'Sige na!'
Nagkatinginan sina Capella at ang tatlo pang Elder saka sila nagdesisyon!
Talagang napakaliit ng Divine Spell Prison. Kung bigla silang atakihin ng nakakatakot na Hellhound, kahit pa protektado sila ng Divine Power, siguradong isa lang ang kahahantungan nila.
Sinamantala na nila ang pagkakataon na nakatuon kay Marvin ang atensyon nito at nauna nang umalis.
Pwede pa rin naman nilang harapin ang Hellhound kapag nasa mas malaki na ang kanilang espasyo.
Matalino si Capella.
Dahil sa pagsasara ni Marvin ang gate, napagtanto ni Capella na hindi gustong wasakin ni Marvin ang mundong ito.
Kung nanatiling bukas ang Hell's Gate, walang tigil na papasok ang mga Infernal na nilalang mula dito. Hindi lang ang Shrine kundi ang buong Royal City ang mawawasak!
Pagkatapos ay malulugmok sa isang napakahabang Planar War ang Arborea.
At ang paglaban sa mga Infernal na nilalang ay isang mahaba at masakit na proseso.
Sa kasaysaya, ilang beses nang sinalakay ng Hell at ang Abyss ang Arborea at halos mawasak ang kabuoan nito!
Kung hindi dahil sa pagbaba ng Supreme Shadow sa tamang oras, matagal nang nasunog sa init ng Hell ang lugar na ito.
"Pumunta kayo sa kapilya!" Desididong utos ni Capella.
Sa labas n Shrine, isang utos na ang ipinakalat n High Priestess sa pamamagitan ng Divine Spell.
Bahagyang yumanig ang buong Eastern Snow Mountain dahil sa pag-alingawngaw ng alulong ng Hellhound. Limampung Sealot Warrior ang nag-aabang!
Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na mala-karit na sandata, at ang katawan nila ay nagismulang lumobo.
Kitang-kita ang laki ng katawan ng mga ito.
Isang misteryosong apoy ang naglalagablab sa kanilang mga mata.
Sila ay mga panatikong tagasunod na napili mula lahat ng matagumpay na nagsanay bilang Zealot Warrior sa buong Arborea!
Mas malakas ang paniniwala nila kumpara sa ibang at handa nilang ialay ang kanilang buhay at kaluluwa para sa kanilang god, ano mang oras.
Ito rin ang dahilan kung bakit kaya nilang sumailalim sa maraming bilang ng mga ritwal at makaligtas mula dito.
Nang sinimulang hasain ni Capella ang mga ito, humigit sa anim na daan ang bilang ng mga pnatikong tagasunod na ito!
Ngayon, limampu na lang ang natira. Makikita kung gaano kabigat ang pagsasanay.
Kahit na hindi sila mga 4th rank expert, ang kanilang katawan at lakas ay hindi papatalo sa sino mang makapangyarihang nilalang sa plane.
Ang pinakanakakatakot pa dito ay ang kanilang burst power.
Ang mga taong may paniniwala ay walang kinakatakutan, kahit kamatayan.
Si Capella at ang tatlo pang mga Elder ay nagtungo sa kapilya.
Ang lugar na ito ay sapat na ang laki para labanan ang Hellhound hanggang sa kamatayan.
Isa pa, narito ang God Statue ng Supreme Shadow!
'Sinisiguro kong ako mismo ang huhuli sa paganong 'yon at at iaalay ko ang kaluluwa niya sa ating God!'
Tinitigan ni Capella ang God Statue. "Father God, bigyan niyo po kami ng lakas para talunin ang mga Devil!"
…
Sa God Realm. Napansin ng Shadow Prince ang sitwasyon sa Shadow God Plane.
Mula sa pagiging kampante ay nagkaroon ng pagdududa ang kanyang reaksyon.
Paano nagawa ng isang mortal na laging makalamang?
Paano ito nakalusot sa sarili niyang mga mata?
Kahit isang Legend Shadow Thied ay hindi kayang makapuslit papasok sa kanyang Shrine!
Hindi maunawaan ng Shadow Prince ang nangyayari.
Wala siyang magawa tungkol dito, dahil huli na siyang sumalangit. Hindi pa siya pinapanganak nang mamatay ang God of Etiquette… kaya hindi niya alam ang tungkol sa Eriksson's Brooch.
Gayunpaman, Hindi makakapayag ang Shadow Prince na tumunganga lang siya habang pinapahiya ang kanyang Shrine.
Tiningnan niya si Marvin at ang nakakatakot na Hellhound, at alam niyang baka masama ang kalabasan ng laban na ito.
"Gwen!" Tinawag niya ang isang pangalan.
