Walang sino man ang inakalang aabot sa ganito ang sitwasyon na ito!
Ang una'y matatag at nagkakaisang grupong lumalaban para sa Feinan ay biglang nagkaroon ng matinding hidwaan.
Nang malagay sa kritikal na kalagayan si Marvin, walang iba kundi si Eve ang naunang itutok ang kanyang Holy Swords kay Marvin.
Sinasabi nitong si Marvin ang tinatawag na "Destroyer."
Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi maunawaan ang ibig sabihin nito, walang dudang ito ang pinaglalabanan ng Valkyrie at ng Fate Sorceress.
Nagningning ang mga mata ng mga Divine Servant ng Astral Sea!
Muling nanumbalik ang pag-asa nila.
Nakakamangha ang anak ni Anuba Grant. Kung hindi ito pinipigilan ni Eve gamit ang Holy Swords nito, siya na ang pinakamalakas na nilalang na makikipaglaban para sa Fate Tablet.
Sa pinakamataas na palapag ng Sky Tower, pinapanuod ng lahat habang tila walang kahirap-hirap nitong kinakalaban si Ivan at ang Sea Elven Queen.
Sa itsura nito tila walang pakielam, mukhang hindi pa nito binubuhos ang lakas!
Gayunpaman, sumang-ayon lang ito kay Eve na gawin ang isang bagay at hindi nito kailangan gumawa ng kahit anong matinding bagay.
Nang makita ito, may napagtanto ang karamihan sa mga Divine Servant.
Ang anak ng God of Dawn and Protection ay siguradong naghihintay lang ng pagkakataon para kumilos.
Habang nasa mahinang kalagayan si Marvin, mahihirapan protektahan ito n Copper Dragon nang mag-isa!
Ang laban naman sa pagitan ni Eve at ni Jessica ay kahit kasisimula lang ay mabagsik na ito!
Ang seven-colored Fate Power ay nakikipagsagupaan sa mga Holy Swords habang mano-mano rin kinakalaban ni Jessica si Eve.
Nakakatakot ang lakas na pinapakita ng dalawa.
Gustong mapalapit ni Eve kay Marvin.
Pero hindi siya hinahayaan ni Jessica.
Simple at marahas ang kanilang laban!
PEro marami pa rin ang natakot nang makita ang lakas ng kanilang mga kapangyarihan!
Maging ang Holy Sword man ito ni Valkyrie o ang mga kamao ni Jessica, alam nilang kung sila ang tumatanggap ng mga atakeng ito ay hindi nila ito kakayanin!
Ito ang kapangyarihan ng mga nilalang na pinili ng Plane Will.
Sa kasamaang palad, kahit na binuhos ni Jessica ang kanyang lakas, hindi pa rin niya napabagsak si Jessica.
Kaya habang abala ang dalawang ito, ang mga hindi mapakaling manonood ay kumilos na rin.
Dahil isa lang ang naiwan na nagbabantay kay Marvin, tiningnan nila ang isa't isa at nagdesisyon na silang sumugod!
Sa isang iglap, hinarap ni Professor ang pag-atake ng higit sa 40 na Legend!
Walang hanggang ang Divine Power na nahulog mula sa kalangitan, kasabay nito ang mga Sword Shadow at mga lihim nap ag-atake.
Simple lang ang pakay ng mga ito: Patayin si Marvin!
Galit na itinaas ng Copper Dragon ang kanyang mga pakpak, at isang mapulang bagyo ang biglang namuo sa paligid ng katawan nito!
Walang habas na umikot ang bagyo sa kanyang paligid at nasalag nito ang karamihan ng mga Divine Spell at iba pang mga pag-atake!
Napuno ng kaguluhan ang pinakamataas na palapag ng Sky Tower.
Isang gulat na sigaw ang nagmula sa isang taong tinamaan ng sarili nitong spell!
[Counter Storm]!
Isang mabagsik na Dragon Spell.
Pero malaki rin ang nagagamit nitong stamina at Magic Power.
Ang pulang bagyong ito ay nagpatuloy pa ng isa pang minute bago tuluyang tumigil.
Ang Copper Dragon, na marami nang enerhiyang nagamit noong bumuga ito ng Lava Breath kanina lang ay tila mas maliit na ngayon.
Nabawasan rin ang sigla ng kanyang mga mata.
At mayroong sariwang sugat sa puno ng kanyang pakpak!
Hindi napigilan ng Counter Storm ang lahat ng pag-atake.
Hiningal ito, at pinagpatuloy na protektahan ang Devil Magic Egg sa ilalim ng kanyang sikmura.
Pinagmasdang mabuti ng napakalaking mata ng Dragon na ito ang lahat bago dumadagundong na sinabing, "Wag niyo nang tangkaing patayin si Marvin ngayon!"
"Hindi ko man mapapatay ang bawat isa sa inyo, pero sinisigurado ko sa inyong hindi ko pakikitaan ng awa ang sino mang umatake!"
Matinding galit na ang nararamdaman ng Copper Dragon.
Noon pa man ay mahinahon at maamo ang pagkatao ni Professor. Gusto niya ang mga Human, at gusto niya rin nakikisalamuha sa mga ito.
