Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 83 - Killing With a Borrowed Knife

Chapter 83 - Killing With a Borrowed Knife

Makipot ang eskinitang ito na may gusali sa magkabilang gilid.

Walang pwedeng mapagtaguan, kaya naman tamang-tama lang ang lugar na ito para sa isang archer.

Hindi makikita ang buwan kaya naman wala nang makita sa eskinita dahil sa sobrang dilim. Buti na lang mayroong Darksight si Marvin!

Kitang-kita niya ang isang taong nakatayo sa taas ng bubong sa di kalayuan, at sinusubukan nitong tamaan si Marvin ng pana!

Isang babaeng archer.

At sa dulo naman ng eskinita, may isa pang taong lumitaw.

Nagulat si Marvin nang makita ang itsura nito!

'Siya ang barman na pinatulog niya!

Ang taong nagbigay ng impormasyon tungkol sa tatlong miyembro ng Marcus Thieves Society.

'Naiintindihan ko na…'

'Ginagamit niya ang ibang tao para pumatay para sa kanya.'

Kinilabutan si Marvin habang iniisip ito.

Hindi niya inaasahang malilinlang siya ng ganito, lalo pa at naging maingat siya.

Ibang-iba na ang barman na 'to kumpara sa batang pinatulog niya kanina. May nag-iba sa presensya nito.

Nagpalit ito ng damit at may suot na siyang battle gear. Ranger din ito at may hawak na dalawang dagger tulad ni Marvin.

Ayun nga lang… isang 2nd rank ranger ang taong ito!

Ayon sa Inspect, base class Ranger lang ito pero level 7 ito!

'Isang 2nd rank class holder… na may kasamang archer…'

'Teka! Dalawang tao…'

Bigla siyang may naisip at di mapigilang magsalita, "Ikaw si Wolf?"

Pumadyak ito ng ilang beses saka ngumiti, "Matalino ka ah."

"Mukhang may pakinabang ka naman pala. Nagawa mong dispatyahin ang tatlo kong tauhan."

"Mabilis mo ring nahulaan kung sino ako. Mahusay kang kalaban."

Totoo ba 'to?

Nanlumo si Marvin.

Tiningnan niya ang archer at sinabing, 'At siya si Kitten.'

Dalawang tao na lang ang natitira sa Marcus Thieves Society.

At sabay itong nagpakita kay Marvin!

Delikado ang sitwasyon niya.

"Bakit mo hinayaang mamatay ang mga tauhan mo? Hindi ba mga kasamahan mo sila?"

Naipit na sa sitwasyon si Marvin. Sinubukan niyang pahabain ang usapan.

Malaking problema ang archer. Kapag tumira ito, manganganib ang buhay niya.

Idagdag pa na nasa harap niya lang si Wolf. Isang level 7 ranger ang taong ito. Kahit hindi pa siya nag-a-advance, makakaya pa rin nitong talunin si Marvin.

Sa Feinan, maraming adventurer ang hindi nakakahanap ng angkop na advanced class para sa kanila. Ang iba ay kulang sa pera, ang iba naman hindi makahanap ng magtuturo sa kanila. Kaya naman karamihan sa kanila, ang base class na lang ang pinagtutuunan nila ng pansin. Pwede ring maabot ng 2nd rank ang mga base class, pero kapag umabot na sila ng level 10, kailangan na nilang mag-advance kung gusto pa nilang umusad.

Si Wolf ay isa sa mga hindi nakahanap ng paraan para mag-advance kaya pinalakas na lang niya ang kanyang base class.

Kahit na mas balanse ang mga base class, kayang tapatan nito ang mga advance class kung ang palakasan lang ang usapan.

Kaya naman kailangan n ani Marvin mag-advance.

Hindi mapigilang ngumiti ni Wolf habang sinasagot ang tanong ni Marvin, "Malamang kasamahan ko sila, magiging ganoon ba ka-detalyado ang impormasyon kung hindi?"

"Nagpapasalamat ako sa pagpatay mo sa kanila. Pinag-iisipan ko na talaga kung paano sila didispatyahin. Hindi naman pwedeng ako mismo ang gagawa."

"Ilang taon ko rin silang nakatrabaho kaya nagdadalawang-isip ako kung ako ba mismo ang gagawa."

Halos masuka si Marvin habang pinapakinggan ang hipokritong si Wolf.

Pucha, nagdalawang-isip? Anong pinagkaiba non sa pag pagpapasa sa iba?!

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit mo sila pinatay?" Mahinahong tanong ni Marvin.

Nagkibit balikat lang si Wolf. "Katatapos lang naming ng isang napakalaking misyon."

"Kaya pala," Mabilis na tugon ni Marvin. "Gusto mong solohin ang lahat ng nakuha niyo."

"Dalawa naman kami kaya, hindi naman matatawag na pag-sosolo 'yon," Natatawang sagot ni Wolf.

Pakiramdam niya alam na niya kung ano ang kahahantungan nito.

Pero base sa sitwasyon, parang ganoon na nga ang mangyayari. Mas mataas ng dalawang level si Wolf at mayroon pang archer na nakahandang panain siya. Madali lang siyang mapapatay ng mga ito kapag nagkaroon sila ng pagkakataon.

"Wag ka nang makipagdaldalan!"

"Tapusin mo na siya para maka-alis na tayo ngayon gabi! Magpapakalayo tayo!" Sigaw ng archer na nasa bugong.

'Mag-asawang thief pala ang dalawang ito, kaya pala tinraydor nila ang tatlo nilang kasama!' Biglang naintindihan ni Marvin ang nangyayari.

