Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 203 - Ice Empress

Chapter 203 - Ice Empress

Crimson Cross!

Isa itong tradisyon sa Norte noong unang panahon. Kaunting noble lang sa katimugan ang gumagawa nito dahil itinuturing itong masyadong madugo, marahas, at hindi sibilisado ng South Wizard Alliance.

Pero sa panlabas lang.

Alam ni Marvin na ang White River Valley ay kasalukuyang nasa sentro ng kaguluhan.

Kung ihahambing ang White River Valley sa isang Bangka, masasabing sumasalubong ito ngayon sa isang malakas na bagyo.

Kung malalampasan man nila ito o lulubog sila ay nakadepende sa gagawin nilang ito.

Alam niyang magmula nang nailabas ang wilderness clearing order, nakilala na ang maliit na lugar ng White River Valley.

Idagdag pa ang ipinamalas ni Marvin, mabilis siyang lumalakas.

Sa buong East Coast, at kahit sa ilang lugar sa katimugan, si Baron Marvin na ang laman ng mga usap-usapan.

Hindi na mabilang ang mga kwento patungkol kay Marvin.

Pero hindi lang puro kabutihan ang dala ng pagiging kilala.

Ang mabilis na pag-angat ng White River Valley ay nagdulot ng inggit sa maraming tao.

Ang tanong bagay lang ikinatuwa ni Marvin at nasa liblib na lugar ang White River Valley. Hindi ito katulad ng mga nasa loob at nasa hangganan ng mga teritoryo ng South Wizard Alliance.

Ang River Shore City lang ni Madeline ang pinakamalapit sa White River Valley, pati na ang Jewel Bay na hindi pagmamay-ari ng sino mang noble.

Iyon ay ang headquarters ng South Wizard Alliance sa silangan, kaya direktang pagmamay-ari ito ng konseho.

At iba naman ang Three Ring Towers. Kahit na sa pangalan, bahagi ang mga tower na ito ng Alliance, sa katunayan, iba ang pagkakahati-hati nito.

Ito ang kagandahan ng mga liblib na lugar.

Hindi siya mapipigilan o mapapakielaman ang kanilang pag-unlad ng mga nakapalibot na makapangyarihang mga nilalang.

Pero kahit ganito, ang atensyon at ekspektasyon natatanggap ng White River Valley ay masyadong mataas.

Lalo pa't hindi pa naman gaanong malakas ang teritoryong ito. Hindi pa handa ang mga naninirahan dito, ang mga gwardya, at kahit mismong si Marvin para dito.

Hindi kakayanin ng White River Valley mag-isa ang ganitong ekspektasyon.

Mabuti na lang at maraming kaibigan si Marvin, at matapos niyang maranasan ang lahat ng uri ng paglalakbay, mayroon na siyang suporta mula sa iba't ibang panig.

Pero sa bandang huli, umaasa pa rin siya sa lakas ng ibang tao. Ngayon lang siya napanatag dahil sa pagkakakuha niya ng mga Dark Knight.

Dahil darating ang panahon na hindi mo na maaasahan ang ibang tao.

Tanging sarili mo na lang ang maiiwan.

Binasa naman siguro nila ng mabuti mga patakaran para sa wilderness clearing order na inilabas ni Marvin.

Pero pinili pa rin nilang gawin ito.

Ibig-sabihin, marami lang talagang tao ang may masamang balak kay Marvin at sa White River Valley.

Ang mga taong ito ay binayaran ng kanyang mga kaaway para gambalain ang White River Valley.

At hindi makakapayag si Marvin sa kahit anong kapalpakan sa gitna ng kampanyang ito.

Kaya naman dinaan na niya ito sa dahas.

Kailangan na ng matinding soluyon ang mga malalaking problema.

Kahit na makilala siya bilang isang malupit na tao, hindi nag-alinlangan si Marvin!

Kaya naman, kahit ano pang sabihin ni Gru para kumbinsihin ito, ginawa pa rin ni Marvin ang Crimson Cross!

Isang kilometro mula sa Spider Crypt, ang mga adventurer na dumagsa mula sa Jewel Bay, ang kurs na ito ang una nilang makikita!

Nasa lima hanggang anim na metro ang taas nito, at ang ulo ng mga mapanggulong adventurer at nakasabit sa itaas habang patong-patong namang nakatambak sa paanan ng krus ang mga walang ulong katawan ng mga ito.

Isang plaka ang nakatayo sa gilid nito, nakasulat rito ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito. – Hindi sinunod ang mga batas ng teritoryo, nanghimasok sa bukid at nanira. –

Kahit ano pang bansa ito, masyadong marahas ang parusang ito.

Pero para sa White River Valley, ang pamamaraan ni Marvin ay ang pinakamagandang paraan para mapagtibay ang kanyang katayuan bilang Overlord.

