Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 323 - Black Sail

Chapter 323 - Black Sail

Umihip ang hangin kasabay ng paghampas ng mga alon.

Naglayag ang Southie pa-hilaga, binaybay nito ang mga alon.

Malaki na ang ipinagbago ng Southie.

Ang una ay ang pangalan nito. Kahit na hindi natatakot si Marvin sa White Elephant chamber of commerce, mas mabuti nang umiwas sa gulo.

Sa gilid ng barko, nakasulat ang mga salita ito sa kagilas-gilas na paraan: [Sword Harbor 1].

Sword Harbor ang pangalan ng daungan na binuo ni Marvin sa bunganga ng White River.

Nagkataon naman na hirap si Marvin sa pagpapangalan, kaya malaking problema ang ipapangalan niya dito.

Mabuti na lang at naalala niya na noong inuuto pa ni Lola ang mga sailor na magrebelde, binanggit niya ang pangalan na ito. Kaya naman ito na lang ang ginamit niya at pinangalanan niyang [Sword Harbor] ang daungan.

At kung titingnan naman ang topograpiya, ang pagdaloy ng White River patungo sa dagat at sa bunganga ng dalampasigan ay bumubuo ng hugis na krus, na tila kamukha ng isang esapada.

May kakaibang talim ang pagsabi nito.

Kasabay nito, tinupad niya rin ang kanyang pangako at ginawa niyang Captain si Second Mate Roberts, kaya naman siya na ang namamahala sa barkong ito.

Kadalasan, ang Captain ang may pinakamataas na kapangyarihan sa isang barko.

Pero hindi na ganoon ang sitwasyon dahil sumama sa paglalayag na ito ang tahimik na si Viscount Marvin, pati na sina Miss Anna at Miss Lola na mas mataas ang posisyon kesa sa kanya.

Kaya naman bahagyang nalungkot ang ambisyosong Captain.

Pero mabuti na lang at ang iba pa ay walang intensyong makialam sa pagpapatakbo ng barko. Si Lola ang namamahala sa pagpapadala ng pagkain, at ang pagpunta ni Anna sa Bass Harbor ay may kinalaman sa pamamahala at mga administratibong tungkulin.

Ibang-iba na ang sitwasyon ngayon sa White River Valley. Naging Viscount na si Baron Marvin, at dahil sa mabilis na pag-angat ng kanyang katayuan, bilang butler ni Marvin, tumaas din ang katayuan ni Anna.

Para masabayan ang mabilis na paglaki ng White River Valley, hinati-hati ni Marvin ang kapangyarihan. Si Anna ang pinakamatagal niyang kasama at siya ang pinakatapat. Kaya naman ang administratibong kapangyarihan ay nasa kanya.

Ang pagpunta ng Sword Harbor 1 sa Bass Harbor ay para magtatang ng shipping route.

At ang mga bagong shipping route ay kailangan iulat sa South Wizard Alliance kung hindi, ituturing ito bilang isang ilegal na kalakaran. Kung hindi nila makukuha ang proteksyon ng Alliance, wala rin silang pinagkaiba sa isang barko ng mga pirata.

Kailangan ipakita ni Anna ang kanyang kakayahan ditto, dahil matagal-tagal nang walang karanasan si Marvin sa ganitong usapin.

Sumama lang siya para magbigay suporta sa unang paglalayag ng Sword Harbor 1.

Nasa kanya ang Crown ng Sea Emperor at maaari niyang mapabilis ang byahe sa pamamagitan ng pagmanipula sa agos ng dagat.

Hindi naman talaga sa Bass Harbor ang destinasyon niya kundi sa Thousand Leaves Forest na malapit doon!

Naroon ang libingan ng Night Monarch.

Bago siya umalis ng White River Valley, kinausap niya ang matandang blacksmith. Dumadal nang kaunti ito bago ibinigay ang isang susi kay Marvin.

Kakaunti lang ang nakaka-alam ng tungkol kay Hathaway, pero kahit papaano nabalitaan ito ng ilang Legend Powerhouse. At kahit na hindi isang Legend ang matandang blacksmith, marami siyang kilalang Legend at tila naunawaan niya ang sitwasyon.

Wala itong ibang sinabi kundi maging maingat.

Naunawaan ni Marvin.

Para mabuhay sa mundong ito, kailangan maging maingat, lalo na ang isang tulad niya na sunod-sunod ang krisis na kinaharap.

Nauunawaan ni Marvin na marami-rami siyang kalaban, at isa pa, pagkatapos magamit ang isang skill gaya ng Plane Traction, maraming god na ang babantayan siya.

