Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 239 - Plane Destroyer

Chapter 239 - Plane Destroyer

"Ikaw…. Ang lakas ng loob mong umalis ng Feinan!" Umikot ang Plague God at pinilit na manatiling mahinahon.

Masakit mawalan ng avatar, pero sa lagay ng mga bagay, wala na siyang magagawa tungkol dito.

Ang ikinagulat nito ay ang malaking aninong nasa harap niya ay nangahas na umalis ng Feinan, at naglakas loob na umalis sa proteksyon ng Universe Magic Pool!

"Anong problema? Dahil ba matagal niyo na akong hindi nakita?"

Isang gwapong lalaking ang unti-unting naglakad palabas mula sa gitna ng malaking anino.

Ang Great Elven King.

Hindi niya suot ang kanyang korona sa pagkakataong ito. Mas simple ang suot nitong damit, pero para sa dalawang god napakalakas na pwersa ang nilalabas nito.

"Hindi mo talaga masasabi ang mga bagay sa mundo," mabagal na sabi ng Great Elven King.

Nagkatinginan ang Plague God at ang Shadow Prince, at biglang nawala ang dalawang anino!

Naghiwalay ang dalawa!

Dahil sa nagpakita na ang nilalang na ito, wala na silang magawa kundi ang tumakbo!

Hindi naman gulat o galit si Nicholas. Tiningnan niya lang ang gulat na si Ivan at bumuntong-hininga nang mahina.

Sa unang pagkakataon, puno nang emosyon ang pagtingin nito kay Ivan, pero hindi pa rin maintindihan ni Ivan kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon ng kanyang ama.

Sa sumunod na sandal, gumalaw ang malaking anino sa likod ni Nicholas.

Lumipad ang kamay nito mula sa magkabilang dako ng void!

"Pucha!"

"Biglang lumitaw ang hamog, wala kaming makita."

Sa God Realms, buhay na buhay na nag-uusap nag mga god.

Sa katunayan, magmula nang simulang putilin ni Marvin ang dahin ng World Tree, may naramdaman na ang mga god sa god Realms!

Ang lahat nang god ay may mataas na Perception. Kahit na hindi ito katulad nang sa Ancient Nature God, na tnatrabaho ang mga sanga ng World Tree, napapansin pa rin nila ang mga bagay na ito.

Kaya naman nalaman agad nila kung saan nanggagaling ito.

Isang maliit na grupo ng mga Legend ang sumugod sa Decaying Plateau, hinila ng mga Stone Giant ang trono ni Diggles, at ang isang batang mortal ay pumasok sa vortex…

Hindi nila namalayan ang mga kaganapang ito.

At mas ikinagulat ng mga god ang ginawa ni Marvin!

Isang walang bilang na mortal na hindi man lang isang Legend ay nangahas na gumawa ng ganoon?

Winasak niya ang plane! Higit pa ang tapang at ugali nang batang iyan kesa sa kanyang lakas!

Ang ilang matalinong god ay sinubukang magsaliksik tungkol kay Marvin.

Pero nagulat sila nang panlabas na impormasyon lang ang nakita nila tungkol dito.

Tanging mga kwento lang mula sa mga mamamayan ng Feinan ang nahanap nila

Gusto nilang gumamit ng divination skill para mas makilala pa ito, pero nahaharangan sila ng hamog.

Kakaiba ito.

Pero para sa mga god, ang mas dapat nilang bigyang pansin ay si Hathaway.

Siya pa lang ang kumpirmadong Seer sa buong Feinan. Sa mata ng mga god, ay siguradong ang Seer na si Hathaway ang may pakana. At ang batang si Marvin ay ginamit lang nila para makapukaw ng atensyon.

Isa lang namang siyang walang bilang na mortal.

Lalo pa at malaki ang agwat ng mga Legend sa mga hindi Legend.

Tila mga langgam lang ang mag mortal na hindi Legend sa mga mata ng mga god. Habang ang mga Legend naman ay tila mga tutang maaari nang mangagat.

At ang mga nasa peak level na mas mataas pa sa mga Legend, ay aminado silang kaya na silang labanan ng mga ito.

Nang makita nilang bumababa ang mga avatar ng Plague God at Shadow Prince, inabangan nila ang mga magaganap.

