Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 477 - Ancient Well

Chapter 477 - Ancient Well

May dahilan ang babala ni Louise, pero kahit papaano naman ay npaghandaan na ito ni Marvin.

Dahil sa naging suliranin niya sa Arborea at kanyang karanasan sa Secret Garden, pinagtuunan ni Marvin ng atensyon ang mga planar battle.

Bago siya umalis ng hite River Valley, pinagastos niya si Madeline para gumawa ng isang pansamantalang Teleportation Gate.

Kahit nga mga hindi Legend ay maaaring gamitin ang item na ito.

Ang portal na ito ay maaaring dalhin si Marvin sa White River Valley mula sa kahit saang plane.

Kaya naman, ngumiti lang si Marvin at pinasalamatan si Louise dahil sa magandang intensyon nito saka pinangunahan ang pagpasok sa Teleportation Gate.

Pagpasok nila sa Gate, kahit pa magkahawak sila ng kamay, walang katiyakan kung saan sila dadalhin nito sa loob ng Nightmare Boundary.

Ibang-iba ang pakiramdam sa Interplanar Teleportation sa malayuang distansya ng teleportation.

TIla ba napakatagal nito, kahit na ilang segundo pa lang ang nakakalipas.

Nang imulat ni Marvin ang kanyang mga mata, isang desyerto lang ang kanyang nakita.

Ito ang lugar ng mga Ancient Blu Dragon, isa sa limang lugar sa Nightmare Boundary.

Ang mga desyerto ang paboritong lugar ng mga Ancient Blue Dragon at nakakalamang sila kapag dito sila lumalaban, dahil eksperto ang mga ito sa paggamit ng Dragon Magic para mag-camoflauge.

Napakalawang ng Nightmare Boundary, pati na ang desyertong ito.

Lalo pa at ang lugar na ito ay tirahan ng mga Dragon. Para sa isang tao gay ani Marvin, talagang napakalawak nito.

Matapos tumingin sa kanyang paligid, bukos sa mga sand dune, wala nang ibang mga palatandaan sa paligid para malaman ang kanyang lokasyon.

Mabuti na lang at sinabi sa kanya ni Professor ang tungkol sa lahat ng mga posbileng sitwasyon na mangyari sa loob ng Nightmare Boundary para hindi siya mabaliw.

'Mayroong apat na lugar kung saan maaaring makita ang Rainbow Spring o ang Crystal Statue…'

'Bukod sa Black Dragon Swamp, ang desyeto, kabundukan, kagubatan, at mga burol na lang ang natitira.'

'Mayroon sigurong Ancient Well ditto sa desyerto.'

'Sinasabi na madali lang daw itong makita. Isang balon para sa mga Dragon… Hindi bai sang malaking butas lang 'yon para sa mga tao?' Isip ni Marvin.

Naglabas si Marvin ng isang Shapechange scroll.

Ibinigay sa kanya ito ni Professor nang piliin niyang sumama sa ekspedisyon.

Kapaki-pakinabang ito.

[Fixed Shapechange Scroll (Draconic)]

[Effect: Kayang gawing isang lawin ang gumagamit nito.]

[Durationg: 60 minuto]

[Maaaring mawala ang epekto gamit ang isang incantation].

Pagkatapos gamitin ang kanyang Shapechange scoll, naging isang lawin si Marvin at nagsimula nang lumipad nang mataas sa Desyerto .

Ang Dragon Magic ay makapangyarihan. Kahit na mahusay sa paggawa ng mga scroll ang mga Legend Wizard ang Fixed Shapechange Scroll ng mga ito ay tatagal lang ng 30 minuto. Ang scroll ni Professor ay doble ang epekto.

Masarap sa pakiramdam ang paglipad sa kalangitan. Kaya naman tila gusto ni Marvin na makakuha ng kaparehong Shapechange.

Nang lunukin niya ang Dense Blood Nucleus, nakuha niya ang Low Flight Ability ng mga Vampire, pero hindi siya makakalipad nang mataas sa kalangitan gamit lang ito.

Wala rin siyang nasasakyang lumilipad na alalay, mas mapapadali sana ang kanyang paglalakbay kung mayroon siya nito.

Pero hindi madaling matutunan ang Shapechange.

Sa mga Advanced Ranger Class, may ilan sa mga ito na kayang matutunan ang Shapechange, pero kadalasan ay ginagamit ito para sa maliliit na nilalang.

