Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 610 - Fate Power (2)

Chapter 610 - Fate Power (2)

Bahagyang nahiya si Marvin.

Alam naman niya kung saan nanggaling ang inis ni Jessica. Lalo pa at malinaw naman kung gaano pinapahalagahan nito si Lorie, at malinaw din na hindi masaya si Jessica na inilipat nito ang ilang bahagi ng Fate Power ng kanyang kapatid sa kanya.

Kaya naman ang Fate Power ni Lorie, na noong una pa lang ay mas mahina na kesa sa kanyang mga kapatid, ay bahagyang mas humina pa, kaya naman mas lalo pa itong nalayo sa Legend Realm.

At si Marvin, sa pagtanggap ng bahagi ng Fate Power, ay hindi lang nakakuha ng direktang pisikal na benepisyo, nakakuha pa ito ng posibilidad na magkaroon ng mga Fate Sorcerer abilty habang may epekto pa ang Fate Power.

Dati nang nakasubok si Marvin na gumamit ng Fate Power sa kanyang katawa, pero hindi siya nakahanap ng paraan para i-activate ito.

Nararamdaman niya na malamang ay dahil ito sa hindi naman talaga siya isang Fate Sorcerer, kaya hindi na nakakapagtaka kung hindi niya magamit nang maayos ang Fate Power.

Pero base sa mga sinabi ni Jessica, mukhang magagamit na niya sa pagkakataon na ito ang Fate Power na nasa loob niya!

Kaya naman, humarap ito na may hiya sa mukha, handang makinig sa ano mang ipaayo ni Jessica. "Paano ko aaralin?" Tanong ni Marvin.

.

Kahit na hindi gaanong masaya si Jessica nang maalala ang tungkol sa kanyang kapatid, alam niyang mas makakabuti kung mayroon pang isang matuto kung paano gamitin ang Ghost Barrier bago ang susunod na laban. Idiniin niya ang isang kamay niya sa noo ni Marvin.

Ang kanyang malakas na Fate Power dumaloy sa isipan ni Marvin.

Sa isang iglap, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang dugo.

Ang Fate Power na nagtatago sa likod ng kanyang isipan ay nailabas.

Maraming impormasyon ang lumabas sa isipan ni Marvin, bago ito nawala at maging isa sa kanyang instinct.

Kasabay nito, isang bagong pagpipilian ang lumabas sa kanyang interface.

[Ghost Barrier (Advanced)]: Sa paggamit ng kaunting Fate Power, magagamit mo ang Ghost Barrier.

"Tapos na," Walang emosyon na sabi ni Jessica.

Nagulat si Marvin.

'Masasabi bang pag-aaral 'to?'

Talagang napakadaya ng mga Fate Sorceress!

Halos wala pang dalawang araw noong makuha ni Jessica ang spell book, at hindi niya lang ito natutunan, pero nagawa pa niyang ipasa ang spell kay Marvin gamit ang kanilang Fate Power sa loob lang ng ilang Segundo!

Naghanap si Marvin ng ilang halimaw sa kweba si Marvin na nasaniban ng Dark Specter para subukan ang kanyang bagong spell, at tulad ng inaasahan, nakakamangha ang epekto nito.

Epektibo ang Ghost Barrier laban sa mga Dark Specter.

Ang problema lang ay nagmula sa iba ang Fate Power ni Marvin.

Kahit na ang willpower bonus ay permanente, ang kapangyarihan nito mismo ay pansamantala lang. Kapag naubos ang bahagi ng Fate Power na ibinigay sa kanya ni Lorie, malamang ay hindi na niya magagamit ang Ghost Barrier.

Pero ayon sa kalkulasyon ni Jessica, ang regalo n Lorie kay Marvin ay sapat para magamit niya ang ability na ito nang hindi bababa sa dalawang buwan.

Mas lalo naman na nakadama ng pasasalamat si Marvin sa batang babae.

Malaki ang pakinabang ng Fate Power. Hindi lang ito nakakakuha ng kakayahan na gumamit ng Ghost Barrier, pero perpekto rin itong humalo sa kanyang mga skill, mga Blade Technique, at mga spell.

Matapos makabalik ng dalawa sa Stronghold, mapagkumbabang kinonsulta ni Marvin si Jessica buong gabi, kung paano gamitin nang maayos ang kanyang Fate Power at pagkatapos ng kanilang pag-uusap, kahit paano ay nauunawaan na niya kung paano ito gumagana.

Isa itong nakamamanghang kapangyarihan na nakakataas sa lahat.

