Kasunod ng masamang boses na ito, isang lalaki na Malabo ang mukha ang lumitaw sa daan papasok ng lambak.
Gulat na tiningnan ni Ell ang papalapit na lalaki at nanginginig ang boses na tinanong, "Ikaw ba si Tidomas?"
Tumawa ang lalaki. "Mabuting taga-sunod si Tidomas."
"Ginawa kong makayanig mundo ang reputasyon niya, hindi ko siya pinabayaan."
"Pero nagkakamali ka, anak. Ako ang iyong Supreme God."
"Ako si Hartson."
…
"Si Tidomas ay si Dragon God Hartson?"
"Hindi totoo ang pagkamatay ng Dragon God?"
Sa labas ng Transparent na lagusan, pinagkinggan mabuti ni Marvin ang Fairy, at napailing siya dahil sa konklusyon niya mula sa kanyang pag-aanalisa.
Dahil nakilala ni Marvin ang Dragon Soul, kahit paano ay naunawaan na niya niya ang nangyari.
Dahil sa sinabi ng Fairy, nalaman ni Marvin na ilang beses nagtangka si Dragon God Hartson na mapasakamay nito ang mundo noong nabubuhay pa siya.
Sumama na siya sa Evil Spirit Sea at nakipagkaisa sa ibang Overlord ng Negative Energy Plane para pasukin ang Feinan.
Pero sinira ni Wizard God Lance ang kanyang plano umpisa pa lang.
Noong huling pagtatangka niya, tinaggal ng Wizard God ang ilang bahagi ng kanyang Divine Source at sinelyo ito sa Nightmare Boudnary.
Kasabay nito, ipinangako ni Hartson na iseselyo niya ang Nightmare Boundary.
Ang pagtataksil ng Black Dragon Race at ang digmaang sibil ng mga Chromatic Dragon ay ginamit niya lang na dahilan.
Natalo siya sa laban niya kay Lance.
Pero hindi pa rin siya sumuko.
Gusto niyang bumawi.
Pero magiging imposible ito kung habang-buhay nandyan si Lance.
Mahabang panahon pinamunuan ni Dragon Dog Hartson ang kalahati ng Twin Planes. Isama pa ang mahabang paglalakbay niya sa Universe, nangangahulugan na kaunti na lang ang natitira niyang buhay.
Kaya naman gumawa siya nang matinding desisyon.
Sinimulan niyang planuhin ang kanyang pekeng pagkamatay.
Bago siya nagkunwaring namatay, ipinatawag niya ang kanyang pinakatapat na Dragon Tomb Guradian, ang tunay na Tidomas.
Inutusan niya si Tadomas na bantayan ang kanyang "bangkay"
Matapos ang maingat na mga kalkulasyon, halos kasabay ng "pagkamatay" ng Dragon God ang pag-alis ni Lance at ng Night Monarch para sa kanilang ekspedisyon sa labas ng Feinan. Noong mga panahon na iyon, tila hindi napansin ng Wizard God ang masama nitong pinaplano.
Sa madaling salita, ang tunay na Tidomas ang pagbubuntunan niya ng sisi.
Kahit ang kaluluwa nito ay ikukulong sa underground temple.
Inalay niya ang kanyang sariling Divine Source sa Evil Spirit Sea.
Kahit na ang makapangyarihang nilalang ay namumuo sa Evil Spirit Sea ay hindi pa pinapanganak, mayroon pa rin itong kaunting kamalayan.
Tinanggap nito ang inaalay ni Hartson.
Ang buong Chromatic Dragon Cemetery ni Hartson ay nahila patungosa Negative Energy Plane at naging matagumpay ang kanyang pagpapalit anyo.
Mula sa puntong iyon, nagkaroon ng panibagong Evil Spirit World ang mundo, ang [Evil Dragon Cemetery]!
Ninakaw niya ang pangalan at katawan ni Tidomas para kahit na gumamit ng Divination skill ang Wizard God, mahahadlangan ito ng Evil Spirit Sea.
Tila naging matagumpay naman ang kanyang plano.
Walang pakialam ang Wizard God sa Corrupt Dragon. Lalo pa at marami pa itong ibang bagay na dapat paglaanan ng pansin.
Nagsimulang mag-ipon ng lakas si Hartson.
Unti-unti rin siyang nagkalat ng iba't ibang mga kwento at propesiya.
Paglipas ng maraming taon, ang tanging alam na lang ng mga tao ay tinraydor ni Tidomas ang Dragon God at nahikayat ng Evil Spirit Sea kaya ito naging isang Evil Spirit Overlord.
At walang nakaka-alam na ang Evil Spirit Overlord na ito ay si Hartson mismo!
