Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 465 - Suspicions

Chapter 465 - Suspicions

"Loyal Tidomas? Niloloko mo ba ako?"

Tiningnan ni Marvin si Butterfly bago niya tiningnan ang stele sa baba ng istatwa.

Pero sa kasamaag palad, hindi siya nakakabasa ng Draconic.

Mayroong iba't ibang paraan para matutunan ang lengwahe na ito.

Una, kailangan maabot ang mataas na Affinity sa isang Dragon at turuan ka nito.

Mahirap ang pamamaraan na ito, dahil mahirap makakuha ng mataas na Affinity sa isang Dragon. Sa dati niyang buhay, may isang manlalaro ang sumubok, at kahit na mabilis tumaas ang kanyang Affinity sa isang mabuting Dragon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ginto ay kayamanan, sa huli, saglit lang ito gumana.

Ito ay dahil mayroong mga lihim ng Dragon Magic sa Draconic, kaya naman, maging Evil Dragon man o Good Dragon, mayroon silang batas na hindi dapat basta-basta itinuturo ang Draconic sa ibang mga race.

Para sa mga pumili ng paraan na ito, siguradong maraming paghihirap ang pagdadaanan.

Ang ikalawang method ay mas Malala: Blood Inhetitance.

Sa kabuoan, ilang nilalang ang maaaring makapagpasa ng kaalaman sa Draconic sa kanilang bloodline. Sa kasamaang palad, iilang tao lang ang mayroon nito. Kahit ang bloodline ng Draconic Sorcerers ay maaaring hindi sapat para mamana ang Draconic.

Ang ikatlong paraan ang pinaka posible, ang matutunan ito sa pamamaitan ng pag-aaral nito.

Sa kasamaang palad, sa pagkakaalam ni Marvin, mayroon lang dalawang lugar sa mundo ang mayroong libro na may kinalaman sa Draconic.

Ang isa ay ang Pearl Tower. Natural lang na Draconic ang isa sa mga maaaring matutunan sa City of Knowledge. At ang isa pa ay ang Comprehensive Library ng Wizard Alliance.

Ang Comprehensive Library ay tinatago ng mga nakatataas ng South Wizard Alliance, ang lokasyon nito ay palipat-lipat at napakahirap nitong mahanap. Kahit na gustuhin man ni Marvin na hanapin ito, kung wala ang lihim na pass at susi ng Alliance, wala rin siyang mapapala sa lugat na ito.

Sa madaling salita, mahirap para sa mga ibang nilalang, bukod sa mga Dragon, ang matuto ng Draconic.

Kaya naman may pagdududa si Marvin, paano natuto ng Draconic si Butterfly?

Hindi kasama sa mga innate skill ng mga Wood Elf ang [Draconic Mastery].

Sa katunayan, hindi sigurado si Marvin kung si Ivan, bilang isang Elven Royalty, ay natuto ng Draconic

Pero ang katotohanan ay nasa harapan na niya.

Sa gitna ng pagdududa ni Marvin, agad na binasa ni Butterfly ang nakasulat sa stele.

Kahit na hindi lubusang naniniwala so Marvin sa sinasabi nito, nang marinig niya kung ano ang nakasulat, napaisip nang malalim si Marvin.

Tiningnan niya ang magiting at mabagsik na istatwa ni Tidomas at sumimangot.

Kung totoo ang sinasabi ni Butterfly, mayroong kakaiba tungkol dito.

Ang stele na ito ay ginawa ng isang Artisan ng Dragon Race, at base sa nakasulat dito, si Tidomas ang pinakamalapit na gwardya ng Dragon God Hartson. Ipinanganak siya sa pugad ng Chromatic Dragon, pero hindi niya gusto ang mga Chromatic Dragon.

Sa katunayan, isa siyang abandonadong hybrid, ang Two Headed Dragon. Ang isa sa mga magulan niya ay isang Blue Dragon, at ang isa ay isang barbaric beast mula sa kasukalan.

Sa madaling salita, ang hybrid na si Tidomas ay kaawa-awang nilalang na inabandona sa pugad ng mga Dragon.

Inampon siya ni Hatson, pero kahit na ganito, hindi pa rin tinanggap si Tidomas ng iba pa at inaway siya ng mga ito.

Nang tumanda ito, personal na binunot ni Tidomas ang isa sa kanyang mga ulo na nagpapakitang may dugo siyang barbaric beast at naging Dragon Tomb Guardian.

