Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 309 - Hellhound

Chapter 309 - Hellhound

Alam na ni Marvin kung ano ng tatlong specialty na nakukuha kapag naabot na aang Godly Dexterity.

Ang mga ito ay: [Extreme Nimbleness], [Extreme Speed] at [Extreme Burst]

Simple lang ang mga ito. Naabot n ani Marvin ang limitasyon ng Dexterity ng isang tao. Ang kanyang kontrol sa kanyang sarili katawan sa paggalaw ay umabot na sa sukdulan. Umabot na rin sa limitasyon ng isang tao ang kanyang bilis at burst power.

Sa madaling salita, ang kanyang Dexterity ay umabot na sa [Limit Bottleneck].

Para malampasan ang limitasyon na ito, ang pag-ascend bilang god na lang ang paraan. Kung hindi naman, magiging mahirap ito.

Matatagal na panahon ang gugugulin para masiyasat ito.

Pero hindi nag-aalala si Marvin, dahil mayroon pang paraan at mga karanasan na maaaring magamit si Marvin

Gayunpaman, ang 30 Dexterity ay nagbibigay kay Marvin ng nakakatakot na lakas.

Nakuha niya ang ganitong klase ng attribute habang level 18 pa lang siya. Kahit ang Dexterity ni Shadow Thief Owl ay kapantay na ng kay Marvin.

Pero, hindi tulad ni Marvin, mayroon siyang iba't ibang uri ng mga Legend Specialty at Legend Skill na siguradong dudurog kay Marvin. At pambihira rin ang Origami na taglay nito.

Huminahon na si Marvin. Matapos itago ang kanyang mga kagamitan, tumakbo na siya pabalik sa Shrine.

'Siguro naman nagawan na ng Princess ng paraan ang mga Paladin, hindi ba?'

Sa Shadow Palace, wala naman na sigurong natitirang mga kalaban. Oras na para mag-loot si Marvin!

Ang Shadow Diamond ang pinakakailangan ni Marvin para mag-advance sa Ruler of the Night, at nasa loob ito ng Shadow God Palace!

Mabilis siyang nagtungo dito at hindi nagtagal naabot na niya ang sira-sirang kapilya.

Tumingala siya nang kaunti. Nakalutang pa rin ang ulap na iyon sa kalangitan, at pinapakita ang lahat ng nangyayari doon.

Ngumiti si Marvin.

Nakita ng lahat ng nasa Royal City ang pagngiti niya. Pero hindi nila alam kung anong ibig sabihin nito.

Ang alam lang nila ay winasak ng napakalakas na plane traveler na ito ang Idol ng kanilang God na lagpas isang daan taon na nilan sinasamba.

Pinanuod nila si Marvin at masasabi nilang base sa itsura nito, isa lang itong pangkaraniwang binata.

Mukhang maayos na binata ito, at ang kanyang ngiti ay malumanay.

Isa siyang normal na tao.

Pero napatay niya ang Idol.

Para bang lahat sila ay namangha sa batang ito.

Sa kapilya, nagpaikot-ikto si Marvin na tila sinusubukang maghanap ng daan pababa.

Pero noong mga oras na iyon, isang mahinang pag-ungot ang narinig niya mula sa isang sulok ng sirang kapilya.

Sinundan pa ito ng dalawang mas nakakalungkot na pag-ungot.

May kirot na naramdaman sa puso si Marvin. Masyado niyang pinagtuonan ng pansin ang Idol kanina na hindi na niya napansin ang sinapit ng Hellhound.

Sinundan niya ang tunog at lumapit, at nakita niya ang isang maliit na na bersyon na One-Headed Hellhound!

Wala na ang dalawang ulo nito. Tanging ang isa na lang sa gitna ang natira, medyo masama ang itsura nito.

Muntik nang mamatay ang kaawa-awang Hellhound na ito dahil sa Idol, nawala na rin ang malaking porsyento ng kapangyarihan nito.

Lumapit si Marvin at maingat na dinampot ito.

"Kawawa ka naman."

Malungkot na tiningnan ng Hellhound si Marvin.

Noong una ay gusto lang sanang gamitin ni Marvin ang Hellhound na ito, pero nang makita niya ang kalagayan nito, hindi niya mapigilang makaramdam ng awa.

Ang Ranger class ay maaaring magkaroon ng mga alaga. Mayroong mga specialty sa path na ito na nagpapalakas sa kanilang alaga.

Halimbawa na lang dito ay ang [Master Beast Tamer].

Pagkatapos maabot ng class na ito ang level 3, nakakuha na siya ng isang Pet Spot.

Pero hindi pa kasi nakakahanap ng interesanteng alaga si Marvin.

