Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 341 - Spirit Orb

Chapter 341 - Spirit Orb

Akala ni Marvin na mabagsik na ang passive specialty na Night Kill dahil kaya nitong pataasin ang kanyang mga attribute.

Pero hindi niya inakala na masusurpresa siya sa oras na umabot ang specialty na ito sa level 3!

[Night Kill (Hidden Specialty – Activated)]

Type: Passive/Upgradeable

Level: 3

Property 1: During the night, Attack Power +12%, Attack Speed +12%, Movement Speed +12%, Burst Power +12%, Reaction Speed +12%.

Property 2: Nakuha mo ang special ability [Spirit Orb].

Sapat na ang isang effect nito para ikagulat ng mga tao.

Level 2 Night Kill ay itinaas ang limang stats na iyon nang 6%, pero itinaas ng Level 3 Night Kill ang mga ito nang 12%!

Lahat ng stats ay tumaas na ng higit sa 1/10 ang mga ito.

Pagkatapos maabot ni Marvin ang Godly Dexterity, tuwing gabi, ang mga pisikal na kakayahan ni Marvin ay umaabot na sa limitasyon ng mga tao!

Kapag kasama ang Night Kill bonus, ang mga stats na ito ay humihigit na sa limitasyon ng mga tao!

Ibig-sabihin, sa isang laban, maaari siyang umasa sa pisikal na kakayahan ng kanyang katawan para durugin ang kanyang mga kalaban!

Lalo pa at hindi na mabilang ang mga expert sa mundong ito na umabot sa 28 – 29 Dexterity, pero kakaunti lang ang umabot sa Godly Dexterity!

Ang mga mamamayan ng Feinan ay hindi katulad ni Marvin. Kailangan nilang malampasan ang mga mahihirap na pagsubok para mapataas ang kanilang lakas.

At ang pag-abot sa 30 na puntos ng attribute ay mahirap para sa mga pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang running speed at burst power na hindi sakop ng Godly Dexterity.

Kung sa larangan lang ng Dexterity, si Marvin ay hindi na isang baguhan na kakaapak lang sa Legendary realm!

Mas nakakagulat rin ang ikalawang property, [Spirit Orb].

Ito ang paglalarawan nito: [Ang pagpatay ay naging instinct mon a. Kaya naman kaya nang kumalap ng espiritu ang iyong katawan.]

[Nakuha mo ang spirit orb. Ginagamit ito para kusang makuha ang ilang bahagi ng espiritu ng mga nilalang na pinapatay mo. Ang pagpatay ang magpupuno sa Spirit Orb at kapag napuno ito, makakuha ka ng isang malakas na killing skill!]

Kahit na walang malinaw na paliwanag ang character window tungkol sa skill na ito at sa Spirit Orb ay kasalukuyang hindi pwedeng magamit, natuwa pa rin si Marvin.

Sa Feinan, an lahat ng killing skill na may kinalaman sa mga espiritu ay napakalakas na mga spell o ability gaya ng [Banshee Wail], [Soul Spit], o ang kakayahan ng mga exiled ng Dead Are, ang [Mind Spike]. Ang lahat nang ito ay malalakas na ability.

Sa oras na mapuno ang Spirit Orb na ito, magkakaroon na ng panibong alas si Marvin!

Sinamantala ni Marvin ang pagkakataon na hindi pa siya inaatake ng mga Evil Spirit, mabilis na tiningnan ni Marvin ang mga detalye ng Spirit Orb at tanging [0/200] ang nakita niya.

'Kailangan ko ng makapatay nang dalawang daan?' sinubukang isipin ni Marvin kung ano ang ibig sabihin nito.

Ibig sabihin lang nito na kailangan niya ng dalawang daang espiritu.

Gayunpaman, mahabang panahon ang aabutin ng proseso ng pagpupuno ng Spirit Orb. Lalo pa at hindi Wizard si Marvin. Hindi siya pwedeng gumamit lang ng isang spell para makakuha nang maraming mga espiritu.

Lahat ay kailangan masubukan sa isang labanan.

...

Bukod ito, nakakuha rin siya ng 36 na skill point dahil sa pagtaas ng level ng Night Walker, at itinabi na muna ito ni Marvin dahil wala siyang nakitang espesyal sa mga skill na maaari na niyang gamitin sa level 7. Minabuti niyang itabi na muna ang mga skill point na ito at kung mayroong magandang skill sa ibang mga level, doon niya gagamitin ang mga ito.

