Nagmula ang Battle of the Holy Grail mula sa isang makasaysayang kwento.
Laganap noon ang kaguluhan sa Feinan. Dahil nagkalat sa iba't ibang rehiyon ang magic power, at naging gahaman naman sa kapangyarihan ang mga tao dahil sa chaos magic. Handa silang magpatayan para lang makuha ang kapangyarihang ito.
Punong-puno ng kaguluhan ang mundong ito.
Hanggang sa dumating ang Wizard God na si Lance. Gumawa siya ng isang Holy Grail na hihigop ng lahat ng magic power sa mundo.
Sa loob lang ng isang libong taon, nahigop na ni Lance ang lahat ng bahagi ng [Source of Magic] na nagkalat sa iba't ibang rehiyon ng Feinan at nilikha ang Universe Magic Pool.
Itinago niya ang Holy Grail sa kaibuturan ng Universe Magic Pool. Dahil kung sino man ang may hawak ng Holy Grail, mapapasakanya ang Source of Magic ng Feinan at maghahari sa buong mundo!
Marami na ang sumubok na mapasakanila ang Holy Grail. Sinubukan na ng mga itong pumasok sa Universe Magic Pool pero wala silang napala.
Hanggang sa maging isang kwento na lang ang Holy Grail. Isang simbolo ng tunay na lakas at kapangyarihan ng mga wizard.
Sa Three Ring Towers, ang Battle of the Holy Grail ay sumisimbolo ng pagtutulungan at kompetisyon sa pagitan ng tatlong wizard towers.
Nahahati sa dalawa ang Batte of the Holy Grail: Ang pinakamahuhusay na apprentice ng mga Academy at ang pinakamahuhusay na 2nd rank na mga wizard.
Makakakuha ng isa enchanted item ang mananalo, isang enchanted Holy Grail.
Walang hangganan ang kayang gawin ng enchanted Holy Grail. Isa itong napakalakas na Magic Item at bunga ng galing at husay ng mga wizard craftsmen.
Nangyayari lang ang Battle for the Holy Grail kada limang taon, kaya na tamang-tama ang tiyempo nito.
Hindi naging madali na makapasok si Wayne sa huling yugto ng apprentice selection.
Ayaw ni Marvin na matapos na lang doon ang pinaghirapan ng kanyang kapatid. Lalo pa't matagal na rin nitong gustong makuha ang enchanted Holy Grail.
Malaki ang pakinabang ng bagay na ito.
Kaya naman nagdesisyon siyang gamitin ang follower spot na mayroon si Wayne para sumali mismo sa kompetisyon.
Tutol ang lahat sa desisyong ito.
Pero wala silang magagawa.
Hindi nagpapatinag si Marvin at nagpapakita ng kakaibang lakas. Kaya naman pumayag na rin sa huli si Hanzer.
Gulat na gulat ang matandang butler. Dahil isang ordinaryong noble lang si Marvin noong umalis ito ng White River Valley.
Ngayon ay kaya na nitong lumahok sa isang labanan.
'Ano kayang nangyari kay Master Marvin!'
Halos hindi na rin makapag-intay si Wayne.
Noon pa man ay malaki na ang tiwala nito kay Marvin. Dahil sinabi na ng kanyang nakatatandang kapatid na tutulungan siya nito sa kompetisyon, handa na siyang lumahok muli!
'Sabi ni kuya kaya niyang maipanalo 'to, kaya siguradong mananalo kami.'
Kaso nga lang…
"Ayos lang ba sa iyong tawaging follower? Kuya?" Tanong ni Wayne.
"Walang problema 'yon sa akin." Umiling si Marvin. "Basta manalo tayo, wala akong pakielam sa maliit na bagay tulad non."
"Buti naman." Napangiti si Wayne na nakahiga pa rin para makabawi ng kaunting lakas.
"Basta sa ngayon, magpahinga ka muna."
"Makinig ka kay Sir Hanzer. Bukas makakakuha na tayo ng abiso tungkol sa qualifying rounf. Maghintay na lang muna tayo," Ika ni Marvin.
…
Sa isa pang kwarto sa dorm ng MAgor Academy.