Isa pa, dahil sa mga Plane Law, kayang gayahin ng Fate Power anglahat ng kapangyarihan. Magic, Strength, Dexterity, Knowledge…

Kahit na ang bawat Fate Power ng mga Fate Sorceress ay may kanya-kanyang espesyal na larangan, ang diwa ng kanilang kapangyarihan ay iisa.

Halimbawa, ang Fate Power ni Jessica ay [Power].

Maaari rin siyang magpasok ng kanyang Fate Power sa Source of Oder's Fire para maprotektahan ang siyudad gaya ni Kate, pero hindi ito magiging kasing lakas nito.

At ang Fate Power naman ni Lorie ay [Wisdom].

Ang Wisdom ang pinakamahirap na bagay na ipaliwanag, pero mas madali itong gamitin. Basta gamitin ni Marvin ang kanyang Fate Power, mas mabilis niyang matututunan ang mga bagay-bagay.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit dalawang segundo lang ang itinagal para maibahagi sa kanya ni Jessica ang spell.

.

Hindi ang kapangyarihan ni Jessica ang dahilan kung bakit niya mabilis na natuunan ang spell, ito ay dahil sa epekto ng Wisdom ni Lorie. Ginising ay nabuhay lang ito dahil sa tulong ni Jessica.

Kung narito si Lorie, magagawa niton matutunan ang spell sa isang tingin lang.

Ganito ang pakiramdam na pinapaboran ng Plane.

Ipinanganak sila mula sa Plane Will, at ang kapangyarihan nila ay nagmula sa Feinan. Sa Plane na ito, mayroong silang matinding kapangyarihan!

Medyo naiinggit si Marvin sa kapangyarihan na ito, kaya naman masaya siya ngayon na may pagkakataon siyang gamitin nang pansamantala.

Matapos magpaalam kay Jessica, bumalik na siya sa kayang kwarto at sinimulang aralin ang mga epetko ng kanyang Fate Power

Salamat sa paggabay ni Jessica, unti-unti na niyang natutuhan kung paano kontrolin ang Fate Power. Sa katunyana. Hindi na niya kailangan itong kontrolin nang masinsinan para lang gumana ito. Kailangan niya lang itong gawing isa sa kanyang katawan at gagana na ito base sa kanyang instinct.

Para sa isang tunay na Fate Sorceress, ang pagkontrol ng Fate Power ay para lang paghinga, isang bagay na natural na para sa kanila.

Para sa mga tulad ni Marvin, kakailanganin niyang mag-ensayo para maging mas mahusay ang pag-kontrol niya rito.

Sa una ay isa itong mahirap na proses. Kahit na kaya niyang gamitin ang Ghost Varrier, nalaman niyang ang paggamit ng Fate Power para palakasin at pabilisin ang kanyang sarili ay mahirap gawin.

Isang buong araw siyang nag-ensayo para malayang mapagalaw sa kanyang katawan ang kanyang Fate Power.

Malinaw na kaya nagagawa niyang mapabuti ang kanyang kakayahan sa loob lang ng isang araw ay isa sa epekto ng [Wisdom].

Naramdaman ni Marvin na ang Fate Power ni Lorie ay kapaki-pakinaban para sa mga taong hindi Fate Sorceress.

Kapag buong lakas siyang tumatakbo, maaari niyang gawing karagdagan bilis ang kanyang Fate Power. Ang kapangyarihan na ito ay para isang liwanag na kayang palakasin pa ang mga pambihira na

Nararamdaman ni Marvin na kapag ibinuhos niya ang kanyang lakas habang gamit ang Fate Power, para pataasin ang kanyang Dexterity attribute, kaya niyang makaabot sa 38 Dexterity!

Isa itong pambihirang lakas!

Kung sa pisikal na aspeto ito titingnan, halos walang kahit sino sa buong Universe ang makakaabot sa numero na iyon.

Mas nakakamangha pa ito na maaabot ito ng isang Human, na itinuturing na mahihinang nilalang.

Maaari rin naman mapataas ng Fate Power ang iba pang mga attribute, at ang epekto nito ay maaaring mas higit pa sa Dexterity.

'Kaya naman pala nagawang pira-pirasuhin ni Jessica ang Black Dragon.'

'Tila walang makakatalo sa kapangyarihan na 'to!'

Matapos na maunawaan nang lubusan kung paano gamitin ang kanyang Fate Power, hindi mapigilan ni Marvin na namamangha itong isipin, at nakaramdam na rin siya ng kaunting pagkabahala.

Ang kapangyarihan na ito ay pambihira, pero mawawala rin ito kalaunan.

Lalo pa at nagmula ito sa iba, kaya hindi natural na mayroon siya nito.

Pero mayroong kayang paraan para mapanatili niya habang-buhay ang kapangyarihan na ito?

Isang mapangahas na ideya ang pumasok sa isip ni Marvin!