Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 212 - Grandfather’s Painting

Chapter 212 - Grandfather’s Painting

Sa loob ng aklatan, si Magkaharap na nakaupo sina Marvin at Danila.

"Humiling bang magbakasyon si Sir Constantine? At hindi ka mapanatag kaya ikaw na mimo ang sumama sa akin?" Tiningnan ni Daniela si Marvin at tinuya-tuya ito.

Medyo naaasara na siya nalaging umaaligid sa kanya si Constantine noong mga nakaraan araw.

Pumunta siya sa White Rier Valley para sa isang misyon. Bukod sa pagkumpirma ng bloodline ni Marvin, ang mas mahalagang misyon ay ang ibalik ang kayamanan.

Nangako siya sa harap ng kanyang ama na kung hindi niya maibabalik ang kayamaanan, hindi na siya babalik sa Norte

Isa itong mabigat na pangako.

Alam din ni Marvin ang tungkol dito. Hindi kilala sa laro ang White River Valley pero pinamunuan naman ng Ice Empress ang Norte kaya siguradong nahanap niya ang kayamanan.

Sa kasamaang palad, ang kasalukuyang White River Valley ay ibang-iba sa laro.

Mayroong na ngayong tatlong Legend na nagbabantay rito. Marahil walang maniniwala na ilang buwan lang ang nakakalipas ay hawak pa ito ng mga Gnoll.

Isama pa dito na nakipag-alyansa ang Master ng Ashes Tower sa White River Valley.

Ang Elven Prince, ang Demon Hunter, at isang makapangyarihang Legend nakayang pagluruan at itago ang isang Ogre Mage bilang isang alaga…

Pakiramdam ni Daniela ay mali ang lahat ng nalalaman niya sa mundo.

Saan ba nanggaling ang ganito karaming mga Legend? Kadalasan, ang mga taong ito ay mga expert na hinding-hindi makikilala ng isang pangkaraniwang tao sa buong buhay nila.

Pero nagawang tipunin ni Marvin ang mga ito.

Habang tumatagal ay mas lalo siyang nahihirapang basahin ang taong ito.

Kaya naman, bahagyang nasurpresa ito nang hapin siya nito.

Lalo pa at kahit natapos na ang digmaan, marami pa ring kalat na dapat ayusin si Marvin.

"Gusto kitang makausap."

"Makausap tungkol sa kayamanang pinunta mo rito."

Dumeretso na sa punto si Marvin.

Nakakuha siya nang maraming impormasyon mula sa Ogre Mage. Sa katunayan, nag-alala siya nang makasagupa nila ang mga Ogre sa labas ng Shrieking Mountain Range, mabuti na lang at nakumpirma niyang hindi pa nawawalan ng bisa ang tanikalang ginawa ng Wizard God na si Lance. Gumamit ng espesyal na pamamaraan ang Archdevil para makalabas ng Shrieking Mountain Range ang mga Ogre, isang pamamaraang hindi maaaring magaya..

Nakahinga naman siya nang maluwag dahil dito. Dahil kung hindi, malaya nang makakababa ng Shirieking Mountain Range ang mga halimaw. Dahil kapag nangyari ito, baka hindi lang ang White River Valley, maaaring pati rin ang Jewel Bay, pati na ang buong East Coast ay masakop ng mga ito.

Sa Shrieking Mountain Range, dito matatagpuan ang mga elite na halimaw, ilang mga uri ng hayop noong sinaunang panahon, mga labi ng Celestial Plane, at sabi sa mga balita, mayroon rind aw mga inakay ng mga god… Gayunpaman, bago nagtransmigrate si Marvin, ang Spider Crypt instance lang ang nagawa niya. At tanging mga kwento at balita lang ang nalalaman niya sa mga nasa itaas nito.

Sa madaling salita, talagang nakakatakot ito.

Mabuti na lang at naroon pa rin ang Law Shackles, hindi man ito nakikita at nahahawakan, may taglay naman itong malakas na kapangyarihan para pigilan ang mga halimaw. Ayon sa mga kwento, ginamit ni Lance ang pinaka dalisay na kapangyarihan para gawin ang mga Law Shackel na ito. At hindi pa rin naapektuhan ang Law Shackles kahit nang pagkawasak ng Universe Magic Pool.

"Ano bang gusto mong malaman." Saglit na natahimik si Daniela bago tuluyang kausapin si Marvin.

"Gusto kong malaman kung ano baa ng kayamanang sinasabi mo?" tanong ni Marrvin.

"Wala akong sasabihin," sagot ni Daniela.

