Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 589 - Bloody Throne

Chapter 589 - Bloody Throne

Malinaw na may gustong ipahiwatig si Saydis, pero hindi naman mawawala ang tiwala ni Marvin kay Blackhand dahil lang sa panunulsol nito.

Ang kanyang pakikitungo sa mga Devil ay naiiba sa nararamdaman niya sa ibang mga masasamang nilalang. At may dahilan sa likod nito.

Kahit na mapoot at masasama ang mga Devil, mayroon silang prinsipyo.

Masama ang hangarin ng mga ito at may pagkahipokrito, pero sumuunod sila sa mga patakaran.

Kahit na masama at madumi sila sa panlabas, patas sila.

Bihirang umatake ang mga Devil nang walang dahilan. Para sa kanila, mahalaga ang kanilang reputasyon… Bukod na lang kung tungkol ito sa sigalot sa pagitan nila at mga Demon.

Mas gusto nila ang paggamit ng mga Contract at mga kasunduan, pinaglalaruan nila ang kagustuhan ng mga tao at inaakit sila sa kasamaan.

Alam ni Marvin nakikipagkasundo sa mga Devil, basta hindi niya kakalimutan ang kanyang prinsipyo at ang kanyang limitasyon habang iniiwasang maimpluwensyahan ng mga ito, magiging kontrolado naman ang lahat.

Alam niya na ang walang libreng serbisyo sa Devil World, kaya kahit na lolo pa niya ito, hindi masyadong magpapakakampante si Marvin.

Ito ang kailangan maunawaan sa pakikipagkasundo sa mga Devil.

Ngumiti siya kay Saydis at sinabing, "Salamat sa paalala."

Tiningnan niya ang mahiyaing Tomb Raider. "Makakapasok ka ba?"

Ang daan papasok sa tomb ay nasa harapan na nila, at mukha lang itong pangkaraniwang hagdanan.

Pero sa katunayan, hindi makakapasok ang mga Devil sa lugar na ito.

Hindi pinapapasok ng Tomb ng Bloody Emperor ang mga Pure-blooded na Devil. Siya mismo ang nagdisenyo nito nang itatag niya ang tomb.

Hindi alam ng lahat kung paano niya ito nagawa, pero hindi makakapasok si Blackhand at si Saydis.

Kaya naman, walang magagawa si Saydis kundi ipagkatiwala kay Sangore ang paniningil ng utang ng Bloody Emperor. Hindi naman interesado si Marvin sa kung ano ang pagkakautang na ito.

Ang maaari lang makapasok sa tomb ay si Marvin at ang Tombe Raider.

Tinatanong niya ang opinyon ni Speedy.

Natigilan ang Tomb Raider hanggang sa nagpakita ito ng interes. "Kahit na natatakot akong mamatay, dahil nandito na rin tayo, pasukin na natin."

"Gusto ko rin malaman kung ano ang naiiba sa tomb ng sikat na Tyrant ng Underdark."

Tumango si Marvin.

Pinagbantaan niya ang Tomb Raider noong una dahil sa kawalan ng papipilian, pero kasabay nito, bahagya siyang nag-alala na muling samama ang Tomb Raider sa Black Knight. Kailangan niya ng disenteng gabay para mahanap ang daan papasok sa tomb, hindi naman niya inasahan na tutulungan siya ni Blackhand.

Ngayon na nahanap na niya ang daan papasok sa Tomb, wala nang dahilan para pumasok ang Tomb Raider kung ayaw nito.

Sa lakas ni Marvin, hindi niya gaanong iniisip kung ano ang maitutulong sa kanya ng Tomb Raider.

At kung mangangahas ito na kunin ang Sodom's Blades, hindi itong madaling makakalabas ng Devil Town.

Agad na pumasok ang dalawa sa Tomb.

Wala naman ginawa si Saydis at tiningnan lang sila.

Maituturing pa rin na bahagi ng Devil Town ang papasok ng tomb, kaya naman wala pa rin siyang magagawa para saktan si Marvin. Pero sa loob nito ay ibang lugar na.

Madilim at matarik ang bawat baitang sa hagdan. Kahit na maliliksing mga rogue ang dalawang ito, pakiramdam pa rin nila ay madulas ang kanilang inaapakan.

Hindi alam ni Marvin kung gaano na kalayo ang narrating ni Sangore, kaya sinubukan nilang bilisan ang pagkilos.

Ginagawa pa rin ni Speedy hanggang ngayon ang kanyang tungkulin.

Nanguna siya at ipinamalas niya ang kanyang pambihiran kakayahan sa paghahanap ng mga patibong at iba pang mga bagay.

Maraming tagong mekanismo ang nagawa niyang mahanap kahit malayo pa sila.

Ito ang kanyang Specialty.

