasensya nito.
Isa siyang mabagsik na babaeng kayang talunin ang isang black dragon gamit lang ang kanyang mga kamay!
'Isa na siyang Legend, tama ba? Matapos itaboy ang mga Sorcerer, hindi na nila kayang magtulungan at naging mas mahirap ang kanilang pag-unlad.'
Dahil rin ito sa pagsulpot ng napakalakas na Queen, kaya nagawa nilang makuha ang Rocky Mountain Country.
Pero masyado pang maaga para pumunta ng Rocky Mountain. Mas mabuting magsimula muna ang pag-unlad ng White River Valley. Saka na niya iintindihin ang pagbuo ng relasyon sa pwersa ng mga Sorcerer.
…
Nag-usap pa ang dalawa at dahil sa suhestyon ni Marvin, nagsimula na silang maglakad papasok pa sa Thousand Leaves Forest.
May ilang lugar pang naaalala si Marvin sa Thousand Leaves Forest na maaaring pinaroroonan ng Amethyst Rock.
Hindi pa naman niya alam kung nasaan ang matandang si Sean at hindi naman niya mahahanap ang puntod ng Night Monarch. Wala rin naman siyang gagawin sa lugar na ito, kaya mas mabuti nang tulungan niya ang nagmamadaling si Kate at makipagkaibigan sa isang taong magiging Fate Sorcerer sa hinaharap.
"Wag kang mag-alala, nakakalat ang karamihan sa karamihan ng mga Iron Elven Guard sa hangganan ng Thousand Leave Forest."
"Pero mayroon ring kaunti sa bandang gitna. Hindi naman na siguro tayo makakasalubong ng kahit isa sa kanila," ito ang sinigurado ni Marvin kay Kate habang naglalakad.
Tumango lang si Kate.
Pero hindi pa man ito tapos tumango, bigla itong nanigas!
Dahil hindi mabilang na anino ang makikitang papalapit mula sa di kalayuan!
"Puta!"
Sa pagkakataong ito, hindi na rin napigilan ni Marvin ang magmura!
Paanong nangyari yun?
Dalawang magkasunod na beses nilang nakasalubong ang mga Elven Iron Guard?
"Bilis, itago mo yung alambre!" Pagmamadali niyang sinabi kay Kate.
Imposbile ang makipaglaban. Hindi nila kakayanin ang mga ito!
Pero nagtataka rin ito. Ganoon ba sila ka-malas na dalawang grupo ng Elven Iron Guard ang magkasunod nilang makakaharap sa loob lang ng isang gabi?
Sa sobrang laki ng Thousand Leaves Forest, nasa 1/10000 lang ang posibilidad na makasalubong sila ng magkasunod.
"Itago saan?" Hindi na alam ni Kate ang gagawin.
Walang makakapantay sa bilis ng mga Elven Iron Guard sa loob ng Thousand Leaves Forest. Sadyang hindi masasabayan ng kung sino man ang mga ito dahil may basbas ang mga ito ng Great Elven King.
Imposible ang pagkatakas!
"Basta itago mo kahit saan!" Nag-aalala na ng kaunti si Marvin.
Nabubwisit siyang hindi niya matulungan si Kate na itago ang alambre!
Magiging mahirap na ang pagtakas sa kulungan kung walang ang alambreng 'yon!
Pero masyadong mabilis ang paglapit ng mga Elven Iron Gurad at wala ng oras si Kate para itago ang alambre.
"Hindi ako pwedeng makulong uli!" Pagmamatigas na sabi ng babae.
Ibinato niya ang alambre at muling kumislap ang dalawang kulay be niyang mga mata.
'Pucha! Hindi niya ma-kokontrol ang sarili niya.' Halong mangiyak-ngiyak na si Marvin.
Tila isang bomba ang babaeng ito na maaaring sumabok ano mang oras!
Kung sisimulan man niya ang pag-cast, maapektuhan ang dulo ng ThousandLEaves Forest! Kung ayaw niyang matamaan ng magic nito, kailangan niyang manatili at tumayo sa tabi nito!
Tatablan naman siguro ang mga Elven Iron Guards na 'to ng magic ni Kate!
Mamamatay sila at walang matitira kahit bangkay!
Kapag nangyari 'yon, mismong ang Great Elven King na ang tutugis at papatay sa kanila…
Hindi ito lubos maisip ni Marvin!
…
Pero biglang umalingawngaw ang isang pamilyar na boses, "Neng wag kang masyadong kabahan."
"Pasensya na at nadamay ka pa. Gusto ko lang talagang subukin ang aking apprentice."
"Humihingi ako sa iyo ng pasensya. Kaibigan ko ang mga wood elves, hindi nila kayo pahihirapan."
Biglang nagbago ang mukha ni Marvin, nang biglang lumitaw ang anino ng matandang blacksmith kasama ng mga elf, nakangiti ito at masayang tinitingnan siya.
Nanigas si Kate at tiningnan si Marvin.
Namumula na si Marvin sa galit. Pinaglalaruan lang pala siya ng matandang ito!
Gusto lang nito makahanap ng dahilan para palayuin siya at hayaang mahuli siya ng mga Elven Iron Gurad para makita kung makakatakas siya!
At idagdag pa, na kanina pa siya nag-aalala para sa matanda.
Nang makita ang galit na reaksyon ni Marvin, agad na lumapit si Sean at taimtim na sinabi, "Sinisigurado ko sayong ito na ang huling pagsubok."
"Pumasa ka. Isa ka na sa mga Night Walker. Susunod na ang seremonyas para sa advancement mo!"
"At para sayo namang neng, pasensya na kung natakot kita. Pag-aralan mo kung paano i-kontrol ang emosyon mo."
"Para makabawi, iniimbitahan kita para mapanuod ang seremonya para kay Marvin. Matatanggap mo rin ang Night Monarch's blessing"