Mahirap na ang pag-shapechange sa isang uwak, otter, squirrel, o iba pang mga katulad nitong hayop.

Lalo pa at hindi sila mga specialized Druid.

Para kay Marvin, na pinili na ang pagiging Night Walker para sa kanyang advanced class at naging Ruler of the Night, mayroon lang isang paraan para matutunan ang Shapechange.

At iyon ang… paggamit ng isang Nature Leaf, isa sa mga dahoon na nasa sanga ng World Tree sa Feinan.

Nang matutunan ni Marvin ang [Basilisk Shapeshift] at [Vine Metamorphosis], dahil ito sa paggamit niya ng Nature Leaf.

At ang karamihan ng mga Nature Leaf ay nasa kamay ng Migratory Bird Council.

Lalao pa at sila ang tagapagbantay ng World Tree ng Feinan, at kailangan din ng mga batang Druid ang mga Nature Leaf para matutunan ang Shapechange o para mapataas ang level ng kanilang Shapechange.

'Mukhang ang pagpunta ko sa Supreme Jungle ay hindi na lang para ayusin ang tungkol kay Endless Ocean. Kailangan ko rin makakuha ng mga mga Shapechange spell.'

Ang thief ay hindi umaalis nang walang nakukuha. At kahit na hindi na isang thief si Marvin, nariyan pa rin ang pag-uugali niya bilang isang manlalaro. Hindi pa man siya nakakarating sa Supreme Jungle, nagsimula na siyang gumawa ng plano laban dito. Walang nakakaalam kung anong magigigng reaksyon ng mga druid na iyon kapag nalaman nila ang iniisip ni Marvin.

Nakakabagot ang paglipad sa desyerto.

Bukod sa pagpagaspas niya ng kanyang pakpak, wala nang ibang magawa si Marvin.

Pagkatapos gamitin ang Shapechange, malaki ang pinagbago ng kanyang mga attribute. Tila mayroon na siyang mga attribute ng isang pangkaraniwang lawin.

Tanging ang kanyang Stamina lang ang walang hanggan dahil sa magic ng Scroll.

Sa madaling salita, bago mawala ang epekto ng Shapechange, magagawa niyang lumipad nang walang tigil.

Kasabay nito, nakakuha rin siya ng isang special passive, ang [Hawk Eye].

[Hawk Eye: Makikita mon ang malinaw ang kahit anong maliit na detalye.]

Ang passive na ito ay nagbibigay kakayahan kay Marvin na makita ang bawat bahagi ng desyerto na maaaring paglagyan ng ancient well.

Hindi niya kailangan pagtuunan ng atensyon ang lahat. Nakikita niya ang lahat dahil sa Hawk Eye at patuloy lang itong nagpapasok ng impormasyon sa utak ni Marvin.

Humigit-kumulang dalawampung minuto tumagal ang paglipad na ito.

Ang ilang bundok ay bahagyang makikita mula sa kalayuan.

Alam ni Marvin na baka nakalabas na siya sa desyerto.

'Maling direksyon ba 'yon?' isip ni Marvin.

Kailangan niyang magdesisyon kung babalik siya o papasok siya sa kabundukan at subukan kung mayroon siyang makikita doon.

Ang mabundok na lugar ay ang dominyon ng Black Dragon. Ito ang isa sa mga lugar kung saan maaaring nakatago ang Rainbow Spring.

Pero ang paghahanap nito sa isang mabundok na lugar ay mahirap. Saglit na nagdalawang-isip si Marvin nang may narinig siyang mala-kulog na ingay, isang ingay na pamilyar sa kanya!

'Ang ingay ng mabilis na paglipad ng isang Dragon!'

Naunawaan ni Marvin ang sitwasyon at agad na iniba ang kanayang direksyon at bumaba at dumapo sa isang mataas na bahagi ng kabundukan.

Sa kalayuan, isang anino ang mabilis na lumilipad papalapit!

'Maliit nga naman talaga ang mundo…'

Ngumisi si Marvin.

Si Black Dragon Ikarina.

Mag-isa na lang ito.

Siguradong kikilos si Marvin sa sitwasyon na ito!

Tinitigan ng lawin ang Black Dragon na lumilipad papalagpas sa hangganan ng dalawang lugar at tila patungo ito sa desyerto.

'Alam kaya niya kung nasaan ang Ancient Well?'

Agad na sumunod si Marvin.