Kahit pa ang lakas ng dalwang ito ay pangkaraniwan lang sa mga god, kaya pa ring magpamalas ng pambihirang lakas ng mga ito sa Underworld, Kasama nang halos mabaliw na si Diggles, madali lang dapat para sa kanilang dispatyahin ang isang grupo ng mga Legend.

Walang nakakaalam na sa patuloy na pagputol ng Plague God na si Anna ng portal ng Heavenly Deer ay bigla na lang mapuputol ang kanilang pinapanuod!

At dahil na naman ito sa nakakabwisit na hamog!

Masama ang timpla ng mga god.

Tila nasa pagitan ng Feinan at God Realm ang hamog na ito at paminsan-minsang lilitaw. Kahit ang perception nila ay hindi makalusot dito.

Natyempo namang dumating ito nang mawala ang Wizard God.

Tila lumilitaw ang hamog na ito sa tuwing may mahalagang bagay na nagaganap.

"Anong nangyayari sa lower plane?"

"Gumawa kaya tayo ng avatar para makita?" bulong ng ilang god.

"Tanga, gusto mo bang mabaon kasama ang Decaying Plateau ni Diggles?" Isang malamig na boses ang umalingawngaw sa God Realms

Ang Dream God.

"Nahaharangan man ng hamog nay an ang nakikita natin, hindi naman nahaharangan niyan ang pag-iisip natin," malalim na sabi nito.

"Mayroong magdudusa."

Sa Underworld.

Muling nagbago ang sitwasyon dahil sa paglitaw ng Great Elven King.

Ang anino sa likod nito ay napakalakas na kinaya nitong salagin ang atake ni Diggles nang mag-isa.

At ang dalawang kamay na mabilis na pumasok sa void ay nakabalik na!

Sa kaliwang kamay ay ang Shadow Pince na si Glynos.

At ang nasa kanan ay ang Plague God na si Ann Maria.

"Pwede mong patayin ang mga avatar naming, pero hindi niyo mapipigilan ang tadhana!"

"Nicholas kahit na makapanyarihan ka, hindi mo matatapatan ang mga god!"

Sumigaw sa pagkayamot ang dalawa!

"Ang ingay," mahinahong sabi ng Great Elven King.

Bahagyang kumuyom ang dalawang kamay.

"Bang!"

"Bang!"

Umalingawngaw ang ingay nang putikin ng Great Elven King ang avatar ng dalawang god.

Pinutok!

Kahit na hindi malinaw na nakikita ng mga Legend ang anino sa likuran ni Nicholas, matinding paggalang ang naramdaman ng mga ito!

Isang taong kayang salagin ang atake ni Diggles at walang hirap na patayin ang avatar ng Shadow Prince at Plague God, nang mag-isa.

Napakalakas na nilalang.

Pero may naisip rin ang mga ito: Kung ganoon siya kalakas, bakit siya nanatili sa Thousand Leaves Forest at halos hindi na umalis dito?

Pero wala na silang oras na isipin pa ang mga bagay na ito.

Umalingawngaw ang baliw na sigaw ni Diggles.

Desperado na ito!

Gusto niyang isama ang mga ito sa hukay pero ipinagkait sa kanya ito ng Freat Elven King.

Dahil sa epekto ng kapangyarihan ng plane, nagsimula nang malanta ang maliit na World Tree. Hindi na ito napigilan pa ni Sky Fury at Endless Ocean.

"Tara na," sabi ni Nicholas.

Bago pa man makapagsalita ang mga ito, isang malaking kamay ang bumalot sa kanila.

Bigla namang umikot ang paligid at gumawa ng isang pagbaluktot ng space-time!

Nakabalik sila sa Feinan mula sa Decaying Plateau sa loob lang ng isang iglap!

Ang unagn tao naman nilang nakita an gang Shadow Thief na si Owl.

"Anong nangyari sa inyo?" Nakita ni Owl ang nag-aagaw buhay na si Inhein at nagulat, Hindi niya alam ang sasabihin.

Ang Legend Monk na ito ang pinakamalakas sa kanila!

"Dalhin niya na siya. Kaya naman siguro ng Mother of Creation ng Migratory Bird Council na tanggalin ang mga sumpa sa kanyang katawan."

"Maligayang pagdating sa Thousand Leaves Forest." Pagkatapos sabihin ni Nicholas ang mga ito ay tumalikod na ito at naglakad papalayo hanggang sa mawala na ito sa kanilang paningin.

