Agad na umalis ang dalawa sa ikatlong lugar at iniwan ang bangkay ng Astral Beast.
Maingat na bumalik si Marvin papunta sa Desolate Tower Ruins base sa impormasyon na mayroong siya.
Kahit na sinabi sa kanya na maraming panganib sa daan na ito, hindi siya kampante sa impormasyong galing sa ibang tao.
Maaaring ang naglabas ng impormasyon ay isang taong may nais pagtakpan, o marahil dahil nabago na niya ang kasaysayan ng mundong ito, baka nagbago na ito dahil isa ito sa mga naapektuhan.
Gayunpaman, kailangan pa rin niyang mag-ingat.
Naglakad sila sa pagitan ng ikalawa at ikatlong bahagi ng Secret Garden, at nagtungo sa pinakamataas na bundok sa dakong silangan.
Makikita rin ang pagiging maingat sa mukha ni Ivan.
Bibihira siyang makitang ganito ni Marvin.
Kadalasan, mukhang tinatamad ang taong ito at tila hindi sineseryoso ang mga bagay.
Pero nagawa siyang seryoso ng Secret Garden. Kahit na isa siyang Elven War Saint, malaki ang nabawas sa kanyang lakas, kaya naman nakaranas ito ng suliranin kanina.
Sa itsura nito, makikitang malakas ang naging kalaban niya.
Tahimik silang naglakbay patungo sa matas na bundok at nakarating sa paanan nito.
Pulang-pula ang kalangitan na parang dugo.
Ito pala ang bundok na ito.
Kuminang ang mat ani Ivan habang nakikita niya ang tuloy-tuloy na pagbabago dito. Maliliit lang ang mga pagbabago na ito. Hindi ito mapapansin kung hindi gagamit ng Perception ang isang tao.
"Isang bitak 'to sa plane?"
Namangha si Ivan.
Tumango si Marvin at ipinaliwanag, "Hangganan ng Hell."
Naunawaan ni Ivan. "Kaya pala may makapal at masamang awra."
Nagpatuloy sila at hindi nagtagal nakarating sila sa isang lagusan sa ilalim ng bundok.
Ang tagong lagusan ay iniikutan ang ikatlong bahagi ng Secret Garden, ang [Astral Beast Corpse], pati na ang protektor ng Mills Garden at diretso itong papasok doon.
Pero maraming hamon sa daan na ito, kung hindi sila mag-iingat, baka mapunta sila sa Hell.
Pero maaari rin naman maging maayos ang kanilang paglalakbay at walang mangyari.
Depende na ito kung papaano nagbabago ang plane law, sa madaling salita, swerte.
Alam ni Ivan na sa sitwasyon ngayon, hindi niya matatalo ang Nine-Headed Vines, kaya naman kung gusto niyang pumasok sa Mills Garden, kailangan niyang makipagsapalaran dito.
Kaya naman niya siguro harapin ang mga nilalang ng Hell.
Kung tutuusin, hindi mapapadpad ang mga Devil sa daan na ito.
"Tara na."
Naunang pumasok si Ivan sa tagong lagusan.
…
Isang nakakahilong amoy ang bumabalot sa kakaibang kweba na ito.
Pero ang mismong kweba ay tuyo.
Haawak ni Marvin ang kanyang mga dagger habang nagmamatyag kung may anomalyang nagaganap.
Tiningnan ni Ivan ang mga [Azure Leaf] at bahagyang nasurpresa, pero wala itong sinabi. Kakaiba mag-isa ang kanyang ama. Kaya hindi na nakakagulat kung ipamimigay niya ang Legendary Weapon na matagal na niyang gamit.
Hindi siya masusurpresa sa kahit anong gawin ng taong ito.
Kahit na sabihin pa nito na inkarnasyon siya ng God Lance.
Habang naglalakad ang dalawa, unti-unting nagbago ang kweba.
Sa loob ng spatial crack, hindi tiyak ang direksyon.
Mula sa direksyong una nilang dinaanan, ang lagusang ito ay patungo talaga sa unang bahagi, sa Lost Villa. Pero sigurado si Marvin na ang lagusan na ito ay patungo sa Mills Garden dahil kinumpirma ito ng isa pang tao, isang manlalarong walang kinalaman sa mga guild.
Hindi lang nagbigay ng impormasyon ang taong iyon, nagsama pa ito ng isang video.
Siya at ang kanyang mga kasamahan ay pumapatay ng isang Barbazu at Chain Devil bago naabot ang ika-apat na bahagi.
Ang video ay tungkol lang sa kung saan papunta ang daan na ito at wala na itong masyadong ibinigay na ibang impormasyon.
Sinasabi na iba't iba raw ang mararanasan nag mga tao sa daan na ito.