At sa mga Human na ito, noon pa man ay naniniwala na siyang karapat-dapat pagkatiwalaan si Marvin.
Magmula noong kusang loob itong magsanay sa loob ng Mirror World, at ang pakikilahok nito sa laban sa Dragon Temple, lahat ng iyon ay pinatunayan ni Marvin.
Ang binatang ito ay may puso ng isang bayani.
Walang duda doon.
Kampante si Professor na nasa kamay ni Marvin ang Fate Tablet.
Maganda na sana ang takbo ng mga pangyayari ngayong araw.
Gamit ang hindi matatawarang kakayahan nito, nagawang makuha ni Marvin ang Fate Tablet.
At dahil sa lakas ng grupo ng Feinan, walang problema ang pagbuo ng alyansa para kalabanin ang ibang naghahangad nito.
Maganda na sanang simula ito para sa paghahanda sa mga magaganap isang buwan mula ngayon.
Pero nasira ang lahat ng ito dahil kay Eve.
Maganda ang relasyon ni Professor kay Eve, alam niyang hindi ito makasarili.
Bilang inheritor ng will ng mga Valkyrie, mayroong matatag na willpower ito, at siya namismo ang nanguna sa pagprotekta sa Feinan mula sa mga banta.
Ang tanging makakapagpabago lang sa kanyang isip ay ang kagustuhan ng Will of Valkyrie.
Makikita ang pagdududa sa mga galit na mata ng Copper Dragon. Kay tagal nawala ng Valkyrie sa mundo, at kahit na hindi nawala sa isipan ng mga nilalang na matagal nang nabubuhay ang tungkol sa Destroyer, hindi ito kailan man naganap. Ngayon, bigla na lang napagtanto ni Eve na si Marvin ang Destroyer, kaya siguradong may kinalaman ito sa kung ano ang nalalaman ng Valkyrie. At kahit na makapangyarihan ang Valkyrie, may kakayahan nga bai tong makita ang mga mangyayari?
Lalo pa at si Marvin ang napili ni Lance.
Ito ang isang bagay na napag-alaman ni Professor matapos makipag-usap sa Water Element Sovereign. Matapos manumbalik ang alaala ni Butterfly, malaki nadagdag sa lakas niya. At dahil dito nalaman niya ang pinakamalaking lihim ng mundo:
Ang laro sa pagitan ni Lance at ng Plane Will ng Feinan.
Gusto nga kayang wasakin ni Lance ang mundong ito?
At si Marvin nga ba ang napili niya para gawin ito?
Tanging ang konklusyon nito ang makakapagpaliwanag sa ginagawa ni Eve.
Pero wala nang oras ang Copper Dragon para pag-isipan ang lahat ng ito.
Kaunting oras lang ang naibigay sa kanya ng Counter Storm.
Sasamantalahin ng mga kalaban ang pagkakataon na ito para muli siyang atakihin.
Kahit ang mga Divine Spell ay hindi ganoon kalakas, napakarami naman ng mga ito.
Sa mga oras na ito, nanghihinayang si Professor na umalis si Kangen para asikasuhin ang mga bagay sa labas.
Sa lakas ng isang Blade Master, hindi problema ang pagpigil o pagpatay sa mga Divine Servant na ito.
Pero normal lang para sa taong iyon na gustuhing agad na makaalis sa isang sagradong lugar para sa mga Wizard.
Lalo pa at sariwa pa sa isipan nito ang bagay na iyon.
Naging mas deisdido ang reaksyon sa mat ani Professor.
Maging si Marvin nga ang Destroyer o hindi, hindi maaaring mapunta sa kamay ng ibang tao ang Fate Tablet.
Maging ang ibang Legend man ito ng Feinan, o ang mga Divine Servant, o ibang pwersa ng Universe.
Kung mapunta ang Fate Tablet sa kamay ng mga ito, muli na naman itong magdudulot ng kaguluhan at pagkawasak.
Ang magmamay-ari ng Tablet ay magiging isang New God at malamang ay maging kagaya nito ang mga nauna.
Kapag nangyari iyon, tapos na ang lahat.
Hindi na mapipigilan ang Era of Gods.
Ayaw mangyari ni Professor ito, kaya naman napagdesisyunan niyang gumamit ng isang Sacrificial Taboo Spell para matigil ang lahat ng ito.
Pero biglang hindi mapakali ang bagay na nasa ilalim ng kanyang tyan
Ginamit niya ang kanyang pakpak para salagin ang ilang Divine Spell na nahuhulog pa rin mula sa kalangitan.
Nagulat ang lahat nang makitang mag-ibang anyo ang Devil Magic Egg.
Apat na bihas, at sinundan ng iang ulo, sa huli isang buong tao ang lumabas.
Tumingala si Marvin at may inabot mula sa kanyang baywang, binunot niya ang Sodom's Blades. Kumalat naman ang mabagsik na presensya mula dito.
Ngumisi ang dulo ng labi nito na tila isang ngiti ng demonyo:
"Gusto niyo kong patayin?"