Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 498 - Abyssal Blood Pond

Chapter 498 - Abyssal Blood Pond

Mabilis na nagmaniobra sa ere ang Royal Griffin at naiwasan ang Acid Arrow ni Balkh!

Mayroong nilalaman na instant spell ang staff na iyon, pero sa lakas ng mga attribute ng Royal Griffin, madali lang naiwasan ni Marvin ang atake nito kahit na maikli lang ang distansya sa pagitan nilang dalawa.

At natuwa naman si Marvin na inakala ni Balkh na isa siyang Druid.

Lalao pa at kadalasan, ang pagiging isang Griffin ay isang pambihirang skill ng mga Druid.

Kung hindi siya naging Griffin at sa halip ay ibang hayop na lumilipad, marahil tinamaan na siya ng Acid Arrow!

Pero hindi pa rin nagpakakampante si Marvin.

Nagliwanag sa altar ang isang madilim na ilaw at bahagyang makikita ang Magic Dragon dito, nagpapaikot-ikot.

Hindi kayang lumaban ng melee ng nilalang na iyon, pero mayroon ito parehong epekto ito sa altar at binibigyan nito nang walang humpay na magic buff si Balkh.

Nagpapatuloy ang laban. Lyamado si Balkh dahil sa nakakatakot na Demon Wizard Altar and ayaw niyang lumapit dito.

Kaya naman, sa utos niya, ang anim na Shadow Dragon ay umatake pababa sa altar!

Gusto niyang piloting wasakin ang altar!

Kapag nasira niya ito, mababawasan ang panganib na dulot ng Demon Wizard!

"Woosh!"

Isang gininuang liwanag ang kumislap sa kalangitan. Nag-ingat si Marvin na hindi masyadong lumipad nang mataas dahil puno ng mga spatial crack ang kalangitan ng Withered Leaf Promenade. Kapag masyado siyang nalapit dito, madali siyang mahihigop ng mga ito.

Inutusan niya na rin ang mga Shadow Dragon na babaan lang ang paglipad kapag lumapit ang mga ito, pero kahit na ganito, muntik pa rin mahila papasok ang isang Shadow Dragon sa isang spatial crack.

Mabuti na lang at ang mga Shadow Dragon ay mga nilalang na mataas ang resistance sa paghila ng mga spatial crack. Eksakto naman ang utos na ibinigay ni Marvin.

Ang katawan ng mga Shadow Dragon ay tila mga itim na ulap na bumababa sa maliit na lambak, at mabagsik na inaatake ang altar.

Pero biglang umatungal ang Sheep-head staff na hawak ng Demon Wizard!

Mayroong matinding pwersang hatid ang atungal na ito, at kahit si Marvin ay tnablan ng willpower check, kahit na mayroon siyang malakas na ability dahil sa pagiging isang Royal Griffin!

Biglang nanigas si Marvin at nagsimulang bumagsak mula sa ere.

Pero kalahating segundo lang ang tinagal nito bago mulang bumalik sa ulirat si Marvin at nagpatuloy muling lumipad.

Pero hindi naman ganito ang naging sitwasyon ng mga Shadow Dragon. Nagsimula ng isang incantation si Balkh at may kulay abong liwanag na lumabas mula sa mga sulok ng altar!

[Legend Spell – Ghostly Death Ray]!

Anim na Death Ray ang tumama sa anim na Shadow Dragon. Ang mga Shadow monster na ito ay hindi tinatablan ring Death Magic, kaya sa isang iglap, tatlo sa mga ito ang bumigay!

Ang dalawa pang Dragon ay tila lumalaban pa rin, ngunit nagsisimula nang humina ang katawan ng mga ito at bumagsak sa lupa, hindi na rin makagalaw ang mga ito!

Pero ang huling Shadow Dragon ay hindi nagpatinag sa malakas na kapangyarihan ng Death Ray at nagawa pa rin nitong atakihin ang altar.

Nanlumo si Marvin.

Mas mahirap pala kesa sa kanyang inakala ang pagkalaban kay Balkh!

Siguradong hindi makakayanan nang mag-isa ng Shadow Dragon na iyon ang pagwasak sa altar.

Ang mga Demon Wizard Altar ay parang mga Wizard Tower. Mayroon itong iba't ibang uri ng depensa at isa lang dito ang anim na Death Ray.

Siguradong mayroon pang ibang depensa si Balkh!

At gaya ng inaasahan, nang dambahan ng Shadow Dragon ang altar, isang madugong liwanag ang kumislap!

