Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 459 - Lumber Woods

Chapter 459 - Lumber Woods

Sa katunayan, walang balak si Marvin na pakawalan ang First Divine Servant ng Dream God matapos niyang madiskubre ang presensya nito.

Malinaw ang tingin ni Marvin sa mga God. Marahil dahil ito sa naranasan niya sa dati niyang buhay, o dahil sa hindi niya kinatuwa ang pag-atake ng mga ito sa Universe Magic Pool. Ano man ang dahlan, malabong makipagtulungan siya sa mga God sa hinaharap.

Isa pa, ang Comprehension points na maibibigay ng mga Divine Servant ay isang bagay na kailangang-kailangan ni Marvin.

Kahit na isa na siyang Legend at itinuturing na Hero, na malayang nagagawa ang kanyang nais sa buong Feinan dahil sa kapangyarihan ng Ruler of the Night, hindi pa rin ito sasapat sa harap ng isang tunay na God.

Kaya naman, kailangan pa rin niyang magpalakas agad.

Ang pinakamadaling paraan nito ay ang pagtugis sa mga Divine Servants!

Kaya naman, nang makalapit siya kay Ambella, hindi na siya nagdalawang-isip at umatake na si Marvin!

Kasing bilis ng kidlat ang galaw ng kanyang mga dagger at walang habas na pinugutan ng ulo si Ambella.

Pero sa sumunod na segundo, nanlumo si Marvin.

Naramdaman niyang mayroong mali.

Walang log na nagsasabing nakapatay siya ng Divine Servant!

Kasabay nito, biglang kumalat si Ambella sa hangin.

'Isang [Reflection]!'

Hindi maipinta ang mukha ni Marvin.

Hindi niya naisip ito.

Ganito pala kalakas si Ambella?

Kaya naman pala hindi ito kinakabahan nang lumapit si Marvin. Kahit na sabihing naging maingat si Ambella, hindi pa rin ito natakot.

Lalo pa at siya ang pumatay kay Dark Phoenix, hindi malabong maging maingat ito.

Naramdaman ni Marvin na mayroon siyang pagkakataon, pero hindi niya inakalang malilinlang siya nang ganoon.

'Kaya naman pala hindi ko maramdaman ang presesnya niya.'

Mapait na nguiti si Marvin.

Ang [Reflection] ay kapareho ng [Projection], pareho itong kumukuha ng mga pirasong para isalamin ang kanilang mga katawan sa ibang mundo o plane.

Ang pinagkaiba lang, ang mga Projection ay gumagamit ng mga piraso ng interplanar barrier habang ang Reflection ay gumagamit ng lakas mismo ng gumagawa nito. At natural lang na makagamit ng mga item ang mga ito.

Iba rin ito mula sa mga Doppleganger at mga Avatar, dahil ang pagpatay sa isang Reflection ay walang epekto sa pangunahing katawan.

'Mukhang hindi lang siya basta umiikot sa paligid ng Steel City, sinusubukan ata talagang makipagnegosasyon sa akin.'

'Malaking kawalan 'to. Magiging mahirap na ang pagpatay ko sa kanya sa susunod na pagkikita namin.'

Tiningnan ni Marvin ang tumpok ng mga abo na nagmula sa bangkay ni Senma at napailing na lang ito.

Bago mag-descend ang mga God, siguradong magiging malaking problema si Ambella.

Hindi niya alam kung nasaan ang pangunahing katawan nito, pero dahil nasa Feinan na ito, siguradong tutuksuhin niya ang isang pwersa para magtrabaho para sa kanya.

Dahil napigilan n ani Marvin ang Dream Scorpion, siguradong maghahanap na ito ng ibang pwersa.

Gayunpaman, sa mahabang digmaan na ito sa pagitan ng mga God at ng mga mortal, kumampi na ang Dream God sa panig ng mga God.

Walang kahit anong paraan si Marvin para hanapin ang lokasyon ni Ambella, at wala itong nagawa kundi mapa-iling at umalis.

Sa Glacier, sa Norte.

Sa ibabang isang malaking bitak, ay walang hanggang kadiliman.

Isang babaeng naka-berde ang nakapikit ang mga mata.

At bigla na lang itong namulat.

Isang liwanag ang lumabas mula sa kadiliman, at tila mayroong nagbukas ng pinto.

Sa likod ng pinto, isang madugong ulo ang lumitaw.

Isang ulo ng Barbarian, makikita ang galit sa mukha nito.

Namatay ito nang may hinanakit.

Pagkatapos bumukas ng pintong may liwanag, isang magandang babae ang mahinahong lumabas, "Mayroon akong dalang regalo para sayo."