Si Marvin na isa ring rouge Legend ay malayo pa sa ganitong level pagdating sa ganitong baagay. Kahit na maiiwasan ni Marvin ang mga mekanismong iyon nang mag-isa, hindi ito magiging ganoon kadali.

Habang iniisip ito, tinitigan nito si Speedy.

'Mukang makakabuti kung…. Magkakaroon ng Tomb Raider gaya niya sa teritoryo ko'

"Base sa bakas ng paa nila, ilang minute pa lang ang nakakalipas noong dumaan sila dito, hindi pa siguro sila nakakalayo."

"Tatlo sila."

Sa dulo ng hagdanan, mayroong makipot na kwartong gawa sa bato.

Mayroong tatlong pinto sa kwartong ito. Madali lang buksan ang mga ito at sa likod ng bawat isa nito ay madilim na lagusan.

Siniyasat ni Speedy ang sahig at sinabi kay Marvin, "Diretso silang dumaan doon."

Tinuro niya ang lagusan sa kanan.

"Iniisahan nila tayo," sabi ni Marvin.

Natigilan si Speedym pero hindi na niya hinintay na makapagsalita uli si Marvin at agad na pumasok sa lagusan sa kaliwa.

Hindi naman itinago sa Tomb Raider ang usapan ni Marvin at Blackhand, bukod na lang sa dalawang bagay na palihim sinabi ni Blackhand kay Marvin.

At ang isa sa mga ito ay tungkol sa kwartong ito.

Nahahati ang daan sa tatlong magkakaibang direksyon. Pero isa lang sa mga ito ang patungo sa tomb ng Bloody Emperor.

Kumpaara sa mga "bakas" na sinadyang iwan ni Black Knight para sa kanya, mas naniniwala si Marvin sa daan na itinuro ni Blackhand.

Sa kabuoan ng daan papunta sa lugar na ito, walang iniwang bakas si Black Knight, kaya bakit naman magkakaroon ng malinaw na bakas ngayon?

Dahil sa halatang-halata ang panlilinlang nito, malamang ang mga tangang nakuha ng Devil ang kaluluwa ang nakaisip nito.

Tungkol naman sa kung tama o mali ang impormasyon ni Blackhand… Kung gusto talaga saktang ni Diross si Marvin, maraming beses na sanang namatay si Marvin.

Mabilis na binaybay ng dalawa ang kaliwang lagusan.

Hindi naman ito ang inaasahan ni Marvin, hindi kasing gara ng naisip ni Marvin ang tomb ng Bloody Emperor.

Isa lang itong pangkaraniwang lugar sa ilalim ng lupa.

Maging ang pagkakagawa man nito o ang disenyo nito, lahat ito ay simple lang at halos nakakadismaya pa nga.

Habang palalim sila nang papalim sa lagusan, paunti nang paunti ang mga patibong na kanilang nadaanan.

'Ganoon ba kakampante ang Bloody Emperor?'

'Hindi man lang siya naglagay ng mga halimaw o mga construct para bantayan ang kanyang tomb?'

Mayroong kakaibang naramdaman si Marvin. Nakapunta na siya sa mga tomb ng mga Monarch dati, at mapapanganib na mga lugar ang mga ito.

Idagdag pa na puno ng mga halimaw at mga Guardian ang mga ito, napakakumplikado rin ang mga daanan.

Pero malinaw na hindi ganoon ang Tomb ng Bloody Emperor.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa dulo ng lagusan.

Bahagya nilang naririnig ang isang mabagsik na laban na nagaganap.

Bigla naman nagkaroon ng takot sa mukha ng Tomb Raider.

"Nagyon lang ako nakakita ng Legend na ganito," tumawa si Marvin. "Masasabing kakaiba na naging Legend ka kahit na ayaw mo sa mga labanan"

Napakamot naman ang Tomb Raider sa kanyang ulo at sinabing, "Sa totoo lang, ayaw ko lang talagang maiwan kasama ng dalawang Devil na 'yon."

"Interesado naman ako sa Tomb na ito, pero parang bangungot ko si Black Knight Sangore. Ayoko nang malapit sa kanya uli."

Hindi naman maipaliwanag ang mukha ni Marvin at nagtanong, "Eh bakit ka sumama sa akin?"

Tapat naman na sumagot ang Tomb Raider, "Naririnig kong tinatawag ka nilang Mister Marvin."

"Nakakamangha ang Disguise mo dahil mukha ka talagang Drow Fighter, pero hindi naman magkakamali sa pagkilala ang dalawang Devil na 'yon."

"Ikaw ang kilalang-kilalang Marvin sa Feinan, tama?"

"Kung ikaw nga ang Overlord ng White River Valley, sigurado akong mapagkakatiwalaan kita."

