Malapit nang magsimula ang huling yugto ng Battle of the Holy Grail ng Magore Academy.
Sa pagkakataong ito, napakaraming mga taong mula sa mga komunidada na katabi ng Three Ring Towers ang dumalo.
Kung sabagay, sumabay ito sa pagrereshistro ng mga bagong estudyante, kaya naman maraming southern noble ang pansamantalang namamalagi sa lugar. At kumalat na rin ang kwento tungkol sa pagpatay ni Marvin ng apprentice sa Magore Academy pati na ang nangyari sa Arbitration Hall.
Kaya nang mabalitaan ng mga ito na si Marvin ang magiging follower para kay Wayne, biglang naging interesado ang marami.
Ngayon lang narinig ng karamihan sa mga ito ang White River Valley. Nagmula pala ang magkapatid na ito sa isang maliit na probinsya.
Taliwas ito sa inaasahan ng karamihan.
Kaya naman lalo silang naging interesado. Lalo pang nabalot ng misterio si Marvin dahil sa biglaang pagpapakita ng Dame na si Hathaway.
Mukhang may ibubuga rin naman pala ang pinanggalingan ng baron.
At ang kanilang kalaban, ang Master White ng Unicorn clan, ay walang naging kahit anong problema para makapasok sa huling qualifying round.
Karamihan ng mga tao, iniisip na si White na ang magwawagi.
Dahil kung tutuusin, ang paligsahang ito'y sa pagitan ng mga wizard, wala namang masyadong magagawa ang isang Marvin.
Kahit na ang nakababatang kapatid nito na si Wayne ay talentado, hindi pa rin ito gaanong nakakabawi ng lakas dahil sa curse. Halos wala pa itong casting ability.
Siguradong walang gaanong lakas ito sa kanilang laban, at baka maging pabigat pa ito.
Kaya napukaw ang atensyon ng tao dahil sa pagpupumilit ni Marvin na makilahok.
Gayunpaman, pumunta lang ang karamihan para maglibang.
Gusto nilang makita si Baron Marvin na kahit kadarating pa lang sa Three Ring Towers, ay agad na naging tampulan ng pansin ng lahat dahil sa paulit-ulit nitong panggugulat sa mga tao. Gustong nilang makita kung ano pa ang kayang gawin ng batang ito!
Kaya naman sa araw ng paligsahan, napuno ng tao ang ikatlong practice field ng Ashes Tower.
…
"Eto ang plano niyo? Isa laban sa dalawa?"
Sa silid ng mga kalahok, nag-aalalang tinitingnan ni Hanzer si Marvin matapos marinig ang plano nito.
Hindi na ito nag-alala kay Wayne dahil base sa plano ni Marvin, hindi na kailangan pang lumabas ni Wayne sa entablado.
Kahit na sinabi niyang lalaban siya bilang follower ni Wayne, wala siyang balak na palabasin ang kapatid niyang nagpapagaling pa.
Kaya mag-isa siyang lalaban ngayon.
Alam niyang kaya niya.
Kung isang normal na lugar ito gaganapin, malamang ay mahihirapan si Marvin. Pero dahil sa gubat ito, mataas ang kumpiyansa ni Marvin.
Level 5 na Ranger, na mayroong karanasan ng isang Ruler of the Night. Sapat na siguro ito para turuan ng leksyon ang dalawang 1st rank class holder, kahit na ang isa dito ay wizard – ang pinakamalakas na class.
"Level 5 wizard si White, at ang kanyang follower ay isang level 5 guardian. Hindi ka makakalapit sa kanila!"
Napailing si Hanzer. "Kahit na kumplikado ang kapaligiran, siguradong pinaghandaan ito ni White at naghanda ng mga detection type na mga spell para tapatan rogue class mo."
"Mag-aabang ako ng tamang pagkakataon."
Alam din ni Marvin na mahirap labanan ang isang handing wizard at guardian.
Para bang tumapat ako sa isang malaking kalasag na may malaking kanyon. Mahirap tapatan.
Pero paano nga naman niya malalaman kung hindi niya susubukan?
…
Pagkalipas ng sampung minuto, nagsimula ang kompetisyon. Sa hudyat ng isang staff, naglakad na papasok si Marvin.
Naiwan si Wayne. Kitang-kitang nag-aalala ito pero malaki pa rin ang tiwala nito kay Marvin.
Kailangan niyang magtiwala sa kanyang nakatatandang kapatid lalo pa't malakas ang loob nito.
Tanging magagawa na lang daw niya, ayon sa kanyang kapatid, ay bilisan ang pagpapagaling.
Kapag naipanalo ni Marvin ang labang ito, kailangan niyang maging isandaang pursyento ang lakas niya para sa susunod na Battle of the Holy Grail. Nang sa gayon, makakaya niyang labanan ang mga malalakas niyang kalaban mula sa dalawa pang academy.
Lalo pa at ang Battle of the Holy Grail ay sa snow mountain, hindi tulad ngayon na gubat na pabor kay Marvin.
…
Naglakad na si Marvin sa contestant path at pumasok sa pinto.
Nasa harapan niya ang isang malawak at nakakubling gubat.
Mayroong isang sheepskin scroll sa itaas ng isang batong nasa harap niya.
Ang mga patakaran ng labang ito ay nakasulat sa scroll.
Simple lang ang mga ito. Magsisimula ang dalawang magkalaban sa magkabilang panig, sa hilaga at timog. Isang ginintuang Holy Grail ang inilagay sa gitna ng gubat. Mahahanap ito gamit ang isang mapa.