Kahit na hindi pa sila makakapasok sa Feinan, kung gugustuhin nilang tapusin si Marvin, may ilang pamamaraan pa rin silang pwedeng gawin.

Kaya kailangan niyang maging maingat.

Sa deck ng Sword Harbor 1, nahihilong tinitingnan ni Aragon ang mga alon, makikita ang interes sa kanyang mukha.

"Ngayon ka lang nakakita ng dagat?"

Nanlaki ang mat ani Lola habang tinitingnan ang gwapong prince. "Ano bang mayroon kayo doon?"

Nagkibit-balikat lang si Aragon kasabay ng isang ngiti. "Gubat, isang masukal na gubat."

"Nakakamangha talaga ang mundong ito. Marami akong salitang kailangan aralin. May nabasa ako dating libro sa Royal Library na naglalarawan sa dagat. Pero, noong inikot ko ang buong Arborea, wala akong nakita dagat, lawa lang ang mayoon kami.

Bahagyang tumango si Lola.

Saglit pang nag-usap ang dalawa nang biglang tinuro ni Aragon ang isang tao sa dulo ng Barko at bumulong, "Si Sir Marvin, may alam ka ba sa kanya?"

Dahil sa biglang tanong na ito, nilaro lang ni Lola ang kanyang mga daliri, "Mas bata siya sa akin, gusto niyang laging nasa kanya ang atensyon, at isa siyang Swimming Fish… masasabi mo bang may alam ako sa kanya?"

Nang makita ang reaksyon ni Lola, walang nasabi si Aragon.

'Seryoso ba siya?'

'Ang makapangyarihang si Sir Marvin… sa pananaw ng babaeng ito ay isang simpleng binata lang?'

May pagdududa si Aragon.

Isa itong taong kayang tumalo ng isan god!

Sa Nottingheim, halos sambahin na ng lahat si Marvin. Sa pannatili niya sa White River Valley nararamdaman niya rin ang pagmamahal at respeto ng mga tao sa kanya.

Pero nasurpresa siya na ang uri ng pagmamahal at respeto na ito ay hindi pagsamba.

At ibang-iba rin ang pagtingin ni Lola kay Marvin.

Ang Chief of Finance na ito ay malaki ang utang na loob kay Marvin, dahil binigyan siya ni Marvin ng pagkakataon na gamitin ang kanyang talento.

Bukod dito, tila wala na siyang ibang nararamdaman.

Mas lalong dumami ang tanong ni Aragon tungkol kay Marvin.

ipagpapatuloy na sana niya ang pagtatanong kay Lola nang may isang kakaibang ingay siyang narinig.

Ang ingay na ito ay humahalo sa tunog ng pag-ihip ng hangin, marahil hindi ito napapansin ng iba.

Pero iba si Aragon!

Hinasa siya sa pamamaraan ng mga Storm Swordsmen, at may kaugnayan ito sa hangin!

Lumingon siya at nakita ang ilang anino na lumitaw mula sa malayo.

"Ano 'yon?" Malakas na sabi ni Aragon.

"Mga pirata."

Hindi niya namalayan na nasa tabi na niya si Marvin at tinitingnan ang mga papalapit na anino.

Bahagyang nagulat si Aragon.

Hindi niya inasahang mauunang mapansin ito ni Marvin.

Bago pa man niya maitanong kay Marvin kung ano ang ibig sabihin ng "Pirata," biglang naging maingay at nabuhayan na ang buong barko!

Tila hindi mapakali ang mga Sailor.

Malinaw na nakita na ng bantay ang mga paparating!

Biglang namutla ang mukha ni Roberts. Agad siyang lumapit kay Marvin. "Lord, iyon ang Black Sails Fleet]."

"Nasa gitna tayo ng karagayan. Ang kampo nila ay nasa arkipelagong balot ng hamog sa North Sea. Pinagnakawan nila siguro ang isang merchant fleet at pabalik na sila."

"Pero kung maaabutan nila tayo, baka pagnakawan din nila tayo!"

"Magkasing bilis lang ang barko natin ang ang sa kanila, pero kung may gagawin mo ang servant niyo…"

Ang Wind Fairy ang tinutukoyni Roberts.

Kung tutulong ang Wind Fairy, hindi na makakahabol sa kanila ang Black Sails Fleet.

Pero hindi niya inaasahang umiling si Marvin at magbibigay ito ng ibang utos:

"Humanda kayo para lumaban."