"Bakit biglang nagpakita si Dame Hathaway at tumestigo pa para kay Marvin??"
"Nagkataon lang ba 'to? O plinano nila para pabagsakin ang pamilya ko? Aling clan ang may kagagawan nito?"
"Muklang malabong pinlano 'to, dahil walang sino man ang nakakaintindi sa pag-iisip ng isang legendary wizard. Baka nga nagkataon lang."
Hindi mapakali si White na paikot-ikot na naglalakad sa kanyang kwarto.
Pagkatapos ng paglilitis, lahat ng miyembro ng Unicorn family na nagtatrabaho sa Ashes Tower ay nakakuha ng babala mula mismo kay Hathaway.
Ahes Tower ito, teritoryo ni Hathaway, hindi headquarters ng Unicorn clan!
Para naman sa kaawa-awang judge, kinuha na siya matapos siyang gawing baboy.
Shapeshifting spell ng isang Half-Legend Wizard… Walang nakaka-alam kung gaano katagal ang epekto nito.
Pero bahala na.
Basta ang isang mahalagang nangyari sa kaganapang ito, dismayado kay White ang mga nakatataas na miyembro ng kanilang clan sa kanya.
Nagpadala pa ng liham ang kanyang ama para pagalitan siya!
Ikalabing-tatlo lang siya sa hanay ng mga tagapagmana ng kanilang clan! Kahit na maraming tagapagmana, angat siya kumpara sa iba. Naabot na niya ang rurok ng 1st rank wizard sa edad na 13 taong gulang. Kung walang aberyang maganap, kaya na nitong maabot ang 2nd rank sa susunod na tag-init.
Subalit, hindi siya maaaring magpadalos-dalos sa paggawa ng mga bagay dahil sa clan na kinabibilangan niya. Nakasama tuloy ang ginawa nito sa mga benepisyong ibinibigay sa kanila ng Three Ring Towers.
Nakatuon ang lahat ng galit ni Hathaway sa buong pamilya.
Labis na ikinalungkot ni White ito!
Paano umabot sa ganito ito?
Hindi kaya siya na talaga ang mortal na kaaway ko?
"Sir, wag po kayong mag-alala," sabi ng lalaking naka-itim. "Sa pagkaka-alam ko, kahit na natanggal na sa kanya ang curse, hindi pa nakakabawi ang katawan nito."
"Siguradong hindi siya makakalahok sa kompetisyon."
"Sir, kailangan na nating maghanda para sa Battle of the Holy Grail."
Natigilian si White at dahan-dahang tumango, "Tama ka, kailangan nating huminahon."
"Siguro nagpadala ng mga tao si Hathaway para manmanan tayo."
"Hindi man nasunod ng husto ang plano ko, nakuha ko pa rin ang gusto ko."
…
Noong sumunod na araw.
Dala na ni Hanzer ang abiso tungkol sa huling yugto ng selection tournament.
"Forest zone?"
"Seryoso ba 'to?"
Nagulat at napangiti si Marvin habang binabasa ang abiso.
Hindi rin makapaniwala si Hanzer. "Laging sa snow mountain ginaganap ang Battle of the Holy Grail."
"Kaya naman nakakapaghanda pa ang lahat bago ang mismong kompetisyon… Pero sa pagkakataong ito, mukhang iniutos ng mga nakakataas na ilipat ito sa gubat…"
Nakakataas?
Tiningnan ni Hanzer at Wayne si Marvin. Mas ikinagulat ito ni Marvin.
Sino pa ang mas nakakataas sa Magore Academy, kundi ang Half-Legend na si Dame Hathaway.
Siya ang nakaisip nito?
Tiningnan ni Hanzer si Marvin ng may paghihinala. "Mister Marvin, si Wayne ang paborito kong estudyante. Hindi mo na kailangan itago sa akin ang mga bagay-bagay."
"Kung mayroon kang koneksyon sa mga nakatataas… Mas maiintindihan ko ang nangyayari."
Ngumiti ng pilit si Marvin; Hindi lang ito basta-basta sinabi ni Hanzer.
