Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 388 - Garden of Eden

Chapter 388 - Garden of Eden

Ang paglitaw ng liwanag ay ang naghudyat ng kanilang paglabas mula sa madilim na lagusan.

Agad naman lumabas ang dalawa mula sa lagusan, at ang naghihintay sa kanila ay isang malawak at maliwanag na ligar!

Maaliwalas ang kalangitan at malumanay na pinaliliwanag ng sikat ng araw ang lugar na ito. Malawak at mataba ang lupa, may mga bulaklak sa hardin.

Ang Mills Garden!

Makikita ang tuwa sa mukha ni Ivan.

Sa waka, nahanap na niya ang lugar na ito.

"Mag-ikot tayo."

Binilisan nila ang kanilang paglakad para samantalahin ang pagkakataon na abala pa ang Maic Medicine King sa apat na Legend para mas marami itong makuha.

Mas mabuti kung makukuha nila ang Underworld River Water para sa sugat ng Great Elven King.

 Ang isang makapangyarihang protekto ng Feinan ay kailangang-kailangan nila para depensahan ito laban sa mga God.

Habang nagahhanap sila, napakaganda ng tanawin sa paligid, pero habang tumatagal, mas pasama nang pasama ang reaksyon ng dalawa.

Ang Mills Garden ay naglalabas ng makapal na awra ng Magic Medicine.

Pero karamihan sa mga Magic Medicine ay nakain na!

Naiwan na lang ay kaguluhan.

Nakikita nilang ang Medicine Garden ay maayos ang pagkakahati.

Bawat bahagi nito ay mayroong mahalagang Magic Medcine na nakatanim at mayroong mga karatula kung saan nakalagay ang kanilang pangalan at gamit.

May mga bakas pa ng array sa lupa.

Pero ang lahat ng mga Magic Medicine at array ay nawasak na.

Mayroon pa ring mga dahon at ugat pero ang Magic Medicine ay patay na.

Nagpatuloy lang na maglakad sina Marvin at Ivan, kapwa malungkot.

Kalaunan, nakarating sila sa isang mamasa-masang bahagi nito.

Mayroong karatula sa kanilang harapan na mayroon [Underworld River Water] na nakalagay.

Hindi ito ang literal na tubig ng River Styx, na kilala rin bilang Underworld River at dumadaloy sa maraming plane.

Pero ang Magic Medicine na ito ay may kinalaman dito, kaya naman ganito ang pangalan nito.

Pumasok si Marvin at Ivan dito.

At tulad ng inaasahan, ang mga magic array dito ay nasira na rin at ang lahat ng Underworld Water River ay wala na!

"Tama ka," naiinis na sabi ni Ivan, "Nilamon nga ng hayop na Magic Medicine King na iyon ang lahat nang nangito."

Hindi nagsalita si Marvin.

Kahit na inasahan na niya ito, umasa pa rin siya na mayroon pa ring natitira.

Pero nang makita niya ang lugar na ito, nalungkot siya gay ani Ivan.

Ang walang kabusugang Magic Medicine King ay nilamon lahat ng Underwolrd River Water, kahit na ang Magic Medicine na ito ay mayroong nakakatakot na sumpa.

Pero, marahil walang epekto ang sumpang ito laban sa Magic Medicine King.

Ang nanggagalaiting si Ivan, ay tinanong si Marvin, "Para masira ng isang Magic Medicine ang lahat ng array na ito, nagpabaya pa ang mga Mikenshi Wizard na 'yon?"

Sumimangot si Marvin nang marinig ito.

Naramdaman niyang mayroong mali.

Siguradong hindi mahina ang mga array ng mga Mikenshi Wizard.

Base sa paghahanap niya sa Desolate Tower Ruins, nararamdaman niyang malakas pa rin ang pagpigil ng kapangyarihan ditto kahit ilang taon na ang lumipas. Pruweba ito na malakas ang mga array.

Naniniwala si Marvin na nagawang lamunin ng Magic Medicine King ang lahat ng mga Magic Medicine.

Pero ang pagsira sa mga array para lang makuha ang mga ito… Pambihira na ito.

Mayroon sigurong dahilan ito.

Pero dahil umabot na sila sa puntong ito, wala nang saysay na pag-isipan pa nila ito.

Agad na pinag-usapan ng dalawa ang mga maaari nilang gawin at nagdesisyon na iisa lang ang dapat nilang gawin, at iyon ang hulihin ang Mafic Medicine King Eric!

