Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 499 - Eternal Night Seal

Chapter 499 - Eternal Night Seal

T/N: Eternal Night Banish -> Eternal Night Seal

Ang kanina'y maingay na lambak ay biglang natahimik.

Dahil sa 200 na puntos ng Stealth ni Marvin pati na isang palabas, nagawa niyang mawala sa pangingin ni Balkh sa isang iglap.

Kahit na ang Royal Griffin ay mayroong malakas na constitution, tatablan pa rin ito ng mga spell ng mga makakapangyarihang Wizard.

Isa pa, ito ang unang beses na naranasan n Marvin ang paggamit sa ganitong uri ng Shapechange skill, kaya hindi pa niya gaanong gamay ang anyong ito. Kaya mukhang dehado siya sa Demon Wizard na si Balkh.

Kahit na hindi kasing lakas nito ang kanyang anyong tao, mayroon itong malakas na burst power.

Naghahanap ng opportunidad si Marvin na madispatya ang Demon Wizard.

Mayroong siyang kakayahan, kailangan niya lang ng pagkakataon para umatake.

Nagtago siya sa dilim, tahimik na umaaligid sa altar.

Lumabas sa altar ang isang nakakasilaw na liwanag kasabay ng paglitaw ng hamog. Pero malinaw na hindi tanga si Balkh. Dahil hindi nito masabi kung saan napunta si Marvin, gumamit ito ng magic para maharanagan ang paningin ng kanyang kalaban.

At tulad ng hamog kanina, mayroon din mapaminsalang awra ang hamog na ito.

Tahimik lang na tiningnan ni Marvin ang kanyang log at nakakita ng sunod-sunod na check ang lumilitaw.

Wala na siyang dapat sayangin na oras.

Maaaring ang hamog na ito ang ginagamit ni Balkh para mahanap ang kanyang posisyon. Kapag mas tumagal ito, mas lalong mapapasama ang kanyang kalagayan.

Sa sumunod na sandali, nawala si Marvin mula sa kanyang pwesto!

Night Boundary!

"Woosh!"

Isang anino ang umatake sa Demonic Altar!

Subalit, hindi naman nagulat si Balkh sa biglaang pag-atake ni Marvin, sa halip tinawanan niya lang ito. "Ang lakas ng loob mong atakihin ang Demon Wizard Altar!"

"Mamamatay ka na!"

Kasunod ng sinabi niyang ito, isang nakakatakot na awra ang lumabas mula sa altar.

Pero nanatling mahinahon si Marvin. Gumalaw siya na paran hangin at nakakamangha sa altar na maputik.

Kumplikadong humakbang ito at napunta sa likuran ni Balkh, at direktang hinawakan ang katawan ni Balkh!

"Pabayang Demon."

Nang marinig ang boses ni Marvin, tila nagdilim ang paningin ni Balkh!

Legend Skill – Eternal Night Seal!

Ang bawat skill at specialty ng Ruler of the Night class ay kakaiba at makapangyarihan.

Tulad ng lang ng alas na ginamit ni Marvin, ang Eternal Night Seal!

Ang skill na ito ay may tyansang makulong ni Marvin ang kanyang mga kalaban sa espasyong pag-aari ni Marvin!

Sa isang iglap, dalawang tao ang nawala mula sa altar.

Tila mahina ang resistnce ng Greater Demon na ito sa ganitong uri ng magic, at wala rin itong pagkakataon na magcast ng spell para makabawi dahil sa bilis ng pag-atake ni Marvin!

Nanlamig si Balkh sa napakadilim na kapaligiran!

"Sa tingin mo mananalo ka pa rin matapos kang mailayo sa altar mo?"

Isang malamig na boses ang umalingawngaw sa likod ni Balkh. Umatake ang Azure Leaf, at pinira-piraso si Balkh!

Bilang isang Demon Wizard, mukhang hindi ganoon kalakas ang pisikal na katawan ni Balkh.

Pero nagulat si Marvin sa sumunod na nangyari.

Matapos mapira-piraso ang katawan ni Balkh, naging bubog ang mga ito!

"Ano? Isang mirror image?'

'Imposble! Sinigurado kong siya nga iyon!'

Matapos niyang gamitin ang Eternal Night Seal, hindi niya inakalang makakatakas pa rin si Balkh.

Sadyang kakaiba ito, dahil nang mahawakan ito ni Marvin, sigurado siyang ito ang tunay na katawan ni Balkh.

At dahil doon, isa lang ang maaaring paliwanag dito.

Napailing si Marvin habang sinasabing, "Baliw talaga ang lalaing 'to.'

