Hindi na nagtagal si Marvin sa Eisengel.
Hindi naman talaga siya mananatili at daanan niya lang ang kampong ito na karamihan ay mga Human Wizard. Nagpahinga siya ng isang araw sa kampo at umalis na ng Esiengel pagsapit ng gabi.
Nakakuha siya ng ilang magagandang bagay mula kay Balkh, pero sa kasamaang palad, maliit na kampo lang ang Eisengel.Walang Grandmaster Appraiser dito kaya hindi natukoy ni Marvin kung ano ang mga bagay na ito.
Pero nabalitaan niyang maraming uri ng talentadong Appraiser sa Holy Light City.
Ang lugar na rin na ito ang isa sa mga pinakamakapangyarihang pwersa ng mga Human sa Crimson Wasteland.
Habang kumakalap ng impormasyon si Marvin tungkol sa Holy Light City sa Eisengel, isang bagong balita ang nakakua ng kanyang atensyon.
Naging mapayapa raw noong mga nakaraan anang Holy Light City. Ang anak na babae n Moon Goddes Faniya, si Miss Silvermoon, ay nakita raw sa Holy Light City. Isa itong malihim na bebe, pero nakilala pa rin siya ng ilang maalam na tao.
Mayroong nagsabi na ang pinakamamahal na artifact ni Miss Silvermoon ay nakabaon sa isang tagong kweba ng hiya sa paligid ng Holy Light City.
Kaya naman, naging buhay na buhay ang mga Holy Light City noong mga nakaraan dahil maraming nag-aasam na makuha ito.
Walang masyadong nalaaman si Marvin tungkolsa misteryosong Moon Goddess, at ang anak nito na si Miss Silvermoon, ay bibihira din magpakita. Pero alam niya ang tungkol sa Cold Light's Grasp.
Ang malawak na kaalaman tungkol sa mga Legendary straight dagger ang isa sa mga importanteng malaman para makapag-advance bilang Assassin sa Feinan.
At natural na may hilig si Marvin sa mga sandatang ito. Ang kanyang mga [Azure Leaf] ay maituturing na mga pambohirang dagger.
Pero sa pagkakaalam niya, ang Cold Light's Grasp dagger ay mas mataas ang rank kesa dito.
Ang kanyang mga [Azure Leaf] ay isang pares ng mga Legendary item, habang ang mga [Cold Light's Grasp] naman ay isang pares ng Artifact!
Ang pares ng dagger na ito ay mas mataas pa ang rank kesa sa [Nightfall].
'Sinasabi na ang Crimson Wasteland ay ang lugar kung saan naganap ang napakaraming digmaan. Maraming mga God ang bumagsak dito.'
'Sa pagkakaalam ko, namatay si Miss Silvermoon sa ikatlong era. Kaya malamang ay umaaligid pa rin ang kaluluwa niya rito.'
'Lilitaw ng aba talaga ang Cold Light's Graps?'
Nag-iinit naman si Marvin habang iniisip ito.
Susubukan niya ang kanyang swerte sa paghahanap kay Minsk at sa Cold Light's Grasp habang nasa Holy Light City siya.
Lalo pa at ang Azure Leaf ay isang katibayan na malaki ang naitutulong ng mga makapangyarihang weapon sa pagpapalakas ng isang tao.
Tinawid niya ang talahiban at hindi nagtagal ay nakarating sa Withered Leaf Promenade, naglakad siya pa-hilaga sa ilalim ng kadiliman ng gabi.
…
Sa isang lugar sa Abyss, sumasayaw ang apoy sa pagitan ng mga kabundukan.
Niyanig naman ng isang biglang pag-atungal ang buong kalupaan.
"May nangahas na pumatay sa aking anak!"
Isa itong Demon na kasing laki ng isang maliit na bundok!
Ang lugar na iyon ay isang lugar kung saan hindi natatapos ang labanan. Maraming kakaibang insekto ang naglalabasan mula sa iba't ibang mga bitak sa lugar na iyon. Iwinasiwas ng isang Greater Demon ang kanyang malaking hammer at dinurog ang mga insektong ito at lumabas ang kulay berdeng katas sa mga ito.
Nagatungan ng katas na ito ang kanyang Demon Flame kasabay ng paggatong nito sa kanyang galit!
Ang hukbo ng mga Demon sa kanyang likuran ay galit din na nagisiwawan habang inaatake ang kanilang mga kalaban.
Isa itong malaking pagkapanalo.
Ang isang buong Secondary Plane ay nasakop na nila.
Pero ang Demon Lord na si Balkh ay hindi man lang natuwa.
Sa katunayan, nang matapos ang digmaan, agad siyang bumalik sa teritoryo niya.
Tumagos ang kanyang paningin sa isang plane at tiningnan ang mukha ng isang binata.