Kung si Eric nga ang lumamon sa Underworld River Water, maaari nilang makuha ang katas nito mula sa kanya kapag nahuli nila ito.

Kapag nagawa nila iyon, maaari pa rin nilang mailigtas ang Great Elven King.

"Masyadong malaki ang hardin na ito. Kung tunay nga ang sinabi mo na tuso ang Magic Medicine King, at kaya nitong magpanggap na isang bulaklak, damo, o ano pa, mahihirapan tayong hanapin siya." Naiinis na sumimangot si Ivan. "Hindi ako nag-aalala sa mga ilusyon pero kung nakatuon ito para sa pagtatago, wala tayong magagawa."

Kuminang ang mga mat ani Marvin. "Hindi ka nag-aalala sa mga ilusyon?"

Tumango si Ivan, at nang makitang kinumpirma niya ito, nakahinga nang maluwag si Marvin.

Nagdadalawang-isip kasi siya kung dapat ba silang umatras kapag hindi nila nahanap ang Underworld River Water.

Kahit na noong una ay plano niyang hulihin ang Magic Medicine King, masyado nang kakaibang bagay ang nangyari magmula nang pumasok siya sa Secret Garden. Nakakaramdam pa rin siya na mayroong mali.

Mataas ang kanyang resistance sa mga ilusyon, pero ayon sa Mana Wraith, ang Magic Medicine King ay naabot ang ang isang pambihirang lakas pagdating sa paggawa ng mga ilusyon. Kung mahulog siya sa isang patibong, siguradong tapos siya.

Pero kung siguradong hindi tinatablan si Ivan ng mga ilusyon, ito na ang kasagutan sa mga problema nila.

Mahaba na ang kasaysayan ng mga Wood Elf. Ninuno nila ang mga High Elf. Nang matapos ang Even Era, mayroon na lang mga Elf na naiwan para alagaan ang Feinan. Si Ivan, bilang Wood Elven Prince, ay siguradong mayroong magagandang item na hawak, pero siguradong hindi niya gugustuhing gamitin ito.

Strikto si Nicholas kay Ian, pero makikitang mapagmahal ito sa kanyang anak dahil sa lahat ng mga buff na inilagay nito sa katawan ni Ivan.

Kahit na makapangyarihan ang Magic Medicine King, basta malalagpasan nila ang mga ilusyon nito, ang tanging maiiwan na lang ay ang ….Magic Medicine.

Saglit na nag-isip si Marvin at sinabing, "Baka may alam akong lugar kung saan pwedeng maghanap!"

Bago pumasok si Marvin sa Secret Garden, nagkaroon siya ng diskusyon sa Mana Wraith.

Sinabi ng Mana Wraith na ang pangunahing katawan ng Magic Medicine King ay nagtatago sa [First Garden of Eden].

Maaaring maging tila bugtong ang pangalan na ito sa iba dahil para sa karamihan, ang alam nila ay mayroon lang apat na bahagi ang Secret Garden: Lost Willa, Desolate Tower Ruins, Astral Beast Remains, at Mills Garden.

Pero alam ni Marvin na mayroong ika-limang bahagi.

Isang hidden plane na tinatawag na [Garden of Eden].

Isang plane sa loob ng isang plane, isa itong obra maestra ng mga ancient caster, isang planeception.

Doon nila itinanim ang mga pinakamahalagang Magic Medicine sa Mills Garden.

Dahil malapit nang maubos ang mga pambihirang Magic Medicine, itinanim sila sa isang hidden plane, ang [First Garden of Eden].

Ang pangunahing katawan ng Magic Medicine King ay nasa loob dahil ang Wizard na nakatuklas ditto ay naniwala na ang kakayahan nitong kumain ng mga bagay ay dapat lang pag-aralan.

Pero bago pa man magbunga ang kanyang pag-aaral, nagdala ng matinding pagkawasak sa Secret Garden ang Magic Medcine na ito sa pamamagitan ng Astral Beast.

Wala nang nagawa ang mga Mikenshi Wizard sa lahat ng nangyari pagkatapos nito.

Alam ni Marvin kung nasaan ang First Garden of Eden, pero hindni niya alam kung ang Magic Medicine King ay kasalukuyang nasa loob.

At kahit na hindi siya sigurado kung totoo ang mga sinabi ng Mana Wraith, kailangan pa rin nila itong subukan.