Sa sumunod na sandali, isang putting ilaw ang lumitaw sa kanyang harapan.
"Kailangan kita na bumaba sa Arborea. Tulungan mo ang High Priestess."
Kumislap ang pagkamuhi sa kanyang mga mata. "Mortal, natatandaan kita."
"Akin ang kaluluwa mo. Gusto kong malaman mo kung ano ang mangyayari kapag ginalit mo ang isang god!"
…
Sa ika-anim na palapag. Halos maramdaman n ani Marvin ang hininga ng Hellhound.
Walang takot si Marvin.
Makikita ang ngiti sa kanyang mukha.
Hindi siya inatake ng Hellhound pagkatapos niyang isara ang pinto. Magandang senyales ito!
Patuloy lang sa paglalabas ng awra ng Archdevil ang kanyang pulseras.
Ito ang dahilan kung bakit nakaramdam ng pagiging pamilyar ar pagdadalawang-isip ang Hellhound.
Hindi ito matalino, at hindi kayang makilala kung tunay ba siyang Archdevil o hindi. Paano nangkaroong ng ganito kalakas na awra ang isang maliit na tao?
"Wu…"
Tumahil ang maliit na ulo sa gitna.
Sinusubukan niyang gumamit ng Infernal na lenggwahe para kausapin si Marvin.
Hindi alam ni Marvin ang lenggwaheng Infernal, kaya wala siyang nagawa kundi wag gumalaw.
Alam niyang hindi niya kayang kontrolin ang Hellhound na ito, pero pwede niyang iwasang galitin ito.
Ang mga Infernal na nilalang ay mga Lawful Evil. Isang magandang halimbawa na dito ang Hellhound. Kung isa siyang Demon, wala na itong pakialam sa awra ni Marvin at direkta na itong aatake.
Mayroong isang batas ang mga Demon para mabuhay: ang mahihina ay pagkain ng malalakas. Iba naman ang mga Devil, mas mahigpit sila sa kanilang katayuan.
Kadalasan, alaga ng mga Archdevil ang mga Hellhound. Tahimik ang mga ito at hindi nito sasaktan ang mga Archdevil.
Kahit na mukhang tao si Marvin, nasa kanya ang awra ng Archdevil. Kaya naman ang tingin ng Hellhound sa kanya ay "isa sa kanila"!
Baka tinatago lang ng Archdevil na ito ang kanyang lakas at nagpapangap na tao? Ito siguro ang dahilan kung bakit parang napakahina nito.
Ito ang iniisip ng Hellhound.
Dahil wala itong nakuhang kasagutan, nagdesisyon ang Hellhound na sundin si Marvin at umatake sa lugar na tinuturo ni Marvin!
Mga Demon ang pinaka-ayaw ng mga nilalang ng Hell.
Ganoon din sila sa mga god!
Hindi ito komportable sa kulungan na ito na balot ng Divine Power.
Gusto nitong wasakin ang lahat!
"Roar!"
Ang nakakatakot na pag-alulong nito ay maririnig sa buong Royal City. "Karak!" Nasa bingit na ng pagkawasak ang buong Shadow God Palace!
…
Nang umalis ang Hellhound, pinunasan ni Marvin ang kanyang pawis.
Gumana ang plano niya.
Ginamit niya ang pulseras para pansamantalang selyohan ang Hell's Gate para wala nang iba pang halimaw ang makapasok.
Lalo pa at gusto niya lang patayin ang Shadow Prince at hindi wasakin ang buong Arborea Plane. Sapat na ang isang Hellhound.
'Kahit na hindi pa lubos ang lakas ng Hellhound na , tama lang ang pagkakaroon ng dalawang ulong buo para tanggapin siya ng plane.'
'Kung level naman ang pag-uusapan, nasa 17-18 siguro ito, pero mas malakas ang mga nilalang ng Hell kumpara sa mga pangkaraniwang nilalang… Hehe.'
'High Priestess, kahit pa iapadala mo ang mga Zealot Warrior, baka hindi pa rin mabago ang kalalabasan ng laban.'
Ngumisi si Marvin kasabay ng pagtakas nito sa dilim.
Ang lahat ng nangyari ay isa lang palabas. Mula sa pagdiriwang ni Princess Nana hanggang sa pagtakas ni Aragon, ang layunin lang ng mga ito ay makakuha ng atensyon.
Ang tungkol naman sa Hellhound na nasa kabilang panig ng Hell's Gate ay isang sikreto. Bukod sa mga nakakataas, wala nang sino man, bukod sa Nottingheim Royal Family, ang nakakaalam na may ganoong halimaw na nakatago sa Shrine!
Sa kasamaang palad, nagamit na ni Marvin ang pagpapakawala ng asong ito dati!
