Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 395 - Purple Fire Crystal

Chapter 395 - Purple Fire Crystal

Hindi pinansi ni Ivan ang pagiging masigasig ng babaeng Elf.

Umalis ang grupo ni Marvin sa Ruins City at nagtungo pa-timog para mapunta sa Rocky Mountain.

Nang makita ng dalawang Ancient Gnome ang Mechanical Titan sa labas ng Rocky Mountain, halos mabaliw ang mga ito.

Hindi na nila pinansin ang ibang mga bagay at agad na gumapang papasok, nagsimula silang ihagis ang mga bagay-bagay.

Hindi naman pinakialaman ni Marvin ang mga ito, dahil kung may paraan man sila na buhayin ito, wala pa rin itong silbi. Dahil ubos na ang enerhiya ng bagay na iyon. Kung hindi sila makakahanap ng Purple Fire Crystal, mananatiling isang malaking piraso ng bakal lang ito.

Ang pangunahing dahilan ng pagpunta nila dito ay para balaan ang Three Sisters.

Hindi masyadong nagtagal sina Marvin at Ivan doon at lahat ng oras ay ginuguol nila sa mga lihim na pag-uusap.

Ang impormasyon tungkol sa Great Calamity ay labis na ikinagulat ng Three Sisters.

Isang liblib na rehiyon ang Rocky Mountain. Kung hindi sila maagang binalaan ni Marvin, marahil hindi nila malalaman kapag nagsimula na ang delubyong ito.

Kahit na agn Rocky Mountain ay maraming Sorcerer na kayang makipag-usap sa mga Demon, wla sa mga ito ang nasa level ng Demon Overlord.

Ang alam lang nila ay mayroong malaking pangyayaring magaganap.

Dahil kung hindi, hindi bababa ang Source of Fire's Order.

Dahil sinabi ni Marvin ang impormasyon sa Three Sisters, sa talino at lakas ng mga ito, kasama na ang mga buff ng Fortune Fairy, kakayanin na nila sigurong malampasan ang mga unang yugot ng Great Calamity.

Hawak nila ang Source of Fire's Order habang ang Shadow Prince, na natatanging may kakayahan para nakawin ito ay pinasabog n ani Marvin, kaya naman siguradong ligtas na sila basta maghanda sila nang tama.

Pero pwedeng mangyari ang kahit ano sa panahon ng Chaos Era, isang bagay na paulit-ulit na sinabi sa kanila ni Marvin.

Ang Rocky Mountain at White River Valley ay bumuo rin ng alyansa.

Sa pagkakataong ito, nagmamadali si Marvin. Makikita sa mukha ni Lorie na ayaw niyang umalis si Marvin kaya naman sumakit ang ulo nito.

Tuwang-tuwa siya sa matalinong batang babae na ito.

Pero sa ngayon, mayroong taong mahalaga na kailangan niyang iligtas.

Habang nag-iikot pa sina Ivan at dalawang Ancient Gnome sa Hope City, nagpunta si Marin sa dakong timog.

Hindi nagtagal at nakarating siya sa Pearl Tower ng City of Knowledge.

Nasurpresa si Mark 47 na binista siya uli ni Marvin. Lalo pa at saglit na panahon pa lang ang lumipas, nakahanap na uli si Marvin ng isa pang Memory Chip!

Pagkatapos ipasok ang Memory Chip na ito, may mga naalala pa si Mark 47.

Pero sa pagkakataon na ito, wala siyang kapaki-pakinabang na alaala.

Wala namang nagawa si Marvin dito.

Hindi gaanong mahalaga kay Marvin ang 50 00 exp sa ngayon kaya humiling siya kung maaari ba itong mapalitan.

Humingi ng pasensya si Mark 47 dahil sa pagtatago ng isang bagay bago masayang pumayag sa hiling ni Marvin.

Nagtanong si Marvin, "Mayroong pa bang Purple Fire Crystal?"

Naglaho na ang mga ito sa buong Feinan Continent at halos wala nang bakas ng mga ito sa mga vestige ng mga Ancient Gnome.

Ang sinabi niya noon ay para lang makumbinsi ang dalawang Ancient Gnome na magpunta sa kanyang teritoryo.

Si Zac at David ay mga tunay na descendant ng mga Ancient Gnome. Kung pumayag itong magtrabaho para sa kanya, sa dami ng mga libro ng Alchemy na nakuha niya sa Saruha, magkakaroon ng suporta ng siyensya at teknilohiya ng mga Ancient Gnome ang White River Valley.

Para naman sa Alchemist na hindi maaasaha, wala nang pag-asa si Marvin para sa kanya. Nagsasayang lang ang lalaking iyon ng mga kagamitan. Mabuti nga at hindi pa siya pinapalayas ni Marvin.

Lalo pa at kaawa-awang tingnan ang lalaking ito.