Habang tumatama ang liwanag sa kanyang mga dagger, napabuntong hininga si Wolf at sinabing, "Wala na kong magagawa, marahas na babae ang napakasalan ko."

"Gustuhin ko mang makipagkwentuhan pa sayo, oras na ng trabaho."

"Dahil tinulungan mo kong patayin sila, papatayin kita nang may dignidad. Susubukan kong hindi pira-pirasuhin ang katawan mo, ayos ba 'yon?"

Hindi pa ito tapos magsalita nang bigla na itong sumugod.

Hindi nagtangkang tumakas si Marvin!

Alam niyang wala rin siyang pupuntahan kapag sinubukan niya ito.

Nakakaramdam siya ng mga bagay sa likod niya dahil sa kanyang perception. Kanina pa nakatutok ang pana ng archer sa kanya.

Kapag umatras siya, madali na lang siyang hulihin, lalo siyang malalagot!

Wala siyang magagawa kundi ang lumaban!

Kaya naman, hawak ang kanyang mga dagger, sumugod na rin si Marvin.

Blade Technique – Rapids!

Isang detalyado at perpektong blade technique ang ginamit ni Marvin sa ilalim ng buwan. Mas eksakto ang bawat kilos ni Marvin. Sa una, tila patas lang sina Marvin at Wolf!

Nagulat si Wolf.

Kita naman na lamang ang kanyang level at siguradong mas mataas ang kanyang weapon mastery. Pero, perpekto ang blade technique ng kanyang kalaban. Hindi makapasok ang mga atake ni Wolf sa depensa ni Marvin!

Hindi makapaniwala si Wolf sa nangyayari.

Pero dahil ito sa strength na pinaghirapang pataasin ni Marvin!

Tunay na mas mataas ang level ni Wolf, pero pareho lang ang weapon mastery ng dalawa, at mayroong pang mga blade technique si Marvin!

Tuloy-tuloy ang pagsasalubong ng mga dagger nina Marvin at Wolf. Bawat atake ay may nakakabulag na bilis, maririnig rin sa buong eskinita ang tunog ng mga ito.

'Ganito lang din pala kalakas si Wolf!'

Kahit paano'y napanatag ang loob ni Marvin.

Kahit na isang 2nd rank class holder ang kalaban nya, hindi pa ito nakaka-advance kaya wala pa rin itong mga bonus attribute ng mga advanced class.

Ang dalawang level nito ay para lang iilang skill points at isang attribute point ang nilamang sa kanya. At di hamak na mas malakas ang killing skill ni Marvin kumpara kay Wolf!

Kaya siyang talunin ni Marvin sa isang dwelo, sa loob ng tatlong minuto.

Pero hindi ito isang dwelo. Mayroong archer sa likuran niya.

Hindi pa pwedeng ibuhos ni Marvin ang lahat.

Kailangan pa rin niyang bigyang pansin ang pan ani Kitten.

Hindi niya maituon ng buo ang atensyon kay Wolf, kaya nauwi ito sa tablang laban!

'Pucha, kapag humaba pa 'to, siguradong matatalo ako!' Mabilis ang tibok ng puso ni Marvin.

Dahil hindi niya kakayanin ang mahabang laban dahil sa kanyang stamina!

Malaki na ang nabawa sa kanyang stamina dahil sa sunod-sunod niyang pagpatay sa tatlo kanina. Masyadong mabigat para kay Marvin ang labang dalawa laban sa isa lalo pa at long range class ang isa sa mga ito!

Kailangan niyang maka-isip ng paraan!

"Bang!"

Nang magsalubong uli ang kanilang mga dagger, biglang may napansin si Wolf at agad na umatras.

"Whoosh!"

Tumira si Kitten!

Gumulong si Marvin, muntik na siyang tamaan ng palaso! Pero sa pagkakataong ito, mas malapit nang tamaan si Marvin kesa sa nauna.

Biglang tumawa si Wolf ng napakalakas, itinaas nito ang kanyang dagger at sinubukang pugutan ng uli si Marvin!

Hindi makaporma ng maayos si Marvin dahil sa pag-iwas niya kanina. Kaya itinaas din niya ang kanyang mga daggers para salagin ito!

Pero bigla niyang hinagis ang dagger sa kanang kamay at mabilis na nag-chant!

Vine Metamorphosis!

Biglang naging baging ang kamay nito at pinuluputan ang kanang pa ani Wolf.

Hindi ito inaasahan ni Wolf na may ganitong taktika si Marvin!

Sobrang bihira ang mga ranger spell!

Lalong-lalo na sa katimugan kung saan hindi gaanong aktibo ang mga druid!

Nasindak si Wolf dahil sa Vine Metamorphosis. Sinamantala na ito ni Marvin para itumba sa lupa si Wolf.

Huminga siya ng malalim at itinaas ang kaliwang kamay, saka biglang sumaksak pababa!

Pero kalahati lang ang naibaon niya dahil kinailangan niya muling umilag!

"Woosh!"

Tumira uli siya!

Hindi na nagawang iwasan ni Marvin atake. Bumaon sa kanyang balikat ang ulo ng palaso.

Nakaramdam ng kaunting sakit si Marvin!

"Pucha!" Sigaw niya. Hindi na ito nagdalawang isip at nilaslas na ang leeg ni Wolf!

Nagdadalamhating sumigaw ang archer at nagpakawala ng napakaraming palaso!

Tila umuulan na ng palaso!