Sa kaloob-looban ng Thousand Leaves Forest, sa isang burol na mayroong maliit na lambak sa tuktok na puno ng mga oak at locust tree.
Sa paanan ng burol ay puno ng talahib at damo. May tatlong taong nakatayo sa harap ng burol, tinitingnan ang isang maliit na lapida sa damuhan.
Walang nakalagay sa lapida, walang nakaka-alaam na 'yon pala ang libingan ng Night Monarch na pinagpala ang mga tao ng napakahabang panahon, mula pa noong unang panahon.
"May crypt sa ilalim nito."
"Headquarters ng mga Night Walker ang lugar na 'yon. Sa mga kritikal na panahon lang naming maaaring gamitin ang crypt na 'to."
"Maganda ang relasyon naming sa mga Elf ng Thousand Leaves Forest, lalong-lalo na sa Great Elven King na si Nicholas. Isa siya sa mga sumasamba sa Night Monarch at patuloy na pinangangalagaan ang organisasyon ng mga Night Walker."
Tumayo sa tabi ni Marvin si Sean at binigyan ito ng dalawang tiles na kahoy.
Ito ay pass para sa Thousand Leaves Forest. Tanging mga ka-alyansa lang ng mga wood elf ang maaaring magkaroon nito. Kapag mayroon ka nito, bukod sa hindi ka gagambalain ng mga Elven Iron Gurad, aalukin pa kayong tulungan ng mga ito.
Matagal nang magkaibigan ang organisasyon ng mga Night Walker at mga wood Elf. Hindi ito inaasahan ni Marvin.
Kanina pa lang ay naramdaman niya nang mayroong mali, pero hindi niya inakalang sinusubok lang pala siya ni Sean.
Suminghal lang si Marvin, kinuha niya ang tiles at ibinigay ang isa kay Kate.
Ito ang kapalit na pinangako sa kanya ni Sean.
Tahimik na tiningnan ng babae ang puntod na nasa kanyang harapan at tinanong, "Isang god ba ang Night Monarch?"
Umiling ito na may seryosong reaksyon sa mukha. "Hindi."
"Mas nakatataas na nilalang pa ang Night Monarch kumpara sa mga gods. Hindi niya kailangan ng paniniwala natin. Patuloy niyang pinagpapala ang mga nilalang na takot mamatay mula pa noong Eternal Night.
"Wala siyang hinihiling o hinihinging kapalit."
Tumango lang si Kate at hindi na nagsalita pa. Makikita ang respeto sa mga mata nito habang tinitingnan ang lapida.
Pinakamasaklap ang buhay ng mga sorcerer bago ang Great Calamity. Mula pagkabata ay nararamdaman na ito ni Kate.
Ipinagtabuyan sila ng mga wizard. Mula sa isang masaganang lupain, itunulak sila papalayo sa hangganan nito. Mas malupit pa ang mga panatiko ng mga wizard, dahil nais ng mga itong puksain sila. Naniniwala silang galing sa demonya ang kapangyarihan ng mga sorcerer. Ignorante ang mga ito pagdating sa ganutong bagay
At hindi rin pinagpapala ng mga god ang mga sorcerer. Grupo ito ng mga taong inabandona.
Kaya normal lang na masama ang tingin ng mga sorecerer sa mga god.
Pero malinaw na ibang-iba ang Night Monarch sa mga aroganteng god. Pinagpapala nito ang lahat ng nabubuhay na nilalang. Kasama na dito ang mga sorerer na walang sino man ang sumusuporta.
Kaya naman malaki ang paggalang niya sa isang makapangyarihang nilalang na pumanaw na.
…
"Simulan na natin," Ika ni Sean.
"Kailangan nating matapos ang pagbibinyag bago magbukang-liwayway."
Tumango si Marvin na tila hindi na makapghintay.
Sa mga utos ni Sean, mabilis na lumuhod si Marvin sa harap ng lapida ng Night Monarch.
Taimtim nitong tinanggal ang alikabok sa lapida gamit ang kanyang kanang kamay.
Pumunta sa likuran niya si Sean. Lumuhod rin ito at nagsimulang bumulong.
