Talagang hindi inakala ni Marvin na mayroong pang sapat na Magic Power na matitira sa Snake Witch, matapos ang lahat ng nangyari, para hanapin siya.
At naisip rin nito na, kung mayroon man itong natitirang enerhiya, hindi naman nito mahahanap ang lokasyon ng kanyang Eternal Night Seal.
Kasabay ng pwersahang paghila kay Marvin ng gravitational force para mapalabas ng Eternal Night Seal, mayroong bagay na napagtanto si Marvin.
'Mas malakas pa ang babaeng ito kesa sa nabanggit sa forum. Siguro ang Ranger na nagsulat ng post ay isa sa mga unang manlalarong naging God, kaya naman para mas mapadaling kalabanin ang Snake Witch noong nakaharap niya ito.'
'Malakas ang resistance ko at kaya kong labanan ang halos lahat ng Witchcraft na magdudulot ng mga curse o ng epekto sap ag-iisip ko, bukod pa rito ang napakataas na resistance ko sa mga Seal. Hindi ko naman alam na mayroon siyang spell gaya ng Bone Breaking Screech?!'
May dahilan naman ang mahirap na sitwasyon ni Marvin.
Marami siyang nalalaman tungkol sa Divine power dahil nagamit niya ito sa laro noong nag-ascend siya sa Godhood. Subalit, noong panahon bago siya mag-transmigrate niya pa lang, nabalitaan niya na mayroong mga guild na nagsasaliksik tungkol sa mga God Slaying Seal ng ikatlong Era, pero wala pa siyang gaanong nalalaman tungkol dito.
Nakita niya lang ang ilang paglalarawan ng God Slaying Seal tulad ng sa Bone Breaking Screech, pero wala pa siyang nakakalaban na gumagamit ng ganito.
Hindi kumpleto ang kanyang impormasyon kaya naman isa itong malaking kawalan kay Marvin.
Hindi nagawang iwasan ni Marvin ang Bone Breaking Screech, at nagulat pa siya mga bagay na handang gawin ng Snake Witch para lang makapaghiganti.
Nakatamo rin ang babaeng ito ng pinsala, pero ibinuhos pa rin nito ang lakas niya para lang hanapin si Marvin.
Maituturing na isa ngang baliw ang babaeng ito.
Gayunpaman, malinaw pa rin naman ang pag-iisip ni Marvin.
Napamura lang ito nang malakas dahil sa nagulat ito nang makita ang biglang paglitaw ng Snake Witch.
Pero agad naman na naging galak ang gulat na ito.
Ang kanyang pagkawala sa sarili ay 30% lang na totoo habang ang natitira ay pagpapanggap na.
Nagpanggap siya na desperado na siyang makatakas sa kapangyarihan ng Snake Witch, na para bang naubos na ang kanyang lakas. Unti-unti naman siyang hinila ng Snake Witch palabas.
…
Mayroon lang isang sinag ng araw na nakapasok sa lugar na iyon.
Matindi ang pagdurugo ng mga mata ng Snake Witch, pero ang pero ang mga namumuting mata nito ay nakatitig pa rin sa isang eksaktong pwesto sa gitna ng dilim.
Isang malaking butas ang lumabas mula sa kawalan, nahulog doon si Marvin at bumagsak siya sa harap ng Snake Witch. Hinihingal naman ito, pero ang mukha nito ay puno pa rin ng pagka-arogante at galit.
Hindi nagkamali si Marvin. Tunay na nakatamo ng pinsala ang Snake Witch mula sa Bone Breaking Screech.
Gayunpaman, sa kabiwalan ng nito, itinaya pa rin nito ang lahat at pwersahang hinila si Marvin pabalik .
Kung umatras lang ito sa at nagpunta sa kanyang bahay para maghanda nang mas mabuti, maissiguro nito ang kaligtasan ng kanyang sarili.
Lalo pa at nagamit na ni Marvin ang isa sa kanyang mga alas at hindi na niya muling masusurpresa ito. Idagdag pa na mahabang panahon nang nakatira ang Snake Witch sa kanyang bahay at siguradong marami nang bagay na nakahanda doon para sa pagharap sa mga Anzed, o para sa mismong Witch Queen.
Ang kuta ng isang caster na isang libong taon nang buhay… Kahit pa i-summon ni Marvin ang lahat ng kanyang maga Shadow Dragon at Black Dragon, wala pa rin kasiguruhan na mapapatay ito ni Marvin.
Pero tulad ng iba pang nilalang na mas nakatataas sa iba, masyadong mayabang at mapagmataas ang Snake Witch.
Siguadong-Sigurado siya sa kanyang sarili na nasa bingit na ng kamatayan si Marvin. Kailangan niya lang itong mahuli at wala na itong pag-asa.
Masyadong maikli ang pasensya nito para maghintay, at ayaw nang bigyan si Marvin ng pagkakataon na makatakas pa.
Gusto na niyang pahirapan si Marvin ngayon!
Sa ganoong paraan niya lang mailalabas ang kanyang galit at takot na bumalit sa kanyang puso.
Nang makita nito ang iika-ikang si Marvin sa kanyang harapan, ngumiti nang malaki ang Snake Witch na tila nangungutya. "Pesteng daga, wala akong pakialam kung saan ka pa nanggali, sa mga Anzed man o sa Supreme Jungle. Dahil ginusto mo kong patayin, sayo ko susubukan ang mga eksperimentong ginagawa ko!"
Matapos sabihin ito, ibunuka niya ang isa sa mga kamay niya, at ang mga daliri nito ay naging limang baging na pinupunterya si Marvin.
Pero biglang lumiwanag ang ginintuang ilaw!
Natuliro ang Snake Witch nang biglang makita ang reaksyon ni Marvin, na nakasalampak sa lupa, ay biglang nagbago.