Inatasan niya si Gru at dalawa pang magaling na sundalo na protektahan ang lugar na ito. Sila ang mamamahala sa pagrerehistro at pagpapaalam sa mga adventurer na gustong pumasok ng White River Valley.

Bawat adventurer ay makakatanggap ng plakang may numero. At ang mga adventurer na makitang walang plaka ay palalayasin ng mga gwardya.

At kung manlaban ang mga ito, papatayin sila!

Malinaw naman na hindi ito kayang gawin ng mga gwardya.

Kaya ang gagawa nito ay ang mga Dark Knight na nasa likuran nila.

[Eigtheen] ang tawag nila dito.

Siya ang magtatanggol sa lugar na ito at magiging tagapagbantay ng mga gwardyang ito.

Tunay ngang walang sariling pangalan ang mga Dark Knight.

Binigyan na lang ni Marvin ang mga ito ng numero. Ang pinuno ay si [Zero], at tuloy-tuloy ito hanggang sa [Eighteen].

Wala namang angal ang mga Dark Knight dito at mas mapapadali ang pag-uutos ni Marvin sa mga ito.

Pagkatapos maitayo ng Crimson Cross, nagdulot ito ng usap-usapan sa buong teritoryo.

Ang mga adventurer na lilipat pa lang mula sa baybayin ng ilog ay natatakot na. Marami ang palihim na nagpakalat ng balita tungkol sa karahasan ni Marvin.

Mas marami naman ang mga taong palihim na nag-empake at umalis ng White River Valley.

At di nagtagal umabot na rin ang balita sa pansamantala nilang kampo.

Wala naman gaanong reaksyon ang mga adventurer na nandito.

Lalo pa at ang mga adventurer na naroon sa kampo ay direktang kinuha ni Marvin dahil mga 2nd rank expert ang mga ito. Ang iba ay lumabas mula sa military at alam nila kung ano ang dapat gawin sa panahon ng digmaan.

At isa pa, umaasa rin silang walang mangyayaring away sa pagitan ng mga adventurer sa loob ng kampo sa panahon ng digmaang ito.

Lalo pa't mga nakakatakot na Ogre ang kanilang kalaban!

Kilala ang race na iyon sa pagiging mabalasik sa labanan.

Kaya naman mas napanatag pa ang mga ito dahil sa ginawa ni Marvin.

At maayos naman ang pag-usad ng paghahanda para sa digmaan sa ilalim ng pamumuno ni Marvin.

Maraming mga adventurer ang lumipat na sa mga pansamantalang kampo.

Ang iba ay bumuo ng sariling kampo, ang iba naman ay sumapi sa isang kampo at tumulong sap ag-buo nito. Abalang-abala ang lahat.

Ang grupo ng logistics ay abalang-abala rin, walang patid ang pagdadala nila ng pagkain at tubig.

Maayos ang nagiging daloy ng lahat dahil kay Anna.

Kinagabihan, sa isang silid.

"Pasensya na at pinaghintay ko kayong dalawa."

"Kinailangan ko lang asikasuhin ang ilang bagay."

Umupo si Marvin sa upuan at humingi ng tawad kina Oren at Daniela na masama pa rin ang timpla.

"Wala 'yon," mabilis na sagot ni Oren.

Tila mas mataas ang katayuan ng Head Knight na ito sa kanilang grupo, kumpara sa Young Miss Danila.

Naupo rin ang dalawa.

"Naikwento naman siguro sa inyo ni Anna kung ano ang mga nangyari sa teritoryo noong mga nakaraan?"

Tiningnan ni Marvin ang dalawa at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Sinabi rin ng babaeng 'yon na siya ang mapapangasawa ko."

Suminghal si Daniela, "Miyembro 'yon ng Twin Snakes Cult. Inatake nila kami noong patungo kaming katimugan. At mukhang may kapit rin ang mga ito sa ilang overlord sa ilang mga terirotyo. Kaya wala kaming nagawa kundi ibahin ang ruta naming."

"Kaya ngayon lang kami nakarating dito sa White River Valley."

"Mayroon palang nagtangkang magpanggap bilang ako. Hintayin niya lang na makita ko siya, papatayin ko siya!"

Natahimik si Marvin.

Sa tingin ba ng kanyang pinsan ay ganoon lang kadali ang lahat ng ito?

Hindi niya maiwasan katukin ang lamesa gamit ang kanyang daliri. "Masyadong malakas si Bamboo.. Kahit na hindi siya Legend, may lakas pa rin siya ng isg Half-Legend. At mayroon rin siyang Divine Power ng Azre Matriarch. Hindi siya mapapatay ng isang pangkaraniwang tao."

"Pero hindi naman na siya problema, dahil patay na siya."

Hindi niya inasahang biglang ngingiti si Daniela na tila ba nag-aasar. "Talaga lang?"

