Noong sumunod na araw. Natapos na rin ang kampo.
Lahat ng pwersa ni Marvin ay nanirahan na rito base sa planong ginawa ni Marvin.
Mas dumami rin ang mga adventurer na umaaligid sa labas ng kampo, handa na silang kunin ang ano mang benepisyon maaari nilang makuha pagkatapos ng laban.
Tanghali.
Lahat ng sundalo ay handa nang lumahok sa digmaang ito at nagtipon na ang mga ito sa labas ng kampo.
Tunay nga na maging sino ka man bago ang lahat ng ito, kapag nakiisa ka sa isang wilderness clearing military campaign, magiging isang sundalo na ang pagkakakilanlan mo.
Kailangan mong makinig sa mga utos ng overlord.
Maging ano man ang iyong iniisip, basta kailangan mong maipakita na ginagawa mo nag trabaho mo.
Nagtipon na ang lahat sa labas ng kampo at naghati-hati sa mga grupo base sa kanilang kapangyarihan at lakas .
Sumakay si Marvin sa isang kabayo dahan-dahang dumating mula sa Norte.
Mayroon siyang saber sa kanyang baywang. Ito ang espadang ginamit ng kanyang lolo noong mga panahon kinukuha niya ang teritoryong ito.
Panahon naman niya ngayon.
Ang ganitong uri ng pagtitipon bago ang digmaan ay kadalasang ginagawa para magpataas ng moral at palakasin ang loob ng mga sundalo. Pero ang problema lang ay binubuo ng iba't ibang uri ng tao ang hukbo ni Marvin.
Bukod sa iilang mga tao rito, ang iba ay wala namang katapatan kay Marvin.
Sa tingin ni Marvin, kahit ano pa ang sabihin niya, hindi naman ito magiging epektibo para himukin ang mga ito na lumaban nang matapang.
Kaya naman binunot na lang niya ang kanyang espada at nakipagsanggan ng ispada sa mga sundalong nasa unang helera saka muling bumalik sa kanyang pwesto.
Pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang espada at sumigaw.
"Kagitingan!"
"Kayamanan!"
"Kaunlaran!"
Malakas at malinaw ang kanyang boses, umalingawngaw ito sa tenga ng lahat na para bang kulog.
Ito ay dahil gumamit siya ng isang magic scroll.
Bukod sa mga Wizard, nagulantang ang lahat. Lahat sila ay napatingin kay Marvin saka napunta naman sa dulo ng espada ang mga mata nito.
Natuwa namang tiningnan ni Marvin ang eksenang ito habang pinagmamasdan ang kanyang mga sundalo.
"Mga Warrior."
"Ginalugad ng ilang ulit ng mga ninuno natin ang kasukalan, at patuloy na inagaw mula sa mga halimaw ang mga kalupaan para makabuo ng payapang lugar para mamuhay."
"Ngayon , tayo naman ang susunod sa kagitingan nila, sa paglalakbay natin sa kasukalan."
"Ako si Baron Marvin, at base sa inilabas na wilderness clearing order na inilabas ng Siuth Wizard Alliance, pamumunuan ko kayo para magbukas ng mga bagong lupain!"
"Simula pa lang ng laban natin ngayong araw. PWede tayong makakuha ng kayamanan na higit pa sa imahinasyon niyo."
Hindi tayo maaaring tumigil.
"Bawat halimaw ay papatayin natin. PAglipas ng lima, o sampung taon, ang lugar na ito ay magiging mayaman at maunlad. At gagantimpalaan tayo ng Alliance sa pagbubukas ng mga panibagong teritoryo."
"Mga Noble na titolo, ang pagmamay-ari ng isang territoryo, pera, at kagandahan,… lahat ay magiging abot kamay."
"Ngayon, samahan niyo ko at itaas ang inyong mga sandata!"
Napakalakas na ng boses ni Marvin nang umabot ito sa huling pangungusap
"Klang!"
Isang maingay pero malinaw na ingay at kalansing ng baka ang umalingawngaw!
Binunot ng lahat ang kanilang mga sandata.
Tahimik lang nilang tiningnan si Marvin. Hindi na mahalaga kung ano ang layunin nila noong sumali sila sa digmaang ito. Dahil nasa isang labanan na sila, isa lang ang kanilang layunin, at yon ang talunin ang mga kalaban!
Lalo pa at mga nakakatakot na mga Ogre ang kanilang makakalaban!
Isang maliit na grupo ng mga human ay walang katiyakan kung kakayanin nito ang isang Ogre.
Noong mga oras na iyon, ang pag-iisip ng paglaban ng kaswal lang ay siguradong magdudulot ng kamatayan.
Itinaas ni Marvin nag kanyang espada at hiniwa ito patungo sa mataas na bundok!
"Wooosh!"
Isang tunong nang paghiwa ang maririnig.
"Sugod!"
Nagsimulang magmartsa ang buong hukbon.
…
Sa Ogre Mountain, isang malaki at matigas na anino ang abalang-abala.
