Pagkatapos nang pagsabog.
Isang kandila ang nagbibigay liwanag sa daan ng isang lagusan.
Isa itong kumplikadong lagusan na napakaraming lihim na silid.
Bawat silid ay may kanya-kanyang depensa. Kahit may mga silid na naiwang nakabukas, hindi naman maganda ang mga laman nito.
Ito ang lihim na taguan ng kayamanan ng Overlord Diggles.
Pagkatapos niyang itatag ang Decaying Plateau, iniglagay niya ang lahat ng kayamanang nakuha niya mula sa iba't ibant plane dito.
Mabilis namang naka-usad si Shadow Thief Owl sa kwebang ito.
Wala na siyang oras para buksan pa ang mga nakakandadong silid, kaya naman kinuha na lang niya ang lahat ng bagay sa bawat kwartong bukas!
Kahit ganito, mahahalagang bagay pa rin ang nakuha niya.
Noong mga oras na iyon, umalingawngaw ang boses ni Marvin mula sa Thousand Paper Crane na nasa kanyang baywang. "Kamusta, Sir Owl? Ayos ba ang pagbisita mo sa taguan kayamanan ni Diggles?"
Sumagot si Owl habang patuloy sa kanyang paglikom ng kayamanan, "Ayos ka dyan?"
"May doppleganger na pinasunod si Diggles sa akin!"
"Kahit na sinunod ko ang sinabi, na bilisan ang pagpasok sa kweba, habang gumagamit pa si Diggles ng komplikadong spell para makapasok, mayroong lang akong dalawang minuto para kunin ang lahat! Pucha, eto ba ang pinangako mo sa aking, 'maraming oras'?"
Sa kabilang banda, pinanuod ni Marvin na umalis ang mga White Deer. "Sapat naman na sayo ang dalawang minuto diba?"
"Bilisan mo pa, may parte ako dyan ah."
Hindi mapigilang magmura ni Owl, "Mapanlinlang kang bata ka, pianagawa mo sa isang Great Thief ang isang mapanganib na trabaho habang naghihintay ka lang ng parte mo!"
"Thief ako at kaya ko lang magnakaw. Pero nagbago na ang sitwasyon, inaabangan ako ni Diggles sa labas! Naging isa na kong taong nagnanakaw ng palihim at naging isang taong nagnanakaw nang lanataran!"
Bahagyang tumawa si Marvin. "Binabati kita sa class advancement mo."
"Naniniwala akong sa lakas mo, madali lang para sayo ang harapin ang doppleganger ni Diggles."
"Pero kung hindi mo talaga kaya, may nakahanda naman akong plano para makatakas ka."
Nanatiling tahimik si Owl, tila abala sa pagnanakaw pa ng mas maraming bagay kaya naman hindi na nito pinansin si Marvin.
Alam ni Marvin na hindi bagay na class para sa isang labanan ang isang Shadow Thief. Siguradong mahihirapan itong kalabanin ang doppleganger ng Overlord.
Kahit gaano pa katagal niya itong kalabanin, tapos na ang parte niya sa plano.
Noong mga oras na iyon, nakatanggap na ng hudyat si Hathaway na mag-cast ng Teleportation Door.
Walang alinlangan naman siyang pumasok.
Dahil dito, nakita niya ang reaksyon sa mukha ni Diggle. Mukhang tila lalamunin siya ng buhay nito.
Kahit pa marami na siyang karanasan at pinagdaanan, nang makita niya ang galit na mukha ng Evil Spirit Overlord, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting kaba.
Pero wala siyang intensyong kalabanin si Diggles. Pagkatapos siyang i-teleport ni Hathaway, tumalon siya sa World Tree at pumasok sa isang butas sa katawan ng puno.
Sa butas ay may isang maputlang piraso ng dilaw na manipis na balat na naroon lang.
Lumapit si Marvin at kinuha ito.
Oras na para isagawa ang ikalawang bahagi ng plano niya.
…
Mabilis na lumipas ang oras sa loob ng kweba. Habang itinatafo na ni Owl ang mga nakakandadong baul ng kayamanan, inabutan na siya ni Diggles!
Galit na galit ito!
Siya mismo ay napigilan ng kanyang sariling depensa.
Pero hindi pa rin niya malaman kung paano nakalusot ang Shadow Thief na ito at nakapasok sa kanyang kweba!
Hindi niya ito mapapatawad.
"Teritoryo ko 'to. Kung gusto mong nakawin ang mga gamit ko, humanda kang pagbayaran ang ginawa mo!"
