Noong naghihingalo na ang Astral Beast, minanipula ni Orica ang kaluluwa ni Eric para pumirma ito ng isang kotrata. Kung magpakita ng kahit anong senyales ng pagrerebelde si Eric, mabubura ang kanyang kaluluwa.
Naniwala si Orica na wala na siyang magiging problema dahil ditto.
Kaya naman, sinimulan na niya ang Transfer Ritual para sa kanyang kaluluwa. Gusto niyang tanggalin ang kaluluwa ng Astral Beast at ilipat ang kanyang sariling kaluluwa sa katawan nito.
Pero sa gitna ng proseso, mayroong nangyaring hindi inaasahan.
Ang apprentice na matagal nang nananahimik, ay biglang may ginawa habang nagaganap ang ritwal at inantala ang prosesong ito.
Kahit na isa lang Wizard Apprentice si Eric, malinaw sa kanya kung ano ang mangyayari kapag nagtagumpay ang ritwal.
Malapit na sa pagkabaliw ang pag-iisip ng kanyang guro. Sa oras na makuha niya ang katawan ng Astral Beast, siguradong magkakaroon ng malaking delubyo.
Ibinuwis niya ang kanyang buhay para pigilan ang ritwal.
Dahil sa pagsagabal niyang ito, napigilan ang delubyong magaganap.
Napakawalan ang kaluluwa ng Astral Beast, pero hindi ito natanggal.
Nagulat at nagalit si Orica. Dinurog niya ang kaluluwa ni Eric at saka tumakas, nagtungo siya sa Garden of Eden.
Hindi nagtagumpay ang kanyang plano at naiwang mag-osa sa hardin, matinding galit ang kanyang nararamdaman. Habang nagmamaktol soya, napansin niya ang Magic Medicine na nakatanim doon na mayroong malakas na awra at may kakayahang higupin ang ibang nilalang.
Isa na namang baliw na plano ang namuo sa kanyang isipan.
Sumanib siya sa Magic Medicine at nilamon ang kaluluwa nito para maagaw ang katawan nito.
Matagal na panahon siyang nagtago sa First Garden of Eden. Hindi niya na alam kung ilang taon na ang lumipas magmula noong natapos niyang lamunin ang lahat ng mga Magic Medicine doon. Hindi niya mapigilang umalis at tumingin muli sa labas.
Tahimik na pala ang Secret Garden at wala nang taong natira, habang ang mga Magic Medicine anman ay dumami nang dumami.
Wala nang kabuhay-buhay ang bangkay ng Astral Beast. Habang ang katawan naman ng Wizard Apprenctice na si Eric ay nakahimlay sa tabi ng bangkay ng Astral Beast.
Matapos pira-pirasuhin ni Orica sa maliliit na piraso ang katawan ni Eric, napagtanto niyang maaari niyang gamitin ang pangalan ni Eric.
Ipinagbabawal ng mga Ancient God ang Soul Transfer. Kung malaman ito ng mga makapangyarihang God, siguradong mapaparusahan siya. Lalo pa at wala pang Universe Magic Pool noong mga panahon na iyon.
Kaya naman, ginamit niya ang pagkakakilanlan ni Eric. Sa ganoong paraan, kapag gumamit ng Divine Spell ang mga Ancient God para alamin ang tungkol dito, mayroong makikitang pagkakaiba.
Ang sakim at duwag na si Orica ay nagsimulang kontrolin ang buong Secret Garden sa loob nang mahabang panahon.
Tinanggal niya ang sarili niyang sama ng loob at bumuo ng isang Mana Wraith mula ito, para ma-kontrol niya ang pagbukas at pagsara ng Secret Garden.
Ang Nine-Headed Vine na nagbabantay sa Mills Garden ay isa ring sangay ng kanyang pangunahing katawan. Dahil marami siyang nilamon na mga Magic Medicine, nakakatakot ang kanyang lakas.
At dahil sa katawan ng Magic Medicine, hindi na siya maaaring mag-cast ng mga spell.
Lalo na noong ginawa na ng Wizard God na si Lance ang Universe Magic Pool, nagulat siya nang mapag-alaman niyang humina na ang kakayahan niyang humigop ng Chaos Magic Power.
Labis naman itong ikinagalit ni Orica, pero hindi siya nangahas na umalis mula sa mundong ito.
Ang pamamaraan niya sa pagpapahaba ng buhay ay mayroong pa ring mga butas at kailangan niya pa nang mas maraming kaluluwa para tuluyang sumanib dito.
Ito ang katotohanan sa likod ng Secret Garden!
…
Palakas nang palakas ang pagsigaw ng matandang lalaki.
Makikitang napupuno na ng pagkasakim ang pagtingin nito kina Ivan at Marvin/
"Wag kayong mag-alala, wala kayong mararamdaman sa proseso na 'to."
"Hintayin niyong maging bahagi kayo ng katawan ko. Matutuwa kayo!"
"Paghaharian natin ang buong mundo!"