Pinagdikit niya ang kanyang mga palad at may nyebeng bumagsak at naging isang salamin na gawa sa yelo.

Kagulat-gulat na mayroong isang batis na pinapakita ang salamin.

Makikita rin ang isang kweba sa likuran.

"Ito ay?" Nagulat si Marvin.

Kaya palang gumamit ng magic ang Daniela na ito? Nang gumamit siya ng Inspect hindi niya nakita ang battle class nito!

'Wag mong sabihing mas malakas pa siya kesa sa akin?"

'Hindi naman, diba?'

Kinilabutan si Marvin at muling tiningnan ang kanyang pinsan.

Pero napunta bigla ang kanyang atensyon sa salamin. Isang babaeng maganda ang hubog ng katawan ang umahon mula sa batis.

Nakaharang ang buhok nito sa kanyang mukha, naka buka ang kanyang mga kamay, at makikita ang makinis at maputi nitong katawan.

Napasimangot si Marvin matapos ang isang tingin. "Imposible!"

Nang biglang tumingala ang babae na tila ba may naramdaman!

"Bang!" Nabasag ang salamin.

"Bwisit na babae 'yan, nagpanggap siyang ako tapos hindi man lang niya ako hayaang sumilip!" Naiinis na sabi ni Daniela.

Walang nasabi si Marvin.

Pero hindi pa rin nawawala ang pagkabigla niya, dahil ang babaeng nasa salamin ay si Bamboo nga!

'Hindi ba siya namatay?'

"Nasurpresa ka ba?" Panunuyang sabi ni Daniela, "Ang Chosen ng Azure Matriach ay hindi madaling patayin."

"Kapareho siya ng kanyang master. Pwede silang isilang ulit. Kailangan mo siyang patayin ng hindi bababa sa tatlong beses para masiguradong patay na siya!"

Tatlong beses?

Mas lalong sumimangot si Marvin.

Hindi pa patay si Bamboo. Hindi niya inaasahan ang balitang ito.

Kahit na nakabantay si Constantine sa White River Valley, sa lakas ni Bamboo, pwede itong magdulot ng malaking pinsala.

Lalo na kapag nagsimula na ang kampanya nila, walang makapagsasabi kung ano ang maari niyang gawin!

"Nag-aalala k aba dahil sa kanya?"

Nakangiting tiningnan ni Daniela si Marvin, "Mahal kong pinsan, kahit na hindi ko gusto, mas ayaw ko na nagpanggap ang babaeng iyon bilang ako."

"Kaya gaya ng sinabi ko, kapag nakita ko siya, papatayin ko siya!"

Tumango si Oren. "At dahil sinabi na ito ng Young Miss, siguradong tutuparin niya ang kanyang Pangako. Lord Marvin, kahit na ang Young Miss naming ay bastos paminsan-minsan, matigas ang ulo at hindi mapakiusapan, may magandang katangian naman siya, at 'yon ay tinutupad niya ang kanyang mga pangako."

"Knight Oren!" Galit na sinabi ni Daniela dahil nahihiya ito, "Sinong bastos, matigas ang ulo, at hindi mapakiusapan?"

"Young Miss, binilin sa akin ni Master bago tayo umalis, na dapat kong sabihin kau Lord Marvin ang lahat ng tungkol sayo." Seryosong sabi ni Oren.

"Gagana lang ito kapag nalaman niya ang lahat ng tungkol sayo at kusang loob ka niyang pinakasalan. Kung hindi, hindi natin siya pwedeng pilitin na pakasalan ka. Hindi namimilit ng pagpapakasal ang Cridland clan."

Sumabog sag alit si Daniela! "Oren! Ayokong marinig ang boses mo nang isang oras!"

Magsasalita pa lang dapat si Oren nang biglang buksan ni Daniela ang kanyang kamay at isang nakakatakot na malamig na hangin ang lumabas mula rito. Naging yelo ang kaawa-awang si Oren.

Natuliro si Marvin.

Ang ganitong lakas…. Hindi naman siya Legend, hindi ba?

Tila natutuwa si Daniela sa reaksyon ni Marvin, at aroganteng tiningnan si Marvin. "Ice Shaping magic, ayos ba?"

"Kaunting hintay na lang at magiging Legend na ako. Ang Ice Shaping magic ay magiging [Ice Angel Shaping], at kapag nangyari 'yon, pwede ko nang gawing tag-lamig sa buong kontinente!"

Nang marinig ni Marvin ang mga sinabi ni Daniela, isang sikat na pangalan mula kanyang nakalipas na henerasyon ang naalala niya.

"Ice Empress?"

"Ice Empress?" Tila ngayon lang narinig ni Daniela ang pangalang ito.

"Gusto ko ang pangalang 'to. Hmmm, Nakapagdesisyon na ako, ito na ang magiging pangalan ko sa hinaharap!"