Pagkatapos magpataas ng level, puno na ng kumpyansa si Marvin. Dahil Level 19 na siya, ibig sabihin, malapit na siyang maging isang Half-Legend. Ito na ang unang hakbang para maabot ang tugatog ng Feinan.

Pero sa kasamaang palad, bago pa siya matapos sa pagsasaya, bigla nang umatake muli ang mga Evil Spirit at sinakop ng mga ito ang ibaba ng entablado sa ilalim ng utos ni Max, na hindi na sikmura ang ginagamit sa pag-iisip!

Sa pagkakataon na ito, malinaw na galit na ang Theater Spirit.

Ginawa nitong nakakatakot na Evil Spirit ang mga bagay na malapit sa teatro, at pina-atake ang mga ito sa entablado.

Maging carpet man ito, upuan, chandelier, lahat ay naing halimaw na may mga tinik, galamay, o pangil!

Kahit na matatag ang pag-iisip ni Marvin, hindi niya mapigilang manlamig habang nakikita ang eksena.

Sadyang nakakatakot ito.

Kahit pa gaano siya kalakas, hindi niya mapipigilan ang lahat ng ito.

Habang iniisip ito, kinuyom niya ang kanyang ngipin at inilabas ang Brilliant Purple mula sa kanyang storage item!

Pagkatapos ng Planar War, bibili sana si Marvin ng mga karagdagang Dragon Tooth na bala mula kay Constantine para maging handa siya sa kahit anong pangyayari. Pero hindi niya inaasahan na nagamit na raw ni Constantine ang lahat ng mayroon siya. Para makagawa ng bala na ito, kailangan niyang makakuha ng mga mahahalagang ore. Ang mga ore na ito ay pambihira at napakahalaga. Kahit na sa lagay ng White River Valley, River Shore City, pati na ang Ashes Tower, ay aabutin nang higit sa sang lingo para malikom ang lahatng ito.

At kailangan din gawin ni Constantine mismo ang mga [Dragon Tooth].

Ang natitirang Dawn Light lang ang nakuha ni Marvin nang umalis siya ng White River Valley.

Ang Dawn Light na ito ang tanging bala na natitira para sa Brilliant Purple. Pagkatapos niyang gamitin ito, ang Legendary Weapon ay mawawalan ng silbi pannadalian!

Pero ang mga Evil Spirit at tila alon ng dagat na mabilis na patungo sa kanya sa ilalim ng pagmamanipula ng Theater Spirit.

Wala siyang magagawa kundi gamitin ito para protektahan si Gwyn na nakatuon pa rin ang atensyon sa kanyang Perception.

Pero biglang minulat ng Vampire ang mga mata nitong may pulang liwanag. "Nahanap ko na ang core!"

Sa Saruha. Sa Residential District ng mga Gnome.

Isang pigurang tila isang multo ang nilibot ang Residential District ng Saruha.

Seryoso ang mukha nito. At bigla itong tumigil.

'Pucha.'

'Sigurado akong dumaan ang awra ng batang iyon dito, bakit bigla na lang nawala?'

'Kung may paraan siya para itago ang kanyang awra, kanina pa sana niyang ginamit iyon. Imposbileng dito niya lang 'yon gagamitin.'

Namumutla na ang mukha ni Pale Hand Sky.

Kung hindi niya mahahanap si Gwyn sa isang saradong lugar na gaya ng Saruha, pagtatawanan siya sa kanila!

Lalo pa at isa siyang Legend na matagal nang kilala. Isa sa dalawang natatanging Legend sa Dark Side!

Pero malupit ang realidad.

Ang awra ng Vampire na si Gwyn ay biglang nawala.

'May nakaharap kaya silang hindi inaasahan?' sinubukang hulaan ni Sky ang nangyari sa dalawa.

Bigla siyang tumingin sa malayo.

Naaaninag niya ang isang mekanikal na pintong bahagyang bukas.

'Nakahanap kaya sila ng paraan para itago ang kanilang awra pagpasok nila sa isang lugar?'

Sumimangot si Pale Hand bago kinuyom ang kanyang ngipin at tumakbo papunta sa mekanikal na pinto!

Inasahan na niyang makakakita siya ng kalawanging bakal sa paligid.

Pero isang nabubulok na amoy ang bumungad sa kanya.

"Pucha!"

"Mga Evil Spirit na naman."

Naduwal si Sky, makikitang hindi siya komportable.

Ang mga Vampire ay ayaw sa dumi, at ang mga Evil Spirit ang pinakamaduduming nilalang sa mundo.