"Mukhang matindi ang pinagdaanan mo, mas lumala ang itsura mo kumpara sa noong huli kitang nakita.

Kung narito si Marvin, makikilala niya agad ang babae, iyon ang First Divine Servant ng Dream God, si Ambella.

Naroon ang pangunahing katawan nito.

At malinaw na ang babaeng kabubukas lang ng mata sa kadiliman ay ang Azure Matriarch.

"Kung ikaw ba naman ang bantayan ng North Guardian araw-araw at gabi-gabi, at lumaban pa sa isang baliw na nilalang, sasama rin ang itsura mo." Sagot ng Azure Matriarch, "Dinispatya mon a ang tribo ng mga Barbarian?"

"Ayaw nilang tanggapin ang pabot ng Dream God at hindi sila nakinig sa pagpapaliwanag ko, kaya kinailangan ko silang dispatyahin." Walang buhay na sabi ni Ambella.

"Mabuti naman."

"Anong gusto mo?" Walang ganang sabi ng Azure Matriarch.

Ngumiti si Ambella, "Impormasyon tungkol sa isang tao."

Sumimangot ang Azure Matriarch, "Mukhang may nagpapahirap sayo."

Nagulat si Ambella saka tumango at bumuntong-hininga, "Nagbago na ang mundo."

"Nararamdaman kong iba na ang kasalukuyang Feinan kumpara sa nakatala sa propesiya."

"Kahit isang pangkaraniwang magsasaka ay dadampot ng pala at lalaban, sila pa ba ang mga mahihinang tao na nakilala ko?"

"Mahina man sila o malakas, hindi na mahalaga iyon, dahil mamamatay lang din silang lahat." Panunuya ng Azure Matriarch.

"Alam mob a ang pagkakaiba ng Magic Race at ng Human Race? Kung ang mga tao ang mga limatik ng plane na ito, ikaw… ay mas malaking linta."

Ang tono nito ay may halong panghihimok.

Wala namang pakialam si Ambella.

Ang World Ending Twin Snakes at ang mga God ay hindi nagkakasundo, wala naman siyang inaasahan mula sa Azure Matriarch.

Kailangan niya lang ng impormasyon.

Kahit na nawasak na ang Twin Snakes Cult, mayroon pa ring natitirang baga sa gitna ng kadiliman.

Isa siyang baguhan kaya naman kailangan niya ng impormasyon.

"Impormasyon tungkol kanino? Isang Great Druid? Dragon? O ang monastery sa Dead Area?" Tanong ng Azure Matriarch.

Umiling si Ambella at naiinis na sinabing, "Tungkol kay Marvin."

Agad namang natahimik ang Azure Matriach.

Saka nagngalit ang kanyang ngipin sa galit, "Ituring mo nang pabor ito."

"Ibibigay ko sayo ng libre ang impormasyon."

Matapos umalis sa kagubatan kung saan niya nakita si Ambella, agad na nagpunta si Marvin sa lugar kung saan nakatipon ang mga bandido.

Ang grupong ito ay isang malaking kapahamakan.

Bago ang Great Calamity, walang habas silang gumagawa ng kahit anong krimen, at lalo silang sumama magmula nang magkaroon sila ng suporta.

Kahit na patay na ang kanilang pinuno, magkakaroon at magkakaroon pa rin ng magtitipon sa mga ito para magpatuloy sa paggawa ng kasamaan.

Kahit na hindi isang bayani si Marvin na hayok sa hustisya si Marvin, wala problema sa kanya ang pagdispatya sa mga ito.

Tatlong minuto lang ang itinagal ng pagdispatya niya sa mga bandidong walang lakas para lumaban sa kanya.

Paglipas ng tatlong minuto, umalis na siya sa sa lugar na iyon kung saan bumaha ng dugo at muling bumalik sa Morrigan's Heart.

Nag-aalala naman sa pagbabalik ni Marvin ang mga tao ng Morrigan's Heart.

Nagtaka naman si Marvin sa naging reaksyon ng mga ito.

Pero agad niya itong naintindihan. Tila hindi nila gustong umalis sa lugar na ito.

Ipinaliwanag ni Captain Alexis ang kanilang napag-usapan.

Karamihan sa kanila ay mga mamamayan ng Steel City, mga kamag-anak ng mga namatay na sundalo.

Masyadong maraming alaala ang lugar na ito.

At dahil natapos na ang problema nila sa mga bandido, ayaw na nilang lumipat.

Pero natatakot silang bastusin ang isang powerhouse gay ani Marvin, kaya naman naging maingat sila sa kanilang pananalita.

Isa pa, base sa pagkakasabi ni Alexis, nais nitong sabihin na kung gusto talaga ni Marvin na palipatin sila, gagawin nila ito kahit labag sa kanila kalooban, pero hindi nila lalabanan ang kagustuhan nito.