Noong una ay gusto sana niyan makahanap ng katulad ng Eternal Dragon ni Lance, o di kaya ay pupunta siya sa pugad ng isang Chromatic Dragon at magnanakaw ng ilang itlog nito.

Pero biglang nagbago ang binabalak niya.

Pakiramdam niya ay malapit na sa kanya ang Hellhound na ito.

Hinawakan niya ito at dinilaan nito ang kanyang palad.

Nagkasugat-sugat naman ito dahil ang dila pala nito ay may mga tusok-tusok!

Napasigaw sa sakit si Marvin, at agad na inilayo ang kanyang palad. Nalungkot naman ang tuta at napayuko na lang ito.

Naging seryoso naman ang reaksyon ni Marvin.

Sa isang iglap, naramdaman niyang nagbabago ang kanyang kaluluwa.

Ang tila simpleng ginawa ng Hellhound ay muntik nang higupin ang kaluluwa ni Marvin papunta sa sikmura nito!

Sadyang nagdesisyon lang ang tuta na ito na wag itong gawin, o di kaya ay wala pa itong gaanong lakas para ipagpatuloy ito.

Sa pamamagitan ng paghigop ng kaluluwa ng isang tao, maaari nitong mabawi ang kanyang lakas at kapangyarihan, paunti-unti.

Sa madaling salita, kahit na ang Hellhound ay isang pagnkaraniwang nilalang na mula sa Hell, mayroong pa rin itong tinatagong kasamaan!

Nagdalawang-isip pa si Marvin bago gawin alaga ang Hellhound na ito.

Pinag-isipan niyang mabuti kung kakayanin ba niyang kontrolin ito.

'Sa itsura nito ngayon, kahit ibalik ko 'to sa Hell, lalamunin lang 'to ng iba pang nilalang!'

'At hindi naman makakabuti kung mananatili 'to sa mundong 'to o sa Feinan. Makapangyarihan ang mga Hellhound. Kung mabawi nito ang lakas niya, baka masama ang kalabasan.

Mahinahong tiningnan ni Marvin ang tutang hawak niya.

Dalawa lang ang pagpipilian niya.

Ang patayin ito, o kontratahin ito bilang alaga at bantayan itong mabuti!

Isang masamang nilalang ang Hellhound. At hindi nababago ang mga katangian nito.

Lalamunin nito ang kaluluwa ng ibang tao para mas lumakas.

Walang nakakaalam kung gaanon karaming tao ang kailangan lamunin ng taong ito para lumakas!

Patayin o alagaan.

Ito ang tanong.

Naupo si Marvin sa isang bato at sandaling nag-isip.

Paglipas ng kalahating munuto, kumuha siya ng Contract mula sa kanyang Storage.

Isa itong Pet Contract na ibinibigay ng Ranger Guild.

Matagal na itong nakuha ni Marvin at halos malimutan na niya na naroon ito sa kanyang Storage Item. Sa wakas, panahon na para gamitin ito!

Naglabas siya ng pluma at isinulat ang kanyang pangalan sa kontrata.

Pagkatapos ay iniabot ito sa Hellhound.

Tumikwas naman ang ulo ng Hellhound at nalilitong tiningnan si Marvin.

Itinuro ni Marvin ang kamay nito, pagkatapos ay itinuro ang espasyo sa kontrata.

Matalino ang Hellhound na ito. Nagkaroon ito ng reaksyon sa sinabi ni Marvin. Pagkatapos mag-atubili sandali, maingat nitong nilagay ang marka ng kanyang kamay dito!

Kusa namang nasunog ang Contract.

Isang hindi nakikitang koneksyon na ang nabuo sa pagitan ng Hellhound at ni Marvin.

Napakaraming alaala ang pumasok sa kanyang isip!

Isang napakalaki at sunog na kalupaan, isang pulang kalangitan, at maraming nakakatakot na mga Devil.

Ito ang mga alaala ng Hellhound.

Malinaw na nakikita ni Marvin ang buhay nito mula nang ipinanganak ito.

Ito ang koneksyon sa pagitan ng isang Ranger at ng kanyang alaga.

Sa katunayan, walang naramdamang kasamaan si Marvin mula sa Hellhound. Lahat ng ito ay dahil lang sa instinct nito.

Walang gumabay dito bukod sa walang patid na kapangyarihan sa dugo nito.

Iyon ang kapangyarihan mula Hell!

"Magpakabait ka."

"Ako na ang amo mo mula ngayon."

"Hmm dahil alaga na kita, kailangan mo ng pangalan."

"Ano kayang magandang pangalan?"

Paglipas ng ilang sandali, ang kadalasang mabilis na pag-iisip ni Marvin ay walang maisip.