Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 392 - Ancient Youth

Chapter 392 - Ancient Youth

Magigising na ang Astral Beast!

Isa itong nakakatakot na krisis para sa Feinan.

Kahit na sa palagay ni Marvin ay hindi tuluyang nadurog ang kaluluwa ni Eric, sa halip bahagya itong sumanib sa Astral Beast, pero ang lahat ng ito ay haka-haka lang.

At kung ang kaluluwa man ni Eric ang nangingibabaw dito, walang nakaka-alam kung nagbago ba ang pag-uugali nito dahil sa pahihirap na naranasan kay Orica.

Ang pinakanakakatakot na bagay sa mundong ito ay hindi ang kapangyarihang mangwasak, kundi ang taong may hawak nito at kung kaya bang kontrolin ng taong may hawak nito ang kapangyarihang iyon.

Sa lugar ng Astral Beast Remains, palakas nang palakas ang awra ng kaluluwa.

Isang pwersa ang nabubuhay. Kahit na nakahimlay pa rin ang bangkay, malaking panganib pa rin ang kanilang nadama!

"Hindi maganda 'to, bilisan na natin!"

Makikita ang matinding pagkabahala sa mukha ni Ivan.

Isa itong tao na kinalaban ang Ancient Red Dragon Ell, pero sa harap ng Astral Beast, kahit siya ay hindi maiwasang makitaan ng takot!

Dito makikita kung gaano ka-nakakatakot ang Astral Beast!

Ang dalawa ay nagmamadaling umalis, umaasa na makaalis sila ng Secret Garden bago tuluyang magising ang Astral Beast.

Pero noong mga oras na iyon, isang nanghihinang boses ang nagsalita. "Wag… Kayong umalis."

"Hindi ko kayo sasaktan…"

Tahimik pero matatag ang ito.

"Eric?" Tanong ni Marvin.

"Alam mo ang pangalan ko?"

Tila nabigla ang boses.

Unti-unti naging mas naging malakas ito. Ang pwersang angmumula sa Astral Beast ay patuloy pa ring lumalabas.

Tumango si Marvin.

Bumuntong hininga si Eric,"Namatay na si guro? Kung hindi ako nagkakamali, namatay siya sa mga kamay mo."

"Kung hindi, hindi ako magigising."

"Sayang… hindi na ako makakapagtagal."

Nagkatinginan sina Marvin at Ivan. Tunay na nakakatakot ang Astral Beast na ito sa kanilang harapan.

Pero sa loob ng nakakatakot na Astral Beast na ito ay tila isang batang kaluluwa, tila ba hindi ito bagay.

Tumigil sila at pinilit na makipag-usap kay Eric.

Di nagtagal, naunawaan n ani Marvin kung ano ang nawawala sa kasaysayan ng Secret Garden:

Sinira ni Eric ang Soul Transfer Ritual at dinurog siya ni Orica dahil sa galit.

Dapat ay namatay na siya.

Pero noong mga oras na iyon, ang Astral Beast, na ang kaluluwa ay malapit nang mawala, ay hindi inaasahang iniligtas siya.

Alam ng Astral Beast, na umaasa lang sa instinct, na malapit na siyang mawala. Dumaan ito sa dalawang matindi at magkasunod na labanan, at pagkatapos pa nito ay gumamit si Orica ng pamamaraan para higupin ang lakas mula sa kanyang kaluluwa. Hindi na ito mabubuhay.

Kaya naman, ginamit nito ang natitirang lakas niya para ipasok ang piraso ng kaluluwa ni Eric sa kanyang katawan.

Ipinasok ng Astral Beast ang kaluluwa ni Eric sa kanyang katawan at hindi ito hinayaang mawala. Unti-unting sumanib ang piraso ng kaluluwa nito sa katawan ng Astral Beast sa paglipas ng panahon dahil na rin sa tatag ng katawan na ito.

Sa katunayan, matagal na siyang nagising.

Ang katawan niya ay tuluyan nang sumanib at nagagawa na niyang manipulahin ang katawan.

Peor hindi siya hinayaang magising nang tuluyan.

Dahil naroon pa si Orica pati na ang orihial na Soul Contract.

Kayang durugin ni Orica ang kaluluwa ni Eric gamit lang ang kanyang isipan.