Hindi kayang tapatan ng isang lawin ang bilis ng isang Dragon, pero nagawa pa rin itong sundan ni Marvin dahil hindi naman nito tinatago ang awra nito. Sinundan siya ni Marvin hanggang sa kaloob-looban ng desyerto.

Paglipas ng 15 minuto, naabutan n ani Marvin si Ikarina.

At tulad ng inaasahan, magandang ideya ang pagsunod sa Black Dragon, dahil mayroong kakaibang lugar sa di kalayuan.

Mabilis na pinapagaspas ng Black Dragon ang kanyang pakpak, kaya nagliliparan ang mga buhangin sa paligid.

Unti-unti namang lumabas ang isang nakatagong lugar ditto.

Isang malaking butas!

Mula sa perspektibo ng Dragon, maaari itong maituring na balon.

SInasabi na ang balon na ito ay hindi natutuyuan at ito ang iniinom na tubig ng mga Blue Wyrmlings.

Ang tubig ditto ay may laman na mga kaalaman upang mabilis na matuto ang mga Wyrmling.

Pero ang malaking butas ay nabaon na sa buhangin. May liwanag na tumama sa taas nito, at ngayon ay madilim na ito ay wala nang nakatakip na buhangin.

Bahagyang nararamdaman ni Marvin ang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa butas na iyon.

'Nandyan ba talaga sa balon na 'yan?'

Tiningnan ni Marvin ang malaking butas na parang isa itong malaking halimaw na may madugong ngipin. Masama ang kutob niya dito at tila gusto niyang umatras.

Pero bigla siyang nakaramdam ng panganib, tila may malakas na kapangyarihang pinupunterya siya.

Agad niyang pinagaspas ang kanyang pakpak at umalis sa kanyang kinalalagyan.

Isang naglalagablab na Dragon Breath ang muntik tumama kay Marvin!

Hindi niya napansin na nakatingin sa kanya ang Black Dragon!

'Lumipad ako mula hilaga hanggang timog at wala akong napansing mga lawin sa Nightmare Boundary."

"Modana, wala nang saysay para subukan mo pa kong linalangin," panunuya ni Ikarina habang nakatingin kay Marvin. "Kung gusto mo kong kalabanin para sa Crystal Statue, dapat siguro timbangin mo muna uli ang lakas mo."

"Modana?"

Natigilan si Marvin. Inakala ni Ikarina na siya ang Green Dragon?

Anong nangyayari?

Pero, malaman man ni Ikarina kung sino siya, hindi siya natatakot.

Isa lang naman siyang Ancient Black Dragon. Kaya bakit matatakot si Marvin sa kanya?

Nakapatay na rin siya ng ilang mga Black Dragon!

Sa sunod na sandali, bumigkas si Marvin ng incantation at bumalik na sa kanyang dating anyo.

Malinaw na nagulat si Ikarina.

Nahulog si Marvin sa bungahin nang walang sinasabi, at agad na tumakbo papalapit sa balon!

Wala ring sinabi ang Black Dragon at agad na lumusong pababa.

Ngumisi si Marvin sa kanyang isip, 'Hindi ako natatakot sa pagbaba mo, mas natatakot akong tatakas ka!'

Mabilis naman ang naging reaksyon ni Marvin sa awra ng Black Dragon sa kanyang likuran, at agad siyang lumingon!

[Eternal Night]!

Dahil sa kanyang Shadow Domain bonus, agad na dumilim ang paligid!

Sumama ang kutob ng Black Dragon, pero masyado na siyang mabilis kaya hindi siya makatigil.

Night Boundary!

Agad na lumitaw sa ulo ng Black Dragon si Marvin.

"Sa katunayan, para kay Izaka, dapat siguro panatilihin kitang buhay."

"Lalo pa at kayong dalawa na lang ang natitira sa Feinan. Pagmamalabis na siguro ang pagpatay sa iyo. Pero…"

"Ang mga tumatraydor sa akin ay kailangan mamatay!"

Biglang lumitaw ang Weeping Sky sa kamay ni Marvin at agad na isinaksak ito pababa!

Biglang umangat ang leeg ng Black Dragon. Sa sitwasyong nasa bingit siya ng kamatayan, inilabas nito ang pinakanakakatakot nitong potensyal.

Itinodo ng Black Dragon ang buka ng kanyang pakpak, at nagdikit-dikit!

Sa sumunod na sandali, biglang umikot ng 180° ang katawan nito!

