Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 218 - King Assassin

Chapter 218 - King Assassin

"Ang hamon ng King Assassin?"

Tiningnan ng One-Eyed Byrd si Marvin at hindi mapigilang sabihing, "Kung hindi ao nagkakamali, isa kang Ranger?"

Tumgango si Marvin at sumagot, "Nakalagay sa patakaran na pwedeng sumali ang lahat ng rogue class, hindi ba?"

Napakamot sa kanyang ulo ang One-Eyed Byrd, tila nalilito.

Hindi maikakaila ang nakalagay sa patakaran, pero ngayon lang nangyari ang ganito.

Isang Ranger ang nais lumahok sa hamon ng King Assassin? Hindi ba siya nagkakamali?

Ang ilan sa mga military instructor, na namamahala sa pagsasanay ng mga Apprentice Assassin, ang nakarinig sa usapan at lumapit.

Pinalibutan ng mga ito si Marvin. At ilang mga Scimitar Fighter na namamahala naman sa kaayusan ng lugar ay sumali na rin sa bilog.

Ang isa sa kanila, isang napaka-aroganteng Bai Scimitar Fighter, ang nagsabing, "Gusto mong sumali sa hamon ng King Assassin?"

"Kailangan mo munang tanungin ang aking scimitar…"

Subalit, hindi pa man tapos itong magsalita nang biglang gumalaw si Marvin na kasing bilis ng kidlat!

Shadow Step!

Sa isang iglap nakalapit si Marvin dito.

Tinaga ni Marvin ang lalaki gamit ang kanyang kamay at napahiyaw naman ito sa sakit, at nabitiawan nito ang kanyang scimitar.

Sinamantala naman ni Marvin ang pagkakataong iyon.

Edge Snatch!

"Klang!" Hiniwa niya ang isa pang kamay ng lalaki!

Namutla ang Scimitar Fighter.

Napakabilis ni Marvin. Sa isang iglap, wala pa mang nagigin reaksyon ang lahat, natapos na niya ang paghiwa.

Mabuti na lang at ang likod na bahagi ng sandata ang ginamit ni Marvin, kung hindi ,siguradong naputol na ang kamay nito.

"Shling!" Sabay-sabay naman binunot ng mga taong nakapalibot kay Marvin ang kanilang mga sandata, lahat sila ay masama ang tingin kay Marvin.

Ang scimitar sa kamay ni Marvin ay umikot at bumalik sa nagmamay-ari nto, kasabay ng pagtatanong ni Marvin, "Ganito ba tugunan ng mga Bai clansmen ang isang hamon?"

Tila mayroong pinuno ang mga military instructor. Tiningnan nito si Byrd. "One-Eyed, ikaw ang nagdala sa taong 'to. Ikaw na ang magdesisyon."

Nagkibit-balikat si Byrd. "Base sa patakaran, kwalipikado ang mga Ranger na lumahok sa hamon ng King Assassin."

Ngumisi ang military instructor, "Mabuti. Kung ganoon, hayaan niyo siyang sumali."

"Ako mismo ang mamamahala sa unang pagsubok."

Nang marinig ng lahat ito, makikita sa mga mata ng lahat ang awa para kay Marvin.

Kahit na nasindak ni Marvin ang lahat dahil sa bilis nito, maituturing pa rin itong lihim nap ag-atake. At ang Scimitar Fighter na inatake niya ay 2nd rank lang.

Pero ang military instructor na ito ay mahalagang tao para sa Shadow Valley. Isa siyang Level !5, at may Master level sa kanyang paggamit ng dagger. Ano mang oras ay maaari na itong maka-angat sa 4th rank!

Kung ang taong ito ang mamamahala sa unang pagsubok, siguradong wala nang pag-asa ang taong ito.

Bahagyang sumimangot si Byrd at tiningnan si Marvin.

Mahinahon namang sinabi ni Marvin, "Basta sundin niyo lang ang patakaran."

Ang hamon ng King Assassin.

Makasaysayan ang hamon na ito. Magmula nang maitatag ang Shadow Valley, halos araw-araw tumatanggap ang lugar na ito ng mga tatanggap ng hamon.

Pero Assassin ang lahat ng mga sumubok nito.

Kahit na ang mga Ranger, na tulad ni Marvin, ay mga rogue din, ibang-iba ang mundong ito. Paglipas ng ilang taon, masasabing ito ang unang pagkakataong isang Ranger ang susubok sa hamon ng King Assassin.

Agad namang kumalat ang balitang ito sa Shadow Valley.

Lahat ng mga taong walang ginagawa ay nanuod.

Nakakadagdag ito sa bigat ng sitwayon para sa mga susubok sa hamon.

Subalit, mayroon nang kasamang pagsubok ang hamon na ito para subukin ang sino man kung paano nila tutugunan ang mabibigat na sitwasyon.

Hindi naman inalintana ni Marvin nag bulungan ng mga tao. Hindi siya maapektuhan ng mga ito!

