Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 469 - Ancient Times’ Secrets

Chapter 469 - Ancient Times’ Secrets

Hindi naman agad, dumating si Hartson sa Feinan.

Nagpalutang-lutang ito sa Universe nang mahabang panahon at malaking bahagi ng kanyang stamina ang kanyang nagamit sa kanyang paglalakbay.

Nang mapunta siya sa Feinan, kusa nang napisa ang mga Dragon Eggs.

Ang away sa pagitan ng Chromatic Dragon and Metallic Dragon ay unti-unti nang namumuo sa Feinan. Pero mas mabangis ang mga Chromatic Dragon kaya naman mas kina-aayawan sila ng mga naninirahan dito.

Pero noong mga panahon na iyon, kakatapos lang ng Primal Chaos Era sa Feinan.

Nag-descend ang Wizard God na si Lance, kaya naman hindi naging mapangahas ang mga Chromatic Dragon. Para naman sa mga Metallic Dragon, mas tamad naman ang mga ito. Basta hindi sila ginagalaw ng mga Chromatic Dragon, bibihira silang umatake.

Panandaliang mapayapa ang magkabilang panig.

Hanggang sa dumating si Hartson.

Ayon sa mga nakalarawan sa mural, nang dumating si Chromatic Dragon God Hrtson sa Feinan, sinubukan niyang sakupin ang buong plane.

Hindi pinakita sa mga mural ang mga detalye ng laban nil ani Wizard God Lance, pero ipinakita nito na binibigyan ni Hartson ng iba't ibang kapangyarihan ang mga Chromatic Dragon kaya naman nagkaroon ng iba't ibang uri ng mga Chromatic Dragon sa Feinan.

Sa kabilang banda, nagdesisyon naman ang Wizard God na biyayaan din ang mga Metallic Dragon nang malaman niya ang tungkol sa Twin Plane mula sa mga ito.

Binalaan ni Lance si Dragon God Hartson na piilan ang mga Chromatic Dragon, kung hindi, siya mismo ang kikilos laban dito.

At syempre, hindi basta-basta susuko ang Evil Dragon God, kaya naglaban sila ni Lance, na marahil ang pagkatalo ni Hartson ang naging resulta.

Kaya naman, matapos ang kanilang kasunduan, ginawa niya ang Nightmare Boundary, pati na ang kanyang sariling templo.

Pagkatapos nito, nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa Chrimatic Dragon Race. Pamilyar na si Marvin sa kwentong iyon na nasa mural kaya nilagpasan na niya ito.

Nang makita ito, hindi matanggal ni Marvin ang agam-agam sa kanyang puso.

Ang lahat ng ito ay tila wlang kinalaman sa nangyari kay Butterfly.

Kaya namang tumingin siya sa kabilang gilid ng pasilyo.

Isa na namang itong serye ng mga mural. Ang mga nilalaman naman nito ay ang pinagmulan ng mga Dragon at mga nagaganap sa loob ng komunidad ng mga Dragon

Kahit na ang mga naganap noong Primal Chaos Era ay kasama.

Nang mapisa ang unang Chromatic Dragon Egg, nasa kalagitnaan pa ng Primal Chaos Era ang Feinan.

Dahil hindi pa natatanggap ng mga Chromatic Dragon ang strength blessing ng Dragon God, nanatili silang maingat para mabuhay sa isang Era na puno ng mga Beast at Monster.

Noong mga panahon na ito, isang makapangyarihang karakter ang lumitaw sa mural.

Nababalot ito ng kadiliman, pero ang mga mata nito ay nakakagaan ng kalooban.

'Ang Night Monarch…'

Tila may nauunawaan na si Marvin.

Kahit na medyo malabo na ang mural doon, nasa kanya pa rin ang kaluluwa ng Night Monarch, at nagkaroon ng maipaliwanag na reaksyon.

Pantay-pantay na itinrato ng Night Monarch ang lahat ng nilalang, at noong panahon ng Eternal Night, binigyang niya ng blessing ang mga mahihina.

At noong mga oras na iyon, ang mga Chromatic Dragon, gaya ng mga Metallic Dragon, ay panandaliang umasa sa Sanctuary na ginawa ng Night Monarch.

Iyon ang orihinal na [Eternal Night Paradise].

Ito ang orihinal na pangalan ng Santuary, pero kalaunan ay naging isang itong Artifact bago namatay ang Night Monarch.

Ang Eternal Night Paradise ay isang Artifact na hawak ng Night Walker Leader at may taglay itong lakas na hindi maipaliwanag. Nagkataon naman na nakuha ito ni Marvin sa laro. Pero hindi niya kay O'Brian nakuha ito. Hindi pa niya kilala si O'Brien noon.

Ngayong pinag-isipan na niya ito, marahil napatay si O'Brien noon ng isang God. Kaya naman nawala ang Eternal Night Paradise at napasakamay ito ni Marvin.

