Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 197 - Resting Warriors

Chapter 197 - Resting Warriors

Tuloy-tuloy lang na umikot ang maliwanag na ilaw sa silid at bumubuo ng isang maliit na vortex

Mainit ang ilaw na nagmumula sa vortex

May narinig silang mahinang boses na umaawit mula rito.

Habang patuloy ang pag-ikot nito, palaki nang palaki ang mata ng vortex. Nagulat ang lahat dahil biglang may lumitaw na makinang na kalangitang napakaraming bituin sa loob nito

Kitang-kita nila ang kalangitan mula sa palasyo.

Ang konstelasyon ng Swimming Fish.

Binubuo ito ng 247 na bituin.

Ang nilalang na sa mga kwento lang nabubuhay ay biglang nagpakita sa kanilang harapan.

Umiikot-ikot lang ang vortex, at di nagtagal isang maliit na ilaw ang dahan-dahang bumaba mula rito at pumasok sa noo ni Marvin.

"Anong nangyari?"

Tiningnan ng lahat si Marvin, nag-aalala sila sa ano mang pagbabago na mangyayari sa katawan nito.

Pero nagkibit-balikat lang si Marvin at sinabing, "Wala naman akong napansin."

Napabuntong-hininga na lang si Marvin. "Maswerte ka talagang bata… Sampung taon na ang nakakalipas mula noong huling beses akong nakakita na natupad ang kahilingan nila."

Pinagmasdang mabuti lang ng matandang blacksmith si Marvin at nanatiling tahimik.

Litong-lito rin si Marvin.

Alam niya ang tungkol sa mga paghiling sa mga konstelasyon.

Sa laro, ang bawat manlalaro ay makakatanggap ng three day blessing sa araw ng kaarawan nila kapag humiling sila sa konstelasyon nila.

Ang blessing ito ay pwedeng maging pagtaas ng ilang puntos sa mga attribute ito, pagtaas ng kanilang Attack Power, o di kaya ay madodoble ang kanilang experience.

Pero hindi ganito ang lahat ng taong naninirahan sa Feinan. Sa halip, kakaunti lang ang nakakakuha ng tugon mula sa kanilang konstelasyon.

Naisip ni Marvin na dahil nag-transmigrate siya sa katawan ng isang local, hindi na siya sasagutin ng Swimming Fish.

Hindi niya inaasahang mangyayari ito.

Pero ang natanggap niya sa pagkakataong ito ay ibang-iba mula sa nasa laro.

Walang nagbago sa mga log ni Marvin matapos pumasok ng liwanag sa kanya.

May isa pang linya sa baba ng kanyang character window, [Swimming Fish Blessing (inactive)].

Hindi niya alam kung paano i-activate.

Pero napansin niya ay napunta ang blessing na ito sa lugar kung nasaan dati ang [Luck +1] blessing ng Fortune Fairy.

'Hindi kaya kailangan rin ng espesyal na mga kondisyon ito para magamit ito tulad dati?'

Ito ang naisip ni Marvin.

Gayunpaman, magandang bagay pa rin na natanggap niya ang blessing ng Swimming Fish.

Nagdiwang silang lahat at kinantahan si Marvin ng "Maligayang bati," at iyon na nga ang unang beses na ipinagdiwang ni Marvin nag kanyang kaarawan sa Feinan.

Wala itong ginawa hanggang hatinggabi kundi ang makipag-usap sa kanyang mga kaibigan at panandaliang nagpahinga.

Naupo siya saglit sa sofa at nagpahinga.

Tunay na pagod na siya sa pagkakataong ito.

Sa pansamantalang kampo sa baybayin, isang babaeng nakasuot ng bestida ang yakap-yakap ang kanyang tuhod, naka-upo siya sa isang mataas na bato at nakatingin pa-kanluran.

noong mga oras na iyon, nakita niya ang maliwanag na ilaw mula sa Swimming Fish na konstelasyon na bumaba sa isang lugar sa di kalayuan.

'Swimming Fish.'

'Ngayon pala ang kaarawan mo,' Tahimik na inisip ni Lola.

Pagkatapos ng araw na ito, ang Sea King na ang magiging sentro ng kalangitan.

Isang tao ang tahimik na lumapit at umupo sa tabi niya.