May ilang LElf sa tabi ang naghihintay para pagsilbihan sila. Isa sa mga ito ay ang kakilala ni Ivan na si, Ollie.

"Tama nga ang mga balita, hindi madaling lapitan ang Great Elven King," sabi ni Owl na pilit na ngumiti. "Noong sinabi sa akin ni Marvin na hanapin ko siya, nagduda ako kung kikilos ba talaga siya o hindi…"

Sandali!

Natigilan silang lahat.

"May nakalimutan ata tayo…" Hirap na sinabi ng White Deer Holy Spirit na si Lorant.

"Si Marvin!" Biglang napatingala si Hathaway.

Nang biglang may ilusyong lumitaw sa kalangitan ng Feinan!

Lahat ng nilalang sa Feinan ay naramdaman nilang bumilis ang pagtibok ng kanilang mga puso.

Ganito ang naramdaman ng buong East Coast nang mamatay si Anthony, pero sa pagkakataong ito, nangyari ito sa buong Feinan.

Mula sa East Coast hanggang sa kanlurang Dead Area, mula White River Valley, hanggang sa mga siyudad sa hilaga.

Ang lahat ng may isip na nilalang sa kontinente ay napatingala sa gualt.

Isang hindi kapani-paniwalang eksena ang makikita sa kalangitan na hinding-hindi nila malilimutan sa buong buhay nila!

Nakita nila ang isang binate na nakatuon ang atensyon sa Golden Scissors at binubuhos ang lakas nito para gupitin ang isang bulok na dahoon!

Nakikita nila ang isang napakalaking puno, at ang lahat ng nakakita nito ay nakadama ng matinding paggalang.

Pero naging kakaiba ang pakiramdam nang lahat nang makitang matibay ang dahon. Binubuhos na ng binata ang lahat ng lakas niya pero paunti-unti niya lang itong nagugupit!

Nang biglang, pumasok sa isip nila ang karagdagan pang impormasyon.

Naunawaan na nila.

Hindi mabilang na eksena ang makikita sa dahon, ang atungal ng Evil Spirit Overlord, ang pagtakbo ng hindi mabilang na Evil Spirit…

At sa itaas ng dahin na ito ay may isang emerald na dahong punong-puno ng buhay. Hindi mabilang na taong nagmamadali ang makikita sa dahoon na ito.

Iyon ang Feinan.

Makikita ang kakaibang eksena na ito sa buong kontinente. May ilang taong inakalang nakakita sila ng isang himala kaya naman yumuko ang mga ito.

Ang iba ay inisip na guni-guni lang ito.

Habang marami naman ang naalala ang mga makalumang kwento ng mga bayani.

Sa mga kwentong iyon, nangyari ang ganitong pangyayari noong pinrotektahan ng pinakadakilang bayani ang Feinan mula sa mga masasamang nilalang na nais manghimasok dito!

Sa Rocky Mountain.

Sa pinakamataas na Mountain Peak, tatlong magkakapatid na kulay lila ang buhok ang magkakatabing nakatayo at tinitingnan ang eksenang ito.

"Marvin…" Bulong ni Kate.

"Kilala mo siya?" Gulat na tanong ng babaeng may mala-bayaning awra. "Hindi mo pa siya nababanggit sa amin."

Hindi alam ni Kate kung paano sasagutin ang tanong ng kanyang ate.

Paglipas ng ilang sandalit, nag-aalinlangan niyang sinabi, "Nakilala ko siya. Mabuting tao siya."

"Mabuting tao," panunuya ng babae, "Alam mo ba kung anong nangyayari?"

"Sumisira siya ng plane! Isa siyang Plane Destroye, tssk, paano naging mabuting tao ang gagawa ng ganoon?"

Walang nasabi si Kate.

Biglang sumabat ang bunsong kapatid nila, "Pero gwapo naman siya."

"Malinaw naman na mahina siya, pero nakagawa pa rin siya ng bagay na yumanig sa mundo. Hindi ba kina-gwapo niya 'yon?"

Binuksan ng batang babae ang kanyang mga mata at tiningnan ang kanyang mga nakatatandang kapatid.

Walang nasabi ang dalawa. Paglipas ng oras, tinapik ng panganay ang ulo ng nakababata niyang kapatid at pilit na sinabing, "Masasabi kong matapang siya."

"Kung ganoon, dapat ko na ba siyang ilagay sa listahan ng mga mapapangasawa ko?"