Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 7 - Interrogation

Chapter 7 - Interrogation

Sa panahon kung saan nagha-hari ang mga Wizard, sila at ang kanilang mga ka-uri lang ang maaring maging nobles sa mundong ito.

Isang high-ranking Wizard na miyembro ng South Wizard Alliance ang lolo ni Marvin. Namamayagpag na sila bago pa man maitatag ang River Shore City. Pinangunahan ng lolo ni Marvin ang pagtuklas at pagpunta sa mga bagong lupain na maari nilang gawing teritoryo. At isa sa mga kasunduan ng Alliance at ng iba pang mga Wizard, ay mapupunta sa lolo niya ang ilang bahagi ng mga lupaing nadiskubre nito. Ang kalupaang ito ay kilala na ngayon bilang White River Valley.

Dahil bagong tuklas ang mga lupain na ito at mas malapit ang mga ito sa kagubatan, masasabing mas mayroong kalayaan ang mga ito kumpara sa mga siyudad sa dakong katimugan. Walang ibang ka-utusan mula sa Wizard Alliance kundi ang regular pagbabayad ng buwis at kinakailangan nilang pumunta kapag ipinatawag sila ng wizard alliance.

Tanging ang ama ni Marvin na si Jean at ang kanyang tiyuhin na si Miller ang anak ng kanyang lolo. Dahil mas nakatatanda si Jean, napunta sa kanya ang White River Valley kasama na ang territorial administration nang mamatay ang kanilang ama. At nakatanggap naman ng malaking halaga ng kayamanan si Miller bilang walang siyang matatanggap na lupa. At umalis na siya ng White River Valley matapos makatanggap ng karagdagan pang salapi mula kay Jean.

Dagling naalala ni Marvin na biglang bumalik ang kanyang tiyuhin paglipas ng mahabang panahon. Isa na siyang mayamang negosyante at patuloy na uma-asenso ang negosyo nito. Kaya naman, bumili pa ito ng lupa sa River shore city. Tuwang-tuwa si Jean sa pagbabalik ng kanyang kapatid kaya naman, walang pag-aalinlangan nitong tinanggap ng malugod si Miller.

Sa alaala ng namayapang Marvin, kahit na napakakuripot at napakadamot nito, malapit ang magkapatid sa isa't isa.

Pero maraming napansin ang kasalukuyang Marvin sa alaalang iyon na maaring makatulong sa kanya.

Mas malakas pa sa kalabaw ang kwarenta anyos na si Jean ngunit, anim na buwan lang mula nang pagbabalik ni Miller, bigla na lang humina ang pangangatawan nito. Kahit pa sabihing hindi na ito pasok para maging Wizard, hindi kapani-paniwalang bigla na lang sumama ang kalagayan niya sa loob ng maikling panahon. Lalo pa at isa itong 2nd rank fighter na kaya pang mag-patumba ng isang mutated stone-toothed wild boar na naligaw sa kanyang lupain.

At kung sakit man ito, mahirap paniwalaang kayang mag-dulot nito ng napakaraming problema sa isang matipuno at malakas na Fighter.

Pero dahil nga sa sakit na ito, namatay ang ama ni Marvin na si Jean. Katorse anyos lang siya noong minana niya ang buong lupain at ang titolo nito. Sinimulan pa rin ni Marvin na pamunaan at alagaan ang ipinama sa kanya ng kanyang ama kahit na bata pa siya.

Naging maayos naman ang lahat bagamat hindi naging madali para sa kanya ang nakalipas na taon.

'Aba, kahit na napakahina ng batang 'yon, magaling siya pagdating sa pangangalaga ng kanila lupain'

'Kunwaring umiyak at kung ano-ano ang sinabi ni Miller noong pumunta siya sa burol ni itay'

'Kahina-hinala ang pagkakasabay ng pagbabalik niya at pagkamatay ng ama ko. May kinalaman siguro siya rito. Malaki siguro ang galit niya sa ama ko dahil sa kanya ipinamana ang lupa namin. Baka matagal na niyang binabalak ito, at kaya siya bumalik ay para paghigantihan kami.'

'Gusto niya sigurong mapasakamay niya ang White River Valley kaya nais niya akong ipapatay. Dahil madali na lang agawin kay Wayne ito basta mawala ako. Kaya sinuhulan niya ang Acheron Gang at ang munisipyo ng River Shore City para mapunta sa kanya ang White River Valley.

...

Maraming bagay agad ang dumapo sa isip ni Marvin.

Kahina-hinala talaga si tito Miller pero wala pa rin siyang pruweba sa ngayon.

