Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 321 - Six Months

Chapter 321 - Six Months

Mabilis na nakarating ang Origami Clone sa tabi ni Hathaway.

Sumimangot si Hathaway. Nang umalis si Owl, mayroon pa siyang anim na clone, pero dalawa na lang ang natitira.

Ibinigay na ng apat pa ang buhay ng mga ito para kay Marvin.

Wala na siyang oras.

Pilit na ngumiti ang isang clone kay Hathaway bago ito nawala.

Tulirong tiningnan ni Marvin si Hathaway. Ibinuka nito ang kanyang bibig at sinabing, "Ikaw…"

"Manahimik ka!" Sabat ni Hathaway.

Nanatiling tahimik si Marvin.

Kasalukuyan siyang nasa anyo ng 16 anim na taong dalaga, at kahit na hindi maipinta ang mukha nito, mayroon pa rin itong karikitan ng isang babae.

Ang kanyang sinabing "Makahimik ka" ay katumbas ng libo-libong salita.

"Si Sir Owl na ang bahalang magdala sayo sa Mother of Creation. Kailangan mo pa rin ng tulong niya para maligtas."

"Kung hindi ka mag-iingat sa susunod, wala nang magliligtas sayo," mahinang sabi niya.

Kumiling si Hathaway sa gilid at tumingin sa kalangitan hasabay ng paglapit ng isang puting liwanag!

Ang kanyang magic carpet.

Papaalis n asana siya.

Mulan ang dumating sila, wala nang ibang nasabi si Marvin kung hindi ang "Ikaw".

Tiningnan ni Hathaway si Marvin sa huling pagkakataon. Papasakay na sana siya sa kanyang magic carpet nang biglang niyakap ni Marvin ang kanyang bewang.

"Ikaw…"

Sabi niya, pero hindi na siya nakapagsalita pa.

Dahil malumanay siyang hinalikan ni Marvin sa labi.

Kahit na malumanay lang ang kanyang paghalik, naramdaman ni Marvin na nanginig ang katawan ni Marvin.

Tiningnan ni Marvin si Hathaway sa mata at sinabing, "Alam ko ang tungkol sa pakikipagkasundo mo."

"Mag-iingat ka, hindi siya ang inaakala mo… Mas higit pa sa inaasahan mo…"

"Palalayain kita sa loob ng anim na buwan, maniwala ka sa akin."

Madaming pumasok sa isip ni Hathaway bago niya itinulak palayo si Marvin.

"Magpagaling ka," mahinang bulong niya.

Sumakay na siya sa kanyang magic carpet at mabilis na umalis hanggang sa hindi na siya makita sa kalangitan!

Tulirong tiningnan ni Marvin ang kanyang palad. Mabilis na may iniabot sa kanya si Hathaway.

Isa itong pass para makapasok at makalabas sa Ashes Plain.

Pinanuod ni Marvin ang liwanag mula sa malayo.

Biglang lumitaw si Shadow Thief Owl. Mahinang bumuntong hiniga ito at iniabot ang kanyang kamay kay Marvin. "Kailangan na nating umalis."

"Sige," sagot ni Marvin.

"Malungkot ka?"

"Sakto lang."

"Wag kang magpalamon sa sakit at pagsisisi. Magpakalalaki ka at bumangon," sabi ni Owl, "at wag mong hahayaang masayang ang sakripisyo niya. Tara na!"

Biglang nawala ang dalawa!

Sa hilagang-silangan ng Bass Harbor, sa gitna ng Roaring Sea.

May makapal na hamog na nakapalibot sa lugar na ito, at isang maliit na isla ay nakatago sa gitna ng hamog.

Ang Black Coral Islands.

Ang Chief Wizard ng South Wizard Alliance ay nakatira sa tagong lokasyon na ito.

Isang liwanag ang kumislap mula sa malayo at tumigil sa tutok ng Black Coral Islands.

Nakatayo ang Dark Phoenix sa pangunahing isla nito nang nakangiti, handing salubingin ang kanyang bisita. Pero nagulat siya nang makitang biglang tumalon si Hathaway mula sa kanyang magic carpet.

Biglang umikot-ikot nang mabilis ang kanyang katawa, at habang gulat na nakamasid ang Dark Phoenix, isang ipo-ipo ang biglang bumalot sa isla!

Napakaraming kristal ng yelo ang namuo at pumalibot sa umiikot na si Hathaway. Kahit ang karagatan ay nagsimula nang manigas.

"Tumigil ka!" Sigaw ng Dark Phoenix!

Pero hindi tumigil si Hathaway.

