Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 250 - Rebirth

Chapter 250 - Rebirth

"Avengers Alliance? Bakit ka naman mag-iisip ng katawa-tawang pangalan?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Hathaway.

"Hindi pa kami nakaka-isip ng pangalan…. Pero mukhang pwede na 'yon."

Pilit na tumawa si Marvin. "Pwede pa naman tayong mag-isip ng ibang pangalan, bigla ko lang nasabi 'yon."

Kung magsasama-sama talaga ang mga Legend na ito, magiging napakalakas ng mga ito. Sa laro, walang masyadong Legend na nagtutulungan. Kanya-kanya sila ng ipinaglalaban at sa bangdang huli ay pinatay rin sila ng mga god.

At si Marvin, bilang isang manlalaro, alam niya ang kagandahan ng paglaban bilang isang grupo.

Maging ang Shadow Prince man, ang Crimson Patriarch, o si Diggles at ang Decaying Plateau na tinapos nila, lahat ito ay esulta ng pagtutulungan ng mga makakapangyarihang nilalang.

Ito ang dahilan kung bakit sinusubukan niyang kaibiganin ang lahat ng uri ng Legend na nakilala niya mula nang mag-transmigrate ito.

.

Kung bumuo talaga sila ng Alliance, kahit pa maganap ang Great Calamity, magiging iba ang kalagayan ng Feinan.

"Hindi na maganda ang pakiramdam ko, kailangan ko ng lugar para magpahinga."

Bahagyang namumutla nga si O'Brien. Biglang napunta ang paningin niya sa tahimik na Legend Barbarian at sinabing. "Oy, may alak ka ba sa bahay mo?"

Pagkatapos niyang sabihin ito, lahat ng Legend ay tumingin sa Barbarian.

Nagulat ang Barbarian, pero paglipas ng ilang sandal, sumagot siya, "Me…Meron."

Isang mainit na apoy ang ngliliyab sa tsiminea sa isang bahay na gawa sa kahoy.

Bumabagsak ang nyebe sa labas ng bintana, pero tama lang ang temperature sa loob.

Nakatira ang Legend Barbarian sa malamig na lugar na ito buong buhay niya, pero ngauon lang siya nakakita ng ganito karaming Legend. Maganda naman ang pagtanggap nito sa kanyang mga panauhin at naglabas pa ito ng masasarap na alak nito.

Direkta nang uminom sina Constantine at O'Brien.

Nagsama-sama ang mga ito, at muling ikinwento ni Marvin ang nangyari sa kanya.

Pero tungkol sa kanyang pagbabalik, binago niya ng kaunti ang istorya at sinabing sinwerte lang siyang makita ang Celetsial Stairway.

Wala namang nagduda dito. Lahat sila ay may kanya-kanyang lihim, at kaibigan nila si Marvin kaya naman nakikita nila ang Potensyal nito.

Sa loob lang ng maikling panahon, muli na namang lumakas si Marvin at direktang naabot ang 4th rank. Sadyang hindi ito kapani-paniwala.

Nalaman ni Marvin mula kay Constantine, Owl, at sa iba pa, kung ano ang nangyari pagkatapos niyang pumasok sa World Tree Domain.

Dumating ang Great Elven King para iligtas sila.

Pero ang ikinagulat ni Marvin ay nakatamo ng pinsala ang Great Elven King nang iligtas siya nito. Hindi alam ni Owl at ng iba pa kungano ang eksaktong nangyari, pero alam nilang malala ang natamong pinsala nio dahil sa mag-isang nagtungo si Ivan patungong kanluran para maghanap ng gamot na makakapagpagaling ng mga pinsala na dulot ng Divine Power.

Isa itong posibilidad na nakaligtaan ni Marvin.

'Mukhang hindi ko pa rin masyadong napag-iisipan ng husto ang mga bagay-bagay.'

Pagkatapos nilang mag-usap, napaiing si Marvin sa kanyang sarili.

Nakakatakot na bagay ang pinsalang natamong Great Elven King. Maayos ang kalagayan nito bago ang Great Calamity noon kaya naman matindi ang proteksyon na natanggap ng Feinan.

Pero ngayon, dahil sa plano ni Marvin, kahit pa nasira na niya ang Decaying Plateau, nakatamo ng matinding pinsala ang isa sa mga pinakamakapangyarihang nilalang sa Feinan. Kaya hindi alam ni Marvin kung tama lang baa ng mga naganap.

Idagdag pa rito, na muntik ring mamatay si Inheim dahil sa pinagsamang pag-atake ng Shadow Prince at ng Plgue God. Sa ngayon, sinasamahan ni Sky Fury ito habang pinapagaling siya ng Mother of Creation.

Isa rin itong bagay na hindii naasahang mangyari ni Marvin.

Noong una ay inakala niyang ang Legend Monk ang pinakaligtas sa mga ito. Lalo pa at napakataas ng Perception nito at ang katawan nito ay napakalakas at napakatibay.

