Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 78 - Book of Nalu

Chapter 78 - Book of Nalu

Tahimik lang si Marvin.

Anong ang ibig sabihin ng aninong 'yon?

Malinaw na sa kanya.

Ang Shadow Prince!

Isa ito sa mga aktibong god sa panahon ng Great Calamity, nagkalat ang mga avatar niya sa buong Feinan. May isang beses na sabay-sabay niyang pinatay ang tatlong legend!

Isa itong god na puno ng inggit at makitid ang utak. Mga assassin at ilang shadow wizard ang mga sumasamba sa kanya.

Pero kung mayroong lumitaw na legend sa dalawang class na 'yon, hindi siyang magdadalawang isip at papatayin niya ito.

"Sapat na ang isang assassin sa mundong ito,"'yan ang pinakasikat niyang kasabihan.

Kilala siyang ni Marvin; isa itong duwag. Mahilig lang itong magkubli at magtago. Pero napakalakas nito.

Kung gusto ni Marvin na maabot ang pagiging Ruler of the Night, hindi makakapayag ang Shadow Prince dito. Sa katunayan, hindi na mabilang ni Marvin kung ilang beses na niya itong nakalaban sa laro.

Tatlong beses namatay si Marvin habang isang beses lang namatay ang Shadow Prince.

Pero dahil manlalaro lang si Marvin, Mayroong siyang "Golden Generation" identity. Paulit-ulit siyang nabubuhay muli. Habang isa lang ang buhay ng Shadow Prince, kaya naman si Marvin pa rin ang nagtagumpay sa bandang huli.

Ang resulta, nawala na ang Shadow Prince at umabot na ng Godhood si Marvin.

Pero ang lahat ng ito'y nangyari sa nakalipas nyang buhay!!

Ang nakita nila sa bolang kristal ay noong napatay ni Marvin ang Shadow Prince at kinuha ang Book of Nalu mula sa bangkay nito.

Hindi alam ni Marvin kung paano at bakit nakikita ni Hathaway ang pangyayaring 'yon.

Tulirong-tuliro siya sa nagaganap.

"Gusto mong patayin ko siya?" Nag-aalangang tanong ni Marvin.

Sa ngayon, walang binatbat si Marvin sa Shadow Prince. Kayang-kaya nitong talunin si Marvin gamit ang mga daliri lang nito.

"Sa tingin mo ba, kaya mo?"

"Hindi mahuli-huli ng lahat ng Legend ng Feinan ang lalaking 'to. Pero ikaw, isang ranger na ni hindi pa umaabot sa 2nd rank class, ay nagawang patayin siya?" pang-aasar na tanong ni Hathaway.

"Kung ganoon, bakit mo ipinakita 'to sa akin?" Tugon ni Marvin.

"Kailangan kong makuha mo 'to." Itinuro ni Hathaway ang scroll na hawak ni Marvin sa bolang kristal.

"The Book of Nalu."

Kilala rin ito bilang "Book of Deception, isang librong isinulat ng God of Deception na si Nalu bago siya mamatay.

Bawat isang tao'y maaring may mapulot na aral sa librong ito, mabuti man o masama. Depende na lang sa swerte ng taong 'yon.

Isang god artifact ang bagay na ito!

"Hindi ko alam kung nasaan ngayon ang libro, pero malinaw na wala ito sa Shadwo Prince."

Kuminang ang mga mat ani Hathaway, "Sa nakita ko, mukhang mayroon kang espesyal na koneksyon sa librong ito. Mahahanap mo naman siguro 'to."

"Kaya mo ba?"

Saglit na nagdalawang-isip si Marvin, saka ito tumango.

"Pero isang pahina lang. Ang pinaroroonan lang ng isang pahina ng Book of Nalu ang nakita ko sa panaginip ko. Nakabaon ito sa isang lugar na malapit lang dito."

Pinili ni Marving pangatawanan na lang ang pagiging isang "Seer"

Dahil sa tingin ni Hathaway ay magkatlad sila, wala namang masama kung gagamitin niya ang pag-aakalang ito. Alam naman talaga niya kung nasaan ang ika-anim na pahina ng Book of Nalu.

Malaki ang magiging pakinabang nito kapag naibigay niya ito sa isang future legend.

"Bibigyan kita ng tatong buwan," ika ni Hathaway. "Kailangan kong maabot ang pagiging legendary bago mangyari ang Calamity."