Nagpatuloy an nagpaikot-ikot ang kanyang katawa at nagsimulang bumagsak ang mga kristal ng yelo na nakapalibot sa kanya.

At sa kanyang ginagawa, isang maliit na isla sa dakong kanluran ng pangunahing isla ay naging yelo!

Si Hathaway mismo ay nabalot ng yelo kasabay nang walang emoyong pagyuko nito.

"Lady Dark Phoenix, dala ko na ang gusto mo."

Galit na galit si Dark Phoenix!

Gusto niya ng Seer, pero ang nakuha niya ay isag iskulturang gawa sa yelo.

Pero nang humakbang ito patungo sa naninigas na lugar, isang nakakatakot malamig na awra ang dumaan.

Sa lakas ng kanyang magic power, nagawang labanan ito ng malamig na awrang iyon!

'Mga Seer talaga… Talagang mahusay kayo.'

'Hehe.. Mabuti naman.'

Unti-unting huminahon ang Dark Phoenix. Gayunpaman, natupad na ang kanyang layunin. Basta narito ang makapangyarihang Seer na ito, nabawasan na ng isa ang mga tao sa Feinan na may kakayahang pigilan ang pagsalakay ng mga god.

Habang si Marvin naman, sa pagkaka-alam niya, isa lang siyang baguhan na nakuha ang atensyon ni Hathaway.

Nagdalawang isip siya sandali, bago tuluyang tiningnan si Hathaway at nagdesisyon. 'Hindi ko na muna gagalawin ang Marvin na iyon. Hindi pa oras ipaalam ang tunay kong katauhan, at baka magamit ko pa ang grupong iyon sa hinaharap."

Nagpapalit-palit ang nakikitang itim at puti ni Marvin habang mabilis silang naglakbay ni Owl sa Shadow Plane.

Nasa Supreme Jungle ang Mother of Creation.

Malayong-malayo ito sa Katimugan. Kailangan niyang ibuhos ang lahat para madala doon si Marvin bago magamit ang isa pang paper clone.

Kung hindi, masasayang ang lahat.

Pero biglang nangisay si Marvin!

"Anong nangyari? Umepekto na ang sumpa?" Nag-aalalang tanong ni Owl.

Umiling si Marvin.

Kumalma si Owl at lalong binilisan.

Pumikit si Marvin.

Nakakita siya ng isang kahanga-hangang eksena!

Nakakita siya ng napakagandang itim na coral, at mas magandang kristal na yelo.

Sa loob ng malaking kristal na yelo ay isang babae, bahagyang nakayuko ito.

Nang gustuhin ni Marvin na tingnan ang mukha nito, biglang bumukas ang mga mata nito at kumurap nang dalawang beses.

"Hihintayin kita," mahinang sabi nito.

Naunawaan na ni Marvin.

Naalala niya na lahat ng detalye ng eksena: Magagandang itim na coral, isang dilaw na isdang umaaligid sa karagatan, at hamog na bumabalot sa kalangitan!

Anim na buwan!

Ito ang oras na binigay niya para sa sarili niya.

'Pagkatapos kong lampasan ang mga sumpang 'to, kailangan kong bilisan ang pagpapalakas.'

'Hindi pa sapat ang lakas ko ngayon!'

Paglipas ng tatlong araw, sa isang misteyosong tirahan sa Supreme Jungle.

Hubo't hubad sina Marvin at Inheim na nakalubog sa isang bariles.

Malakas ang amoy ng gamot na naggagaling sa bariles.

Isang magandang babaeng simple ang suot ang nakatingin sa dalawa.

Sadyang humaling na humaling sa pagsasanay ang dalawang ito

Si Inheim ay si Inheim. Nang dumating siya sa sa lugar na ito nasa bingit na siya ng kamatayan, pero nabuhay siya dahil sa matinding kagustuhan nitong mabuhay.

Noong una, hindi pa alam ng Mother of Creation ang nararapat na gamot o pamamaraan para pagalingin ang labing-dalawang sumpa.

Dahil lang sa pagsubok niya ng iba't ibang pamamaraan kaya niya natuklasan ang pinakamainam na solusyon.

Malapit nang matapos ang paggaling ni Inheim.

Nakinabang naman si Marvin sa natuklasang lunas dahil kay Inheim. Ginamit ito sa kanya para hindi na niya kailangan tiisin ang sakit.

Pero habang nakalubog ang dalawang ito sa bariles para magpagaling, hindi naman nabawasan ang kanilang pagiging masigasig.

Hinahasa ng Monk ang kanyang katawan. Kumokonekta ito sa awra ng mundo at nagme-meditate.