Isang pinto ang nagbukas mula sa kawalan at napakaraming dugo ang nagsimulang bumuhos sa katawan ng Shadow Dragon.

Kahit na isa itong nilalang na mayroong limitadong kamalayan, umatungal ito dahil sa sakit matapos mabalot ng dugo.

Nanuod lang si Marvin habang natutunaw ang Shadow Dragon!

Bumuhos rin sa altar at kay Balkh ang dugo pero hindi sila naapektuhan nito.

Sa katunayan, ang bawat bloke ng altar ay hinihigop ang altar na para bang isa itong masarap na inumin.

Nararamdaman ni Marvin na lumalakas ang enerhiya ng Demonic Altar!

'Pucha!'

'Abyssal Blood Pond!'

'Kaya palang buksan ng lalaking iyan ang Abyssal Blood Pond!'

Kahit na tila napapagod na si Balkh, tila ba muli itong sumigla dahil sa dugong bumuhos, kaya naman isang malaking problema ang dala ng Abyssal Blood Pond na ito. Napuno ng pangamba si Marvin nang malaman ito.

Ang Abyssal Blood Pond ay isang makapangyarihang lawa ng enerhiya at ang essence nito ay pareho sa [Evil Spirit Sea] ng Negative Energy Plane, ang [Sin Country] ng Nine Hells, pati na ang Universe Magic Pool. Ang pinagkaiba lang, ang mga Demons ay mismong nagmula sa Abyssal Blood Pond. Ang bawat Demon Spawn ay dito ipinanganak.

Mayroong pangunahing Abyssal Blood Pond, pero mayroon ding mga nakahiwalay na Lesser Blood Pond, pero ang mga ito ay kontrolado ng mga makapangyarihang Demon Lord.

Hindi hihigit sa sampung Demon Lord ang may hawak sa isang Blood Pond.

Kahit na ang am ani Balkh ay isang kilalang Demon Lord, hindi siya isa sa mga ito.

Tumingin nang Mabuti si Marvin. Kung ganoong, saan naman nakuha ni Balkh ang kakayahan na gamitin ang Abyssal Blood Pond?

Matinding Magic Power ang dala ng dugo mula sa Abyssal Blood Pond. Ang mga patak ng dugong ito ay kayang tunawin ang ano mang hindi Demonic na nilalang habang pinalalakas nito ang kapangyarihan ng mga Demon. Kung gagamitin ito sa Demonic Altar, bibigyan nito ito ng karagdagang enerhiya.

Kaya hindi na nakakapagtaka na naramdaman ni Marvin na mas lumakas ito.

Handa si Balkh na makipagmatigasan kay Marvin.

Matapos siyang magulat dahil sa paggamit ng Abyssal Blood Pond, hindi na nangahas si Marvin na lumapit pa sa altar.

Alam niya na ngayon pinakamalakas ang Blood Energy nito, kaya siguradong walang magandang mangyayari kapag pinilit pa niyang lumapit dito.

Anim na Shadow Dragon ang nadispatya nang ganoon-ganoon lang. Talagang dapat katakutan ang lakas ni Balkh.

Kaya naman pala walang powerhouse sa Eisengel na gustong kumuha ng misyon na ito.

Tila mayroong sumusuporta kay Balkh bukod sa kanyang ama.

Nabalitaan ni Marvin na tulad ng Evil Spirit Sea na mayroong sariling pag-iisip, ang Abyssal Blood Pond ay mayroong bahagyang kamalayan.

At ang kamalayan na iyon ay pumipili ng mga pambihirang Demon at bigyan sila ng espesyal na atensyon.

Parehoito sa mga Fate Sorcerer ng Feinan, na pinili ng kamalayan ng plane.

Marahil si Balkh ang "Fate-Chosen Demon."

Gayunpaman, ang misyon ni Marvin ay dispatyahin si Balkh, kung hindi, wala siyang magagawa kundi gawin ang pagpapatrol ng mga baguhan.

Kahit na hindi maganda ang kanyang sitwasyon, naramdaman ni Marvin na kakayanin pa rin niya ito.

Nag-isip siya sandali saka siya desididong lumusong pababa!

"Gusto mo na atang mamatay! Panunuya ni Balkh.

Iwinasiwas niyang muli ang kanyang sheep-head staff.

"Woosh!"

Isang Ghostly Death Ray ang ginamit nito kay Marvin!

Sumabog sa ere ang Royal Griffin sa ere, kumalat ang balahibo nito sa lahat ng direksyon!

Isang anino ang nahulog sa lupa at ilang beses nagpagulong-gulong bago nawala sa paningin ni Balkh!