Nature God Realm.
Ang bahaging puno ng mga baging na nasa paligid ni Marvin ay nawala.
Ang mga lantang Parasol Tree ay nanumbaik ang sigla.
Ang lugar kung nasaan siya ay napuno ng buhay.
Ito ay dahil sa hindi mapigilan ni Marvin ang pag-apaw ng Divine Source na nakuha niya.
Habang pinoproseso niya ito, mahirap na hindi tumagas ang Divine Source.
Binigyang buhay ng Divine Source na lumabas ang bahaging iyon ng Nature God Realm. Kasabay nito ay gumaan din ang bigat na dal ani Marvin.
Kung nandoon pa ang kanyang System, magagawa niyang makita ang progreso ng kanyang anim na Attribute at makikita niya ang eksaktong numero ng mga ito.
Pero ngayon na wala na sa kanya ang System, umaasa na lang siya sa pakikiramdam dito.
Unti-unti nang humuhupa ang Divine Source.
Sa huli, ang Translucent Sphere ay muli nang huminahon.
Mayroong panibagong itim na singsing sa daliri ni Marvin.
Ang singisng na iyon ay nabuo mula sa Divine Source, tinatawag itong [Night Ring].
Ang advance False Divine Vessel ay isang produkto ng pagsasaliksik ng isang Ancient powerhouse para malampasan nito ang mga God.
Gamit ang item na ito, kayang makawala mula sa limitasyon ng kanilang mga katawan ang mga mortal at maging isang nilalang na kayang mahigitan ang mga God.
Pero walang nakaabot ng level na iyon bago si Marvin.
Lalo pa at, dalawang Eternal Time Dragon lang ang lumitaw sa Universe na ito.
Sa nakapaloob sa Night Ring ang lahat ng ability ng isang Ruler of the Night. Parte na ito ng katawan ni Marvin at simbolo rin ito ng kanyang lakas.
Ang advance False Divine Vessel ay tuluyan nang nagbago ang anyo, at sa tantsa ni Marvin, ang kanyang kasalukuyang False Divine Vessel ay nasa level na ng mga High God!
At dahil sa espesyal na katangian nito, kahit isang Great God ay hindi magawang mapigilan gamit ang kanyang Divine Vessel.
Ang pinakanakakatakot na pate nito ay umabot na sa pambihirang level ang katawan ni Marvin.
Sa tantsa ni Tiramisu nahigitan na ni Marvin ang lakas ng karaihan ng mga God!
Ang enerhiya ng advance False Divine Vessel ay walang tigil na pinatataas ang Ruler of the Night class ni Marvin hanggang sa sukdulan nito!
Kahit na ang ganitong uri ng pagpapalakas gamit ang panlabas na pwersa ay hindi makakakuha ng panibagong skill si Marvin, at kahit na ang lahat ng ito ay dahil sa pagkawala ng kanyang System, nahubog pa rin nang mahusay ang katawan ni Marvin.
At dahil sa nangyari sa laban niya sa avatar ng Molten Archdevil, na mas pinatibay ang kanyang katawan sa pamamagitan ng apoy ng Hell Magic Spawn, nagresulta ito sa pagkakaroon ng isang rouge ng pinakamabagsik na katawan sa buong Universe!
Kung ang pagtaas ng kanyang Attribute ay hindi niya inaasahan, ang mga karagdagan naman sa mga Ruler of the Night skill ang kanyang inabangan.
Lalo pa at sinabi n ani Tiramisu na ang False Divine Vessel ay nililinang ang Divine Source at ginagawa itong Essence para mataas ang level ng kanyang Legend class at madagdagan ang lakas ng kanyang mga Legend Skill.
Halimbawa, ang kanyang True Shadow ay mas lumakas na at kaya na nitong tumagal ng isang oras mula sa 30 minuto lang.
Ang pinakanakakatakot ay mayroong nang 120% ng lakas ni Marvin ang True Shadow. Mas malakas pa ito kesa kay Marvin mismo!
Isa itong bagay na siguradong ikagugulat ng mga God sa hinaharap.
Bibihira na mas malakas ang isang Avatar kesa sa isang God.
…
"Kita mo na. Sayang naman kung hindi gagamitin ang isang Treasure gaya ng advance False Divine Vessel."
Tiningnan ni Tiramisu ang tila bagong panganak na si Marvin at sinabing, "Sapat na ang lakas mo ngayon para matawag kitang kapatid."
Hindi alam ni Marvin kung matatawa ba siya o maiiyak, kaya pinasalamatan na lang nito si Tiramisu.