Lagi silang magkasama ni Necromancer Fidel at masasabing sila ang mga wirdo sa kanilang teritoryo. Napapatawa rin nila ang mga tao paminsan-minsan.

Pero kung gustong umusad ng teknolohiya sa kanilang teritoryo, kailangan niya ng mga propesyonal.

Nawala na ang mga Dark Iron Dwarf, habang ang mga Sha clansmen naman ay kaunti lang ang kaalaman at nakatuon lang sila sa paggawa ng mga armas na hindi gaanong malalakas.

Ang teknolohiya ng mga Ancient Gnome ay nakapagtatag ng isang emperyo. Kahit na hindi nila tuluyang mapatatag ang kanilag teritoryo, kung mapoprotektahan ng ilang construct ang kanilang teritoryo, magiging higit pa ito sa sapat.

Ang pinakamahalaga pa rin ay ang pagkumbinsi sa dalawang Gnome na ito.

Naniniwala si Marvin na ang susi para magawa iyon ay ang Mechanical Titan.

Ang Sanctuary ng mga Ancient Gnome ay siguradong walang ganitong sandata. Sa hilig ng mga Ancient Gnome sa mga makinarya, kung ililipat ang Mechanical Titan sa White River Valley siguradong susunod ang dalawang ito.

Habang ang Sanctuary naman, kailangan din nito ng Purple Fire Crystal.

Nagtanong na si Marvin at ang dami ng kailangang Purple Fire Crystal para sa Sanctuary at sa Mechanical Titan ay magkaibang-magkaiba.

Noong nagdesisyon na tumakas ang magkapatid, sinusubukan lang nila ang kanilang swerte.

Kung ang kailangan ng Mechanical Titan na Purple Fire Crystal ay kasing laki lang ng kamao, ang kailangan na Purple Fire Crystal ng Sanctuary ay kasing laki ng isang maliit na burol.

Sa era na ito, halos imposible nang makahanap ng ganoon kalaki.

Sa madaling salita, mangyayari at mangyayari talaga ang pagbabalik ng mga Ancient Gnome sa Feinan.

Hindi naman mangmang ang magkapatid para malaman ito, kaya naman sinundan na lang nila sina Ivan at Marvin sa kanlurang baybayin ng Feinan Continent para sa Mechanical Titan.

Sa Pearl Tower, hindi inaasahan ni Marvin ang naging sagot ni Mark 47 sa kanyang tanong:

"Mahalagang bagay ang Purple Fire Crystal."

"Minsan kapag maganda ang pakiramdam ko ginagawa ko 'yon meryenda…"

Halos masuka ng ugo si Marvin.

Ang Purple Fire Crystal, isang napakahalagang bagay ay ginagawang pagkain lang ng kakaibang construct na ito?

Gaano ba kalakas ito?

Syempre, hindi mauunawaan ng normal na pag-iisp ang kahit anong may kinalaman kay God Lance.

Saglit na nagdalawang-isip ang construct bago inabot ang isang tipak ng Purple Fire Crystal na kasing laki ng kamao kay Marvin, habang nanghihinayang na sinabing, "hindi naman ganoon kalaki ang 50 000."

Natawa si Marvin. "Pero dahil wala akong nakuha impormasyon mula sa alaala mo sa Memory Chip na ito, pwede nang kapalit 'to."

Naguguluhan si Mark 47. Tila ba masama ang timpla niya at mainit ang ulo nitong pinaalis si Marvin.

Hinawakan ni Marvin ang Purple Fire Crystal, kahit na hindi niya alam kung anong alaala ang dahilan ng pag-init ng ulo ng construct, sinunod niya pa rin ito at umalis sa Pearl Tower.

Hindi ito isang lugar na maaari niyang gawin ang kahit anong gusto niya.

Kahit na pagkatapos ng Great Calamity, ang mga God ay hindi nangahas na pasukin ang ity of Knowledge.

Ang lugar na ito ay ang unang lokasyon kung saan nagliyab ang Source of Fire's Order .

Siguradong may kinalaman ito kay Mark 47.

Tungkol naman sa mga lihim nito, kung patuloy niya itong tutulungan, siguradong makakahanap siya ng paraan para malaman ang mga ito.

Agad na umalis si Marvin ng Pearl Tower at bumalik sa Hope City.

Halos mabaliw ang dalawang Ancient Gnome nang makita ang Purple Fire Crystal, pero nang malaman nila na nakuha ni Marvin ito sa Pearl Tower, nagulat ang mga ito.

Hindi na sila nagtanong kay Marvin, isang bagay na ipinagtaka ni Marvin.

Maingat na nagtanong si Marvin, at hindi naman mapakali si Marvin dahil sa sinagot ng dalawa.

Ang pagkawasak ng Ancient Gnome Empire noon ay tila may kinalaman sa City of Knowledge.