"May kinalaman ba ito sa isang Devil," sabi ni Marvin.

"Ano naman? Ninuno natin ang mga Numen. Alam naman ng lahat na nagmula sa mga Devil ang mga Numen." Walang emosyong sabi ni Daniela.

"Normal lang na ang pinakamahalagang kayamanan ng ating clan ay may kinalaman sa mga Numan."

Tumango si Marvin. "Pero, ang magkaroon ng koneksyon sa isang makapangyarihang nilalang nagaya ng isang Archdevil ay hindi normal."

Ang mga Archdevil ay katumbas ng Demon Overlord ng mga Abyss. Walang nakaka-alam ung gaano talaga sila kalakas!

At ang nilalang na ito ay may binabalak na masama sa White River Valley. Kahit na hindi ito tugma sa mga pamamaraan ng Devil, hindi ba masyado na itong grabe?

Ito ang ikinalilito ni Marvin.

Napabuntong hininga si Daniela at makikita ang pag-aatubili sa kanyang mga mata. "Mukhang may mga nalalaman ka na."

"Oo. May kinalaman ang bagay na ito sa isang Archdevil. Alam kong nagdadahilan ka lang noon, Alam kong alam mo kung nasaan ang kayamanan," sagot ni Daniela.

"Makinig ka, Marvin, kung mayroon akong masamang binabalak, hindi ko na sana nilabanan si Bamboo para sayo, at hindi na rin ako mauupo rito para makipagnegosasyon."

Tapat na tapat ang tono ni Daniela. "Magtiwala ka sa akin, hindi mo kayang i-kontrol ang bagay na 'yon. Pero ang mga tao sa clan natin ay alam kung paano siya i-kontrol."

"Kung hindi, baka maging mas mapanganib pa ito."

"Magkapamilya tayo…. Mahal kong pinsan…"

Pinsan?

Ngumisi si Marvin, nararapat lang kay Danielang maging Ice Empress sa hinaharap, dahil nagawa niyang ibahin ang kanyang ugali sa isang iglap.

Ang kanyang magulo at sutil nap ag-uugali ay nakatagong mabuti habang nagpapakita siya ng kabutihan sa kanyang kapamilya.

Hindi naman naniwala si Marvin dito.

"Magkapamilya man tayo o hindi, mahirap sabihin ito. Pero interesado ako sa salitang ginamit mo, [Siya]."

Bahagyang ngumiti si Marvin, at nagpatuloy, "Noong pinag-uusapan natin ang kayamanan, ginamit mo ang salitang [Siya] at hindi ang kadalasan [Bagay na iyon] o [Ang kayamanan]. Isang buhay na bagay pa ang kayamanan?'

Kinuyom ni Daniela ang kanyang mga kamao, napagtanto niyang naging pabaya siya at nasabi may nasabi siyang mahalagang detalye.

"Ang hirap mo talagang kausap." Biglang naging pabalang uli ito magsalit. "Sa tingin mo ba habang buhay kang mapoprotektahan ng mga Legend na 'to?"

"Wag mong isipin na hindi ko alam na pwede silang umalis ano mang oras. Bakit nga naman magtatrabaho ang talong makapanguyarihang Legend para sa isang mahinang 3rd rank na gaya mo?"

Nagkibit balikat lang si Marvin. "Hindi sila nagtatrabaho para sa akin, mga kaibigan ko sila."

"Kaibigan?" Panunuyang sabi ni Daniela, "Kaibigan mo lang naman sila sa tuwing kailangan mo sila, hindi ba?"

"Wala rin namang palang masamang sabihin sayo ang totoo, ang kayamanang iniwan ng pamilya natin ay isang buhay na bagay…. Isang bahagi nito."

"Alam ko namang kahit sabihin ko sayo ito, hindi mo pa rin naman ibibigay sa akin ang kayamanan. Isang tingin ko pa lang sayo masasabi ko nang makasarili ka. Balak mo sarilihin lang ang kayamanan."

"Pero binabalaan kita, hindi mo kakayanin ang ganito kalakas na kapangyarihan!"

"Papatayin mo lang ang sarili mo, pati na ang mga taong malapit sayo at malalagay sa panganib ang buong White River Valley sahil sa pagiging makasarili mo." Seryosong sabi ni Daniela.

Umiling si Marvin at ngumit. "Nagkakamali ka."

"Ipapakita ko sayo."

Pagakatapos niyang sabihin ito ay tumayo siya at kinuha ang isang susi sa isang tukador, itinulak niya ang istanteng nasa likuran niya, at ipinakita ang lihim na pintuan.