Lalo pa at kung hindi dahil sa tulong ng Eternal Time Dragon, at kung wala ang inheritance at kaalaman ng kanyang bloodline, hindi niya magagawang magpataas ng level nang ganoon kabilis!
Plane Guardian!
Sa wakas ay naabot n ani Marvin ang level na iyon!
Dahil sa kanyang pambihirang paglakas, kahit sa mga nasa Plane Guardian level, si Marvin ang pinakamalakas!
Isa pa, hawak pa rin niya ang mga Artifact na Eternal Night Kingdom at ang Sodom's Blades!
AT sa tulong ng Eternal Time Dragon, hindi na imposible ang pangongolekta ng mga pahina ng Book of Nalu!
Nang makaawi si Marvin, ibinahagi niya ang kanyang sitwasyon kay Tiramisu.
Noong nanglilimas pa sila ng mga kayamanan, nagnakaw si Tiramisu ng mga Artifacts mula sa iba't ibang mga God, kaya naman maganda ang timpla nito.
Nang marinig ang kwento ni Marvin, agad niya itong sinagot, "Walang problema! Mangongolekta lang naman pala ng mga pahina ng isang lumang libro. Kung alam mo kung nasaan ang mga pahina, tutulungan kita."
"Tutal, wala naman akong nakuhang reaksyon mula sa awra ng hayop na ama ko. At nalaman kong nakakabagot ang buhay sa labas ng Universe na ito. Kaya, tara na, tara na, magpunta na tayo sa lugar na 'yon."
Bigla na lang natawa si Marvin, hindi na makapaghintay ang Dragon.
Pero sa tulong ng Eternal Time Dragon, nabuhayan ng pag-asa si Marvin sa kanyang paglalakbay!
Agad niyang hinanap ang pintuan ng World Tree sa Nature God Realm.
…
Sa labas ng Nature God Realm, isang grupo ng mga God ang hindi maipinta ang mga mukha.
"Dito pala sila nagtatago." Maririnig ang galit sa boses ng War God.
Mas mahinahon naman si Anuba Grant, "hindi talaga maaring maliitin ang batang si Marvin. Sa nauna kong Divination, hindi niya kayang baguhin ang sitwasyon. Hindi ko inasahang magagawa niya ang lahat ng 'to. Kahit ang itinakdang Inheritor na si Eve ay napatay niya. Ngayon naman tinutulungan siya ng isang Eternal Time Dragon. Mukhang hindi magandang ideya ang kalabanin siya nang harapan."
"Gusto mo pa rin ba silang hanapin?" Seryosong sabi ng War God, "Grant, wag mong isipin na hindi ko alam ang binabalak mo, Kung sino man ang makakuha ng Fate Tablet ay makakaabot sa level ni Lance. Hindi man laam ng iba, pero may iilan sa atin na nakakaalam na ang Fate Tablet ay hindi ginawa ni God Lance, kundi isa itong bagay na iniwan ng isang powerhouse na mula sa isa pang ancient na mundo!"
Nagkibit-balikat lang si Grant, "Pero hindi tayo makakapasok."
Matagal nang naka-seal ang Nature God Realm, kahit ang mga Great God ay hindi makakpasok nang walang pahintulot.
Lalo pa at wala sa kanila ang may alam sa Time Domain para gayahin ang Eternal Time Dragon para makapasok sa loob.
"Gusto mo ba silang hayaan makatakas?" Reklamo ng ilang God, "Ninakaw ng dalawang 'to ang Divine Soure natin, mas malala pa sila kesa sa mga Demon at Devil."
"Gusto mo bang maging katatawanan ang Astral Sea dahil sa insidenteng 'to?"
"Hindi magiging katatawanan ang Astral Sea." Seryosong sagot ng Truth Goddes, "Iilang God lang naman, ang mga God lang na hindi nagawang protektahan ang kanilang God Realms ang pagtatawanan nila."
"Aalis na ako. Hindi niyo siya mahuhuli dahil may kasama siyang Eternal Time Dragon."
Matapos sabihin ito, umalis na ito at iniwan sina Anubis, Grant, at ang iba pa.
Paglipas ng ilang sandali, ilang God ang nagsalita, "God of Dawn and Protection… Anong dapat nating gawin?"
Pilit lang na ngumiti si Anuba Grant at nag-utos ito, "I-activate ang World Tree Imprint, isarado ang God Realm ng Ancient Nature God."
"Hindi ako naniniwalang kayang lusutan ng Eternal Time Dragon ang lahat ng mga seal."
"Lalo pa at maliit na Dragon lang naman siya."