Ang ikinagalit ni Orica, ay naglagay ng isang matinding sumpa ang Astral Beast sa katawan nito bago siya mamatay.

Bukod kay Eric, na pinili nitong iligtas, wala nang kaluluwa pa ang maaaring makapasok sa katawan nito.

At hindi rin maaaring alisin ang kaluluwa ni Eric.

Kaya naman, sa paglipas ng panahon, ilang beses na nabuhay si Eric. Pero ang naghihintay sa kanya sa bawat pagkakataon ay ang walang habas na pagdurog sa kanya ni Orica!

Tuloy-tuloy siyang pinahirapan habang ang kaluluwa niya ay dinudurog at muling nabubuhay nang paulit-ulit.

Isa itong bagay na hindi kakayanin ng mga tao.

Pero nagawang matagalan ito ni Eric.

Kalaunan, napagtanto niya na maaari siyang manatiling tulog at hindi gigising hanggang sa mamatay si Orica. Nang sa ganoon, hindi na niya kailangan maranasan ang muling pagdurog sa kanyang kaluluwa.

Ngayong napatay na ni Ivan ang kanyang guro, ligtas na siyang magigising.

Sa kasamaang palad, sa paglipas nang maraming taon, malaking pinsala na ang natamo ng kanyang kaluluwa at hindi na siyang magtatagal.

Malakas ang katawan ng Astral Beast, pero limitado ang nakukuhang lakas ng kanyang kaluluwa dito.

Nararamdaman niyang kaunting oras na lang ang natitira sa kanya.

"Hindi ko na alam kung anong era ito."

Ngumiting may pait si Eric. "Ilang taon na ba akong nasa katawan ng Astral Beast? Sanlibong taon? Dalawang libo?

"Namatay na lahat ng mga kaibigan ko?"

"Sa lagay ng mga bagay, mas mabuti na rin ang kamatayan."

Tahimik lang na tumayo sina Marvin at Ivan.

Mukha namang mapayapa na si Eric, para siyang mahiyaing binate mula sa isang bayan.

Kahit na nakaranas ito ng matinding sakit, hindi pa rin nagbago ang kanyang pagkatao.

Pakiramdam lang nito ay mag-isa siya.

"Noong pinili akong maging apprentice ni guro, hindi ako makapaniwala."

"Basura lang ako sa tingin ng lahat, pero pinili ako ni guro. Masayang-masaya ako."

"Hanggang sa nalaman ko na patibong pala ang lahat. Kailangan niya lang pala ng basurang katulad ko."

May pait sa pagtawa ng kaluluwa ni Eric.

Nararamdaman ni Marvin na ang kakaibang pwersa ay patuloy nang nawawala.

Maaaring ito na ang huling beses na magigising si Eric. Baka tuluyan nang mawala ang kanyang kaluluwa pagkatapos nito.

Sa mga kwento ng Wizard Apprentice, napakarami nitong dinadala.

"Hindi ka basura," naninindigang sabi ni Marvin. "Walang basura na magagawang pigilan ang isang delubyong wawasak sa buong mundo. Isa kang bayani."

"Bayani?" Bumuntong hininga si Eric. "Kung papapiliin lang ako uli, tatanggihan ko ang matandang lalaki na nagpunta sa bayan naming noon at sinabing mayroon ang potensyal na maging Wizard, at gusto niya akong dahil sa Mikenshi School."

"Dahil marami akong hindi pa nagagawa…"

Pagkatapos sabihin ito ni Eric, isang imahe ang lumabas sa kanilang harapan:

Isang matandang bayan na buhay na buhay. Isang mahiyaing binata ang sabik na sabik at may pag-aatubili na nakaupo sa karwaheng minamaneho ng isang kutsero.

Sa tabi ng kalsada ay may grupo ng mga tao na nagpapaalam sa kanya, makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha. Pero sa mga ito, isang babae na nakasuot ng simpleng damit ang pinipigil ang kanyang mga luha.

Mukha itong tipikal na anak ng isang magsasaka.

Nakaramdam ng lungkot sa kanilang mga puso sina Marvin at Ivan.

Bumuntong hininga muli si Eric. "Sabi niya hihintayin niya ko…"

"Matagal ko na siyang gusto at hahanapin ko sana siya kapag naging ganap na Wizard na ako."