"Pinlano man ito ni tito Miller o hindi, kailangan ko pa rin mag-imbestiga"

"Baka may nalalaman pa iyong dalawang Acheron Gang tungkol dito", ani niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wag maingay, basta sumunod ka sa akin. Siguraduhin mo ring mayroong matitirang buhay sa kanila" dagdag pa niya.

...

Isang Thief ang nakatengga sa isang eskinita malapit sa pinto ng Fierce Horse Inn. Bagot na bagot ito habang nakatunganga sa kawalan.

Paubos na ang buhangin sa orasa sa paanan nito na nangangahulugan lang na malapit na ang oras para sa kanilang sikretong signal.

'Ano pa bang dapat bantayan?! Eh tulog na tulog na ang babaeng iyon. Balita ko, gustong-gusto ng amo namin ang half-elf na ito kaya gusto niyang mahuli ng buhay. Bukas na raw niya aasikasuhin iyon.'

Pinaglaruan na lang ng Thief ang hawak na dagger. Nakatitig na lang siya sa isa pang kalapit na bubong kung saan mayroong isa pang sentry na nagbabantay sa inn.

Nang bigla siyang nakakita ng tila anino na papalapit sa sentry!

"Sino 'yon?!"

Tinitigan pa ng Thief ng mabuti ito. Mukhang napakataas ng perception ng taong ito para mapansin pa ang lalaking iyon na naka-[Stealth].

'Thief ng ibang gang?'

Noong aamba siyang sumigaw para balaan ng kapwa Thief, bigla niyang naramdamang mayroong tao sa kanyang likuran!

'Pucha! May nakakita sa akin kahit naka-[Stealth] ako!?"

Paglingon niya pasugod na sa kanya ang half-elf swordsman hawak ang espada nito.

Alam na alam na nito kung saan nagtatago ang Thief!

Mabilis na sinubukang tumakas patungo sa eskinita ng Thief dahil alam nitong hindi niya kayang labanan ang swordsman ng mag-isa.

Ngunit biglang may lumitaw na tila anino malapit sa kanya.

Ang aninong nakita niya kanina sa bubong ay tumalon at biglang napunta sa harap niya.

Namumutlang tiningnan ng Thief ang bangkay ng kasamahan niya na nasa bubong.

Walang awa kung pumatay...

Isang assassin kaya ang taong 'to?

2-3 segundo lang ang lumipas mula noong napansin ko siya at ang elf swordsman pero napatay na niya kaagad 'yong sentry.

IMPOSIBLE!

Wala kang makikitang ganitong klase ng pagpatay sa business district! Hindi niya alam kung gaano na karaming taong malakas ang napatay nito para lang maging ganoon kagaling.

Natameme ang Thief nang makita ang mukha ng assassin. "Ikaw? Hindi ba patay ka na dapat..?".

Tinutok ni Anna ang kaniyang espada sa likod ng Thief at sinabing, "Tutulungan mo kami o papatayin kita, mamili ka."

Agad na binitawang ng Thief ang kanyang dagger at itinaas ang mga kamay a hindi na pumalag pa. Ang noble na mukhang la-lampa-lampa ay isa palang malakas na assassin. Isama mo pa ang half-elf na Fighter na hindi baba sa level 4. Wala siyang laban kahit gustuhin man niyang lumaban.

"Itali mo na 'yan, may alam akong lumang bodega na malapit rito." Bulong ni Marvin.

...

Sa isang abandonadong bodega, dakong hilaga ng siyudad.

"Sinabi ko na sa inyo lahat ng nalalaman ko!"

Dink ang pangalan ng Thief na nahuli nila at initali gamit ang lubid sa upuan. "Inutusan lang akong magbantay, pero hindi pumatay!"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit n'yo ko sinusubukang patayin?" Tanong ni Marvin.

Nagpa-awa si Dink at sinabing, "Hindi ko talaga alam…"

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Takot na tanong ng Thief.

Ngumisi si Marvin habang kinuha ang kanang kamay ng Thief at sinugatan gamit ang maliit na kutsilyo.

"Hindi naman masakit 'di ba?" ika ni Marvin na naka-ngisi pa rin. "Pero kapag hinwa ko yang ugat mo, unti-unti kang mauubusan ng dugo hanggang sa mamatay ka."

Hiniwa muli ni Marvin ang bandang pulso ng Thief habang sinasabi ang pagbabanta.

"Hayop ka!", Ani ni Dink habang nanginginig sa takot. "Tama na!"

"Sabihin mo sakin ang gusto kong malaman at pakakawalan kita," Walang awang sabi ni Marvin. "Kung hindi, aalis na kami at hahayaang maubusan ng dugo."