Kahit na inapi-api siya, at kahit na kinamumuhian ng lahat ng Dragon ang mga Dragon Tomb Guardian, malaki pa rin ang pasasalamat ni Tidomas kay Hartson at naging tapat ito sa kanya hanggang dulo.

Sa hinaba-haba ng mga taon ng pagbabantay ng Dragon Tomb, ilang beses niyang pinigilan ang mga Evil Spirit, Devil, at iba pang mga Magic Race na makapasok. Lagi siyang lumaban nang mag-isa, at dahil naroon siya, ang mga Dragon Soul na nasa Dragon Tomb ay masayang namahinga nang ilang taon na hindi naaabala.

Ang istatwa na ito ay ginawa matapos ang nakakatakot na laban ni Tidomas para pigilan ang mga Evil Spirit kaya naman nakakuha ito ng parangal.

Hindi lang nagtayo si Dragon God Hartson ng istatwa nito sa loob ng templo, kinuha niya rin ito para maging pinakamalapit na Dragon God Guardian. Sinasabi na binalak nito na si Tidomas ang magbabantay ng kanyang labi kapag namatay siya.

Ito ang nakasaad sa stele.

Hindi pinansin ang labis na mga papering nakasulat sa stele.

Habang ang ibang nakasulat ay mahahalagang impormasyon.

Malinaw na hindi ang Dragon God ang nagsulat sa stele, sa halip, ang craftsman ng Dragon Race ang gumawa nito.

Base sa pagkakasulat nito, malinaw na ang craftsan na ito ay malaki ang respeto kay Tidomas.

Siya ang pinakatapat na Guardian ng Dragon Tomb, ang pinakamalapit na Guardian ng Dragon God Hartson.

Paano siya naging 2nd Overlord ng Negative Energy Plane?

'Hindi kaya ganito lang si Tidomas sa Dragon God, pero nagbago siya noong mamatay 'to?"

Nag-isip nang malalim si Marvin.

Naramdaman niyang may Mali.

Dahil hindi siya makapaniwala dito.

Ang pagiging tiwali ay hindi sapat para maging Evil Spirit Overlord.

Ayon sa mga balita, ginamit ni Tidomas ang bangkay ng Dragon God para makuha ang pabor ng Evil Spirit Sea, kaya naman naging makapangyarihan siya at ang bagong Evil Spirit Overlord.

Kung tunay na tapat si Tidomas sa sa Dragon God, hindi niya babastusin ang labi nito, hindi ba?

Isama pa ang pangalan ng panibagong instance, [Dragon God's Wrath], may kutob si Marvin na hindi ganoon ka-simple ang nangyari.

"Anong iniisip mo?" Matapos basahin ang nakasulat para kay Marvin, tila wala nang magawa si Butterfly.

"Iniisip ko ang tunay mong katauhan."

Nagtatakang tiningnan ni Marvin si Butterfly, "Kakaunti lang ang mga Wood Elf na nakakaintindi ng Draconic."

 Base sa Perception ni Marvin, si Butterfly ay isang commong Wood Elf.

Ang iba pang mga Legend ay tila ganito rin ang nararamdaman.

Hindi pinagdudahan ito ni Marvin dati.

Pero nagdududa na siya dahil sa ipinakita ni Professor kanina.

Pambihira ang dunong ni Professor. Nakikita niya ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Hndi siya ang tipo ng taong may pakialam sa buhay ng iba. Pero sa kabaliktaran, mas may pakialam siya sa iba kumpara sa sino man.

Sa isang mapanganib na sitwasyon gaya nito, pinayagan niya pa ring sumama sa kanila si Butterfly, doon pa lang ay marami nang tanong na namuo.

Naisip man ni Professor na madali niyang mahahanap ito para protektahan, na hindi makatwiran dahil sayang lang ito sa enerhiya niya, o naniniwala si Progessor na sa isang nakakatakot na underground temple, walang makakapanakit kay Butterfly.

Sa una, tila imposible ang ikalawang posibilidad, pero matapos niyang basahin ang nakasulat sa stele, tila naniniwala na si Marvin.

Kaya naman gusto niyang malaman ang totoo.

Pero natuliro naman si Butterfly, "Ako? Isa lang naman akong Messenger ng Thousand Leaves Forest?"

Natural na natural ang reaksyon nito.

'Ayan na naman.'

'Natural na natural ang reaksyon mo.'

Sumakit ang ulo ni Marvin

Binago na niya ang paraan ng kanyang pagtatanong, "Gaano ka na katagal Messenger ng Thousand Leaves Forest?"

Nanlaki ang mga mata ni Butterfly.