Major Shapechange – Royal Griffin!
"Snake Witch!"
"Hindi lang ikaw ang nakakagamit ng Major Shapechange spell!"
Habang lumalabas ang mga salitang ito sa bibig ng Griffin, pumapagaspas ang pakpak nito na nagdudulot ng ipo-po na nilalamon ang lahat, naharangan rin nito ang posibleng dadanan ng Witch kaya wala na itong mapupuntahan.
Biglang namutla ang Snake Witch.
Nang makita nito ang eksenang ito sa kanyang harapan, naalala nito na walang kahirap-hirap itong gumamit ng Dispel Magic kanina!
Kaya hindi na nakakapagtaka kung nakakagamit rin ito n Shapechange spell.
Ang paggamit ng Majot Shapechange ay parang pagtatanggal ng katawan ng gumagamit nito. Kahit na hindi ito ka-level ng mas malakas na ability na Ultimate Shapechange, sapat na ito para malabana ang sakit at kahinaan ng normal na katawan ni Marvin.
Biglang napuno ng lakas ang katawan nito.
Nagkaroon din ng epekto ang paglaki ng Advanced False Divine Vessel sa Shapechange, naging mas maliksi ang Royal Griffin.
Magkalapit lang ang dalawa. Sa sobrang lapit, nang sinubukan gumamit ng insant spell ng Snake Witch para pigilan si Marvin, agad na itong nakapitan ng matatalas na kuko sa dibdib nito!
Isang madugong eksena ang nangyari sa Courtyard.
Si Marvin, na nasa bingit na ng kamatayan, ay walang nararamdamang awa para sa mga babaeng ubod ng sama, at hindi naman siya magkakamali at mamamatay dahil dito. Mabilis na dinukot ng Griffin ang dibdib at puso ng Snake Witch!
Kusa naman na lumabas ang Magic Armor na suot ng Snake Witch, pero tila wala itong nagawa sa matatalas na kuko ng Griffin, kaya naman napira-piraso ito sa isang iglap!
Hindi ito dahil sa malakas na kapangyarihan, kundi dahil alam ni Marvin na kung gaano nakakatakot ang isang Legend caster.
Ang isang makapangyarihnang caster gaya ng Snake Witch ay siguradong gumamit ng isang espesyal na recovery spell sa kanyang sarili.
Kung naging mabusisi ito, maaari pa itong mabuhay kahit na ulo na lang nito ang matira.
At ang tanging paraan lang para masiguradong patay na ito ay ang pagpira-pirasuhin ang lahat ng kritikal na bahagi ng katawan nito.
Sa huli, walang buhay nang bumagsak sa lupa ang Snake Witch.
Nanatili naman na nakatayo si Marvin sa tabi ng bangkay nito, nasa anyong Royal Griffin pa rin siya habang sinisiyasat ang madugong bangkay ng Snake Witch.
Ang mga maliliit na laban sa pagitan ng mga Legend ay kadalasan hindi mauuwi sa pagkamatay ng sino man dahil sa tibay ng kanilang pangangatawan, pagkakaroon ng mga espesyal na recovery technique, at napakaraming ability na magagamit nila para makatakas.
Pero pambihirang pagkakataon ang ibinigay ng Snake Witch kay Marvin. Kung umalis na lang ito, imbis na gumamit ng malaking bahagi ng kanyang kapangyarihan para hanapin si Marvin, hindi na sana naging karumal-dumal ang resulta ng kanilang laban.
Pakiramdam naman ni Marvin ay sinwerte siya dahil sa naging desisyon ng Snake Witch.
Alam niyang marami pang ibang Legend na hindi magkakamali nang ganito. Sa tagal ng pagtira ng Snake Witch sa swamp na ito, naging arogante na ito masyado dahil siya lang ang malakas sa lugar na iyon. Matagumpay siyang nagalit ni Marvin kaya naman nawala na rin ang kakayahan nitong mag-isip nang mabuti.
Habang inaalala niya ang naging laban, naramdaman niyang kahit na napakaikli lang nito, maraming beses na muntik matapos agad ang laban.
Bahagya rin natakot si Marvin nang malaman kung gaano pala talaga kalakas ang Bone Breaking Screech. Kahit n amalakas siya, marami pang ibang powerhouse sa Era na ito.
Marahil ay magsasaliksik na siya tungkol ditto sa susunod.
Matapos mapatay si Snake Witch, hindi agad na nagpunta si Marvin sa bahay nito sa swamp at hinanap ang kailangan niya. Alam niyang maaaring mayroong mga patibong at iba pang bagay na hindi niya nalalaman doon.
Nagpahinga muna siya nang humigit kumulang sa isang oras sa isang sulok ng Courtyard.
Matapos mawalan ng bisa ang Shapechange ability, muli niya nang naramdaman ang matinding sakit dahil sa pagkakabasag ng kanyang mga buto. Nahihirapan siyang indahin ito.
Mabuti na lang at dahil sa malakas niyang constitution at epekto ng Shapechange, unti-unting gumaling ang kanyang mga buto.
Malaking pinsala ang idinulot sa kanya ng Snake Witch. Nasa 70% lang ng kanyang lakas ang kanyang magagamit matapos ang unang paggaling niya.
Pero hindi naman permanente ang ganitong pinsala. Sa paglipas ng oras, at paggamit ng iba pang mga bagay na makakatulong, makakabalik muli siya sa dati sa loob ng humigit kumulang isang linggo.
Nang makabawi na ng sapat na lakas si Marvin, umalis na siya sa lugar na iyon.
Nahanap niya ang kahoy na tableta na kailangan niya sa katawan ng Snake Witch at dahan-dahan na muling pumasok sa swamp.