"Bihira lang kitang makitang tahimik ah." Tinitingnan din ng Elven Prince ang liwanag sa malayo.

Bilang isang Legend, mas mataas ang kanyang perception kumpara sa pangkaraniwang tao.

"Ngayon lang uli nagbigay ng blessing ang Swimming Fish na konstelasyon sa loob ng tatlong taon. Espesyal na tao talaga si Marvin," sabi nito.

.

Tumango si Lola, tila malungkot ito.

"Malungkot ka ba dahil hindi mo siya mababati ng personal?"

Biglang sinimulang kausapin ni Ivan si Lola, isang bagay na bibihira niyang gawin.

Nandidiri sa mga babae ang Elven Prince, kaya talagang nakakagulat ang inaasal niya ngayon kay Lola.

Kahit na madaldal ito, siya ang tipo ng babaeng mahirap kagalitan.

"Sa totoo lang, hindi totoo ang mga sinabi ko sa mga sailor na 'yon. Niloloko ko lang sila."

Lumingon si Lola, tila hindi ito komportable sa kanilang pinag-uusapan. "Hindi naman talaga ako ang namamahala sa mga kalakaran ng White River Valley. Isa lang naman akong manggagantso, 'yon lang ako."

"Baka nga wala lang rin akong bilang sa mga mata ni Lord Marvin."

"Nagtiwala lang naman siya sa akin dahil naniniwala siyang lahat ay dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon."

"Lagi na lang akong pumapalya. Pati sa pagdadala ng pagkain pumalya pa ako. Wala talaga akong kwenta."

Saglit na natahimik si Ivan.

Malumanay naman nitong tinapik sa balikat si Lola. "Nagkakamali ka."

"May mga bagay lang talaga na hindi mo kayang gawin, hindi dahil wala kang kwenta, pero dahil hindi naman kasi nakadepende sa ibang tao o sitwasyon ang tunay na halaga ng tao.

"Isa pa, hindi lang naman 'yon ang dahilan kung bakit ka pinagkatiwalaan ni Marvin. Naniniwala akong may malaking rason. At 'yon ay naniniwala siyang mabuti kang tao."

"Magula ang mundong ito, at hindi kayang protektahan ng isang tao ang lahat. Kaya naman natutong magsinungaling ang mga mahihinang tao para lang mabuhay."

"Kailangan mong magsinungaling para manatiling buhay, hindi ba?"

Bago pa manatapos ni Ivan ang kanyang sinasabi, biglang may tumulong luha mula sa mga mata ni Lola.

"Tama. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gustong maging manloloko…"

"Bata pa lang ako, namatay na ang tatay ko…"

"Tapos noong naghihingalo na ang nanay ko, pinagpangako niya ako na ipagpapatuloy ko ang buhay. Pero ano bang magagawa ko? Isa lang naman akong probinsyanang walang ibang kayang gawin…'yung kababata ko, mas matanda siya sa akin, ibinenta niya ako sa bahay aliwan. Ginawa ko ang lahat para makatakas ako."

"Pagkatapos noon, hindi na ako nagtiwala sa kahit na sino. Natuto na rin akong manloko ng tao. At 'yon lang ang dahilan kung bat buhay pa ako hanggang ngayon."

"Hindi naman ako tulad mo o ni Lord Marvin, na mahusay sa pakikipaglaban. Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko…"

"Sabi mo, mas mahirap mabuhay sa mundo para sa mga katulad namin. Kung ganoon, ano pa ang saysay ng buhay?" Tanong ni Lola habang humihikbi dahil sa pag-iyak.

Umiling lang ang Elven Prince, "Sa mundong ito, bawat buhay ay may kahulugan basta nabubuhay ka."

"Ito ang sinabi sa akin ng ama ko noong bata pa ako. Siya ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo."

"Kaya dapat lang na maniwala ka sa sinasabi niya."

Tumango si Lola, bahagyang nalilito, at puno pa rin ng luha ang mga mata.

Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng "Ama ni Ivan."

Pero mas napanatag na ang kanyang loob dahil sa sinabi nito.

"Salamat, Sir Ivan."

"Pero… Bakit bigla mo akong kinausap?" maingat na tanong nito.

"Hndi ba ayaw mo sa babae?"

