Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 314 - Assassination

Chapter 314 - Assassination

Ashes Plateau.

Maya't maya kumikisap ang ilaw sa Planar Lighthouse. Nakatayo lang doon si Hathaway, naghihintay ng balita tungkol kay Marvin.

Seryoso ang kanyang mukhang. Gumagamit siya ng divination spell paminsan-minsan para tingnan ang progreso ni Marvin sa Arborea, pero nag-aalala pa rin siya.

Nakita niya sa huling divination na pinipira-piraso ni Marvin ang Phanim, kaya mukhang maayos naman ang kanyang sitwasyon.

Pero nahuhuli nang kaunti ang divination, isa pa, mayroong 21:1 na pagkakaiba sa pagdaloy ng oras sa pagitan ng Feinan at Arborea. Ang ilang minute sa Feinan ay sapat na oras na sa Arborea para may mangyaring hindi inaasahan.

Masama ang kutob niya. Ganito rin ang kanyang naramdaman noon sa Decaying Plateau.

'Mabuti na lang at nakakagamit pa rin ako ng Divination.'

'Ang lalaking 'yon talaga, hmp. Ang lakas ng loob niyang hamunin ang isang God habang ganoon pa lang ang level niya. Baka kapag naging Legend na siya, sugurin na niya mismo ang Astral Sea.' Yamot na isip ni Hathaway.

Matapos magkaroon ng gulo sa Universe Magic Pool, nawala ang divination power ng mga pangkaraniwang Wizard.

Pero kayang gamitin ng mga Legend Wizard ang magic sa kapaligiran para bumuo ng spell matrix, at isa pa siyang Seer. Kaya naman hindi naapektuhan ang kanyang Divination.

 Basta mayroon siyang sapat na magic power, pwede siyang magpatloy sa pag-cast ng Divinity.

Pero tulad ng baril ng mga Sha, kailangan itong pagpahingahin at palamigin. Sa tuwing gagamitin niya ang kanyang spell matrix, kailangan nito ng oras bago muling magamit.

Dahil kung hindi, hindi lang maaaring pumalya ang spell, kundi maaari ring masira ang kanyang spell matrix!

Noong sinubukan niyang pigilan ang Shadow Prince noon, gumamit siya ng 10 cast ng [Space-Time Bind].

Sobra-sobra na ito para sa kanyang spell matrix. Sa pangkaraniwang pagkakataon, dapat ay nasira na ang kanyang spell matrix pagkatapos ng tatlong Space-Time Bind.

Mabuti na lang, nasa kanila ang mga Space-Time Diamond.

Ang sampung Space-Time Diamond na iyon ay may pambihirang kapangyarihan, kaya nitong tanggalin ang bigat sa spell matrix para maipagpatuloy niya ang pag-cast.

Pero hindi ganito sa Divination.

Wala siyang item para dito at maaari niya lang gamitin ito sa normal na pamamaraan.

Nanatili lang siyang nakatayo sa talahiban, naghihintay.

'Tapos na ang oras.'

Kuminang ang kanyang mga mata.

Agad siyang nag-cast ng Divination.

[Arborea, Marvin, Major Event]

Ito ang mga salitang lumabas sa Divination. Kung makita ni Marvin ang prosesong ito, agad niyang maiisip ang mga "Internet Search Engine" sa kanyang mundo. Ipapakita ng spell na ito ang lahat ng Major Event na nangyari sa ARvorea, lalo na ang mga may kinalaman kay Marvin.

Ang "Search Engine" na ito ay maaaring maharangan at mapakialaman.

Sa madaling salita, hindi nalalaman ng Divination ang lahat ng bagay.

Pero gusto pa rin niya itong tingnan.

Subalit, ang lumitaw sa kanyang harap ay hindi si Marvin.

Isang sirang kalupaan.

Nakatuon ang eksena sa isang templo at tumigil sa isang misteryosong lalaki.

Tila napansin naman siya ng lalaki at agad na tumingala.

Nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang isipan si Hathaway!

Agad niyang pinutol ang Divination!

Sa kabila ng pagputol niya dito, nanginig pa rin siya at nanlamig ang kanyang buong katawan!

Ito ay resulta ng pangingialam ng isang tao sa kanyang Divination.

'Hindi pwede 'to!' Nilabanan niya ang sakit. Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya sa kanyang ulo, malinaw pa rin ang pag-iisip ni Hathaway.

Namukhaan niya ang taong iyon.

Si Glynos!

Personal nang nagpunta ito sa Arborea nang level 18!

'Sandali…'

'Si Marvin ang hinanap ko sa Divination pero si Glynos ang nakita ko…'

'Papatayin niya si Marvin!'

'Masama ito, walang kaalam-alam si Marvin!'

Saglit na natuliro si Hathaway.