Anzed na lenggwahe ang gamit niya.
Isa sa mga pinakamatatandang lenggwahe sa mundong ito!
Ilang bahagi lang nito ang naiintindihan ni Marvin. Tinatawag nito ang kaluluwa ng Night Monarch.
Naniniwala ang mga Anzed na kapag namatay ang mga mahahalagang tao, hindi pupunta ito sa langit o sa impyerno, sa halip, gumagala ang kaluluwa nito sa mundo ng mga tao.
At kapag tinawag sila ng kanilang kamag-anak o ng mga tagapagmana ng kanilang adhikain, muling lilitaw ang kaluluwa ng mga Sage na 'to.
Lalong hindi na maintindihan ang mga binubulong ni Sean, pero tila may pwersang naglalakbay sa pagitan ng oras at kalawan!
Narinig niya itong sabihin na:
"Monarch ng Eternal Night at walang hanggang oras at kalawakan, muli mong tuparin ang iyong pangako."
"Ibinigay mo sa akin ang night crown, at sa mga walang alinlangang namuno sa mga Night Walker."
"Binigyan mo ko ng night eyes, para makita ang mga misterio ng Fate."
"Binigyan mo ko ng blessing of strength, para ipagpatuloy ang pagpapasa ng dark bird totem."
"Matanda na ako at mahina na, kailangan nang ipasa ang sulo."
Tumigil ito at tiningnan si Marvin, nagpapahiwatig ito na oras na para siya naman ang magsalit."
"Monarch ng Eternal Night sa walang hanggang oras at kalawakan, muli mong tuparin ang iyong pangako."
"Ipagkaloob mo sa akin ang night crown, at sa mga walang alinlangang namuno sa mga Night Walker."
"Kapag dumating ang Eternal Night, lagi't laging mayroong apoy na nagliliyab sa Feinan."
Mahirap bigkasin ang bahaging ito ng Anzed language, pero sa tulong ni Sean, nagawa itong basahin at bigkasin ng Marvin ng maayos!
Tila mayroong pares ng mata ang dumidilat mula sa dilim
Naramdaman ni Marvin na may kakaibang presensyang nakatingin sa kanya.
Sa kaninang walang nakasulat na lapida, isang kulay berdeng apoy ang nagsimulang lumiyab. Mula sa malayo mukha itong will-o'-the-wisp.
Kumalat ang berdeng apoy mula sa kanang kamay ni Marvin hanggang sa buong katawan nito.
Makikita ang tuwa sa mat ani Sean!
Muling nagparamdam ang Night Monarch!
Kinilala na si Marvin ng Night Monarch at opisyal na nagsimula na ang pagbibinyag.
Ang berdeng apoy ang natitirang will ng Night Monarch sa Mundong ito, matapos niyang mamatay.
Sasailalim si Marvin sa pagbabago!
…
Kaunting init lang ang naramdaman ni Marvin noong mga oras na 'yon.
Hindi siya napaso o nasakatan sa berdeng apoy, sa halip lalo siyang nagin komportable.
Isang log window ang biglang lumabas:
[Gumamit ng 10000 experience (battle/general) para maka-advance sa 2nd rank class – Night Walker]
Agad na ginawa ito ni Marvin!
Tutal kaya naman siya nagpakahirap ay para maging isang makapangyarihang Night Walker.
Pero hindi niya inaasahan na ganito karaming experience ang kakailanganin!
4800 exp ang kailanagn para mapataas sa level 6 ang kanyang Ranger class.
Habang kailangan ng 10000 na exp ang kailangan para maging isang level 1 na Night Walker!
Mabuti na lang at sapat ang naipon niyang experience para dito!
Mayroong siyang 7000 general exp at 5553 exp sa ngayon, sapat na ito para napakalaking experience requirement.
Pareho lang ang battle exp at general exp, parehong ito ang pinakamataas na uri ng exp, kaya maaring gamitin ang kahit alin dito. Kaya naman pinili niyang gamiting ang 7000 general exp at 3000 na battle exp.