Ang huling pangungusap na sinabi nito ay isinigaw ng lahat ng mga madugong mukha sa halaman.
Hindi naman naman napabilib sina Marvin at Ivan.
Bumuntong hininga si Marvin, "May dalawa kang pagkakamali."
Iwinasiwas ni Orica ang kanyang mga baging, ikinalat niya ito sa lugar at handang ihampas ito ano mang oras.
Galit na sumimangot ito kina Marvin. "Anon pinagsasasabi mo!"
"Una sa lahat, inakala mo na matagal nang namatay si Eric. Pero sa katunayan, hindi siya namatay," mahinahong sabi ni Marvin.
"Imposible!" Nag-iba ang mukha ni Orica. "Niloloko mo ba ako? Dinurog ko na ang kaluluwa niya!"
"Siguro." Nagkibit balikat si Marvin. "Pero bakit ka nagtatago dyan at ayaw mong lumabas?" Tanong niya.
"Puno ng kayamanan ang katawan ng Astral Beast, bakit hindi mo lunukin iyon?"
"Ang unti-unting lumalakas na awra na 'yon, bilang isang Legend Wizard na eksperto tungkol sa mga kaluluwa, hindi ba dapat may napansin kang mali doon?"
Suminghal ng pagtanggi si Orica, "imposible ang sinasabi mo!"
"Katawan ko 'yon! Imposibleng maagaw iyon ng isang Wizard Apprentice lang!"
Naging marahas ito, natakpan ng mga matinik na baging ang kalangitan habang wumawasiwas ito mula sa lahat ng direksyon.
Hindi mabilang ang mga mukha sa bawat baging!
Lahat ito ay balu-baluktot at ang iba pa ay may nawawalang bahagi ng kanilang mukha!
Pero lahat sila ay may madugong bunganga at mga ngipin na tila lagare!
Hindi naman natinag ang dalawa dahil dito.
Alam ni Marvin na isa lang itong ilusyon.
Nararamdaman niyang nannanakot lang si Orica. Lalo pa at ang lalaking ito, na sumanib na sa Magic Medicine King, ay eksperto lang sa mga ilusyon.
Hindi na sinubukang dispatyahin ni Marvin ang ilusyon.
Wala siyang paraan para gawin ito, pero iba ito para sa Elven Prince na katabi niya.
Nauna nang sinabi ni Ivan na kaya niyang harapin ang mga ilusyon ng Magic Medicine King.
Humakbang paharap ito habang ibinubuka ang palad, may ginintuang liwanag na lumabas mula rito!
Isang nakakasilaw na ginintuang liwanag na tila kasing liwanag ng araw ang bumalot sa buong silid.
Ang lahat ng kaluluwa ay napasigaw sa paghihinagpis kasabay ng pagliliyab ng mga baging.
Labis na natakot si Orica. Napagtanto niya na ang buong lugar ay nagsisimula nang gumuho!
"Hindi! Hindi!"
"Ano 'to… Bakit ganito?"
Naaawa siyang tiningnan ni Ivan, "Sumanib na ang katawan mo sa Garden of Eden?"
"Kaya naman pala apektado na rin pati ang mismong lugar."
"At sa tingin mo walang makakatalo sayo rito? Sa kasamaang palad, nagkakamali ka."
"Kahit gaano pa kalakas ang kasinungalingan mo, matatalo pa rin ito ng katotohanan."
"Kasinungalingan lang ang pundasyon mo. Ngayon, anong matitira kung wasakin ko ang pundasyon mo?"
Sa sumunod na segundo, nawasak na ang buong lugar!
Ang malaking halaman ay naging abo sa ilalim ng ginintuang liwanag.
Isang malakas na enerhiya ang naipon sa hangin kasabay ng isang pangit na kaluluwa ang sinasaksak ng liwanag.
Makikita ang panghihinayang sa mukha ni Ivan.
Ang Magic Medicine na nakuha ni Orica, ay naging parte na ng katawan niya at hindi na makukuha pa.
Ang lahat ng pakikipagsapalaran niya ditto sa Dead Area ay hindi sumapat para makahanap siya ng lunas para sa pinsalang natamo ng Great Elven King.
...
Tila namangha si Marvin sa kanyang nasaksihan.
Akala niya ay mayroong item si Ivan para pigilan ang mga ilusyon.
Pero hindi niya inasahan na ang lalaking ito ay maglalabas ng isang bahagi ng Fate Tablet!
Isang piraso ng Fate Tablet!
May karanasan na si Marvin dito dahil sa katawan ni Ding kaya pamilyar na siya dito. Pero ang Plane Law na naka-ukit sa pirasong ito ay [Truth] at hindi [Luck]!
Nakakamangha na mayroong ganitong kayamanan ang pamilya ng mga Wood Elf!
Walang nakaka-alam sa kung anong iniisip ng may hawak ng pirasong ito noong mga panahon na iyon. Hindi niya ito ginamit para mag-ascend sa Godhood.