Sumuko na ang dalawa sa paghahanap para sa natitirang Underworld River Water at naglakbay na patungo sa kalooban ng Mills Garden.

Kalaunan, isang tagong lambak ang lumitaw sa kalayuan. .

Isang mababaw na sapa ang dumadaloy sa ambak mula sa katabing bundok at napakalinaw ng tubig dito.

Bumulong-bulong si Marvin nang kaunti bago nilapitan ang tubig.

Kinapa niya ang lupa sa paligid nito hanggang sa nahanap niya ang kanyang hinahanap.

Mayroong limang makukulay na bato. Dinampot ito ni Marvin at iniayos ang mga ito.

Isa itong simpleng runstone password switch. At madali lang itong maunawaan para sa mga nakakaalam ng tungkol dito, pero ang mga walang alam dito ay hindi ito kailanman makukuha.

Paglipas ng ilang sandali, isang pagdagundong ang umalingawngaw mula sa loob ng lambak.

Napakaraming alikabok ang nahulog at isang malaking pinto na nakatago sa mga lumot at baging ang bumukas sa kanilang harapan.

Tiningnan ni Ivan nang kakaiba si Marvin. "Minsan pakiramdam ko walang panama ang mga kakayahan ng mga Seer sa mga nalalaman mo."

Pilit na ngumiti si Marvin.

Ang kanyang mala-propetang kakayahan ay hindi maitatago sa ibang tao, lalo na sa mga malalapit niyang kaibigan.

Pero nirerespeto naman siya ng kanyang mga kaibigan at pinagkakatiwalaan siya ng mga ito.

Sapat na ito.

Kahit na alam ni Ivan na misterioso si Marvin, nararamdaman niyang walang masamang intensyon sa kanya si Marvin. Palaisipan man ang tunay na pinagmulan nito, pero sino ba naman sa mundong ito ang walang sikreto?

Napakaraming bagay na dapat lang pagtakpan at hindi maaaring sabihin sa iba.

Umalis na ang dalawa sa sapa at naglakad sa daan papasok sa lambak, kung saan nakita nila ang isang anino sa tabi nito.

Tiningnan ni Marvin nang mabuti ito. Mabilis namang sinabi ng anino, "Nahanap mo. Kaawa-awang transmigrator… Dahil umabot na sa puntong ito, alam mo naman siguro kung ano ang kahahantungan mo?"

Natuliro si Marvin.

Galit naman na sumigaw si Ivan, "Manahimik ka!"

Tila naman may epekto kay Marvin ang sinabi ni Ivan at agad siyang bumalik sa ulirat.

'Pucha… Mag ganoong klase pala talaga ng spell…'

'Parehong-pareho 'to doon sa Celestial Stairway.'

Nabahala si Marvin. Muntik na siyang malinlang ng kalaban.

Huminga siya nang malalim at tiningnan ang Mana Wraith na bigla na lang lumitaw. Tinanong niya si Ivan, "Anong sabi niya?"

Umiling si Ivan. "Binuksan niya lang ang bibig niya at walang sinabi. Pero sigurado akong isa 'yong soul spell. Ayos ka lang ba?"

Tumango si Marvin.

Isa ngang spell. Pero isang tao lang ang nakarinig nito.

Dahil sarili niyang boses iyon.

Isinantabi niya na ang mga bagay na iyon at tinitigan ang Mana Wraith. "Alam mong magpupunta ako dito."

"Ano bang dapat kong itawag sayo? Magic Medicine King Eric? Mana Wraith Eric? O…"

"Legend Wizard Orica?"

Nagbago ang mukhan ng Mana Wraith nang sinabi ni Marvin ang mga salitang iyon.

Makikita ang gulat sa mukha nito, at nauutal na sinabi, "Paano…Paano mo nalaman…"

Ngumisi si Marvin. "Nakita ko ang kwadernong naiwan mo. May mga naisip na kong posibilidad."

"Mukhang tama ang hula ko. Nabuhay ka nga pagtapos mawasak ng Mikenshi School."

"Wala sigurong Magic Medicine King, o baka naman hinigop mo na rin ang Magic Medicine King."

"Nagbalak ka nga na mabuhay habang-buhay. Nagsimula ba ang plano mon ang matuklasan mo ang Magic Medicine King?"

"Ang buong Mikenshi School ang inalay mo, kasama na ang kaawa-awa mong Apprenctice na si Eric."

Tinitigan ni Marvin nag Mana Wraith. "Tama ba ako?"