Habang si Marvin, kalahati ng kanyang katawan ay nakalubog sa bariles at hindi niya ito maigalaw. Tanging kamay niya lang ang maaari niyang gamitin.

Kaya naman sinasanay niya ang kanyang Origami!

Ito lang ang maaari niyang hasaain, kaya ibinuhos niya ang lahat niya sa pagsasanay nito. Paminsan-minsan ay tinitingnan ito ni Owl para payuhan siya tungkol dito.

Dahil sa planar war na ito, napagtanto ni Marvin na nakakamangha talaga ang Origami.

Napakamakapangyarihan ng bagay na ito!

Kapag Beginner level ng Origami, Thousand Paper Crane lang ang kaya nilang gawin. Pero kung sapat ang skill nito, maaaring magkaroon ng iba't ibang attribute ang mga item na ito.ang Space-type na Thousand Paper Crane ay mayroong spatial folding method, habang ang mga ginagamit naman para sa komunikasyon ay may sariling method. Mayroon din namang mga method na kapag pinagsama ay mapagsasama rin ang epekto.

Nasa Beginner level pa lang si Marvin. Ang kaya niya lang gawin ay isang Storage Crane na mayroong 30 cubic centimeter na espasyo. Kaya niya ring gumawa ng mga Thousang Paper Crane para gamitin sa komunikasyon pero hanggang sampung metro lang ang kayang abutin nito…

Kailangan niyang mag-advance sa Master level bago siya makagawa ng mas crane na mas maganda ang kalidad.

Mayroong iba't ibang level ng paper clone si Shadow Thief Owl.

Basta sapat ang lakas ng kanyang spirit, kaya niyang magkaroon ng kahit ilang paper clone.

Hindi pa gaanong nahahasa ni Marvin ang skill na ito dahil masyado siyang abala sa ibang bagay. Ngayon, para malampasan niya ang sumpa ng Shadow Prince, walang siyang ibang gagawin kundi lumubog sa isang bariles maghapon.

Sayang naman ang oras kung hindi niya gagamitin ito sa pageensayo.

Paglipas ng ilang sandali, nang makita niyang napipigilan nga ng gamot ng Mother of Creation ang sumpa ng Nightfall, mayroon sana siyang nais hilingin.

Gusto niyang bumalik sa Arborea.

Kahit na ang kasalukuyang Arborea ay nakadugtong sa Ashes Plain, hindi pa rin sabay ang takbo ng oras ng mga ito.

Ayaw niyang masayang ang oras sa pagpapagaling.

Sumangayon naman si Inheim sa kanyang mungkahi na gusto na rin umalis. Dahil sa paghiling ng dalawa, hindi na nakatanggi ang Mother of Creation.

Ibinigay na niya sa dalawa ang naihandang mga halamang gamot, at sa tulong ng Shadow Thief, umalis na ang dalawa mula sa Supreme Jungle.

Mahabang panahon na ang lumipas sa Arborea.

Sa mahigpit na pamamahala ng Nottingheim Royal Family, walang nangahas sa kanila na lumapit sa Ashes Plain na nasa hangganan ng Eastern Snow Mountain.

Isa pa, ilang Dark Knight ang nakabantay dito at hindi pinapahintulutang makalapit ang mga tao.

Isang magandang surpresa para sa Royal Family ang pagbabalik ni Marvin.

Napakarami nilang tanong na nais nilang masagot.

Lalong-lalo na si Nana. Nang makita niya si Marvin na nakalubog sa bariles ng gamot at namumutla ang mukha nito, natakot siya.

Sa kanyang pananaw, si Marvin ay isang powerhouse na nakatalo ng isang god. Hindi niya inaasahang makakatamo ito nang matinding pinsala.

Nagkaroon na sila ng pagkakataon na maunawaan ang tunay na nangyari dahil sa pagbabalik ni Marvin.

At balak din ni Marvin na ilipat ang mga kayamanang nakuha ni Marvin mula sa Arborea.

Hindi masukat ang kayamanang nakuha niya rito nang mapabagsak niya ang Shrine.

Ang lahat ng kayamanang ito ay magiging malaking tulong sa pagpapaunlad sa kanyang teritoryo!

Pero bago ang lahat, kailangan muna niyang malaman kung ano ang saloobin ng Nottingheim sa Feinan.

Sa patyo, nag-aalalang tiningnan nina Aragon at Nana si Marvin na nakalubog sa bariles.

Gumagawa naman si Marvin ng Origami habang sinasabing:

"Kung may tanong kayo, wag kayong mahiya."

Related Books

Popular novel hashtag