At ngayon, ang piraso ng Fate Tablet na ito ay may awra ng buhay. Malapit na itong maging isang buhay na nilalang.
Ibig sabihin, ang pirasong ito ng Fate Tablet ay magiging katulad ni Ding, at unti-unting magkakaroon ng sariling katawan.
Isang Truth Fairy.
Isang nilalang ito na hindi kayang maisip ng mga tao.
Ang isang ordinaryong tao ay mas pipiliin na mag-ascend sa Godhood kapag nakakuha sila ng piraso ng Fate Tablet, pero malinaw na ang ninuno ng mga Wood Elf ay hindi ito ginawa. Marahil ito ang dating Great Elven King na sinusundanan ang bakas ng mga High Elf na umalis patungo sa malayong Eternal Country.
At ang piraso ng Fate Tablet na ito ang naiwan.
Ang mga sumunod na henerasyon ng mga Wood Elf King ay pinili ring hindi mag-ascend sa Godhood.
Kahanga-hanga ito.
Sa harap ng Truth Fate Tablet, ang lahat ng ilusyon ay walang binatbat!
Bumunton hininga si Marvin habang pinapanuod na unti-unting kumalat ang kaluluwa ni Orica.
Bahagyang naiiba ito sa kung ano ang pinaplano niya.
Pero alam niyang piniling gamitin ni Ivan ang Truth Tablet dahil sa kanyang pagkabalisa.
Sa kanyang opinyon, ang mga taong tulad ni Orica ay mantsa na hindi dapat hinahayaang manatili sa mundong ito.
Kahit na gusto nilang makuha ang Magic Medicine na ito na puno ng kasinungalingan at ilusyon, ang kaluluwa ni Orica ay nakasanib dito at hindi nila maihihiwalay.
Ang lalaking iyon ay eksperto sa pagmamanipula sa nararamdaman ng mga tao. Maaring magkaroon ng matinging kalalabasan kapag hindi pa nila pinatay ito ngayon.
Kaya naman, kahit masayang ang lahat ng pinaghirapan nila para mahanap ang lunas para sa kanyang ama dahil sa pagpatay nila kay Orica, hindi pa rin nagdalawang-isip si Ivan na gawin ito.
Ang dating Legend Wizard na ito ay hindi na karapat-dapat na respetuhin nino man. Naging isang malaking banta na ito sa mundo.
Ang maduming kaluluwang ito ay kailangan nang mawala.
…
Pilit na lumalaban para mabuhay ang kaluluwa ni Orica.
Sa harap ng Truth Tablet, ang kaluluwa ng Legend Wizard na ito ay nagpakita ng nakakamanghang pagpupursigi.
Karamihan ng mga enerhiya gn kaluluwa ay nadurog na dahil sa Law of Truth.
Pero mayroon pa ring bilog na bola ng enerhiyang natitira.
Nag-aalala sina Ivan at Marvin na mabubuhay pa rin ito. Oras lang ang hinihintay para malaman kung gaano katagal ang itatagal ng kaluluwa ni Orica.
Pero biglang may malaking pagbabagong nangyari!
Sumigaw si Orica na mayroong di maipintang mukha, "Lamunin niyo ang katotohanan niyo!"
"Kung gusto niyo kong patayin, isasama ko kayo!"
Sa isang iglap, ang mga natitirang enerhiya ng kanyang kaluluwa ay nagsama-sama.
Agad na hindi napakali si Ivan at sinabi kay Marvin, "Takbo!"
Agad din napansin ni Marvin ang panganib!
Gusto silang isama ng lalaking ito sa hukay!
Hawak ni Ivan ang Truth Tablet kaya walang magagawa sa kanya si Orica. Pero kaya lang protektahan ng Truth Tablet ang gumagamit nito. Hindi pa ito isang buhay na Truth Fairy!
Gumamit si Marvin ng Shadow Escape at tumakas.
Pero sinundan siya ng galit na tingin ni Orica, at tila nilampasan nito ang mga Space Restriction at nagawang matunton ang katawan ni Marvin.
"Lasapin mo ang enerhiya ng kaluluwa ko. Hindi man kita makikitang sumabog, pero sigurado akong nakakamangha 'yon!"
Tumawa nang tumawa si Orica hanggang sa mawala siya.
Noong mga oras na iyon, isang nakakatakot na enerhiya ng kaluluwa ang dumaloy sa katawan ni Marvin!
Pakiramdam niya ang katawan niya ay umaabot na sa limitasyon ang kanyang katawan kasabay ng paghiyaw ng hindi mabilang na mga kaluluwa!
'Hindi maganda 'to… Ganito ba talaga ako mamamatay?'
Nakaramdam ng matinging sakit si Marvin. Nahihilo at tila gusto niyang masuka kasabay ng pagpasok nito sa kanyang isipan.
Subalit, isang log ang lumabas sa kanyang harapan:
[Buksan ang Essence Pool para higupin ang napakaraming Essence?]