Hindi inakala ni Marvin na ito pa ang masusugatan!

Pero, kung ibang Legend ang nakatamo ng lihim nap ag-atake ng dalawang god na ito, malamang ay namatay na ito!

Wala pa rin namatay sa kanilang misyon kaya maituturing na nila itong maswerte.

Mabilis na naubos ang alak habang nag-uusap ang lahat.

Kaunti lang ang ininom ni Marvin, pero dahil sa naging laban niya kay Madeline, at sa pagdaloy ng kapangyarihan ng Night Monarch sa kanyang katawan, malaking bahagi ng Enerhiya niya pa rin ang nagamit. Nasundan naman ito nag isang pagtitipon sa nyebe, kung saan nabugbog siya ng kanyang mga kaibigan. Kaya naman agad na nakatulog si Marvin.

Pagsapit ng hating gabi, binuksan niya ang kanyang mga mata. Bahagyang tuliro ito subalit unti-unti rin iton bumalik sa kanyang ulirat.

Buhay pa rin ang apoy sa tsiminea na nagpapainit sa silid.

May ilang nakahiga sa paligid.

Si O'Brien… Na nagsabing hindi siya nalalasin kahit gaano karami ang kanyang inumin, pero ang katunayan ay natumba na ito matapos uminom.

Magkatabi naman nakahiga si Owl at Constantine. Tila, pantay na pantay ang dalawang ito.

At ang kakaibang matanda at ang Legend Barbarian ay nakahiga sa kabilang dulo.

Hindi gaanong uminom si Endless Ocean at Htathaway. Mukhang nakahanap ang mga ito ng kwawrtong maaaring tulugan.

Mayroong ilang mga kwarto sa bahay ng Legend Barbarian.

Pero bigla siyang may naramdamang kakaiba.

Nagtataka niyang binuksan ang pinto. May bugso nang malamig na hangin ang umihip kaya nabahing ito nang ilang beses!

Umiihip ang hangin na may nyebe sa labas ng pinto at nahirapang maglakad si Marvin.

Nagising siya dahil sa lamig.

"Hindi pa ganoon kataas ang Resistance mo sa lamig, hindi ka dapat lumabas."

Isang malumanay na boses ang narinig niya sa kanayng likod.

Ngumiti si Marvin at lumingon.

Si Hathaway.

Nakatayo siya sa bubong ng bahay na tila may hinihintay.

Tumalon si Marvin pataas at nakaakyat ito sa bubong.

Sa paligid ni Hathaway ay may barikada para labanan ang lamig. Lumapit siya dito at hindi na siya gininaw.

"Nararamdaman mo rin ba?" Tumingin si Hathaway kay Marvin.

Bahagyang tumango si Marvin.

Mayroong kakaibang pakiramdam, na tila ba may mahalagang mangyayari.

Noong mga oras na iyon, sumabog ang isang malakas na liwanag sa kalangitan!

Mayroong mga bulalakaw!

"Mga bulalakaw?" Tiningnan mabuti ni Hathaway ang kalangitan sa malayo kasabay ng pagguhit ng liwanag sa dilim ng gabi.

"Ilan?" Kahit na mayroon blessing ng Night Monarch si Marvin, limitado pa rin ang kanyang paningin, at wala rin siyang Legend Scounting Spell, kaya hindi niya alam kung gaano karami ang mga bulalakaw.

"Pito," mabilis na sagot ni Hathaway. "Bumagsak silang lahat sa kanluran."

Saglit na natahimik si Marvin. "Kanluran, sa Rocky Mountain."

Gulat na tiningnan ni Hathaway si Marvin. "Paano mo nalaman?"

Gumagamit si Hathaway ng scouting spell para malaman kung saan ito bumagsak, pero paano nalaman ni Marvin?

Hindi nagsalita si Marvin, sa halip ay umiling lang ito.

Mukhang napaaga ang paglalakbay niya sa Rocky Mountain!

Pinagpaliban niya ito noon dahil sa problema sa mga White Deer, pero kailangan niya nang magpunta kaagad!

Dahil kung hindi pa sapat ang lakas niya, ang pitong bulalakaw na iyon ang kumakatawan sa sa Source of the Fire's Order!

At tatlo sa mga ito ay napasakamay ng tatlong Fate Sisters.

Wala namang nakaka-alam kung nasaan ang apat pa.

Ang Source of the Fire's Order ang pinakamagandang paraan para magtatag at mamahala ng isang bansa kapag bumaha na ng Chaotic mana sa Feinan!

Kung gustong malagpasan ng White River Valley ang Calamity, kailangan niyang makakuha ng isa!

Dakong kanluran, sa Rocky Mountain, sa Chaos Ground.

"Ate, tingnan mo! Mga bulalakaw!"