Kaya naman natural lang na mandiri siya.

Pero kahit na nadidiri ito, isa pa ring powerhouse ang Legendary Vampire na ito. Sa isang tingin, napansin niya ang isang kulay berdeng altar mula sa malayo!

'Desolate Ancient Altar? Doon ang lokasyon ng Evil Dragon Cemetery.'

Itinago ni Pale Hand ang kanyang katawan at dahan-dahang lumapit.

Hindi nagtagal na nakarating siya sa harap ng altar.

Dalawang Evil Spirit Envoy ang magkadikit habang may china-chant ang mga ito.

Isang kulay berdeng liwanag ang kumikisap sa altar kasabay ng malakas at masamang pwersang dumadaloy dito mula sa Evil Dragon Cemetery.

Makikita ang kabangisan sa mga mat ani Sky.

Dahil hindi niya mahanap si Gwyn, masama ang kanyang timpla. At dahil ang dalawang Evil Spirit Envoy na ito ay nasa daan niya, sila na lang ang pagbabalingan niya!

Kailangan niyang maglabas ng galit.

Sa sumunod na sandali, pumasok si Sky sa Shadow Plane at nilusutan ang barikadang nakapalibot sa Desolate Ancient Altar.

Ipinamalas ng Legend Vampire ang kanyang makapangyarihang kakayahan sa pagpatay. Nang lumitaw ito sa likuran ng dalawang Evil Spirit Envoy, walang naging reaksyon ang dalawa!

"Mamatay na kayo!"

Masama ang ngiti ni Sky, ang mahaba at manipis na dagger sa kanyang mga kamay ay walang habas na patungo sa dalawang Evil Spirit Envoy!

Sa isang iglap, tila ba kakagising lang ng dalawang Evil Spirit Envoy mula sa isang panaginip.

Pero wala nang oras ang mga ito para salagin ito.

Noong tatamaan na ang isa sa mga ito, isang galit na pag-atungal mula sa isang void ang yumanig sa puso ni Sky!

"Rooooaaar!"

Ito ang pag-atungal ng isang Evil Dragon.

Nagulat si Pale Hand at bumagal ang kanyang pagkilos.

Ang mga kamay niyang may mga hawak na dagger ay napatigil sa ere at hindi na naituloy ang pag-atake.

Sinamantala naman ng mga Evil Spirit Envoy ang pagkakataon at lumayo mula sa pag-atake na ito!

Pagkatapos nito, isang kumikisap na kulay berdeng liwanag ang lumitaw sa Desolate Ancient Altar.

Nawala si Sky at muling lumabas isang dosenang hakbang mula sa lokasyon ng altar.

Namumutla ang kanyang mukha. Alam niyang pwede siyang mamatay kapag nanatili siya sa altar pagkatapos pumalya ng kanyang pag-atake!

Isa isan giglap, isang ulo ng Dragon ang nabuo. Kasing laki ng isang tao ang mga mata nito.

Pinanuod ni Sky ang ulo ng Dragon at mahigpit na hinawakan ang kayang mga dagger. "Hehe, Tidomas…"

"Nagtatapon ka ng buhay ng isang Projection?"

Sa McKenzie Theater, sa gitna ng entablado.

"Totoo ba? Saan?" Masayang tanong ni Marvin.

"Sa likod!"

Agad na tumalikod si Gwyn at nagtungo sa backstage.

Dito ang silid ng teatro!

Agad na kumilos si Marvin at ginamit ng dalawa ang kanilang nakakatakot na bilis para makakawa sa mga Evil Spirit at makapunta sa backstage.

Sa isang madilim na silid, hindi mabilang na mga salamin ang makikita.

"Nandito lang iyon!"

Mabilis na inikot ni Gwyn ang kanyang mata.

Pero biglan nagpakita ng iba't ibang mga eksena ang mga kanina'y payapang mga salamin.

Ang ilan ay ipinakita ang mga Gnome na akto at actress na nagmamadali maglagay ng kolorete.

Ang ilan ay ipinapakita ang pagpapagalit ng mga tauhan ng teatro sa mga tagapagtanghal.

Ang mas nakakagulat…. Itinuro ni Marvin ang isang salamin na mayroong dalawang Gnome na nagtatalik, "Bukas talaga ang isipan ng mga Ancient Gnome sa kahit ano, nagawa nila 'yon kahit dito."

Walang nasabi si Gwyn.

Isang mababa at nakakatakot na pagtawa ang narinig ng dalawa.

Related Books

Popular novel hashtag