Para manalo, kailangan mol ang makuha ang Holy Grail at umabot sa set location.
At ito ay sa dulo ng gubat sa dakong kanluran.
Pareho silang mayroong scroll na mayroong mapa ng gubat. Ang pulang tuldok sa mapa ang kinalaglagyan ng Holy Grail.
Sa oras na may kumuha ng Holy Grail at ginalaw ito, makikita rin ito sa mapa ng iyong kalaban.
'Mukhang mas malapit ako …'
'Hindi naman mabilis ang running speed ng ma guardian. Kahit na magmadali pa siya, hindi niya ako mapapantayan. Ganoon din ang wizard. Alam naman siguro nila 'yon.'
"Kaya siguradong hindi na nila tatangkain kunin ang Holy Grail mismo at mag-aabang na lang sila sa set location," mahinahong pag-susuri ni Marvin.
Maayos naman ang planong ito. Tutal, ranger naman si Marvin kaya mabilis siyang gumalaw sa kagubatan.
Pero kung maghihintay sila sa set location, mahihirapan siyang kalabanin ang dalawang tao habang bitbit ang Holy Grail.
Kailangan niyang mailagay ito sa isang ligtas na lugar.
'Bahala na, kukunin ko na muna ang Holy Grail, saka ko na isipin ang iba pagkatapos.'
Hindi na nag-atubili si Marvin at agad tinago ang scroll at pinuntahan ang lugar kung nasaan ang Holy Grail.
…
"Sigrado akong mas mabilis siya kesa sa atin."
"Ayon sa impormasyon, isang level 5 ranger ang kalaban natin. Baka maghiwalay ang dalawa. Ang ranger ang kukuha ng Holy Grail habang si Wayne ang pupunta sa set location."
Bumubulong-bulong si White habang tinitingnan ang scroll.
Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa kanyang likuran. Nakasuot ito ng full body armor, at may hawak na malaking kalasag.
Isa itong level 5 na guardian. Walang masyadong malakas na atake pero malakas ang depensa nito. Kadalasang sinasabing mga guardian ang mortal na kaaway ng mga rogue.
Baliw lang ang isang thief na susubok na malusutan ang depensa ng isang guardian!
Kahit na ang mabalasik na atake ng isang ranger ay hindi ito kakayanin.
Kahit nga siguro ang atake ng mga curved dagger ni Marvin ay hindi masisira ang armor nito.
"Pupunta na tayo sa set location at doon natin sila aabangan!" Mariing utos ni White.
Agad niyang ginamitan ng haste ang kanyang sarili at guardian at mabilis na tumungo pa-kanluran.
…
May aninong tuloy-tuloy ang pagkilos sa gubat.
Komportableng-komportable si Marvin sa kagubatan. Tumaas rin ng bahagya ang kanyang perception. At kahit na mababa lang ang itinaas nito, dama pa rin ni Marvin na mas nagiging alisto siya.
Sa gubat na ito, dalawang tao lang ang kalaban.
Marami pa rin namang mga halimaw pero karamihan sa mga ito'y mga 1st rank lang.
Dahil sa kanyang mga ranger ability, madali niya lang maiiwasan ang mga ito.
Tatlong halimaw ang kanyang naiwasan na mayroong lakas na kapareho ng kanya. Hindi niya ito magagawa sa snow mountain!
'Malapit na ako sa Holy Grail.'
Paglagpas niya sa isang pine tree, isang malawak na espasyo pala ang nasa harapan niya.
Isang platform na gawa sa bato ang nasa gitna ng malawak na espasyong ito.
Tiningnan mabuti ni Marvin ang kapaligiran. Wala naman siyang nakitang kahit anong patibong.
'Mukhang walang paparating mula sa kabilang dulo.'
'Pumunta nga ata talaga sila ng diretso sa set location para abangan ako.'
Kinuha ni Marvin ang Holy Grail at inilagay sa kanyang lalagyan. Kulay ginto ang basong ito at halos kasing laki ng isang batingaw.
Ngumiti ito habang tinitingnan ang kanyang kapaligiran.
'Nag-aabang ng pagkakataon?'
'Tingnan natin kung sino ang may mas mahabang pasensya.'
Biglang pumasok sa isip ni Marvin ang isang mapangahas na plano!
…
"Gumagalaw na ho ang Holy Grail, Sir!"
"Mabilis ito pero mukhang mauuna naman tayong makarating sa set location," ulat ng guardian.
"Mabuti naman, bilisan pa natin!" tugon ni White.
Ilang sandal lang, biglang sumigaw ang guardian na nakabantay sa mapa, "Sir, sandal lang!"
"Tumigil ito sa paggalaw!"
"Ano?" Gulat na tanong ni White. Pinaghatian nila ang trabaho. Palagi itong gumagamit ng detection spell. Mabuti na lang at nagdala ito ng sapat na detection item.
Ang guardian ang nagbabantay sa mapa.
"Tingnan niyo." Sabay turo ng guardian sa mapa. "Bigla siyang tumigil."
"At base sa mapa, malapit lang siya sa atin!"
'Ha?' Naguguluhan si White.
Masama ang kutob niya.
Hindi naman siguro alam ni Marvin kung nasaan sila.
Kung ganito na sila kalapit ay pagkakataon na nila ito!
"Baka nagpapahinga siya."
"Kahit na, pupuntahan natin siya!"
Pagmamatigas na sabi ni White.