Hindi naisip ni Marvin na makukuha niya ang tiwala ng Tomb Raider dahil lang sa kung sino siya.

Pero naramdaman ni Marvin na kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng kasamang Tomb Raider.

Maunlad na sa ngayon ang White River Valley, pero kailangan pa rin nito ng iba't ibang uri ng talento.

Pero hindi ito ang tamang oras para gamitin ang kanyang reputasyon para mag-imbita sa kanyang teritoryo.

Si Black Knight Sangore ang pinakamalaki nilang problema sa ngayon.

"Pwede ka nang manatili dito, o pwede ka rin maghanap ng pagtataguan. Ako na lang ang tutuloy."

Matapos sabihin ito, agad siyang gumamit ng Stealth at tumakbo papasok sa kwarto.

Sa dulo ng lagusan ay may isang kwartong hindi ganoon kalawak.

Nagsasalubong ang ilang anino a loob ng kwarto, napasimangot naman si Marvin sa kanyang nakita.

Tulad ng inaasahan, naunahan nga si Black Knight Sangore, pero mayroon itong nakaharap na malaking pagsubok.

Isang Nine-Headed Hydra!

Nakahalo ang katawang ng Hydra sa gate na gawa sa bato, at ang bawa isa sa siyam na ulo nito ay nakalabas at mayroong kanya-kanyang pwesto sa gate.

Mahigpit na nakasara ang gate, at mukhang kakailanganin munang dispatyahin ang halimaw na ito bago makapasok sa loob nito.

'Sabi ni Blackhan, nasa likod ng gate na 'yan ang bangkay ng Bloody Emperor.'

'Sinasabi rin na hindi gumamit ng kabaong o iba pang bahgay ang ang Tyrant sa paglibing ng katawan niya, Kaya siguradong mayroon lang bangkay na nakaupo sa Bloody Throne.'

Mahinahon na inanalisa ni Marvin ang sitwasyon habang nananatiling naka Stealth.

Hawak ni Sangore ang kanyang spear at mayroong itim na kapangyarihan na lumalabas sa kanyang kamay.

Nanunuod lang ang Temple Raider… Masyadong masikip ang kwarto ay hindi nararapat sa kanya ang sumama sa laban.

Pero nagulat si Marvin na kahit ang Legend Wizard ay hindi rin lumalaban, nakatayo lang ito sa isang ligtas na sulok at paminsan-minsang nag-cacast ng ilang negative spell sa Hydra.

'Hindi normal 'to… Kahit na mayroong Legend Template ang Hydra, hindi naman nangangahulugan na mayroon siyang mataas na resistance sa magic'

Isang itong halimaw na makapal ang balt at mahirap ang paghiwa dito, kaya magiging mas madali ito sa tulong ng isang caster.

Bago magdesisyon si Marvin ng dapat na gawin, gumamit siya ng [Earth Perception].

Agad niyang naunawaan ang nangyayari.

'Walang kaluluwa?'

Ngumisi si Marvin habang tinitingnan ang Legend Wizard at si Sangore. Matapos niyang masigurong hindi ito isang patibong, kumilos na siya.

Pero ang punterya niya ay hindi ang Black Knight. Kundi ang gate na bato!

Kinakalaban ng Hydra si Sangore kaya hindi napansin ng mga ito ang palihim na paglapit ni Marvin sa gate.

Noong malapit na si Marvin sa gate, nakita na siya nang buo.

Kasabay ng galit na pagsigaw ng Black Knight, tumalon si Marvin sa tila nakasaradong gate at direkta siyang tatama dito!

Pero ang nakakagulat, tila hindi tunay ang pinto at lumusot lang si Marvin!

Napakabilis ng pangyayari na wala nang nagawa ang Hydra, lalo na ang Black Knight na nasa kalagitnaan ng isang matindin laban sa mga ulo ng Hydra.

"Paano nangyari 'yon?!"

"Ilusyon lang ang pintong 'yon?"

Ikinumpas ng Black Knight ang kanyang spear at direktang sinugod ang gate habang sumisigaw.

Sa kabilang dako ng gate, hindi pa rin nagpakakampante si Marvin.

Mukhang may silbi naman pala ang post na nabasa niya sa forum.

Mabuti na lang at inilagay ng nag-post dito ang tungkol sa koneksyon sa mekanismo ng gate at sng Hydra.

Ang gate na bato ay isa lang ilusyon. Kung may sapat na Dexterity, maaari lang direktang pumasok ang sino man matapos gumamit ng alaga para pukawin ang atensyon ng Hydra.

Pero ang nasa likod ng gate na bato ay isang mabigat na pagsubok.

Makikita ang bigat sa reaksyon ni Marvin. Tiningnan niya ang Bloody Throne na matatagpuan sa tuktok ng napakarami at patong-pating na buto sa di kalayuan.