'Kung hindi ko lang kailangan makuha ang [Dark Hole] pass, hindi ko naman gugustuhing pagdaanan ang hamon ng King Assassin.'

'Kailangan ko lang malampasan ang dalawa o higit pang mga pagsubok para makuha ang pagkilala ng Assassin Alliance at makuha ang pass."

Ang Dark Hole ay isang lihim na daan patungo sa Underdark, ang mundo sa ilalim ng lupa.

Walang interes si Marvin sa ngayon na maglakbay sa Underdark. Pero sa pamamagitan ng Dark Hole, mahahanap niya ang isang ilog sa ilalim ng lupa. At kapag sinundan niya ang ilog na ito, malalagpasan niya ang Saint Dessert at makakarating sa Rocky Mountain.

Mas mabilis makapunta sa Rocky Mountain sa pamamagitan ng Underdark, lalo pa't gahol na gahol siya sa oras. Sa oras na makarating siya sa Rocky Mountain, ang pangunahing pakay niya ay mahanap nag Source of Fire's Order.

Pero naalala niya rin na mayroon rin siyang makukuhang benepisyo mula sa hamon ng King Assassin.

Nalala niyang ang lahat ng mananalo ay makakakuha ng level sa Straight Dagger mastery.

Mukha mang walang silbi ang ability na ito kay Marvin, lalo pa at mga curved dagger ang kanyang ginagamit. Pero sa oras na maabot niya ang pagiging Ruler of the Night, kapag mayroon siyang parehong, Legend level Curved Dagger Mastery at Straight Dagger Mastery, magsasama ang dalawang ito para maging isang Legend level na [Short Weapons Mastery].

Kapag nangyari iyon, malaya na siyang makakapagpapalit-palit sa pagitan ng mga Curved Dagger at Straight Dagger, ang kailangan lang dito ay sapat ang bilis ng kanyang mga kamay. Kung hindi, kakailanganin niya ng item para sa mabilis na pagpapalit ng sandata.

Gayunpaman, kailangan pa rin lumahik ni Marvin sa hamon ng King Assassin.

Ang hamon na ito ay binubuo ng maraming pagsubok.

Ang una ay kailangan niyang talunin ang isang Assassin na mayroong kaparehong rank.

Isa itong komprehensibong pagsubok ng kakayahan sa pakikipaglaban.

Halos nasa 80% ng mga taong sumusubok dito ay bumabagsak agad sa unang pagsubok pa lang. Lahat ng mga military instructor ng Assassin Alliance ay maga top class.

Tulad na lang ng kalaban ni Marvin, isang lalaking nagngangalang Youwen.

"Mister Marvin, kapag handa ka na, pakitanggal ang itim na tela sa iyong dibdib."

Isa itong malawak at bukas na silid, sabi ng isang kawani kay Marvin bago dahan-dahang umalis.

Hindi mabilang ang mga taong pinapanuod si Marvin.

Wala namang sensyales nang paggalaw ito.

Hindi naman na makapaghintay ang lahat, maririnig ang panunuya mula sa paligid.

Nakapikit pa rin si Marvin. Mahinahong pinapakiramdaman ang kanyang paligid

Ito ang patakaran.

Hindi magsisimula ang hamon hanggang sa tanggalin ang itim na tela. Hindi pa siya maaaring atakihin ni Youwen.

Lamang ang mga Ranger sa mga Assassin sa isang direktang laban. Mayroon ring pambihirang dexterity ang mga ito, lalo na ang mga Dula Wielding Ranger, at hindi rin kaya ng armor ng mga Assassin, na gawa sa balat, ang mga hiwa ng Ranger.

Pero hindi naman talaga patas ang hamon ng King Assassin. Naunang pumasok si Youwen kesa kay Marvin at gumamit na ito agad ng Stealth o Hide. Wala nang nakaka-alam kung nasaan na siya sa mga oras na ito.

Maaaring atakihin niya agad si Marvin sa oras na tanggalin nito ang itim na tela!

Nakatulong rin ang pag-iingay ng mga nanunuod kay Youwen dahil nahahadlangan rin nito ang perception ni Marvin.

Kaya naman hindi magagamit ni Marvin ang kanyang [Listen].

Hindi naman nag-aalala si Marvin. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa itim na tela sa kanyang dibdib.

Biglang natahimik ang lahat.

Pero hindi niya ito tinanggal. Bahagya niya lang itong diniinan at mabagal na umikot sa silid!

"Duwag!"

"Bilisan mo!"

"Paano naging kwalipikado ang basurang gaya nito para lumahok sa hamon ng King Assassin?"

Agad na nanuya ang mga nanunuod.

Hindi maganda ang pananaw ng mga naninirahan sa Shadow Valley sa Ranger na ito, at nang makita pa nila ang inaasta ni Marvin, hindi mapigilan magalit ng mga ito.