Lalo pa at wala naman silang lakas para lumaban.

Hindi naman inaasahan ni Marvin ang naging desisyon ng mga tao sa Morrigan's Heart.

Mukhang mas matindi ang pagmamahal nila sa kanilang tahanan kesa sa takot nila sa delubyo.

Pero malinaw na walang kakayahan ang mga ito para protektahan ang kung ano ang meron sila.

Kaya naman tinanong sila ni Marvin:

– Hindi nila kailangan umalis sa Morrigan's Heart at pumunta sa White River Valley, sa halip, magpapadala ang White River Valley ng mga hukbo para protektahan ang lugar na ito. –

Bilang kapalit, makakakuha ng pagkain at sandata ang White River Valley mula sa Morrigan's Heart.

Nakahinga naman nang maluwag si Alexis dahil sa desisyon ni Marvin.

Maganda ang reputasyon ng White River Valley, at isa pa, ang mga refugee na ito ay nangangailangan ng dedepensa sa kanila.

Saglit silang nag-isip at saka nila tinanggap ang suhestyon ni Marvin.

Saka nila pnag-usapan ang mga detalye.

Balak ni Marvin gawin isang outpost ang Morrigan's Heart. Nakita ni Marvin na walang masyadong kailangan ang mga sundalo at mga mamamayan na ito.

Sadyang ayaw lang nilang iwan ang kanilang tahanan.

Madali lang niyang matutulungan ang mga ito.

Para gumana ang pagtutulungan na ito, kailangan pumirma ng cooperation agreement ang magkabilang panig.

Hindi na masyadong pinansin ni Marvin ang mga maliliit na detalye, wala siyang makakamit kapag araw-araw niyang binantayan ang mga detalyeng ito.

Direkta niyang ginamit ang koneksyon ng Book of Nalu kay Madeline para dalhin si Lola at dalawang Dark Knight sa Morrigan's Heart. Ang mga detalye ng kasunduan ay pamamahalaan na ng kanyang espesyalista.

Pagkatapos nito, kahit na pilit ipinakita ni Alexis ang kanyang sensiredad kay Marvin, sa pamamagitan ng pagpapakita kay Marvin ng imbakan ng kayamanan sa ikalawang palapag, agad na umalis si Marvin.

Isang malaking imbakan ng kayamanan ang Morrigan's Heart, at ang unang palapag lang ang nabuksan nina Alexis at ng iba pa.

At sa kaloob-looban pa nito ay mayroong hindi bababa sa tatlo pang imbakan ng kayamanan. Ang mga imbakan na ito ay kailangan ng espesya na pamamaraan ng South Wizard Alliance para mabuksan, isang bagay na hindi alam ni Marvin. Kaya wala ring katuturan kung subukan niya pa ito.

Isa pa, nandoon lang naman ang imbakan, basta manatili ito sa ilalim ng pamamahala ni Marvin, magkakaroon siya ng sapat na pagkakataon para mabuksan ito.

Masyado na siyang nagtagal sa Steel City. Mayroon siyang kaibigan na nakakulong sa kagubatan sa dakong hilaga, naghihintay na iligtas siya ni Marvin, kaya hindi na siya maaaring manatili pa.

Umalis na siya at nagbalik sa lokasyon na iyon.

Nang makarating siya, nabigla si Marvin. Si Butterfly na nagsabing, hihintayin siya… ay biglang nawala.

'Pucha!'

'Hindi talaga maaasahan.'

Hindi mapigilang mapakamot si Marvin sa kanyang ulo.

Walang bakas ng kahit anong halimaw sa paligid o kahit anong bakas ng laban at pinrotektahan ng Golden Griffin si Butterfly, kaya wala naman sigurong aksidenteng naganap!

Sa kabilang banda, ang tangin rason lang kung bakit ito nawala ay dahil kusang umalis ang mensaherong si Butterfly…

Subalit, ang mga Wood Elf ay mga nilalang na masunurin sa mga patakaan. Bukod sa katulad ni Ivan na naiiba sa mga ito.

Malinaw na hindi isang common Elf ang babaeng ito.

Umalis ito matapos siyang iwanan ni Marvin na nakatengga.

Tumingin si Marvin sa paligid at nanlumo.

Naging magalang si Marvin at iniwasan niyang hawakan si Butterfly noong papunta sila rito, kaya naman hindi niya magagamit ang Night Tracking.

Habang ang Golden Griffin naman ay may espesyal na constitution kaya ayaw niyang kumuha ng balahibo mula sa katawan nito.

Hindi niya inasahan bigla na lang itong mawawala.

