Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 515 - Whisperer

Chapter 515 - Whisperer

Nagulat si Marvin sa nangyari!

Ang katawan ng isang Goddess na matagal na namatay… ay gumalaw?

Hindi mapigilan ni Marvin na kusutin ang kanyang mga mata.

Nang muling tingnan ni Marvin ang istatwa, hindi na ito gumagalaw.

Pakiramdam ni Marvin ay isa lang itong ilusyon.

'Tama ba ang Nakita ko?'

Dalawang beses niyang inikutan ang istatwa, at naghihinalang tiningnan ito, pero kahit ano pang pagmamasid niya dito, hindi na ito gumagalaw.

Ang mga kamay nito ay naglalabas ng malamlam na ilaw na gaya ng bituin sa kalangitan.

Kinilabutan si Marvin.

Hindi maalis ang nararamdaman niyang mayroong mali.

Mayroon kayang ginawa ang Lich sa Divine Body ni Miss Silvermoon?

Kung tungkol naman sa magic, kahit maraming nalalaman si Marvin tungkol sa maraming bagay, hindi siya isang Wizard kaya limitado pa rin ang kanyang kaalaman.

Sa kanyang level, hindi pa rin niya maisip kung ano ang motibo ng Lich.

Base sa usapan ng Jade Banshee at ng Lich, alam ni Marvin na may Barrier na malapit nang ma-activate.

Ayaw niyang magsimula ng gulo dito nang hindi kinakailangan, kaya nagdesisyon siyangumalis bago ma-activate ang Barrier.

Sinamantala naman niya ang oras na natitira para mag-ikot sa dungeon.

Naging mas maingat naman si Marvin sa Dungeon Core.

Napag-alaman niyang ang Dungeon Core na ito ay nasa isang uri ng pagtulog. Napapaligiran ito ng Sealing Array. Hindi nauunawaan ni Marvin kung anong array ito kaya hindi siya nangahas na galawin ito.

Pero ang magandang balita dito, mukhang maaari pang magamit ang Dungeon Core na ito.

Kung ganoon, isa itong mahalagang kayamanan. Kung makukuha niya ito, siguradong katumbas din ito ng pundasyon ng isang Sanctuary.

Matapos siyasatin ito nang mabuti, nalaman ni Marvin na mas mahinang pakinggan ang pagtibok ng Dungeon Core dahil sa mga Sealing Array.

Kung tutuusin, ang enerhyang nasa loob ng Dungeon Core ay masa malakas pa kesa nakikita sa panlabas nito!

Kung dumating ang pagkakataon, hahanap siya ng paraan para makuha ang Dungeon Core na ito.

'Mukhang walang pakialam ang Lich sa Dungeon core. Kung hindi ,sana kinuha na niya 'to,' sabi ni Marvin.

Malinaw na mayroon pang mas mahahalagang bagay sa Regis Ruins, at tila sa katawan lang ni Miss Silvermoon mayroong pakialam ang Lich at hindi na niya pinansin ang Dungeons Core.

Kung hindi, madali lang sana para sa Lich na tanggalin ang mga ito dahil sa taglay nitong kaalaman.

Paubos na ang oras, ginamit na ni Marvin ang Stealth at ligtas na umalis sa Regis Ruins.

Sinundan niya ang madilim na lagusan pabalik at muling nakabalik sa halaman kung saan siyang pumasok, saka ito bumalik sa gubat para makabalik sa Torch Path. Mukhang maayos naman ang lahat.

Hindi na nakita ni Marvin ang Jade Banshee sa kanyang daan pabalik.

Pero base sa usapan nito at ng Lich, pinapunta siya nito para tulungan siya. Sa lakas ng Lich, ano kaya ang pinplano nito at kinailangan pa nito ng karagdagang tulong?

May kinalaman kaya ito sa Cold Light's Grasp?

Mukhang wala na siyang magagawa kundi magpunta sa Holy Lights City para magtanong ng impormasyon dito para makumpirma ang kanyang haka-haka.

Hindi na nagsayang ng oras si Marvin. Matapos siyang makabalik sa Torch Path, ginamit niya ang Greyhawk Staff para mag-summon ng kabayo at sumakay dito.

Paglipas ng isang oras, malapit na siya sa Holy Light City.

Bumaba si Marvin saka siya gumamit ng Disguise, at binalak na pumislit papasok sa siyudad.

Strikto ang mg gwardya ng Holy Light City. Ang mga hindi Human at ang mga taong may problema sa God Realm ay hindi maaaring pumasok.

Mabuti na lang, nakay Marvin ang pass mula sa Eisengel at ang gwardyang tumingin nito ay hindi na siya pinahirapan at pinapasok na siya.