Hindi malinaw sa kanila ang mga detalye, pero binalaan sila ng mga nakatatanda sa Sanctuary na wag lalapit sa Pearl Tower sa katimugan.

Kahit para sa Purple Fire Crystal, hindi sila mangangahas na lumapit sa Wind Castle.

Ayon sa mga Ancient Gnome, isang nakakatakot na Devil ang naninirahan doon.

Hindi naniwala si Marvin sa mga kwento pero inanalisa niya ang impormasyon.

Kakaiba ang naging pagkawasak ng kanilang emperyo, Pero nang dumating ang mga High Elf doon, bukod sa mga Ancient Gnome na nakaselyo sa Sanctuary, ang iba pa ay napatay na.

Walang nakakaalam kung ano ang nangyari.

Walang nabanggit tungkol dito ang City of Knowledge. Nang magpunta ang mga taong pinadala ng High Elven King para bumisita, iniwasan din nila ang tanong.

Nakakagulat rin ang nakatala sa History Calendar:

[Isang gabi ng 2nd Era, nawasak ang Ancient Gnome Empire sa loob ng isang gabi. Walang nakakaalam ng dahilan.]

Kahit ano pang Divination Spell ang gamitin, pareho lang ang nagiging resulta, kaya naman nagtaka ang lahat.

Naisip ni Marvin na mayroong malaking sabwatan sa likod nito, tulad nang mangyayari sa Great Calamity. Pakiramdam niya ay mayroong nagmamanipula ng mga nangyayari sa likod ng tabing.

Resulta rin ba ng pagmamanipula ng taong ito ang kanyang pag-transmigrate?

Habang iniisip ito, hindi maiwasang sumama ang loob ni Marvin.

Limitado lang ang maaari niyang gawin. Maaari niya lang protektahan ang mga taong malapit sa kanya.

Sa tulong ng magkapatid na Ancient Gnome, inilagay n ani Marvin ang PurpleFire Crystal sa Mechanical Titan.

Sa operating room, muling lumiwanag ang screen paglipas ng oras.

Energy Display: 68%. Masasabing disente na ito. Pero sa kakulangan ng Purple Fire Crystal sa panahon ngayon, at sa pagkonsumo ng Titan, kailangan itabi ni Marvin ang lahat ng makukuha niya.

Pagkatapos gamitin ang kanyang card para gawing pinakamataas na awtoridad ang kanyang sarili, ibinigay naman niya ang ikalawang awtoridad sa magkapatid na Gnome.

Natuwa naman ditto sina Zac at David. Kung hindi lang dahil sa kanilang race at kasarian, marahil ibinigay na nila ang kanilang puso kay Marvin.

Ang Mechanical Titan ay ginawa para sa mga Ancient Gnome at hindi makaupo nang maayos dito si Marvin, kaya naman hindi niya ito ma-kontrol nang maayos.

Habang ang dalawang Gnome naman, halos makabisado na nila ang pag-kontrol sa Mechanical Titan matapos ang ilang oras sa loob nito.

Binuhay din nila ang isang pampalaki at pampaliit na rune ng Mechanical Titan at pinaliit ito para magkasya sa isang palad, nababagay sa pagdadala nito sa paglalakbay.

At dahil doon, nagawa na ni Marvin ang lahat ng dapat niyang gawin sa kanlurang baybayin.

Pagkatapos niyang magpaalam sa Three Sisters, isinama na nina Marvin at Ivan ang dalawang Gnome sa isang teleportation array sa Ruins City.

Pinasakit ng amoy ng kagubatan ang kanilang mga ilong. Pero napreskuhan naman dito si Marvin na matagal na naglakbay sa Dead Area.

Pero hindi na nagkaroon ng oras para magpahinga si Marvin dahil sa ibinalita sa kanya ng mga Elf.

habang wala siya, nakatanggap ng pinakamataas na parusa ang White River Valley mula sa South Wizard Alliance!

"Mabigat' daw ang rason nito, at personal pang nagpunta ang White Elephant Chamber of Commerce para tumestigo na ninakaw ni Marvin ang isa sa kanilang mga barko.

Iniiisp ng South Wizard Alliance na bawiin ang titolong Viscount ni Marvin at isailalim ang White River Valley sa kanilang pamamahala.

Mas lalong lumala nang lumala ang sinasabi ng Alliance noong nakaraan linggo.

Siguradon isa naman itong plano ng Dark Phoenix.

Nang marinig ito, alam ni Marvin na kailangan na niyang bumalik.

Pero may kakaiba siyang naramdaman. Maraming Legend ang sumusuporta sa kanyang teritoryo. Ganoon ba kabulag ang South Wizard Alliance?

Dahil sa pagdududang ito, ginamit niya ang Book of Nalu para makausap si Madeline para kunin at dalhin siya pabalik doon.

Pero hindi niya inaasahan na pagbukas ng Teleportation Door, lalabas itong namumutla at duguan ang kanyang putting damit!