Mabilis na bumabagsak ang katawan ng Dragon.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari na ito, hindi tumama ang atake ni Marvin.

Tumama ang Weeping Sky sa ulo nito, pero natanggal lang nito ang ilang kaliskis!

Sapilitang binalanse ni Marvin ang kanyang sarili.

Biglang inikot ng Black Dragon ang kanyang leeg at bumuga ng Dragon Breath dahil sa desperasyon nito!

Ang isang mabilisang Dragon Breath ay hindi kasing lakas ng pinaghandaan.

Pero kahit isang makapangyarihang Legend Barbarian ay maaabo kapag tinamaan nito!

Hindi nangahas si Marvin na salubungin ito.

At kahit na hindi siya nakakalipad, umasa siya sa Eternal Night at Night Boundary, malaya siyang nakakalitaw kahit saan sa paligid.

Naka-ilag siya.

Lumampas lang sa orihinal na lokasyon ni Marvin ang Dragon Breath, at tumama lang ito sa sarili nitong katawan dahil masyadong malapit sa kanya si Marvin. Nangamoy sunog ang mga kaliskis nito!

Gayunpaman, nagawa pa rin makatakas ni Ikarina.

Puno ng takot ang kanyang isip!

Kung hindi niya naiwasan ang spear ni Marvin, marahil namatay na siya!

Agad siyang tumalikod, at sinubukang tumakas mula sa madilim na lugar!

Napansin nito na ang madilim na lugar ay tila dominion ni Marvin. Isa pa, hawak pa rin nito ang Dragon Slaying Spear!

Nakakamangha naman ang bilis sa paglipad ng Black Dragon!

Patuloy na nawawala si Marvin sa dilim at papalapit nan ang papalapit sa kanya.

Pero malaki ang pagnanais ng Black Dragon na mabuhay. Inilabas na niya ang buong potensyal niya at malapit nang makatakas mula sa Eternal Night.

Hindi naisip ni Marvin na di hamak na mas malakas si Ikarina kesa kay Izaka.

Siya ang pinakamalakas sa mga Black Dragon sa Feinan.

Naisip ni Marvin na hindi ganoon karaming Dragon ang makaka-iwas sa kanyang ginawang pag-atake!

'Sayang!' Sumimangot si Marvin.

Kung hahayaan niyang makatakas ang Black Dragon, hindi lang niya sinayang ang paggamit sa kanyang skill, magiging problema niya rin ito sa hinaharap.

Pero kulang siya sa chasing skill

Makapangyarihan ang burst power ng isang Ruler of the Night, pero hindi siya mahuhuli ni Marvin kung basta-basta lang itong tumatakas.

Pero hindi naman si Marvin ang tipo na susuko na lang.

Nang malapit nang makatakas si Ikarina sa Eternal Night, tumama ito sa isang pader.

Bumaliko ang ulo nito at nahulog mula sa kalangitan!

Sinamantala naman ni Marvin ang pagkakataon.

Kahit na hindi niya alam kung ano ang nangyari, mas mabuti kung siya ang mauuna sa pagpatay kay Ikarina!

Matapos niyang gamitin muli ang Night Bludnary, lumitaw na ang mga pa ani Marvin sa likod ng Black Dragon.

Malakas ang pwersa ng Dragon Slaying Force at direktang pinunterya ang puso ng Black Dragon!

Ito ang kapagnyarihan ng Weeping Sky.

May taglay na matinding pagkamuhi ang spear na ito sa mga Dragon na tinutulungan nito ang accuracy ng gumagamit nito!

"Roar!"

Umalingawngaw sa kalangitan ang pag-atungal ng Black Dragon.

Pagkatapos ay bumain ang talim nito sa kaliskis nito at nasaksak ang puso ng Black Dragon.

Bumagsak ang katawan nito sa lupa, nagpupumiglas hanggang sa mawalan ng buhay ang mga mata nito.

Huminga nang malalim si Marvin sa likod gn Black Dragon.

Maikli lang ang laban na ito pero, 70% ng kanyang stamina ang kanyang nagamit.

Kahit na nagawa niyang patayinsi Ikarina, hindi siya pwedeng makampante.

Dahil mayroon pang iba.

Tahimik na binunot ni Marvin ang Weeping Sky. Hindi na niya tiningnan ang kanyang interface at sa halip ay tiningnan ang kanyang kapaligiran. "Halika rito, Modana."

"Alam kong hindi ka takot sa akin."