Sa buhay na ito, naging isa siyang Night Walker na tagapagmana! Masasabing tadhana ito.

Pinagpatuloy ni Marvin ang pag-usad. Paglipas ng ilang sandali, mayroon siyang napansin at tumigil ito.

'Ito!'

Nanlaki ang mata niya sa gulat.

Ipinapakita ng mural na ito ang pagbuo ng Night Monarch ng kanyang Sanctuary.

Balot pa rin ito ng kadiliman at hindi siya makitang mabuti ng iba, pero, damang-dama ang pag-ngiti nito.

Nakatayo ito sa isang tore, nagbubunyi at iwinwwagayway ang kanyang mga kamay.

Maingat na binabantayan ng Legion ng mga Dark Knight ang Sanctuary. Ang kanyang hukbo at mga powerhouse ng iba't ibang mga race ay naroon.

Isang pamilyar na mukha na ngayon ang nasa harap ni Marvin.

Napigil ang kanyang paghinga.

"Butterfly…"

Ang babaeng nasa mural ay kamukhang-kamukha ni Butterfly!

Mahinahon siyang nakatayo sa likuran ng Night Monarch, maganda ang ngiti at buhay na buhay!

Ang reaksyon nito ay hindi ng isang normal na kasamahan sa laban.

Tila may napagtanto si Marvin.

'Sabi na mayroong kakaiba sa Wood Elf na 'yon eh…'

'Nanggaling pa pala siya sa sinaunang panahon? Bakit ang haba ng buhay niya? Bakit sa mga Wood Elf siya nagtago?

'Kung magkamukha lang sila ng taong ito at hindi si Butterfly ang nasa mural, sino 'to?'

Mas lalong tumindi ang pagkabigla ni Marvin hanggang sa mabilis siyang tumingin palayo.

Detalyado ang mga mural sa Dragon God Temple. May mga linyang nakasulat sa Draconic sa gilid nito.

Gamit ang translation ng Book of Nalu, naunawaan na ni Marvin kung bakit naroon ang mural na ito.

Nang makarating ang mga Dragon sa Feinan, kung hindi dahil sa blessing ng Night Monarch, baka naubos na sila.

Kaya naman, kahit pagdating ni Chromatic Dragon God Hartson, matindi pa rin ang paggalang nila sa Monarch na ito na nagmula pa sa unang panahon.

At nang maitatag ng Dragon Race ang Dragon Temple, nakipagkasundo ang mga ito kay Hartson na isulat ang bahagi ng kasaysayan na ito.

Base sa mga nakita niya sa mural, sa tingin ni Marvin ay mayroon pa ring patuloy na nagsusulat ng kasaysayang ito kahit noong namatay na ang Dragon God Hartson.

Ang pasilyo na ito ay parang libro ng kasaysayan. Ang kasaysayan ng Dragon Race pati na ang mga malalaking kaganapan sa kasaysayan ay nakatala ditto.

Sa isang pang bahagi nito, nakita ni Marvin ang Dragon Rebellion, ang pagselyo ng Nightmare Boundary, at ang pagbagsak ng Dragon God. Ibig sabihin, hindi sabay-sabay na ginawa ang mga mural na ito. Ang pagkakaiba-iba ng istilo ng pagguhit nito ay pruweba nito.

Ipinagpatuloy ni Marvin ang pagtingin. Sa sumunod na mga mural, ang babaeng kamukha ni Butterfly, o maaaring si Butterfly mismo, ay ilang beses na lumitaw.

May ilang bagay siyang natutunan.

Mataps itatag ng Night Monarch ang kanyang Sanctuary, lumaban siya para sa lahat. At ang babaeng iyon ay sinundan siya mula simula hanggang dulo.

Kalaunan, nag-descend ang Wizard God, at tumatag na ang Order ng Feinan.

Pero hindi pa tapos ang Primal Chaose Era. Marami pa ring nakakatakot na halimaw ang pinagnanasahan ang Feinan.

Ipinapakita ng mural na tinulungan ng Night Monarch ang Wizard God para itatag ang Universe Magic Pool at iniwan ang Feinan sa kamay ng Wizard God

Nagpunta sila sa isang ekspedisyon sa Universe para puksain ang mga Astral Beast at lahat ng uri ng halimaw sa Feinan.

Isa itong digmaang walang katapusa, at habang nangyayari ito, ang Ancient Elven God ang unang namahala sa Feinan. Ibig sabihin, umabot na ang kontinente sa ikalawang Era, ang High Elven Rule.

At ang unang kinoronahan na High Elven Ruler… ay kagulat-gulat na ang babaeng iyon.

'Sabi niya, isa lang siyang Messenger ng Thousand Leaves Forest…'

'Ganoon pala kalaking bagay 'yon?'

Natigilan ang isip ni Marvin.