Noong isa pa siyang batang rouge, at pumasok siya sa Arborea para sa isang quest, ang Ruler of the Night Advancement. Nag-ikot siya sa plane na ito at kinuha ang diamond, pakatapos nito ay itinuloy niya ang pag-iikot dito. At isang hindi sinasadyang pagbabago ang dahilan kung bakit niya nadiskubre ang sikreto ng Shrine.
Noong mga panahon na iyon, pinalabas niya rin ang Hellhound, pero mas mahirap ang plano niya noon. Ang tanging problema lang ay walang sinabing kahit ano ang Hellhound at direkta nitong binugahan ng apoy si Marvin nang binuksan niya ang gate.
Isa ito sa mga hindi makatarungang pagkamatay niya. Sa katunayan, imposibleng linlangin ang Hellhound na iyon kung wala ang awra ng Hell.
Iba na sa pagkakataong ito. Isa siyang Numan, kaya mayroong siyang bloodline ng Devil, at suot niya rin ang Ancestor's Mystery. Kahit na hindi niya ito namamanipula, naiwasan naman niyang atakahin siya nito.
Magtatago na lang siya sa dilim at saka lilimasin ang mga benepisyo.
Naglakas siya sa dilim at hindi nagtagal ay nakarating na siya sa magulong kapilya.
Napipinto na ang isang matinding labanan dito.
Mula sa ibaba, direktang tumagos ang kuko ng Hellhound sa sahig ng kapilya. May ilang Paladin ang napasigaw kasabay ng kanilang pagkahulog.
"Umatras na ang lahat!" Lumutang si Capella sa ere habang isinisigaw ito.
…
'Malapit na oras.'
Nasa dilim si Marvin, nag-aabang sa napipintong laban ng Hellhound at ng mga Zealot Warrior. Panandalian niyang binaling ang kanyang atensyon sa kanyang sariling katawan.
Sa katunayan, ang nakuha niyang experience mula sa Dragon ay sapat na para maglevel up muli pero pinili niyang hindi ito gawin. Dahil kapag naging na niya ang level 18, maaabot na niya ang limitasyon ng plane na ito.
At kapag ka ganoon, mas mabilis na mapapansin ang presensya ni Marvin ng isang taong maraming alam tungkol sa batas ng plane na ito.
Kanina, maririnig ang pagdududa sa boses ng High Priestess nang magtanong ito tungkol sa lakas ni Marvin.
Kung hindi siya isang Assassin , paano niya nagawang pumuslit sa Shrine?
Pero kung isa siyang level 18 Assassin, dapat ay napansin niya na ito agad!
Ang pinakamaalakas sa plane na ito ay mabibilang lang sa daliri, at mayroong Truesight ang High Priestess na ibinigay sa kanya ng kanyang God, kaya madali niyang makikita ito sa isang tingin lang.
Kaya naman, litong-lito ito.
Hindi na naglevel up si Marvin at level 17 pa rin siya nang pumasok siya sa Arborea.
Ang isang level na pinagkaiba nito ay para maitago ang kanyang awra. Kapag naabot na niya ang level 18, madali nang mahahanap ng Shadow Prince ang kanyang bakas, kahit saan at kahit kailan.
Lalo pa at ito ay Secondary Plane ng Shadow Prince.
Ito ang sikreto ng High Priestess na hindi alam ng mga tao.
Subalit, alam ito ni Marvin.
Pero hindi na ito mahalaga ngayon.
Naimpluwensyahan na niya sina Aragon at Nana, at kakabit na ng kanyang mga ginawa ang tadhana ng mga Nottingheim.
Wala na silang kawala. Lalo na ang mga rebelde.
Hawak din ni Nana ang mga Noble ng Royal City, at ang Shrine ay wala nang masyadong natirang tauhan.
Hindi mapapabagsak ni Marvin nang mag-isa ang Shadow God Palace.
Pero kung kasama niya ang Hellhound, at hindi niya mapatay ang High Priestess, hindi siya karapat-dapat na maging isang Ruler of the Night.
"Oras na para simulant ang gyera!"
Sa sumunod na sandali, ginamit niya ang lahat ng kanyang battle exp, at ilan sa kanyang general exp, sa kanyang Night Walker class!
Pagkatapos nito, hinati-hati na niya ang kanyang mga skill point.
Level 6 Night Walker!
Level 18!
Isang makapangyarihang nilalang sa plane na ito!
"Roar!"
Kasunod ng pag-alulong ng Hellhound, nawala si Marvin mula sa kanyang kinatatayuan.
Sa God Real, biglang nanlaki ang mata ng Shadow Prince.
Sumigaw ito ng malakas sa kanyang puso:
"Capella!"