"Pero hindi na ako nakabalik."

"Hindi ko nagawang umamin sa kanya…" Sabi ni Eric.

Walang magagawa si Eric tungkol sa nangyari sa kanya.

Marahil ito talaga ang tadhana ng isang bayani. Nailigtas niya ang mundo pero hindi maganda ang kinahinantnan niya at ng mga taong malapit sa kanya.

Gayunpaman, ilang libong taon na ang lumipas. Wala na ang lahat, at tanging naiwan na lang ay ang kaluluwa ng isang sinaunang binata na malapit nang mawala.

"Naiinis ako sa sarili ko…. Bakit ba napakaduwag ko… Bakit hindi pa ako umamin noong may pagkakataon pa?"

Tumaas ang boses ni Eric. "Duwag ako!"

"Ilang taon akong nagdusa sa katawan ng Astral Beast, pero para saan?"

"Wala nang halaga ang buhya ko…"

Malamlam na ang pwersang nagmumula sa kaluluwa nito. TIla ba tatangayin na ito ng hangin.

Nagdalawang-isip si Marvin dahil hindi niya makayang sabihin ito. Pero sa huli, kinuyom niya ang kanyang ngipin saka nagsalit. "Alam kong hindi nararapat na ako ang magsabi nito, at dapat hayaan ka nang magpahinga."

"Pero may malaking panganib na hinaharap ang mundong ito."

"Umaasa akong hindi ka mawawala nang ganito lang… Kailangan ng mundo ng isang bayaning magliligtas dito."

"Mundong 'to?" sabi ni Eric.

"Hindi na ito ang mundong kilala at kinamulatan ko. Anong kinalaman nito sa akin?"

Umiling si Marvin. "Pwede mong buksan ang mga mata mo at tingnan ang mundo."

"Alam kong magagawa mo 'yon gamit ang lakas mo."

"Tinginan mo ang mundong 'to, anong pinagkaiba nito sa mundo mo?"

"Naglalaro pa rin ang mga inosenteng bata, ang mga taong nasa sapat na gulang na ay nag-aalala pa rin para sa kanilang hanap-buhay, ang mga sakim na merchant ay nanggagantso pa rin, at ang mga Devil, Demon, Evil Spirit, a kahit ang mga God ay pinupunterya ang mundong 'to."

"Kailangan ka ng mundong 'to."

Saglit na natahimik si Eric. Sa huli, nawala na ang natitirang soul power nito mula sa bangkay ng Astral Beast.

Nagkatinginan sina Marvin at Ivan at bumuntong hininga.

Marami nang nagawa si Eric.

Ang hindi niya paggamit ng kapangyarihang ng Astral Beast para sa kasamaan ay ang pinakamagandang nangyari.

Ang pag-alis ang pinakamagandang bagay para sa kanya ngayon.

Hindi na siya nababagay sa mundong ito. Ang mga taong pinahalagahan niya ay matagal nang wala.

Nawawala na rin ang pwersa ng Astral Beast.

Bigla namang may lumitaw na buto sa mga kamay ni Marvin.

Muling maririnig ang nanghihinang boses ni Eric. "Kapag kailangan mo ko, gisingin mo ako."

"Isang beses na lang ako maaaring magising. Pagkatapos noon, kahit gustuhin kong tumulong, mawawala pa rin ang kaluluwa ko."

"Isasara ko na ang Secret Garden. Palalabasin ko ang lahat, kaya mag-ingat kayo."

Paglipas ng ilang sandali, nakaramdam ang dalawa ng malakas na pwersa.

Pagkatapos magbago ng kanilang kapaligiran, lumitaw ang dalawa sa Breton Village.

Maraming tao sa kanilang paligid, lahat mga Half-Legend.

"Anong nangyayari? Bakit bigla tayong lumabas?"

"Sarado na ang Secret Garden? Sinong nakakuha ng Magic Medicine?"

"Anong nangyari sa mga Legend powerhouse? Saan sila napunta?"

Habang maraming katanungan ang mga tao, napunta ang tingin nila kay Ivan.

Dahil siya lang ang Legend na nakalabas ng Secret Garden.

At dahil dito, sumabog si Ivan, "Putangina niyo!"

Natigilan silang lahat.

Related Books

Popular novel hashtag