May kabaitan at pagkatuwang nakita si Ivan sa mga mata ni Lola.

Humagikgik ito kasabay ng paglitaw ng kalungkutan sa mga mata nito. "Kasi minsan nababagot rin ako. Iniisip ko rin kung bat ako nabubuhay."

"Pero malakas ka, at mabait sayo ang ama mo." Seryosong sabi ni Lola.

Saglit na natahimik si Ivan bago tuluyang sinabing, "Magmula noong naging sampung taong gulang ako, hindi na niya ako kinilala."

Tiningnan ni Lola ang tulirong si Ivan at tinapik ang balikat nito.

"Wag ka nang malungkot, gwapo ka naman eh."

"Alam mob a ang kwento ng Swimming Fish na konstelasyon? Kung hindi moa lam pwede kong ikwento sayo."

"Sabi daw nila, dati, walang mga kontelasyon sa mundong ito. Noong dumating si God Lance, tsaka lang nagkaroon nito. Kadalasan, ang Swimming Fish …."

Malakas ang ihip ng hangin, kasabay nito ang pagkalat ng boses ng babae.

Mas lumalim na ang gabi at nagpasiklab ng huling liwanag ang Swimming Fish bago siya palitan ng Sea King.

Malapit nang matapos ang tag-init.

Hating-gabi. Nakahiga si Marvin sa kanyang kama, dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata.

Ang pakiramdam na ito… Mahimbing ang pagtulog niya.

Tila napagod talaga siya sa pagkakataon na ito. Hindi man lang niya naramdaman na binuhat siya mula sa sofa patungo sa kanyang kwarto.

Hinilot ni Marvin ang kanyang mga sintido at sinusubukang gisingin ang sarili.

Nagbihis siya at umalis ng kwarto, at nagtungo siya sa matandang blacksmith.

At syempre nasa pandayan ito.

Gabing-gabi na pero may ginagawa pa rin ito, maririnig ang nakakulong na "Klang!", "Klang!" mula sa loob ng pandayan, kaya naman hindi ito nakaka-abala sa mga natutulog.

"Nandito ka na?" Tila alam nitong darating si Marvin.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito?" Ngumiti si Marvin.

"Syempre. Sa dami nila, mukha namang kakayanin na ng maiingay na adventurer na iyon na dispatyahin ang tribo ng mga Ogre na 'yon.

"Pero sa tunay na laban, nakakapagduda pa rin ang lakas ng loob nila at ang pagkakaisa nila. Baka bigla silang umatras kapag may mga namatay."

"Gayunpaman, hindi mo maipapanalo ang digmaang ito kung aasa ka lang sa Silver Church at sa iba pang pwersa, hindi ba?"

Sumimangot ang matandang blacksmith. "Kahit naman hindi ka ngayong gabi pumunta, pwede naman sanang bukas ka na pumunta. Dapat nagpahinga ka ng isang araw."

"Nakapagpahinga na ako."

Huminga nang malalim si Marvin "Tulungan mo kong buksan ang [Eternal Night Kingdom]."

"Kailangan ko ang tulong nila."

Tumango si Sean. "Matagal-tagal na rin silang namamahinga."

"Masyado nang marami ang nagbago sa mundong ito mula nang magpahinga sila. Marami akong nabalitaan sa mga kaibigan ko, kasama na si Lady Hathaway."

"Magkakaroon ng mga nakakagulat na pagbabago sa mundo."

"Gisingin mo na sila kung kakayanin mo."

"Sila ang mga tunay na mandirigma."

Kinaumagahan, isang grupo ng magagarang karwahe ang tumigil sa hangganan ng White River Valley.

Binubuo ito ng tatlong karwahe, higit sa dalawampung high level knight, at mas maraming mga squire.

Mayroong silang bandilang pang-militar na may buwan na nakaguhit.

Hindi nagtagal ay may isang mensaherong naglakad patungong White River Valley.

Wala si Marvin sa loob ng palasyo nong mga oras na iyon.

Si Anna at si Wayne ang namamahala sa lahat ng bagay.

Pero nang salubungin nila ang mesahero narinig ng ilang tao ang sinab nito, hindi mapigilang magsalita ng sabay ang dalawa dahil sa gulat.

"Isa na namang mapapangasawa?!"

Related Books

Popular novel hashtag