Sa mga sumunod na sandal, nagsimula nang pumasok sa katawan ni Marvin ang kulay berdeng apoy.
Nakaramdam si Marvin ng pambihirang lakas na dumadaloy sa kanya.
Tuloy-tuloy ang paglabas ng mga log!
[You received the baptism of the Night Monarch (Soul Remains of a Sage)]
[Baptism completed, you received a new class – Night Walker]
[Night Walker level is currently 1]
[You received a class specialty – Nocturnal]
[Your body has been transformed by the advancement, Dexterity +1, Perception +1, HP +50]
[You received 60 Class Skill Points for (Night Walker)]
[Your class skill list has been updated…]
[You received the blessings of the Night Monarch (bonus)...]
…
Napakaraming mensahe ang sunod-sunod na lumabas at halos hindi na makakita si Marvin.
Unti-unti namang nawala ang berdeng apoy. Huminga ng malalim si Marvin matapos maramdaman na nawala na ang presensya ng mga mata.
'Sa wakas, nakapag-advance na!'
[Nocturnal Kill], isang hidden specialty, ay hindi lumabas. Alam ni Marvin na lalabas ito sa oras na sapat na ang bilang ng mga taong napatay niya kapag gabi.
At ang class specialty [Nocturnal] ay isa sa kilalang specialty ng mga Night Walker.
[Nocturnal]: Lahat ng attributes +10% sa night, at walang pagbabago sa araw.
'Ano?'
'Walang pagbabago sa araw? Hindi ba mayroong 20% penalty sa tuwing may araw sa laro?'
Nalaman ni Marvin na medyo iba sa naalala niya ang specialty ng Night Walker sa laro.
Pero mas mabuting mas malakas ang mga Night Walker sa tunay na buhay kumpara sa laro.
Walang penalty kahit sa araw, may bonus sa gabi, tunay na nakakamangha!
Ang pagkakaroon pa lang ng +10% sa lahat ng attribute ay kakaiba na. Halos katumbas na nito ang isang magandang bote ng gamit. At mayroon pang [Nocturnal Kill], isang mas malakas na specialty.
Sobrang tataas ang fighting strength ni Marvin tuwing gabi!
Nagbago rin ang skill list ni Marvin noong siya'y nag-advance.
Bukod sa mga Ranger skill, nagkaroon din siya ng maraming Night Walker skill.
Level 1 pa lang siya sa ngayon, kaya mayroon lang siyang 5 o 6 na skill. At bawat isa dito ay makapangyarihan.
Saglit na nagdalawang-isip si Marvin kung gagamitin ba niya ang 50 sa 60 na sp niya para lang sa isang skill!
[Eternal Night (50)]: Maaari kang lumikha ng hindi tunay na gabi sa loob ng maikling oras sa tuwing may araw.
Isa itong napakalakas na PK skill!
Mas matindi pa kesa sa [Cloak of Darkness ng mga Fighter].
Gumagawa ng itim na hamog ang Cloak of Darkness ng maikling oras. Kaya naman nakakasagabal ito sa paningin ng kanyang kalaban. Pero dala ng Eternal Night ang tunay na dilim ng gabi
Tinutukoy ng dami ng skill point ang lawak nito at kung gaano katagal eepekto.
Sapat na ang 50 SP para gumawa ng pekeng gabi na 10 metro ang sakop sa loob ng 10 segundo.
Ito'y sapat na para kay Marvin para makagamit ng isang makalaks na combo.
Ang natitirang 10 points ay gagamitin na niya sa isang mas praktikal na skill, ang [Summon Night Crow].
Kayang tumawag ng skill na 'to ng isang Nigh Crow sa gabi para gamitin sa reconnaissance. 3 minuto ang tinatagal ng base duration nito, at tatas ng isang minuto ito sa bawat skill point na idadagdag rito.
Sa madaling salita, maaaring tumagal ang Night Crow ni Marvin ng 13 minuto.
Habang masayang-masaya si Marvin sa kanyang advancement, biglang napasigaw ang babaeng nasa tabi.
Isang maliit na apoy ang bumabalot sa kanya.