'Nadakip kaya sila?'

Nagdududa si Marvin.

Kahit na walang bakas ng ano mang laban, hindi pa rin niya inalis sa isip ang posibilidad na ito.

Kaya naman mas nilawakan pa niya ang kanyang paghahanap.

Paglipas ng limang minute, nakakita siya ng bakas sa ilalim ng isang puno.

Mga piraso ng breadfruti!

'Prutas ng isang breadfruit tree?'

Nag-isip si Marvin.

Mayroong ganoong klase ng puno sa Elven Kingdom, pero ang breadfruit ay hindi maaaring kainin at sa halip ay ginagamit bilang senyales o palatandaan.

Tanging mga Wood Elf at mga kaalyado nito ang makakakita ng mga breadfruit sa mga halaman.

Isang Night Walker si Marvin at mayroon siyang pass sa Thousadn Leaves Forest, kaya naman nakikita na ang mga piraso ng breadfruit.

'Ibig sabihin, bigla na lang siyang umalis?'

Mukhang may nakita si Butterfly

Hindi na siya nagdalawang-isip at agad na sinundan ang mga breadfruit hanggang sa dakong hilagang bahagi ng Steel City.

Kahit na kaunto lang ang mga piraso nito, mukhang mabilis ang pagkilso ni Butterfly noong ikinakalat niya ito.

Dahil dito, naging mahirap ang pagsunod ni Marvin sa mga bakas na ito.

Wala siyang nagawa kundi, ilang ulit na magsiyasat sa paligid para patuloy na masundan ito.

Pahirap nang pahirap ito hanggang sa naubos na ang mga piraso nito.

Tumigil ito sa harap ng isang gubat na may makapal na hamog.

Sa dulo ng gubat, mayroong ilang lumbering workshop sa tabi ng isang ilog.

Ang ilog na ito ay kilala bilang, Norris River. Galing ito sa Millenium Mountain Range at dumadaloy sa gitna ng teritoryo ng South Wizard Alliance bago tuluyang kumonekta sa dagat at Bas Harbor.

Itinatag ng Steel City ang mga workshop na ito sa bandang unahang bahagi ng Norris River, dahil doon pinoproseso ang mga kahoy.

Ang mga troso na ito ay dadalot at lulutang sa Norris River kaya naman nakakatipid sila sa gastos sa transportasyon.

'Hindi ko namalayang nagpunta ako sa Millenium Mountain Range?'

Hindi mapigilang matawa ni Marvin.

Ang Norris River ay katabi ng isang gubat na tinatawag na Lumber Woods ng mga tao.

Karamihan ng mga nagtatrabaho dito ay sa dulo ng kagubatan lang namamalagi. Lalo pa at may mga balitang, mayroong mga Devil sa gubat na ito.

Bukod dito, sinasabi na ang mga tauhan ng South Wizard Alliance ay ilang beses na sinubukang buksan ang gubat na ito, pero hindi sila nagtagumpay.

Kung nagawa nilang malampasan ang gubat na ito, dapat sana ay gagawa sila ng isang daan patungo sa Norte gaya ng [Volacano Pass], [Wizard Horn] at iba pang kaparehong daanan.

Pero hindi sila nagtagumpay.

Malinaw na magical ang kagubatan na ito.

Bilang dating manlalaro, alam ni Marvin ang dahilan nito.

Ito ang lugar kung saan nagtitipon ang mga Chromatic Dragon!

Isa itong pangunahing instance ng [Dragon God's Wrath] expansion. Magaganap ito sa kaibuturan ng Lumber Woods.

Pero hindi nalaro ni Marvin ang instance na ito bago siya nag-transmigrate.

Kaya naman hindi malinaw sa kanya kung ano ang nasa loob ng gubat.

Pero nawala na ang bakas sa harap ng kagubatan, malinaw na pumasok dito si Butterfly.

Naipit sa sitwasyon si Marvin.

Napigilan ang planong magmadali para makapunta sa kabilang dako ng Millenium Moutnain Range dahil sa kay Butterfly.

Sa mga oras na ito, napagtanto na niya ang kahalagahan ng isang lumilipad na sakayan.

Sayang lang at matinding pinsala ang natamo ng Black Dragon sa huling laban, kundi, hindi na kakailanganin pang alamin ni Marvin ang pinuntahan ng mensaherong ito.

At ngayon, malinaw na hindi siya maaaring pumasok sa gubat.

Hindi niya inaakala na noong nagbabalak na siyang pumuslit papasok, isang sigaw ang narinig niya mula sa kanyang likuran. "Hoy, Marvin."

"Mamamatay ka sa loob."

Related Books

Popular novel hashtag