Tinitigan ng doppleganger ni Diggle sang Shadow Thief na si Owl. "Kamatayan ang magiging kabayaran."
Tumawa naman si Owl. "Ayokong mamatay."
Nang biglang nawala siya!
Siminghal si Diggles at bigla rin nawala ang kanyang doppleganger mula sa kweba.
Paglipas ng dalawang minute, sa isang sulok ng Underworld, bumagsak si Owl sa lupa!
Walang makakatalo kay Diggle sa lugar na ito.
Kahit pa isang makapangyarihang nilalang gaya ni Inheim, ay hindi magagawang saktan si Diggles. Kaya lang nitong pangalagaan ang sarili.
Habang si Owl naman, ay hindi kayang labanan ito!
Sa loob lang ng dalawang minute, halos talunin siya ng doppleganger ni Diggles!
At sa bandang huli, mag nagkamali si Owl, nahuli siya nito at muntik pang mamatay.
'Imposibleng kayanin ko ang lalaking 'yon,'Isip-isip niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos nito ay nahati sa isang-libong doppleganger ang kanyang katawan!
Bawat doppleganger ay tumakas patungo sa Shadow Plane gamit ang [Shadow Travel]!
Habang patakas ang isang-libong Owl sa Shadow Plane, nasa walong-daan dito ang napigilan ni Diggles habang ang natitira pa ay nagawang makatakas!
Malaking kabawasan ito sa kanyang lakas
'Pucha, sa susunod hindi na ko magpapaloko sa batang 'yon!'
Mabilis ang kabog ng dibdib ni Owl habang maingat niyang binabaybay ang Shadow Plane.
Mas nakakatakot pa ito kesa sa pagharap sa isang Ancient Red Dragon!
Noon ay marami siyang katulong na makapangyarihang Legend sa Tornado Harbor at kailangan niya lang gampanan ang kanyang tungkulin.
Pero sa pagkakataon ito na pagharap sa doppleganger ng Evil Spirit Overlord, hindi na niya ito kaya!
'Magsisimula na siguro sila sa ikalawang bahagi ng plano.'
'Hindi talaga natatakot mamatay ang Marvin na 'yon…' Isip-isip ni Owl habang nasa Shadow Plane.
Wala nang kinalaman sa kanya ang ikalawang bahagi ng plano.
Pero hindi pa rin siya pwedeng magpakakampante.
Bigla niyang napansin ang dalawang tao sa harapan niya!
Natigilan si Owl!
Tumigil siya sa pagkilos.
Ang Shadow Plane ay isang kakaibang lugar kung saan magulo ang space-time. Tumayo lang siya doon at tiningnan ang likuran ng dalawa.
Nakatingin sa ibang direksyon ang dalawang taong iyon.
Tiningnan ni Owl kung saan nakatingin nag mga ito at nakita niya ang isang Shadow Thief na kumukurap-kurap.
Ang Shadow Thief na iyon ay si Owl Mismo!
'Ito ang nakaraang ako!'
Mahusay sa pag-unawa ng Shadow Plane si Owl.
Agad niyang nauwaan ang nangyayari.
Ang mga taong iyon ay pinapanuod siya o imahe niya noong pumasok siya kanina sa Shadow Plane para makapasok sa Underwolrd.
Kilala ni Owl ang isa sa dalawang taong nakita niya.
Si Glynos, na pinahiya niya noong hinubaran niya ito!
Namanhid si Owl.
Kung avatar ni Gynos ito, ang ibig sabihin, ang kasama nito ay …
'Hindi maganda 'to!'
'Nasa panganib si Marvin at ang iba pa!'
Kinuyom ni Owl ang kanyang ngipin at binilisan ang kilos, agad siyang bumalik sa Feinan.
Hindi niya pwedeng gamitin ang Thousand Paper Crane sa Shadow Plane.
Maaari lang itong gamitin sa isang material plane. At kung paggamit naman nito sa pagitan ng mga plane, kung maaari man itong gawin, mauubos ang buhay ng Thousand Paper Crane dahil dito. Pero sa ngayon ay wala na siyang pakielam doon!
"Marvin! May problema."
"Dumating si Glynos. At may isa pa. May simbolo ng kulto ng Plague God sa damit niya. Mukhang iyon ang avatar ng Plague God!"
…
Sa World Tree, nabalisa si Marvin nang marinig ang balitang ito.
Hindi naman siya nagulat sa biglang paglitaw ng Shadow Prince. Lalo pa at pinahiya ito ni Owl noong nakaraan, kaya siguradong may galit ito sa kanila.