Hindi komportable si Marvin nang pumasok siya sa Holy Light City.

Mayroong mapang-aping pakiramdam dito.

Nakita ni Marvin ang mga emblem ng mga God.

Syempre, ang lahat ng mayroong suot na emblem ay mga taga-sunod na nasa Legend rank.Ang mga taong ito ay mayroong mas mataas na katayuan kumpara sa mga pangkaraniwang taga-sunod. Kwalipikado silang magsuot ng mas mataas na church emblem at mas nakakakuha sila ng pabor mula sa mga God.

Ang Holy Light City ay isang siyudad na maraming pwersa ng mga God.

Sa unang tingin, may maipluwensya rin ang mga powerhouse na Human, kahit paano ay kilala rin ang mga ito gaya ng mga God dahil sa mga makapangyarihang organisasyon, pero malakas pa rin ang pwersa na nanggagaling sa mga God.

Mahinahon lang naglakad-lakad si Marvin at nalaman na ang mga pwersa ng mga shrine ay kontrolado na ang 2/3 ng Holy Light City.

Lahat ng uri ng Divine Power Attribute ang nagkakalat sa paligid, at tila mayroong kompetisyong nagaganap sa pagitan ng mga shrine.

Mukhang napipigilan ang Shapeshift Sorcerer bloodline ni Marvin, kaya naman hindi siya komportable. Mahihirapan siyang gamitin ang kanyang mga Shapeshift Sorcerer shape sa lugar na ito. Kung makapasok man ang mga Devil at Demon, magdudusa sila dahil sa lakas ng pwersa.

'Ano na kayang nangyari kina Griffin.'

Nang madaan siya sa isang shrine, kinailangan niyang tiising ang seryosong pagtitig ng mga solemn guardian na tinitingnan ang lahat ng dumadaan dito.

Muling nakaramdam si Marvin ng pagka-ilang.

Hindi nagtagal ay umalis na siya sa shrine at naghanda nang magtungo sa lugar kung saan naninirahan ang mga tao para magtanong ng impormasyon.

Ang mga Human ay nakatira sa hilagang-silangang sulok ng Holy Light City.

Kumpara sa ibang mga lugar, mas mukha itong pangkaraniwang bayan ng mga Human.

Mayroong tavern, inn, tindahan ng sandata, bilihan ng mga kagamitan, at napakaraming mga bahay.

Kahit nasaan pa man ang isang tao, ang tavern ang pinakamagandang lugar para maghanap ng impormasyon.

Pinagmasdan ni Marvin ang dami ng mga tao sa ilang mga tavern bago piliing pumasok sa tavern na tinatawag nilang [Whisperer].

Napaka-ingay sa loob ng tavern. Madalas na naghahanap lang si Marvin ng isang sulok at bumibili ng isang basong alak, bago mahinahong umuupo.

Sadyang napakaraming Legend sa Holy Light City.

Ang lahat ng parokyano ng lugar na ito ay mga Legend. Ang lakas ng isang Legend sa isang nakakatakot na lugar gaya ng Crimson Wasteland, ay para lang pangkaraniwang lakas ng isang adventurer, kaya wala siyang dapat na ipag-alala.

Kailangan alagaan ng mga adventurer ang kanilang sarili at lumaban para magpalakas.

Pero hindi tulad ng mga pangkaraniwang adventurer, walang pakialam sa habap-buhay ang mga ito. Nagpunta lang sila rito para tuparin ang kanilang ambisyon na mas lalong lumakas.

Ang kagustuhan at ambisyon na ito na mas lumakas ay isang malaking dahilan para umunlad ang mga tao. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang tao.

Maghapon na nasa tavern si Marvin, at nang sumapit ang gabi, isang barman ang biglang lumapit.

"Kailangan mo ng tulong?"

Ang barman ay isang lalaki na may mapupungay na mga mata at mayroong masiyahing ngiti.

"Hindi naman kita tinawag." Ipinakita ni Marvin ang baso niyang mayroong pang laman.

Ngumiti ang barman at sumagot, "Tama, pero sa tingin ko kailangan mo ang tulong ko".

"Kanina ka pa nakaupo dyan, pero hindi ka tumitingin sa paligid, ibig sabihin wala kang hinihintay."

"Mukhang kalmado ka rin, so hindi ikaw ang tipo na umiinom para maglibang. Ibig sabihin, isa lang ang rason kung bakit ka nagpunta sa Whisperer."

"Wala ka bang gustong malaman?" tanong ng lalaki habang nakangiti.

"Bang!" Binagsak ni Marvin ang kanyang baso sa mesa at ngumisi.