Bumubuo ang mga ito ng mga barikada.
Hindi lang basta-basta halimaw ang mga Ogre. Ang ilan sa mga ito ay may matataas na Intellegence at may kakayanang gamitin ang pangkaraniwang lenggwahe.
Nabalitaan rin ng mga ito ang ilang bagay tungkol sa wilderness clearing order.
Kasabay ng babala ng lalaking naka-itim, naghahanda na ang mga ito.
Ang buong tribo ay mayroong apatnapu't limang Ogre, at bawat isa sa kanila ay nasa pinak amalakas na punto ng kanilang buhay.
Lumipat sila mula sa Shrieking Mountain Range para mabuhay at hindi nila kailan man inatake ang White River Valley dahil may isang makapangyarihang pwersa sa Shrieking Mountain Range na pumipigil sa kanila.
Ang pwersang ito ay dahil sa tanikalang ginawa ng God Lance noong unang panahon pa.
Pero ang nakakabulag na kapangyarihang ito ay nawawala sa tuwing susugurin sila ng mga taga-labas.
Sabik na sabik ang lahat ng mga Ogre !
Matagal na nilang gustong bumaba ng bundok para matikman kung anong lasa ng mga tao, pero hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataon noon.
Masyado kasing mapait ang karne ng mga Gnoll kaya naman hindi nila malunok ito.
At ngayon, dahil sa inilabas na wilderness clearing order ni Marvin, ang hukbo nito ang unang susugod sa mga Ogre. Ang ibig sabihin, malaya silang makakalaban pabalik.
Maaari nilang sugurin ang mga teritoryo ng mga tao at tirhan ang kanilang ma kalupaan.
Isa itong bagay na matagal nang inaasam ng mga halimaw ng kumakain ng karne.
Sa katunayan, kung hindi lang dahil sa pagbabawal ng kanilang pinuno, karamihan ng mga Ogre ay bumaba na siguro para sugurin ang mga mahihinang taong ito.
Matagal na nilang pinipigilan ang pagkauhaw nila sa dugo.
Tila hindi maintindihan ng mga ito kun bakit ipinilit pa ng kanilang pinuno na depensahan ang bundok. Hindi ba mas mabuti kung bumaba sila at sugurin nila ang mga ito?
Sigurado naman silang hindi sila kakayanin ng mga taong ito!
Bawat Ogre ay mayroong racial specialyty, ang Innate Divine Strength. Ibig-sabihin, hindi bababa sa 20 na puntos ang kanilang mga Strength.
Nakakatako ang sobrang taas nito
Mayroon din silang kakayahang pagalingin ang sarili nang mabilis pati na ang kanilang mataas na Constitution. Bukod sa mas mababang Dexterity ng mga ito, halos perpektong mandirigma na ang mga Ogre.
Paano naman ang mga tao?
Ang mga tao ay isang uri lang ng pagkain, na masarap, para sa mga ng Ogre.
Pero higit pa sa lahat ng bagay ang kautusan ng kanilang pinuno. ALam nila kung gaano kalakas ito kaya hindi sila mangangahas na kalabanin ito.
At dahil sinabi ng pinuno nila na depensahan nila ang kanilang posisyon, gagawin at gagawin nila ito.
Gayunpaman, ipinangko pa rin ng kanilang pinuno na darating ang araw na pamumunuan niya ang mga ito para bumaba sa bundok para sugurin ang mga ito at kainin sila.
…
Tatlong kilometro, sa kanlurang bahagi ng Ogre Mountain.
Sinenyasan ni Marvin ang hukbo na tumigil.
Nakikita na ng magkabilang panig ang isa't isa mula sa distangsyang ito.
Isa pa, mayroong ilang minuto bago makasugod ang isang Ogre sa isang grupo ng mga tao. Kaya naman kailangan talagang magkaroong ng malaki-laking pagitan ang mga ito.
Pero makikita na ang mga barikada mula sa baba hanggang sa kalagitnaan ng bundok.
Bihihira ang ganito sa mga Ogre.
Sumimangot si Marvin.
Kung sapilitan silang aatke, baka maging masama ang kalalabasan ng laban. Nasa mas mataas na lupain ang mga Ogre at mukhang marami silang hawak na bato. Sa lakas ng mga braso nito ay umaabot sa kalahating kilometro ang lay ong mga binabato nito.
Kung susubukan naman nilang akyatin ang bundok, baka maturog pa ang mga ito bago pa man maka-atake sa mga Ogre!
'Masaya ito…'
Napansin niya ang takot sa mga mukha ng mga tao sa kanyang likuran. Pangkaraniwang lang ang mga katawan nito at siguradong mamatay ang mga ito kapag nadaganan sila ng bato.
'May paraan naman siguro para bumaba ang mga halimaw na ito.'
Iwinasiwas ni Marvin nag kanyag espada at ibinigay an kauna-unahang utos.