Tila naguluhan siya sa tanong na ito.

Saka siya nag-isip nang mabuti.

Napailing si Marvin at umalis na sila sa istatwa ni Tidomas, hinila rin niya si Butterfly maglakad sa dilim.

Hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras sa isang istatwa.

Wala nang ibang mga halimaw bukod sa mga Darkness Worms sa palapag na ito.

Mukhang teritoryo nila ang lugar na ito.

May sapat na kagamitan si Marvin, marami siyang hawak na pwedeng gamitin.

Sapat na ang isang Molotov at isang staff na mayroong Sun Spell para durugin ang mga Darkness Worm.

Sadyang napakababa lang ng nakukuha niya mula sa mga Darkness Worms.

Matapos dispatyahin ang tatlong pugad ng Darkness Worm, nakakuha lang si Marvin ng 1 puntos ng Divinity.

Humarap siya kay Butterfly.

Si Butterfly naman ay malalim pa rin ang pag-iisip mula nang tanungin niya ito.

Kung hindi siya hinila ni Marvin, baka naroon pa rin ito sa harap ng istatwa.

Kaya naman, maingat niyang inilabas ang Book of Nalu at hinayaan itong higupin ang Divinity.

Mukhang natuwa naman ang Book of Nalu matapos makakuha ng Divinity.

Agad na ginamit ni Marvin ang kanyang daliri para magsulat dito:

– 1 Divinity para sa 1 tanong? –

– Magtanong ka lang, basta alam ko ang sagot – agad na lumitaw ang mga kaagang ito sa tuktok ng pahina.

– Ang daan patungo sa Nightmare Boundary – mabilis na sulat ni Marvin.

Ang dahilan kung bakit siya sumama sa operasyon na ito ay dahil sa Book of Nalu. Dahil dito, maaari niya pang makuha ang Crystal Statue o Rainbow Spring.

Kahit na ang Rainbow Spring ay gagana lang sa mga Chromatic Dragon, basta hawak niya ito, maaari siyang makahanap ng ibang paggagamitan nito. Para naman sa Crystal Statue, hindi siya sigurado kung pwedeng tao ang mag may-ari nito.

Kung pwede…. Magiging kahanga-hanga ito!

Nakakmangha na noong kinontrol ni Marvin ang labing dalawang Shadow Dragon.

Paano pa kaya kung ma-kontrol niya ang apatnapu hanggang limampung Chromatic Dragon gamit ang isang kumpas ng kamay…

Maaari na siguro niyang matalo ang Demon Lord sa teritoryo nito o isang layer ng Nine Hells.

Pero wala siyang nagawa sa sagot ng Book of Nalu:

– 1 Divinity, 1 tanong. Kung tatanungin mo ko ng daan patungo sa sunod na palapag, sasagutin kita nang tapat. –

– Pero sinusubukan mo kong linlangin para ituro ang daan patungo sa Nightmare Boundary… Sa tingin mo ba, tanga ako? –

Umirap ang mga mata ni Marvin.

Nakikipagnegosasyon ang Book of Nalu.

Siguradong may kaluluwa ang librong ito. Kahit na siya ang master ng page na ito, maaaring mabago ang posisyon niya ano mang oras. Sumakit ang ulo niya habang iniisip ito.

Hindi niya bibigyan ng maraming Divinity ang Book of Nalu dahil para na rin siyang naghukay ng sarili niyang libingan.

At dahil doon, magtatanong na lang siya kapag kailangan na niya ito.

Agad niyang itinabi ang Book of Nalu.

Kailangan niyang mahanap mag-isa ang daan patungo sa ikalawang palapag.

Nang biglang may isang pagsabog ang umalingawngaw mula sa kadiliman!

Dahil malawak at walang laman ang underground temple, malayo ang inabot ng pag-alingawngaw nito.

Sumikip ang dibdib ni Marvin.

'Nakita kaya ng isang Chromatic Dragon ang isa sa mga kasamahan ko?'

'Tara! Kailangan nating tingnan!'

Agad na ssabi ni Marvin. Pero wala siyang narinig na mga yapak kasunod niya.

Lumingon siya at natigilan!

Walang tao sa likuran niya!

Bigla na lang nawala si Butterfly.

Biglang naramdaman ni Marvin ang lamig ng underground temple.

Mas lumakas pa ang mga pagsabog sa malayo.

Huminga nang malalim si Marvin at naupo sa sahig.

Umupo siya gamit ang lotus position na madalas ginagawa ng mga Monk at ginamit ang [Earth Perception]!