"Matutulungan ako ng Book of Nalu para magawa 'yon, kahit pa isang pahina lang ito."

"Anong gusto mong kapalit?"

Binitawan ng witch ang bolang kristal at tinitigan si Marvin.

"Sa tingin ko naman hindi sobra-sobra ang hihingin mong kapalit."

Hating-gabi na nang maka-alis si Marvin sa pinakamataas na palapag ng Ashes Tower.

Mahaba-haba ang naging usapan ng dalawa. Dahil pareho silang Seer, tila para kay Hathaway magkapantay lang sila ni Marvin. Pambihira ang ganitong pangyayari.

Sa kasamaang palad, alam ni Marvin na hindi siya isang seer. Ang nakita niya ay hindi tulad ng malabo at magulong hinaharap na nakita ni Hathaway, ang mismong hinaharap ang nasaksihan niya!

Matagal na nag-usap ang dalawa. Ayon kay Hathaway, sa pagkaka-alam niya hindi hihigit sa sampu ang mga seer sa Feinan.

Bawat seer ay may potensiyal na maging isang Legend. Hindi malinaw kung saan talaga nagmula ang mga seer pero may kinalaman dito ang pagkawala ng Wizard God.

Nangako si Marvin na hahanapin niya ang Book of Nalu para kay Hathaway. Simple lang ang hinihingi niyang kapalit: Protektahan ang kanyang nakababatang kapatid na si Wayne, at bumuo ng alyansa sapagitan ng Ashes Tower at White River Valley.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Hathaway at agad na pumayag. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa Unicorn clan. Hindi takot ang Asher Tower sa Unicorn clan dahil sa lakas nito.

Madali lang para dito ang protekahan ang White River Valley.

Ang balita tungkol sa alyansa ay iaanunsyo bukas ng umaga, at ipapakalat ito sa buong East Coast. Kaya naman kung may mga taong nagbabalak na galawin ang White River Valley ay siguradong magdadalawang-isip ang mga ito.

Kaunti lang ang kayang tumapat sa isang galit na Half-Legend Witch.

Para naman kay Marvin, mas napabuti pa ang lahat dahil sa hindi sinasadyang pagkikita nila ni Hathaway.

Noong una'y kailangan pa sana niyang intindihin ang Unicorn clan, pero ngayon ay hindi na niya ito poproblemahin.

Nagmadali siyang bumali sa kwarto ni Wayne pero nakita niyang tulog na ito. Matapos na ipaliwanag ni Marvin ang ilang bagay sa matandang butler, agad na umalis ito ng Magore Academy.

Magaganap ang tunay na Battle of the Holy Grail dalawang linggo mula ngayon. Nakabawi naman na si Wayne sa oras na 'yon.

Sa ngayon, uunahin na muna ni Marvin gawin ang nauna niyang plano.

Hindi pa niya nalilimutan ang Eternal Flower na ipinangako niya sa Mad Lich, ngayon naman kailangan na rin niyang makuha ang Book of Nalu para kay Hathaway. Nakatago ng mabuti ang mga ito pero buti na lang pambihira ang memorya ni Marvin. Nakatulong rin ang hilig niya sa paghahanap ng kayamanan kaya madali na lang ito para sa kanya.

Pero mas mahalaga pa rin ang pagpapataas ng rank!

Mahalagang bahagi ng plano ni Marvin ang pagiging isang Night Walker. Kung hindi niya maabot ito, kahit pa magtulong siya at si Wayne, malamang ay hindi nila maipapanalo ang Battle of the Holy Grail para makuha ang Holy Grail.

Para maging isang Night Walker, kailangan niyang makahanap ng isang miyembro ng organizasyon ng mga Night Walker.

Umupa ng kabayo si Marvin sa Magore Academy at tumungo pa hilaga noong gabing 'yon!

Sa dakong hilagang-kanluran ng Three Ring Towers, may malaki at masukal na gubat na umaabot sa libong kilometro ang lawak. Thousand Leaves Forest ang tawag dito, at ito rin ang teritoryo ng mga wood elf!

Alam ni Marvin kung nasaan ang isa sa mga Night Walker. Mag-isa itong naninirahan sa paligid ng Thousand Leaves Forest.