Tila naramdaman naman ng binata ang pagtingin sa kanya kaya lumingon ito at tumingin pabalik.
Sa sumunod na sandali, isang matindin kapangyarihan ang namagitan at nawala na sa kanyang paningin ang binata.
"Nagawa niyang patayin ang pinakamahusay kong anak…" Nag-uumupaw sag alit si Balkh.
Pero wala siyang magawa tugnkol ditto.
Namatay ang kanyang anak sa Crimson Wasteland.
Mayroong kasunduan sa pagitan ng mga God at mga Demon na ang mga powerhouse na ka-level nila ay hindi maaaring pumasok sa Crimson Wasteland.
Ang mga namatay sa Crimson Wasteland ay hindi maaaring ipaghiganti, kung hindi, matagal na sanang nawasak ang plane na iyon dahil sa galit ng isang nilalang.
Pero kahit na hindi maaaring personal na mamagitan ang mga Demon Lord, hindi nangangahulugan na hindi sila pwedeng magpadala ng gagawa nito para sa kanila.
"Kumalap kayo agad ng impormasyon tungkol sa Human na iyon."
"Gamitin niyo ang lahat ng pwersang mayroon tayo sa Crimson Wasteland. Nakita kong nasa Southern Wasteland siya, gaano karami ang tauhan natin doon?"
Malumanay naman sumagot ang isang napakagandang Succubuss, "Kaunti lang ang tauhan natin sa Southern Wasteland."
"Pero ang magandang balita, naroon si [Blade]."
Ngumisi si Balkh, "Sabihin mong dalhin niya sa akin ang ulo ng Human na iyon."
Paglipas ng tatlong minute, sa isang abandonadong kakahuyan sa paligid ng Holy Light City, ang isang tila mantis na anino ay dahan-dahang nagising.
…
Sa Bloody Wasteland, sa dakong hilaga ng Holy Light City.
Kakaiba ang klima sa Wasteland at wala talagang eksaktong batas ito.
Halimbawa, sa dakong hilaga ng Holy Light ay isang napakalaking snow mountain, at sa mas malayong bahagi ay mayroong mabulaklak na kalupaan na tila ba nasa gitna ng tagsibol.
Sa walang hanggang snowy slope, isang batang babae ang hirap na naglalakad.
Sa di kalayuan, isang maikling sanga ang nakalitaw mula sa isang punong balot ng nyebe.
Nilagpasan ito ng batang babae nang walang pagbabago sa kanyang reaksyon.
Pero nang lagpasan niya ang sanga, naging ahas ito!
"Ssss!"
Dinambahan ng ahas ang babae at tinuklaw ang leeg nito, pero ang nakakapagtaka rito ay wlaang dugong lumabas.
"Woosh!"
Isang kislap ng liwanag ang kuminang kasabay ng pagbagsak ng ulo ng ahas sa lupa.
Nawala na ito matapos magpagulong-gulong pababa ng slope.
"Hindi mo dapat sinasayang ang talent mo."
Isang malumanay na boses ang maririnig sa tabi ng tenga ng batang babae. "Alam kong natural na mga Assassin ang mga katulad mo, pero ang mga Assassin na umaasa lang sa kanilang natural na talento ay madaling mamamatay."
Mahinahon lang ang batang babae habang sumasagot, "Sinong Assassin ba ang hindi mamamatay? Gusto mo bang manatili akong walang silbi buong buhay ko at magpatuloy lang mamuhay ng ganito?"
Tila wala namang magawang ang boses habang nagrereklamo ito, "Minsan pakiramdam ko, ikaw ang titser ko at ako ang estudyante."
Bigla namang gumuhit ang isang ngiting bibihirang makita sa mukah ng batang babae. "Wag kang mag-alala, Teacher, mayroong akong bahagi ng Fountain of Youth sa katawan ko, sapat na ang buhay ko para gamitin ang talento ko."
"Hindi panghabang buhay ang Fountain of Youth. Sampung taon ka nang nagsasanay sa espesyal na space. Sa paglustay mo nito, kaunting panahon na lang ang matitira sayo pagbalik mo sa Feinan."
Sinusubukan pa rin siyang kumbinsihin ng boses.
Tumingin ang babae sa kalangitan at desididong sinabing, "Sapat na 'yon. Di naman ako naghahangad na mabuhay nang matagal."
"Gusto ko lang lumakas nang mabilis. Sa ganoong paraan ko lang siya matutulungan."
"Teacher, sabi mo ang Cold Light's Grasp ay nababagay na maging sandata ko, pero mahahanap ba talaga natin 'yon?"
Malumanay na may mapagmalaking tonong sumagot ang boses, "Syempre naman."
"Lalo pa at…'yon ang ginamit kong sandata noong nabubuhay pa ako…"
"Sige na, malapit na dito ang Holy Light City."