Hindi niya alam kung kelan nangyari ang eksenang iyon. Baka nagsimula nang isagawa ni Glynos ang plano niyang pagpatay kay Marvin.

Mababa ang tingin ng mga god sa Shadow Prince, pero hindi ibig sabihin nito ay madali na itong kalaban.

Mahina ito sa direktang laban.

Pero hindi dapat kalimutan na isa siya sa mga Legend Powerhouse ng ikatlng Era!

Hindi mabilang ang mga God at Legend ang nabiktima ng kanyang Nightfall!

Kahit na si Marvin ay level 18 na rin, hindi siya handa, at siguradong mahuhulog ito sa patibong ni Glynos.

Lalo pa at walang makakaisip na handing sumugal ng ganito ang Shadow Prince at pumasok sa isang Secondary Plane.

Nawasak na ang kanyang avatar, kaya siguradong mahina na ang kanyang Divine Source

Ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy na nagpapadala ng avatar ang Shadow Prince noon dahil sinusuprtahan siya ng ibang mga god.

Sa tuwing namamatay siya kapag nag-dedescend siya, basta nasa kanya pa ang Time Molt, tutulungan siya ng ibang mga god na punan ang kanyang Divine Source, kaya naman walang nakakapigil sa kanya.

Pero matapos mawala sa kanya ng Time Molt, wala nang ibang paraan para makuha niya ang suporta ng ibang mga god.

Halimabawa na lang ng digmaan sa Decaying Plateau, malaki ang nawala sa kanya. Dinurog ng Great Elven King ang kanyang avatar.

Malaki ang naging epekto nito sa kanyang Divine Source.

Kaya naman, inakala nina Marvin at Hathaway na hindi mangangahas na pumasok ng Arborea ang maingat na si Glynos.

Kung mawalan siya ng isang Secondary Plane, maaari naman niya itong bawiin sa ibang Secondary Plane. Base sa kanyang nalalaman, humigit kumulang sa apat ang Secondary Plane ni Glynos.

At ang kanyang Divine Source ay mas mahalaga. Nangangahulugan na kapag nawala ang isa sa mga ito, wala na ito habang-buhay. Hindi sasapat ang ilang daang taon para mabawi ito.

Ang ilang daang taon ay sapat lang para makabuo ng ilang Secondary Plane.

Pero taliwas sa inaakala nina Marvin at Hathaway ang naging desisyon ng Shadow Prince.

Malinaw na nabubulagan na ito ng kanyang galit, at hindi na nakabase sa lohika ang pagdedesisyon nito.

Kailangan niyang maglabas ng galit, kailangan niyang maghiganti! Wala nang mas mahalaga kesa sa pagpatay niya kay Marvin!

Gustuhin man pumunta ni Hathaway doon, isa na siyang Legend, kaya hindi na siya maaaring makapasok sa Arborea.

Pumasok sa kanyang isip ang napakaraming tao, pero wala siyang naisip na mahihingan ng tulong para tulungan si Marvin!

'Sandali…'

'May isa pang paraan!'

Nagningning ang mga mat ani Hathaway at agad na kumilos.

Sa Arborea.

Sa loob ng palasyo. Bigla lang nabanggit ni Nana, nang walang dahilan, na dumidilim na, pero iba ang naramdaman ni Marvin.

Mas komportable siya sa dilim.

Maaari na niyang magamit nang husto nag mga skill ng mga Night Walker.

Tumingala sya. Takipsilim na, ang oras kung saan nag-aagaw na ang liwanag at dilim.

Hindi pa rin pwedeng magamit ang kanayng mga Night Walker ability.

'Mukhang hindi ko namalayan na mas komportable na ako kapag gabi.'

Sabi ni Marvin sa kanyang sarili. Koportableng-komportable siya sa gabi dahil sa makapangyarihang Darksight ability niya. Sa katunayan, hindi na siya komportable kapag may araw.

Pero noong mga oras na iyon, ang Hellhound na hawak niya ay biglang tumayo at umalulong!

Isang malakas na alarma ang lumabas mula sa pet contract.

Sa isang iglap, kinilabutan nang matindi si Marvin!

Nanggaling ito sa Judgement Sword na nasa sikmura ng Hellhound!

Mabilis naman ang naging reaksyon ni Marvin at hinila si Nana at umalis!

Pero mas mabagal ang kanyang pagkilos kumpara sa nagtatagong si Glynos.

Ngumisi ang Shadow Prince.

Dahil siya na mismo ang kumilos, siguradong mamamatay na ang kanyang kalaban.

Isang liwanag ang kuminang mula sa [Nightfall] kasabay ng paglipad ng isang anino at pagsaksak nito sa likod ni Marvin.

"Shla!"

Nanigas si Marvin.

Narinig niya ang pagsaksak ng isang dagger sa kanyang puso!

Related Books

Popular novel hashtag