Hindi gaanong magaling ang taong ito pero kung makukuha niya ang rekomendasyon nito, madali na lang ang pagkuha niya ng advancement.

Sa Oak Town.

Bilang nasa pinakahilagang bahagi ng Thre Ring Towers ang human town, ang Oak Town ay naging isang Paraiso para sa mga adventurer at merchant.

Lahat ng klase ng kalakal ay nandito, pati na ang slave trade. At syempre, walang elf slave ang nandito.

Walang nangahas na galitin ang elven king, kahit ang mga sakim na merchant, dahil magkadikit lang ang bulubunduking ito sa wood elf kingdom. Lalo pa at, noong nakalipas na isangdaang taon, ipinakita ng bagong elf king na wala siyang inuurungan.

Nalilimutan na ang kadakilaan ng high elves, at karamihan sa mga high elf ay nasa Eternal Nation na. Kakaunting wood elf at ilang ordinaryong elf na lang ang napag-iiwanan.

Ang mga wood elf ang pinakang nagkakaisa sa kanilang lahat. Sinunod nila ang utos ng elven king at nagtipon-tipon sila sa Thousand Leaves Forest, mayroon rin silang kaalaman patungkol sa mga kayamanan ng 2nd era. Kahit na matagal nang pinagnanasaan ng mga tao ang mga likas na yaman ng Thousand Leaves Forest, hindi makapasok ang mga ito dahil, hindi pinapahintulutan ng malakas na elven king, sa tulong ng isang Elven Iron Giant, ang mga human, wizard, slaver, at mga businessman.

Sa nakalipas na isangdaang taon, kakaunti lang ang elf slaves ang naglabasan sa katimugan.

Dahil kapag may nawalang elf, lalabas ang napakalakas na Legend elven king para hanapin ito at papatayin ang isang buong bayan ng mg tao!

Isang mahusay na killer ang elf king! Hindi ito sumusunod sa tipikal na pag-uugali ng mga elf.

Kahit na dismayado ang Elder assembly sa bagong Elven King na 'to, kailangan pa rin nilang sumunod sa kanilang hari. Muling umaangat ang mga wood elf, at unti-unting nababawi ang kanilang katanyagan noong 2nd Era.

Ipinagbawal ng South Wizard Alliance ang elf slavery at pinangunahan ang pakikipagkaibigan sa wood elves kingdom.

Ang Oak Towen ang sumisimbolo sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng magkabilang panig.

Parehong kasali ang dalawang panig sa pakikipagkalakal. Sumusunod ito sa makalumang sistema. Mahigpit man, patas naman ito.

Pero hindi pa rin nito napipigilan ang mga tao na pumunta sa dakong hilaga.

Hindi pinapahintulutan ng elven king na pumasok ang sinong tao sa Thousand Leaves Forest.

Kapag sila'y nahuli, ikukulong agad ang mga ito. Hindi naman madalas pumatay ang mga Elf, ngunit matibay ang mga kulungan ng mga ito.

Kahit na ganoon, masyado pa ring malawak ang Thousand Leaves Forest at kakaunti lang naman agn elven iron guards. Marami pa ring adventurer ang lihim na pumapasok dito para mangolekta ng mga ilang magagandang bagay.

Basta nasa kanila ang swerte, kikita sila ng malaki-laki.

At kung may makasalubong man silang elven iron gurad, basts hindi nila ito galitin, isuko ang lahat ng nakuha nila sa Thousand Leaves Forest, maaari pa rin silang maka-alis ng matiwasay.

Kaya naman ang Oak Town ay naging isang magandang lugar para magsugal ang ilang low level adventurer.

Umaga nan ang makarating si Marvin sa Oak Town mula sa Three Ring Towesr.

Hinila na lang niya ang kabayo papasok.

'Kung di ako nagkakamali, mag-isang namumuhay ang taong 'yon sa Oak Town.'

'Ang eksaktong lugar ay sa… Wag na nga, mas mabuti siguro kung mamayang gabi ko na siya puntahan.'

'Masyado akong nagmadali, pagod na pagod na ko… Masyado talagang mababa ang 9 na constitution.'

Lumapit si Marvin sa isang inn habang humihikab.

Nagbayad siya at nagpahinga.

Bigla siyang naalimpungatan pagsapit ng gabi.

Pagatapos niyang kumain, inihanda niya ang kanyang sarili saka umalis ng inn at naglakad-lakad.