Pero hindi niya inaasahan ang pagdating ng avatay ng Plague God.
Lalo pa at may isa pang panganib na nagbabadya, si Bamboo. Naisip na rin niya na hindi makakalagpas sa World Ending Twin Snakes ang opersyon na ito. Napakaraming Legend ang nagtipon-tipon sa isang lugar, at karamihan sa mga ito ay mga taong hinahanap nila.
Kelan ng aba lilitaw ang mga kalaban na ito mula sa dilim? Hindi sigurado si Marvin.
Naghanda siya ng mga plano laban sa mga ito.
Pero hindi kasama sa kalkulasyon niya ang biglang pagdating ng Plague God.
Saglit siyang nag-isip at sa wakas ay nagbanggit siya ng pangalan sa Thousand Paper Crane.
…
Sa Feinan. Lumabas ang boses ni Marvin mula sa Thousand Paper Crane.
Pagkatapos marinig ni Oel ang pangalan, sinubukan nitong magtanong, pero sa kasamaang palad, biglang nagliyab ang Thousand Paper Crane.
Sa isang iglap ay naabo ito.
Ang pakikipag-usap sa pagitan ng mga plane ay malaking enerhiya ang kinokonsumo. Kahit pa ang Origami ni Owl ay isang lihim na taktika noong unang panahon, hindi pa rin nito maiiwasan ang ganitong pangyayari.
Huminga siya nang malalim. At dahil umabot na ito sa puntong ito, wala na siyang magagawa kundi subukan ito.
Nagtungo siya sa timogsilangan!
…
Sa kanyang trono, ang galit na si Diggles ay hindi pa ginagalaw ang kanyang katawan magmula nang magsimula ang laban!
Lagi niya lang pinadadala ang mga tauhan niya at mga doppleganger para lumaban.
Pero nauubos na ang kanyang pasensya dahil kasalukuyang tabla ang labanan.
Lalong lumalakas ang World Tree na pinapalaki ng Endless Ocean at Sky Fury at nagbibigay ito nang matinding suporta sa mga Legend.
Tig-isang doppleganger naman ang kinakalaban nina Inheim at Ivan.
At si Hathaway naman ay ginagamit ang Legendary Item na Candleflame Necklace para mag-summon ng labing-dalawang Fire Elemental!
Ang mga Fire Elemental na ito ay nakakatanggap rin ng bonus mula sa World Tree.
Ang sunod-sunod na mga Corrupt Titan na umaahon mula sa Rotting Sea ay hindi talaga tunay na titan. Mga inapo lang ito ng mga Titan na nahuli ni Diggles at ginawang mga tauhan gamit ang negatibong enerhiya.
Ang lakas ng mga ito ay malayong-malayo sa tunay na lakas ng isang Titan. Sa tulong ng bonus mula sa World Tree, kahit paano ay nakayanang labanan ng mga ito ang mga halimaw na ito.
Habang ang ibang mga Evil Spirit naman ay si Lorant mismo ang humaharap sa mga ito.
Maraming kakayahan ang heavenly Deer at natural lang nakayang-kaya niyang pigilan ang mga Evil Spirit. Dahil rin sa pag-cast ni Hathaway ng malawakang Legendary spell para dispatyahin ang mga ito, hindi makalapit ang mga Evil Spirit sa World Tree!
Nagpupuyos na sag alit si Diggles!
Kahit na lumalaban pa rin naman ang kanyang mga doppleganger, habang tumatagal ito ay mas sumasama ang kalagayan niya.
Kung naparito lang ang mga ito para iligtas ang mga White Deer, nagawa na nila ang layunin nila
Kaya bakit hindi pa rin nila sinusubukang tumakas?
Hindi mangmang si Diggles, nakakaramdam na siya ng kauntin pangamba.
Nang biglang ang Ranger na nagtatago sa katawan ng puno ay lumabas at tumayo sa sanga ng World Tree.
Nakatingin ito sa trono ni Diggles!
Nanlumo si Diggles.
Kahit pa hindi siya dapat matakot dito, masamang pangitain pa rin ito.
Nalaman na kaya nila ang sikreto ng trono?
…
"Mga kaibigan, may ibinalita sa akin si Sir Owl. Pinapanuod ng Shadow Prince at Plague God ang laban na ito."
"Hindi ko alam kung gaano pa karami ang nanunuod, pero kailangan nating magmadali."
Pinakalma ni Marvin ang kanyang paghinga at mahinahong sinabi.
"Oras na para kumilos!"