Sa tulong ng kapangyarihan ng mga Evil Spirit, nakahanap siya ng paraan para magpatuloy na mabuhay.
Isa pa, ayaw niyang tanggapin ang kanyang sitwasyon at nais pa rin niyang pumasok sa Feinan.
Ang misteryosong Prime Material Plane ay hindi lang malawak ay mayabong, nakatago rin dito ang lihim ng malakas na kapangyarihan ng Universe.
Kaya naman, napukaw nito ang atensyon ng iba't ibang mga plane.
Sa madaling salita, hindi sumuko si Hartson sa pagpasok sa Feinan.
Si Diggles naman ay isa sa mga ipinagmamalaki niya.
Nilinlang niya si Diggles para maging aktibo sa Feinan habang siya ang tunay na utak sa likod nito, iniimpluwensiyahan niya ito habang nananatiling tago, at patuloy na naging maingat nang matalo si Diggles.
Ito ang nangyari hanggan sa dumating ang balita tungkol sa pagbagsak ng Wizard God.
Nagsimula na ang plano para sa Great Calamity, kaya naman lalong hindi mapakali si Hartson.
Sinamantala niya ang pag-atake ng mga God sa Universe Magic Pool at isinagawa na niya ang kanyang plano.
Dahil sa kanyang temptasyon, nahikayat ang mga Chromatic Dragon para magtipon-tipon at muling buksan ang Nightmare Boundary.
Hindi alam nina Green Dragon Modana na hindi kayang buksan ni Hartson mismo ang Nightmare Boudnary. Ito ang pinangako niya kay Lance.
Pero ibang usapan na iyon kapag iba ang nagbukas nito.
Ang Nightmare Boundary ay isang panibagong mundo. Sa paningin ni Hartson, isa itong magandang lugar para magsimula.
Sa pamamagitan ng mundong ito, ang mga Evil Spirit sa Evil Spirit Cemetery ay direkta nang makakapasok sa Feinan!
Isa itong pambihirang daan para malampasan ang Universe Magic Pool, pero epektibo ito.
Maaari siyang makarating bago ang mga God at mailulubog niya ito sa kasamaan.
Ang kailangan niya lang gawin ay buksan muli ang selyo ng lagusan at makuha ang kanyang Crystal Statue.
Ang sinasabi nilang propesiya ay tama. Sino mang may hawak ng Crystal Statue ay mapapasakamay ang mga Chromatic Dragon.
Ito ay dahil nilalaman nito ang bahagi ng Divine Source ng Dragon God, bago siya maging Evil Dragon Overlord.
Napakahalaga na nito ngayon kay Hartson.
Pero tulad ng pagbubukas ng Nightmare Boundary, hindi niya maaaring buksan ang selyo at maaari niya lang linlangin ang mga Chromatc Dragon na gawin ito para sa kanya.
Dahil sa paglaban ni Green Draon Modana, humihina na ang kapangyarihan ng selyo habang hinihila naman siya patungo sa Negative Energy Plane.
"Hindi maganda 'to!"
Nakita ng Fairy ang sitwasyon mula sa labas at nanlumo. "Kapag nagpatuloy pa ito, magiging ganap na Corrupt na siya."
"Pagkatapos noon, magagawa na niyang makuha ang Crystal Statue at makukuha na ni Hartson ang gusto niya. Hindi ako makakapayag na mangyari 'yon!"
Nagmadali itong pumasok sa selyo at kinuha ang Crystal Statue!
"Hoy! Ikaw!"
Habang hawak nito ang Crystal Statue, nag-aalalang tumingin ang Fairy kay Marvin, "Mapagkakatiwalaan ba kita?"
Nagkibit-balikat si Marvin. "Depende 'yon sa pinaplano mo."
Siniyasat ng Fairy si Marvin bago sinabing, "Siguradong may pakay ka kaya ka nagpunta dito sa Nightmare Boudnary. Gusto mong may makuha?"
Hindi alam ni Marvin kung paano sasagutin ang tanong.
Noong una ay pumunta talaga siya sa Nightmare Boundary para subukan kung swe-swertihin siya habang tinutulungan niya si Professor. Wala naman talaga siyang pakay dito.
Pero bago pa siya makapagsalita, sinabi na ng Fairy na, "Basta tanggapin mo ang kondisyon ko, ibibigay ko sayo ang Crystal Staute na 'to."
"Nararamdaman kong mayroong kang False Divine Vessel… Pero masyadong mababa ang level n'on."
"Kung papaya ka, bibigyan kita ng mas maganda, at… sasabihin ko sayo kung pano mo malalagpasan ang limitasyon ng lakas mo. Pero kung balak mo mag-ascend sa Godhood, kaunti lang ang maitutulong ko sayo."