Isang batang babae na kulay lila ang buhok ang itinuro ang mga bulalakaw sa kalangitan na naging bola ng apoy kasabay ng pagbagsak nito sa isang bahagi ng Rocky Mountain.

"Booooom!"

Isang malakas na pagyanig ang naramdaman ng lahat nang naninirahan sa Rocky Mountain!

"Hindi lang iyon pangkaraniwang bulalakaw; bawat isa doon ay Source of Fire's Order."

Noong mga oras na iyon, isang matabang nilalang ang lumabas. Umupo ito sa balikat ni Kate at sinabing, "Mahalaga ang mga bagay na iyon…"

"Ah… Dahil mahalaga ang mga 'yn, Ding, tulungan mo kong lumaban para makuha ang mga ito," sabi ng batang babae.

Naging seryoso ang reaksyon ni Ding. "Pero wala akong lakas para makipaglaban!"

"Eh anong dapat nating gawin? Umalis si ate para hulihin ang Black Dragon at sinabing wag tayong aalis dito." Sumimangot ang batang babae.

Hinimas ni Kate ang ulo ng nakababatang kapati. "Sige na, Lorie, ako na ang pupunta."

"Pero sabi ni ate hindi tayo pwedeng umalis sa Chos Grounds hanggang sa hindi tayo Legend." Mahigpt na hinawakan ni Lorie ang kamay ni Kate. "Sabi nila may masasamang tao sa labas."

Ngumiti si Kate. "Dito ka lang, kasama si Ding. Medyo malakas naman na ako, naniniwala akong malapit na akong mag-aadvance sa Legend.

"Ako na mismo ang kukuha ng mga Sources of Fire's Order."

….

Sa hangganan ng Chaos ground, isang Black Dragon ang tumatakbo palayo!

Isang babae ang humahabol dito at ayaw itong pakawalan.

Sunod-sunod ang paggamit nito ng mga nakakatakot na spell.

Kahit na may mataas na resistance sa Magic ang Black Dragon, balot na ito ng sugat at pasa dahil sa mga spell na ito!

Makikitan malakas ang mga spell ng mga Fate Sorcerer.

Nagpatuloy pa ng ilang sandal ang habulang at ginagawa naman ng Black Dragon ang lahat para makatakas. Sa bandang huli, ginamit nito ang pagiging tuso niya at ang kaalaman sa kapaligiran ng Rocky Mountain para matagumpay na makatakas!

Disyamado naman ang Fate Sorceress habang nakatayo ito sa tuktok ng bundok!

Hinayaan niya itong makatakas!

Pesteng Dragon! Lagi itong nanggugulo sa tabi ng Chaos Ground, sinisira nito ang kapayapaan na Fate Sisters mismo ang may gawa.

"Mukhang kailangan kong maglabas ng kasulatan para maghanap ng expert Dragon Slayer na may malawak na kaalaman sa mga Dragon," bulong niya sa kanyang sarili.

Nang biglang may pitong bulalakaw ang gumihit sa kalangitan, mabilis na lumapas ito sa kanya at bumagsak sa kanlurang bahagi ng Rocky Mountain!

Nararamdaman niya ang isang dakilang kapangyarihan mula dito.

'Paano bumagsak iyan sa lugar na 'yon.…'

'Iyan ang lugar na walang nangangahas na pumunta. Ayon sa kwento ay maraming nakalibing na Ancient God sa lugar na iyon….'

'Bahala na, mas mahalaga ang paghuli sa Black Dragon!'

Saglit siyang nag-isip at sinukuan na ang pagpunta sa mga bulalakaw.

….

Sa Norte, sa kahoy na bahay ng Barbarian, sa isang tahimik na silid.

Pagkatapos isara ang pinto, dahan-dahang nilabas ni Marvin ang isang scroll.

May bahagi ang scroll na walang nakasulat, at mukhang wala ring laman ito.

Dahan-dahan naman niyang inilabas ang isang ginintuang pluma, ginamit ang dagger niya para sugatan ang kanyang hinalalaki, at isinawsaw ang pluma sa dugo.

Nagsulat siya ng kakaibang rune sa scroll.

Pagkatapos nito ay isang hindi maipaliwanag na koneksyon ang nabuo sa pagitan niya at ng scroll.

May mga salitang lumabas sa scroll. Hindi alam ni Marvin kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Alam niya lang na ang pangalan ng Chater na ito ay [Rebirth].

"Labas, tagasunod ko." Mahinang tawag ni Marvin.

Biglang may lumabas na eleganteng anino mula sa pahina ng Book of Nalu.

Sa epekto ng misteryosong kapangyarihan, isang tao ang hindi inaasahang lumabas mula sa pahina at naging isang tao!

"Anong ipapagawa niyo, Lord."

Ngumiti si Madeline.

Wala na ang masamang itsura nito, na tila ba muli itong isinilang.

Related Books

Popular novel hashtag