Ranger si Marvin. Kakayanin naman niya sa snow pero sa gubat, para lang siyang isdang nasa tubig nito.
Matapos silang mag-rehistro kahapon, bigla na lang inilipat sa kagubatan ang pagdadausan ng kompetisyon. Kaya lalong mas naghinala ang mga tao kay Marvin.
Kaya ngayon, usap-usapan na ng ilang guro ng Magore Academy ang tunay na relasyon ni Marvin at Hathaway.
Pakiramdam nila'y masyado nilang minaliit ang baron ng White River Valley. Malapit pala ang lalaking ito sa Master ng Ashes Tower.
At ang katibayan?
Ang pagtatanggol nito kay Marvin sa Arbitration Hall, at sapilitang pagbali sa batas para lang matulungan si Marvin. Hindi pa ba sapat?
Walang nasabi si Marvin.
Hindi naman kasi talaga siya malapit kay Hathaway. Kahit na nabalitaan na niya ang tungkol sa kanya dahil sa ilang quest, tanging ang mga katangian lang nito ang alam niya.
Medyo kakaiba siya, pero galit siya sa kasamaan. Tulad ni Anthony, isa siya sa iilang wizard na nangangalaga sa mga tao.
'Hindi naman talaga niya babaliin ang mga batas para lang sa akin, hindi ba?'
'Anong ibig sabihin nito?'
Bahagya siyang nag-alala.
Gayunpaman, magandang balita para sa magkapatid na sa gubat na gaganapin ang kompetisyon.
Sa loob ng dalawang araw, marami sigurong tao ang manunuod sa magaganap na kumpetisyon.
…
"Ano? Kasali talaga sila?"
Tiningnan ni White ang dokumentong nasa kanyang mga kamay at halos mapatalon sa kanyang nabasa!
Bukod pa rito, hindi na ito magaganap sa snow mountain, sa halip, sa forest area na.
Ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng ito?
Walang makapagsabi sa kung ano ang iniisip ng Dame.
"Hindi na mahalaga 'yon." Makikita ang bagsik sa mukha ni White. "Nabalitaan kong ang kapatid niya ang papalit sa dati nitong follower sa kompetisyon."
"Lalaban sila pareho kaya kailangan ko lang silang patayin!"
"Sir, kailangan niyo pa ring maging maingat at handa. May kutob akong maraming itinatago ang Baron Marvin na 'yon." Sabi ng lalaking naka-itim.
"Isang paslit na mayroong dalawang curved dagger, wala naman na ata siyang kayang gawin bukod dun?"
Ngumisi si White, "Mga wizard ang namamayagpag sa mundong ito."
…
Sa pinakamataas na palapag ng Ashes Tower.
Isang babae ang nakahiga sa sofa.
Isang loro ang lumipad papasok at dumapo sa maputing binti nito.
"Nakahanda na ba ang lahat?" Pabulong na tanong ni Hathaway.
"Naipadala na po ang mga abiso. Sa forest are, bukas makalawa."
"Hindi ko alam kung bakit mo biglang ipinabago ito."
"Dahil ba nalaman ng batang 'yon kung sino ka?"
Nag-inat si Hathaway, makikita ang mala-porselanang balat sa kanyang pantulog.
Pinitik nito ang kanyang daliri, na tila nababagot, at biglang naging isang batang babae.
"Hindi pa ba sapat 'yon?"
"Nakakatuwa ang batang 'yon na si Marvin. At sigurado akong magiging isang magaling na wizard naman ang kapatid nito."
"Pero si Marvin, magiging isang Legend!"
"Matagal nang walang ganitong kaganapan. Umaasa akong may ibubuga pa ang Marvin na 'yon. Mahirap kalabanin ang isang wizard at guardian sa gubat."
1- A/N – Kung interesado pa kayo sa Wizard God na si Lance, maaari niyong basahin ang "Headshot Wizard"
T/N - wala pa atang nakakapagtranslate nito pero heto, "爆头巫师"
T/N – Guardian (shield-bearer) ay iba sa Guardian Knight (Church's protectors). Pinauunlakan ang mga suhestyon ng class name.