Nag-aalalang tiningnan ni Anna si Marvin. Alam naman niyang kailngan nilang gawin ito para makuha ang impormasyong kailangan nila pero nag-aalala siya sa inaasal ni Marvin.

Walang bahid ng awa sa mukha nito. Tila malaki ang pinagbago nito.

'Kasalanan ko ito, kung na-protektahan ko lang sana si Master Marvin, sana hindi siya nag-dusa ng lubusan at kinailangan mag-bago ng ganito.' Napayuko si Anna at napakapit ng mahigpit sa kanyang espada.

Mabilis na bumigay si Dink sa interogasyon ni Marvin. Hindi sila sanay sa ganitong klaseng sitwasyon. Dahil sumali lang naman sila ng gang para masustentuhan ang kanilang pamilya, kaya naman hindi ganoon kalakas ang loob nila.

Mayroong nakilala si Marvin na miyembro ng isang panatikong kulto noong nabubuhay pa siya. Napakahirap pag-salitain ng mga ganitong tao.

...

'Hindi raw talaga alam noong Thief na 'yon kung sino ang nagpapatay sa akin. Ang alam lang niya, mayroong isang mayamang negosyante ang nag-bayad sa kanila ng malaki"

'Kumbaga sa ranggo, nasa ilalim lang ang Acheron Gang sa mga tunay na may hawak ng kapangyarihan sa loob ng siyudad. At kakailanganin nila ng malaking halaga ng pera para umangat ang katayuan nila, gaya ng kagustuhan ng boss nila. Kaya naman nangako ang negosyanteng 'yon kapag nagawa na nila ang pinapagawa.

'Ang boss lang nila ang nakipag-usap. At napag-utusan na lang sila. Kung gusto nating malaman kung sino talaga ang nag-utos, kailangan natin mahanap ang taong nagnga-ngalang Diapheis.'

Pinagpatuloy ni Marvin ang pag-iisip

Alam niyang gagawin ni Dink ang lahat para lang hindi siya patayin.

Bukod sa 2nd rank fighter na si Diaphes, wala nang iba pang malalakas sa kanila dahil isang level 4 na Thief na ang sunod na pinaka-mataas sa kanila. Matatagpuan sila sa Pyroxene Bar, isang kilalang pasugalan sa squatters area na nagbebenta ng laman-loob.

Maingat na tao si Diapheis, kaya sinigurado niyang walang sino man ang makakalusot papasok.

At dahil Ranger na si Marvin, hindi na lang siya basta-basta makalu-lusot gaya ng mga Thief. Sapagkat hindi na siya eksperto sa pag-iwas sa mga patibong kaya mahihirapan siyang makalapit kay Diapheis.

"Master, ano na hong gagawin natin?" Tanong ni Anna.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, umasa na si Anna kay Marvin mula ng magising ito.

"Hoy, sabi niyo pakakawalan ninyo ako?!" Sigaw ni Dink.

Lumapit si Marvin at pinutol ang lubid gamit ang kanyang curved dagger.

Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Dink, dahil hindi niya inakalang pakakawalan siya ni Marvin ng ganon-ganon lang.

Sumimangot si Anna na tila may gustong sabihin, nang biglang kumpas ng mga kamay ni Marvin.

Tinakpan ang bibig, Cutthroat, at dumanak ang dugo!

Sinubukang pang lumaban ni Dink bago siya mamatay.

"Oo, sinabi kong palalayain kita, pero wala akong sinabing: hindi kita papatayin." Initsa ni Marvin palayo ang bangkay at tinitigan saka niya pinunasan ang dugo sa kanyang dagger.

Nanginig sa takot si Anna at sinabing, "Ano bang nangyayari sayo Master Marvin. Bakit ka nagkaka-ganyan?."

Tiningnan ni Marvin si Anna, at sinabing, "Maraming mukha ang isang tao. Kailangan kong baguhin kung sino ako mga ganitong sitwasyon, dahil hindi ako makapa-payag na may umagaw ng lupain ko at saktan ka."

"Hinding-hindi ako makapa-payag!"

Hinawakan ni Marvin ang nanla-lamig na kamay ni Anna at binulungan: "Hindi ako makapa-payag na may gumawa ng masama sayo dahil isa ka sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko. Pagbabayarin ko sila kapag may gumalaw sayo."

Namula ng bahagya ang maliit na mukha ni Anna. At kahit na natatakot pa rinsiya kay Marvin, mas panatag na ang kanyang kalooban ngayon.

Nahihiyang binawi ni Anna ng mga kamay niya at sinabing, "Ano na pong susunod nating gagawin, Master?"

"Pupunta tayong semeneryo."

Isang hindi pangkaraniwang lugar ang nais puntahan ni Marvin.