Wala ring silbi kung huhulaan nila kung ano ang makakasalubong nila, wala silang magagawa kundi pakibagayan ang magiging sitwasyon.
Kampante naman si Marvin tungkol dito. Dahil sa 9 na level ng Night Walker at sa kanyang Desperation Style, taglay niya na ang lakas sa pakikipaglaban ng isang ordinaryong Legend.
Isa pa, kasama niya si Ivan.
Tila mayroong nang Main Character Halo ang taong ito. Madamisiyang blessing at enchantment kaya wala siyang dapat ipag-alala.
Habang patuloy sila, maririnig ang mga pagsigaw mula sa madilim na kweba, sunod-sunod na umaalingawngaw. Nakakabahalang marinig ang mga ito.
"Hindi ilusyon," sabi ni Ivan.
Tumango si Marvin.
Nararamdaman niya rin na galing sa mga buhay na nilalang ang mga alulong, at mukhang pag-atungal ito dahil sa sakit na nagmumula mismo sa kaluluwa nito.
Ang daan sa kanilang harapan ay tila walang patutunguhan.
Sumimangot si Ivan, at malumanay na hinawakan ang braso ni Marvin.
"Mag-ingat ka. Kakaiba ang daan na ito. Hindi makakabuti kapag nagkahiwalay tayo."
Dahil sa hindi inaasahang pagiging seryoso ni Ivan, naging maingat si Marvin.
Nagpatuloy maglakad ang dalawa, habang sabay na umaapak sa kawalan.
Sa sunod na sandali, nagbago ang kanilang mga mukha!
Nakita nila ang isang mapulang mundo!
Isang ilog na puno nang dugo ang rumaragasa at dumadaloy sa isang hindi malamang lugar.
Sa ilog ng dugo, hindi mabilang ang mga maliliit na bangka na hirap sa pag-usad.
Isang nilalang sa isang barko ang napakapangit. Ang Barbazu!
Ang Barbazu ay kilala bilang mga Bearded Devil at sila ay mga mid-ranked Devil!
Sa ilog, maraming barko na ang tumaob at inanod kasama nang paglubog ng hindi mabilang na mga kaluluwa sa loob nito.
"Hell… Styx…"
Lumabas sa bibig ni Ivan ang mga salitang ito.
Namutla si Marvin. "Nine Hells!"
…
Dahil sa paglitaw ng Styx nalaman nila kung nasaan sila. Tanging sa Nine Hells lang matatagpuan ang River Styx.
Ang kabilang dako ng River Styx ay puno ng mga Amnizu pati na ang hindi mabilang na taong pupunta sa pampang.
Konektado ang mga taong ito sa mga Devil noong nabubuhay pa sila. Sa katunayan, sa Prime Material Plane, maraming tao ang nakikipagkasundo sa mga Devil. Ang mga kaluluwa nila ay mapupunta sa Hell pagkamatay nila, bukod na lang kung makukuha sila ng Reaper na mula sa Underworld bago iyon.
Kahit ang pinaka-ordinaryong magsasaka ay maaaring tuksuhin ng imp para magnakaw sa iba.
Kung gagawin ng magsasaka ito, mapupunta sa Hell ang kanyang kaluluwa pagkamatay niya.
Ito ay kwento ng isang Devil Overlord sa Nine Hells.
Mahigpit at malupit ang Hell.
Ang narinig na boses ng dalawa ay nagmula sa isang malayong sulok kung saan may Erinyes na tinatanong ang ilang tao bilang kinatawan ng nakatataas sa kanya.
Tanda pa ng mga kaluluwang ito ang kanilang naging buhay. At sa bawat paghagupit ng Erinyes, napipiga mula sa mga ito ang Power of Order.
Gusto ng mga Demon ang Chaos habang mahilig naman sa Order ang mga Devil. Kahit na parehong masasama ang mga ito, magkaiba ang kailangan ng mga ito.
Kaya naman, hindi kailangan ng mga Demon ng kaluluwa.
Ang mga God at Devil ay uhaw sa mga kaluluwa ng mga naninirahan sa mga material plane, at syempre, kailangan din ng mga kaluluwa ng Negative Energy Plane.
…
Nakatayo ang dalawa sa bundok habang may dalawang kakaibang nilalang na maya't maya lumilipad at nahuhulog sa River Styx.
Noong mga oras na iyon, isang grupo ng mga Chain Devil ang lumitaw sa kanilang likuran!
May ilan sa kanila na nagsasalita gamit ang Infernal Language:
"May mga nilalang na pumasok… Nakakagulat na hindi lang sila kaluluwa."
"Hahaha, mabubusog tayo ngayong araw!"
___________________________
T/N: Ang mga paglalarawan sa mga Devil ay nasa https://discord.gg/j3CuetU sa Illustration server.