Hind naglaon, ang anim na catapualt, na nasa ilalim ng pangangalaga ng mga River Shire City Guard ay unti-unting umabante.
Nagsitabi naman ang iba pang grupo at lumayo dito habang unti-unting pinalilibutan ang burol.
Dahil ayaw bumaba ng mga Ogre, hindi na muna nila kailangan alalahanin ang pagatake ng mga ito sa ngayon.
Simple lang ang istratehiya ni Marvin. Kailangan nilang mapababa ang mga Ogre ano man ang mangyari.
Ang pagpilit sa kanila na lumaban sa isang patag na lugar ay ang susi sa kanilang tagumpay.
At ang anim na trebuchet ni Madeline ang sagot sa problemang ito
Ang mga pangkaraniwang trebuchet ay nasa ¼ kilometro hanggang 1/3 kilometro ang naaabot.
Pero mukhang hindi lang pangkaraniwan ang mga trebuchet ni Madeline.
Enchanted ang mga ito kaya namn nadoble ang distansyang kayang abutin ng mga ito.
Bawat trebuchet ay mayroong 4 na sundalong nagmamani-obra dito, at ang isa sa mga ito ay ang magsisilbing komander.
Ang gurpo ng logistic ang namamahala sa pagdadala ng mga kariton na mayroong bato. Balit ng pince resin at langis ang mga batong ito.
Kahit na ang pag-atakeng ito ay subok lang, gusto pa ring mapalabas ni Marvin ang lahat ng tinatagong alas ng mga ito.
Sa ilalim ng proteksyon ng lahat, isang hukbo ang dumating na nasa 800 metro ang layo mula sa paanan ng Ogre Mountain.
Anim na trebuchet na nasa iisang lugar na magkakalayo, kasabay nito, kabadong inasinta ng mga sundalo ang Ogre Monster.
Makikitang hindi na mapakali ang mga Ofge na nasa bundok.
Ang ilan sa mga Ogre ay nagsimulang magbato ng mga bago mula sa kanilang kinalalagyan.
Malayo ang pagkakabato ng mga ito, pero may kaunting distansya pa rin ito mula sa grupo ng mga tao.
Sa utos ni Marvin, naghanda na ang lahat. Nang sumugod na ang mga Ogre dahil sa galit, lumaban ang army base sa binuong istratehiya ni Marvin.
Tanging sa paraang ito lang may posibilidad na mapababa ang bilang ng mamatay sa laban para makuha ang bundok.
"Lord Marvinm tapos na pong maghanda ang mga trebuchet!" sigaw ng isa sa mga komader.
Itinuro ng espada ni Marvin ang mga barikada na binuo ng mga Ogre at ibinigay na nito ang hudyat, "Ngayon na!"
Pagkatapos nto ay umalingawngaw ang tunog ng mga tumatalbog na bato dahil sa mga durog na batong itinira mula sa pangkat ng mga tao. Malayo ang nilipad ng bawat isang bato dahil sa enchantment.
At dahil balot ang mga batong ito ng langis at pine resin, kusang nag-apoy ang mga ito sa ere dahil sa pagkikiskisan ng mga ito!
"Grambol!"
Nagkalat ang mga bato kasabay nang pagtama ng mga ito sa barikada ng mga Ogre. Sa loob lang ng maikling panahon, nagsimula na ang kaguluhan sa bundok.
"Ipagpatuloy niyo lang!" Paninindigang sabi ni Marvin.
Hindi nagtagal, isa na namang tumpok ng mga bato ang nakahanda na.
Kinakabahan ang lahat habang pinapanuod ang mga pangyayari.
Matapos ang tatlong pag-atake, nilamon na ng apoy ang bahaging iyon ng bundok, at galit na galit naman ang mga Ogre.
Kahit na hindi sila naapektuhan ng mga apoy, ikinagalit pa rin nila ito.
Isa-isang umatungal ang mga ito, gustong-gusto na nilang sumugod pababa at naglabasan na ang mga pangil ng mga ito.
Pero ang ikinagulat ni Marvin ay hindi pa rin sumusugod pababa ang grupo ng mga Ogre na ito!
'Sino ba talagang pinuno nila?'
Sinubukan maghanap ni Marvin ng mga palatandaan, pero dahil magkakamukha lang ang mga Ogre para sa kanya, hindi niya malaman kung sino ang nagbibigay ng mga utos.
"Lord? Ipagpapatuloy pa ba naming?" Tanong ng isa sa mga komander ng trebuchet
hindi pa ito sinasagot ni Marvin nang biglang lumitaw ang isang Ogre na ang balat ay light-black!
Umatungal ito at direktang tumalon pababa ng bundok!
"Bang!"
Matapos ang malakas na ingay na ito, isang trebuchet ang nagkadurog-durog.
Habang ligtas naman ang mga Ogre.
Natakot ang lahat.
Kumibot-kibot naman ang dulo ng labi ni Marvin….[Iron Ogre]?
Isang Legend Ogre?!