Sa altar, isang matangkad na aino ang muling nabuhay!

Pero sa pagkakataong ito, mas masamang tingnan si Balkh!

Hindi niya inakalang mapapatay siya nang dalawang beses sa loob ng isan araw.

Kahit na muli siyang nabubuhay sa altar, labis na hihina ang enerhiya ng altar sa tuwing mangyayari ito.

Subalit, hindi naman siya gaanong makakatanggap ng pinsala.

Mas ikinagalit pa niya na noong pangalawang beses siyang napatay, nagawang putulin ng Human na iyon ang koneksyon niya sa altar!

Ang ganoong uri ng nakakatakot an sealing abitlity ay isang bagay na kakaunti lang ang makakakuha.

Kung hindi lang sa kakaibang sitwasyon na ito, marahil hindi na siya muling nabuhay!

Habang iniisip ito, bumigat ang loob ni Balkh.

Noong una ay inakala niyang magiging katulad lang ito ng dalawang Human Assassin, na kailangan niya lang maiwasan ang lihim nap ag-atake ng mga ito at magiging madali na ang lahat. Pero hindi niya inakalang mayroong malakas na alas ang taong ito.

Tila mayroong awra ng Devil sa katawan nito. At mukhang may dahilan kung bakit siya mayroon nito.

Maraming hula ang pumasok sa isip ni Balkh.

Pero kailangan niya pa rin lumaban.

Sumigaw ito, "29th!"

Lumilipad sa paligid ng altar ang Magic Dragon at binalaan si Balkh, "Master, hindi pa handa para sa isang laban si 29th! Nagbabago-bago ang estado niya mula nang gisingin ko siya. Baka…"

Agad naman sumabat si Balkh, "Kailangan ko ang ability niya!"

"Gusto kong durugin ang Human na 'yon!"

Agad naman sumagot ang Magic Dragon, "Masusunod, master."

Agad naman lumaki ang katawan nito!

Sa oras na ito, itinigil na ni Marvin ang paggamit sa Eternal Night Seal at muling lumitaw sa altar.

Pero sa pagkakataon ito, hindi na si Balkh ang pinunterya niya.

Matapos na pumalya ang Eternal Night Seal para patayin si Balkh, naisip ni Marvin na mananatili pa rin si Marvin sa paligid nito.

Hindi lang ito basta-basta ordinaryong altar para kay Balkh!

'Parang Lich ang lalaking 'yon, itinali na niya ang kaluluwa niya sa altar… Gawain ng isang baliw!"

Hindi naman maunawaan ni Marvin kung bakit gagawin ng isang Greater Demon gaya ni Balkh, ang bagay na iyon.

Mayroon bang isang misteryosong bagay sa lambak na ito na hindi pa niya nalalaman?

Gayunpaman, dahil nalaman n ani Marvin ang koneksyon ni Balkh sa altar, hindi na niya basta-basta aatakihin si Balkh.

Ang altar ang susi!

Tanging ang pagwasak sa altar ang makakapatay kay Balkh!

Binalak ni Marvin umalis gamit ang Shadow Step, pero hindi niya inakala na noong lumitaw siya sa altar, isang madikit na bagay ang dumikit sa kanya!

Shadow Step!

Hindi gumana!

Nagulat si Marvin.

Mula sa gilid ng kanyang paningin, napansin ni Marvin na lumalaki ang Magic Dragon. Binuka nito nang napakalawak ang kanyang bunganga at isang lalaking nakabaluktot na parang sanggol ang lumabas mula dito.

Mayroong masamang awra ng Abyss ang nanggagaling sa kanya!

Napamura nang pabulong si Marvin habang sinusubukan niyang makakawala at makatakas mula sa lugar na ito, pero huli na ang lahat.

Habang umaalingawngaw ang tawa ni Balkh, minulat ng lalaki ang kanyang mga mata.

Kahel ang mga mata nito at mukha itong pagnkaraniwang Human.

Pero ang awrang nagmumula dito ay Demonic!

Ang mas nakakatakot pandito, ay ang tindi ng awrang nagmumula sa kanyang katawan!

Mas malakas pa ito sa awra ng mismong Greater Devil na si Balkh!

Iniabot ni 29th ang kanyang kanan kamay at hinawakan ang naninigas na balikat ni Marvin.

Lumabas ang mga Logs sa harap ni Marvin:

[Pinapasok ng Abyssal Corruption ang katawan mo…]

[Abyssal Corruptio: ang tatamaan nito ay mako-Corrupt.]