Sa pananaw ni Jessica, si Marvin ay isang napakamisteryosong lalaki.
Noong tumulong ito para labanan ang paglusob ni Clarke, malinaw na hindi pa siya gaanong malakas noon. Lalo pa at hindi pa siya isang Legend noon.
Gayunpaman, dahil sa paggamit nito ng espsyal na spear, nagawa nitong patayin si Clarke.Sapat na ito para respetuhin ni Jessica si Marvin. At ang kakaibang reaksyon ng kapatid niya si Lorie ang dahilan kung bakit mas lalo itong nagtaka. Kilalang-kilala ni Jessica ang kanyang kapatid. Binibigyan ito ng pambihirang katalinuhan dahil sa kanyang Wisdom, at mayroon din itong kakayahan na maramdaman kung ang tao ay mayroong pambihirang lakas. Para mahumaling si Lorie sa isang lalaki, nangangahulugan na mayroong naiiba sa taong ito.
Kalaunan, ipinakita ni Marvin na totoo ito dahil sa bilis ng paglakas nito, naging isang Legend ito sa loob ng maikling panahon, nagtatag ng isang Sanctuary, at nakapatay ito ng God…
Kung titingnan, naramdaman ni Jessica na mas bagay maging "Child of Plane" si Marvin kesa sa kanya!
Siguradong mayroong malaking sikreto sa likod ng biglaang pag-angat niya na ito.
Malinaw naman na nauunawaan ni Lorie ang tungkol ditto, pero hindi lang ito nagsasalita. Hindi ito naiintindihan ni Jessica, pero pinili niyang maniwala sa kanyang nakababatang kapatid.
at ang pagpili na maniwala kay Lorie ay nangangahuligan ng paniniwala nito kay Marvin.
Ang ganitong uri ng Tiwala ay mahalaga, kaya kung tungkol ito sa impormasyon, binanggit lang ito ni Jessica at hindi na ito gaanong nagtanong pa.
Naguguluhan si Marvin. Nakikita naman niya ang tiwala sa kanya ni Jessica pero hindi naman niya maaaring sabihin na isa siyang taong nag-transmigrate lang mula sa ibang mundo, hindi ba?
Pinag-isipan niya na ito at nagdesisyon na maaari niya lang sabihin na nakuha niya ang impormasyon na iyon sa Pearl Tower.
Lalo pa at alam ng Three Sisters na mayroong siyang magandang relasyon sa Pearl Tower. Kahit na matagal na niyang hindi nadadalaw si Mark 47, nagpunta naman siya sa Pearl Tower matapos tumulong na kalabanin si Clarke at nakakuha siya ng kakayahan na makapsok sa Tower kahit kailan niya gusto.
Iba't ibang klase ng sikreto tungkol sa Feinan ang makikita sa Pearl Tower, kaya naman kung nanggaling ang impormasyon ni Marvin sa Pearl Tower, maipapaliwanag na nito ang lahat.
Agad naman tinanggap ni Jessica ang palinawan, bahagya naman nakokonsensya si Marvin habang ikinukumpas ang kamay, sinesensya niya na pangungunahan na niya.
Binilisan na ng dalawa ang kanilang pagkilos.
Hindi nagtagal ay naging makipot na ang lagusan, paiba-iba ang temperatura.
Nagpapasalit-salit ito sa lamig at init, at paunti na nang paunti ang mga nilalang na nakikita nila sa paligid. Ibig sabihin malapit na sila sa pusod ng mundong ito,
Maingat na siniyasat ni Marvin ang daan habang palalim ng palalim ang kanilang paglalakbay.
Makikita ang Deep River mula sa ano mang sulok ng Underdark. At ang kailangan lang gawin para mapunta ito ay magtungo pailalim. Ang karamihan ng mga lugar na tinitirhan ng mga Underdark Race ay mayroong mga babalang nakapaskil habang palalim nang palalim ang mga lagusan.
Kailangan lang mahanap ni Marvin ang mga karatula ng babalang ito at sundan ang daan kesa pansinin ang mga ito.
…
"Ito na siguro ang huling babala," Tinuro ni Marvin ang isang karatula na nakasulat sa lenggwahe ng Duergar mula sa di kalayuan – Mapanganib na Lugar – ang ibig sabihin nito.
Magkasama silang lumaban ni Jessica buong paglalakbay. Kahit na mas maliit sa kanya ito nang kaunti, mas dominante pa rin ito kay Marvin.
Umikot ang mga mata nito at tumingin sa paligid.
Sa ngayon, nasa harap sila ng isang tulay na nakabitin.
MAtanda na ang tulay, at nakikita nila na ang mga kahoy dito ay halos bulok na at siguradong mababali ito kapag tinapakan nila.
Ang babala ng Duergar ay isa lang bato na nasa harap ng tulay na mayroong nakaukit na mga salita.
Sa kabilang dako ng tulay, mayroong nakikitang makipot na kweba si Marvin.
Naiiba ito sa iba pang mga kweba na nadaanan nila sa Underdark dahl malinaw na natural itong nabuo at hindi ito gawa ng tao.
.
Tiningnan nilang dalawa ang loob ng kweba, at sa hindi malamang dahilan, tila may lamig na dala ang kadiliman nito.
Pero sa kabaliktaran, mainit ang temperatura sa paligid nito.
Dahil dumadaloy ang kumukulong putik sa ilalim ng tulay.