Ang dahilan ay bukod sa mga sandata, wala nang ibang item na pwedeng gamitin si Marvin. Pwede lang itong umasa sa angking lakas nito para talunin ang invisible na Assassin.

Makapangyarihan nag stealth ni Youwen, kaya naman walang maramdamang bakas nito si Marvin.

Mabuti na lang at ilang beses nang lumahok si Marvin sa hamon ng King Assassin, kaya naman marami na siyang karanasan dito.

KAramihan ng mga kalaban ay pinipiling kumilos ng mabagal at gumamit ng [Stealth].

Base sa kanyang karanasan, dumidistansya si Youwen mula sa kanya, mga anim na hakbang mula sa kanya. Bibihirang bumuntot ang mga ito sa likuran ng isang tao dahil doon madalas tinutuon ng lahat ang kanilang atensyon. Malinaw rin na hindi ito sa harapan kaya madalas ay sa may tagiliran ito manggagaling.

'Kaliwa o Kanan?'

Tumigil si Marvin.

Nasa gitna na siya ng kwarto. Ito ang pinakamagandang lugar sa silid para gumawa ng opensa.

Sa gitna ng panunuya ng mga tao, tinanggal ni Marvin ang itim na tela.

Sa isang iglap, inihagis niya ang malaking piraso ng tela sa kanyang kanan.

At tumakbo naman ito ng napakatulin pakaliwa, at humiwa pababa gamit ang kanyang dalawang dagger!

Napakahusay ng kanayng mga pagkilos.

Ito ang istratehiya ni Marvin na inihanda ni Marvin. Pumunta man siya sa kaliwa o sa kanan, hindi madaling makakakilos si Youwen!

Nanlaki ang mata ng mga manunuod habang pinapanuod nilang dambahin ni Marvin ang direksyong ito, walang tinamaan ang kanyang mga dagger.

At dahan-dahan namang bumagsak sa sahig ang itim na tela.

Wala sa kaliwa o sa kanan!

'Pucha. Mukhang marunong maghintay ang Youwen na 'to….' Bahagyang nabalisa si Marvin.

Pero noong mga oras na iyon, isang malamig na pakiramdam ang naramdaman niya sa kanyang likuran!

Umatake ito mula sa likuran!

Isang malamig na dagger ang lumitaw sa kanyang leeg.

Cutthroat!

Nagpigil ng kanilang hininga ang mga nanunuod.

Mabilis naman nag naging reaksyon ni Marvin, lumiyad ito palikod.

Kasunod na gulat na reaksyon ni Youwen, walang habas na ginamit ni Marvin ang kanyang ulo para patamaan ang ilong ni Youwen at kasabay nito, biglang lumitaw rin ang kaliwang dagger ni Marvin mula sa isang napakagandang anggulo. At dahil dito, nasalag ni Marvin ang straight dagger ng kalaban.

Ngumisi si Marvin.

Cutthroat? Si Marvin bihasang-bihasa si Marvin dito! Kahit pa hindi niya makita ang kanyang kalaban, hindi pa rin siya mamamatay dahil lang sa paglahok niya sa hamon ng King Assassin!

Kasunod nito ay bumawi na si Marvin. Binitawan niya ang curved dagger sa kanyang kanang kamay at hinawakan ang kanang kamay ni Youwen na may hawak na straight dagger.

Dahi sa sakit, hindi na nagkaroon pa si Youwen ng pagkakataon na gamitin ang [Vanish] o [Strong Invisibility]!

Sinamantala ni Marvin ang pagkakataon at umikot, walang habas itong umatake gamit ang kanyang kaliwang kamay!

"Klang!"

Huli na ang lahat para makaiwas pa si Youwen, halos hindi na niya na naitaas ang kanyang dagger para salagin ang atake ni Marvin. Nang biglang, dumulas pababa ang dagger ni Marvin at dumeretso sa balikat niya!

"Pah!"

Sumaksak sa balikat ni Youwen ang curved dagger, kaya naman napahiyaw ito. Agad na nawala ng lakas ang kanyang kaliwang kamay na dapat sana ay aatake rin.

Binitawan ni Marvin nag kanyang pagkakahawak dito at sinipa ang kanyang kalaban sa dibdib. Kaya namana tumalsik ito at nawalan ng malay nang tumama ito sa pader.

Nagkagulo ang mga manunuod!

Nakalusot si Marvin mula sa Cutthroat ni Youwen nang walang kahirap-hirap at mabilis na nakabawi ng pag-atake at natalo ito!

Ang ganitong bilis at karanasan sa pakikipag laban ay pambihira para sa isang binata lang.

Tila isa na itong matandang beterano.

At kahit ganoon, natalo pa rin nito si Youwen.

Makikita sa logs ni Marvin ang linyang, [Straight Dagger Mastery +1, nakamit moa ng Beginner level Mastery].

Nilingon ni Marvin na isang kawani.

"Anong kasunod?"