Tiningnan ni Marvin si Daniela at sinabing, "Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na bubuksan ko ang pintong ito."

"Noong unang beses kong binuksan ito, muntik na akong mamatay."

Naging seryoso ang mukha ni Daniela, "Hindi na ngayon, poprotektahan kita."

Bigla itong lumapit at hinawakan ang kaliwang kamay ni Marvin.

Isang preskong pakiramdam ang nagmula sa katawan nito at pakiramdam ni Marvin ay mas lumiwanag ang pag-iisip niya.

"Sinasabi ko na nga ba't alam mo kung ano ang nasa loob." Tinitigan ni Marvin si Daniela.

Ngumiti naman ito at sinabing. "Galing 'to sa clan natin."

"Buksan mo na."

Inabot ni Marvin ang pinto at binuksan ito!

Direkta nilang nakita ang Three Eyed Great Devil Head na kakaiba ang ngiti!

Matapos buksan ng dalawa ang pinto, magkasunod na nanginig ang dalawa!

Kahit na si Daniela ay natigilan ng willpower check panandalian. Nakawala naman siya agad, paglipas ng tatlong segundo.

Muling kumalma ang kanina'y naguguluhan.

Biglang lumamig ang buong aklatan.

Lumamig rin ang kamay na hawak niya.

Hindi mapigilang mabahing ni Marvin!

"Ganito mo ba ako poprotektahan?"

Matapos makakawala sa ilusyon, tiningnan niya si Daniela, makikita pa rin ang takot sa mukha nito dahil sa willpower check.

Makikitang mabilis na ninigas sa lamig ang kanyang kaliwang kamay.

Matapos magpalit anyo ni Daniela sa Ice Angel Shape, naging napakaganda nito, mas maganda pa sa kahit na sino. May kakaiba ring presensya itong dala.

Malumanay nitong binitawan ang kamay ni Marvin at nagsimulang pumagaspas ang pakpak nito at biglang lumipad papasok!

Mahinahon naman siyang sinundan ni Marvin.

Hindi masyadong malaki ang lihim na silid na ito, at halos walang laman ang mga gilid nito.

"Peke ito." Tiningnan ni Daniela ang Great Devil Head.

"Isa lang itong alchemy item. Ginagamit ito para maglabas ng chaos willpower spell na kapareho ng Great Devil."

Siniyasat pa nito lalo ang silid.

May isang scroll painting sa kaloob-looban ng silid. Sa scroll ay may isang binata.

Mukhang pangkaraniwan lang ang painting na ito.

Pero ang mata ng binata ay nakatingin sa platform na bato.

Sa platform ay may nakapatong na dalawang polseras na gawa sa pilak.

"Iyon na nga!"

Natuwa si Daniela sa nakita. Lumipad siya patungo rito at sinubukang kunin ang mga polseras.

Nang biglang inangat ng batang lalaki sa paintin ang kanyang ulo at sinabing, "Hindi ikaw ang inapo ko. Hindi ka kwalipikadong kunin ang aking pamana."

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Daniela ang lalaki at noong sumunod na sandali, isang nakakatakot na liwanag ang lumabas mula sa painting.

Kahit na siya ay nasa Ice Angel Shape ay hindi niya nagawang umiwas.

Nakita ni Marvin na tinamaan si Daniela ng liwanag na ito at naging bato ito na bumagsak naman sa sahig,

Naranasan na niya ang ganito.

Alam niya na ang tungkol sa mga patakaran ng kayamanang ito. Nang umalis ang kanyang lolo, ginawa niya ito para tanging mga direktang inapo niya lang ang makakuha ng kayamanan.

Kahit na pinsan niya si Daniela, malinaw na hindi ito kwalipikado para kunin ang mga polseras.

Agad namang nakarating si Marvin sa palform.

"I-equip mo kaagad ang mga iyan," sabi ng binate sa paintin, "Tatlong minute lang gagana ang petrification ko sa kanya."

"Marami akong kailangan sabihin sa iyo sa loob ng tatlong minutong iyon."

Hindi na nag-atubili pa si Marvin at agad na ginamit ang mga polseras.

Nang biglang may kulay pilak na liwanag ang lumabas at naging invisible ang mga polseras. Kinapa niya ang mga ito at naroon pa nga ang mga ito. Pero hindi ito makikita o mararamdaman ng ibang tao.

Tumingala siya at tiningnan ang lalaki sa scroll painting at hindi niya mapigilang itanong, "Ano ba talagang iniwan niyo sa akin?"

"Mahal kong lolo?"

Related Books

Popular novel hashtag