Isang napakagandang asul na bulaklak ang namumukadkad sa pagitan ng mga bitak sa isang matigas na lahar. Nakakapukaw ito nang atensyon at naapektuhan nito ang mga tao.
[Fiend Whisper], isang natatanging bulaklak. Sa buong Feinan, iilan lang ang tumutubong ganito at ang lahat ng ito ang nasa Feinan.
Natuwa at nasurpresa naman si Marvin.
Pero hindi siya kumilos, sa halip tumingin ito sa paligid at sinabing, "Kadalasan, mayroong ilang Lava Monster sa paligid…."
Naunawaan naman ni Marvin ang ibig nitong sabihin.
"Kunin mo ang bulaklak, at kung may halimaw ako na ang bahala," mariing sabi nito.
Puno siya ng kumpyansa.
Hindi na nakipagtalo pa si Marvin. Ang Fiend Whisper ay kapaki-pakinabang dahil ito ay kahinaan ng lahat ng nilalang na mayroong Divine Source!
Hindi naman inasahan ni Marvin na makakahanap siya ng pambihirang treasure doon.
Kung hawak niya ito, magiging mas madali na ang pagharap sa Crypt Monster.
Wala nang ano-ano pa at diretso na siyang tumaon pababa sa bangin!
Napakabanayad ng kanyang pagkilos habang pababa ito sa ere at saka maingat na inabot ang napakagandang bulaklak.
Noong oras na iyon, biglang mayroong lumabas mula sa kumukulong putik at tumalsik ang ilang patak nito sa hangin, dinambahan naman si Marvin ng ilang malalaking anino!
Hindi naman nagpatinag si Marvin, hindi naapektuhan ang kanyang pagkilos.
Biglang lumitaw sa kanyang kamay ang Alchemy Box habang nakatanim naman ang kanyang paa sa pader ng bangin matatag na nakatayo sa kanyang kinalalagyan.
[Low Flight]
Ang ability na nagmula sa Dense Blood Nucleus ay napakinabangan niya rito.
Nakatayo naman si Marvin sa pader habang minamanipula niya ang Alchemy Box para maglabas ng maselan na gunting.
"Plak!"
Ang rhizome ng napakagandang bulaklak ay naputol, at hindi nagtagal, nagsimula nang malanta ang mga talutot nito.
Mabilis na kumilos si Marvin at inilagay ang bulaklak sa Alchemy Box!
Kayang mapangalagaan ng Alchemy Box ang mga halamang gamot at ginagamit rin ito para itago ang mga natatangi at pambihirang mga reagent at pinipigil nito ang pagkawala ng medisinal na katangian nito.
Matapos itong gawin, tumingala si Marvin.
Napansin niyang nakatayo pa rin si Jessica sa parehong lugar at maraming banggkay ng Lava Monster ang malapit sa kanya.
Tumawa siya dahil kakaiba ang kanyang naramdaman.
Matapos itabi ang Alchemy Box, ginamit niya ang Flight Witchcraft at lumutang paakyat, saka ito bumalik sa tabi ni Jessica/
"Ayos na?" Kaswal na tanong ni Jessica.
Tumango si Marvin. "Tara na. Pagtawid natin sa lagusan na iyon, malapit na siguro tayo sa Deep River."
Tumango naman si Jessica.
Tila matagal nang mag-partner ang dalawa, na perpekto na ang pagtutulungan, habang nagpapatuloy sila sa kaibuturan ng Underdark.
Habang nasa daan, marami pa silang nakahrap na malalakas na halimaw, pero sa husay ng kanilang koordinasyon, walang halimaw ang makakatalo sa kanila!
Winalis lang ng Fae Sorceress at Ruler of the Night ang lahat ng makasalubong nila!
Marami nang nakatambal si Marvin sa laro para sa iba't ibang mga layunin, pero ngayon lang siya naging komportable nang ganito.
Sadyang si Jessica na ang pinakaperpektong partner. Mayroong silang malinaw na pagkakaintindihan sa lahat kaya naman parang natural lang ang lahat. Walang masyadong sinasabi si Jessica at laging solido ang kanyang aksyon. Kahit ano pa mang halimaw ang makaharap nila, direkta niya itong kakalabanin habang magpapatuloy si Marvin sa pagsisiyasat, magmamasid, at saka aatake ito.
Napupunan nila ang bawat kahinaan at kalakasan ng bawat isa. Habang lumalaban sila nang magkasama, mas lalong nagiging perpekto ang kanilang koordinasyon.
Sa paglalakbay na ito sa Underdark, ang pagkakaroon ng perpektong partner ang nagpapalakas ng kanilang mga loob.
…
Sa walang hanggang dilim na walang ano mang liwanag.
Ang mapanganib at tahimik na ilog ay mabagal na dumadaloy habang may isang aninong nakatayo sa pampang.
Naglakad siya sa isang tabi at sinabing, 'Hindi ko inasahan na ganoon ang mangyayari…Tulad ng inaasahan, eksaktong-eksakto ang Divine Prophecy.'
'Talaga ngang mapanganib kapag pinagsama ang Ruler of the Night at Fate Sorceress. Siguradong hindi mahaharangan ng isang tulog na Crypt Monster ang dalawang ito.'
'Pero paano kung isang gising at baliw na Crypt Monster?'
'Mga traydor… ang pagpapatahimik sa inyo sa dilim ang pinakamagaan na hatol para sa inyo…'