Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 184 - Beauty and the Beast

Chapter 184 - Beauty and the Beast

Shapeshift Sorcerer, Beast-shape!

Umalingawngaw ang pag-atungal ng Asuran Bear sa buong White River Valley, habang mabangis na tumatakbo ito sa dalamapasigan.

Kahit na hindi gaanong nakakuha ng maraming skill si Marvin matapos ang kanyang paglevel up sa kanyang Shapeshift Sorcerer, lumakas naman kahit paano ang kanyang Asuran Bear.

At ang pinakamahalaga rito ay natuklasan niyang may ilang skill na siyang maaaring gamitin habang sya ay nasa Beast-shape!

Halimabawa na lang rito ang Burst!

"Asuran Bear?"

"Hayop lang yan!"

Lumulutang si Bamboo sa taao ng White River, at galit na tinitingnan si Marvin.

'Tutal ay hindi ko na kailangan magpanggap, wala nang dahilan pa para itago ang lakas ko. Wawasakin ko ang baying ito sa isang iglap saka ko gagamitan ng Mind Control ang Marvin na ito.'

Sayang lang at hindi siya ganoon kagaling umarte at hindi niya alam kung ano ang napansin ng probinsyanong si Marvin para malaman kung sino siya.

Kung hindi, maaari sana niyang gamitin si Marvin bilang pain para malaman kung nasaan ang iba pang mga Legend.

Ngayon, kung papatayin niya si Marvin at wawasakin ang White River Valley, siguradong ikagugulat ito ng mga Legend, at kung makapghanda ang mga ito, siguradong magiging mas mahirap ang paghihiganti.

Habang pumapasok ang mga bagay na ito sa isipni Bamboo, lalong mas nagalit ito kay Marvin.

"Mamatay ka na!"

Itinaas niya ang kanyang kamay para mag-cast ng Divine Spell.

Pero hindi niya inakalang biglang bibilis ang noo'y Asuran Bear na malayo pa. Nayanig ang buong dalampasigan habang walang habas itong pumapadyak papalapit kay Bamboo!

[Burst]!

Nakakatakot ang paggamit ng Burst habang anyong Asuran Bear si Marvin.

Tila isang kanyong lumilipad ang Asuran, at dadambahin si Bamboo.

Nagulat naman si Bamboo, dahil masyadong mabilis ang pangyayari at hindi pa handa ang kanyang Divine Spell.

Wala nang oras para tumakas, huli na ang lahat.

Nakagamit na siya ng malakas na Divine Spell para makalabas ng kabaong. Kasalukuyan naman siyang gumagamit ng Float at hindi Flight!

Sadyang hindi siya makaka-iwas!

Dinambahan ng ASuran Bear si Bamboo. Isang tao at isang oso ang lumipad patungo sa kabilang dako ng White River!

"Bang!"

Mahigpit na inilapit ni Marvin si Bamboo sa kanyang katawan, at ang malakas na katawan na ito ay patuloy na iniipit ang malambot na katawan ng Cleric na ito!

"Krash!"

Nagkalat ang abo at alikabok sa paligid.

Isang nakakatakot na marka ang naiwan sa dalampasigang ng White River.

"Hmm?"

Sumama ang kutob ni Marvin.

May lumalaban sa kanyang malaking kamay, at dahan-dahan itong inaangat.

Si Bamboo!

Buhay pa siya!

Nagulat si Marvin.

Pinigilan na niya ang Divine Spell nito, kaya paanong…

Isang maliwanag na ilaw ang lumabas mula sa kamay ng Asuran. May makikitang dugong tumutulo sa dulo ng labi ni Bamboo habang mabangis nitong tinititigan si Marvin.

"Na…Nagawa mo ang lahat ng ito sa akin…. Putangina!"

Nakabuka ang kanyang mga kamay at isang kulay berdeng ilaw ang bumuo ng isang Barikada sa paligid niya.

Kung hindi dahil sa Barrier na ito, marahil ay namatay na siya dahil sa pagdamba ni Marvin sa kanya!

Sa kabila nito, napinsala pa rin ang mga laman-loob niya dahil sa atake ni Marvin.

Ito ang pinakadalisay na uri ng Divine Power!!!

'Pucha… Hindi patas 'to…' Nalaman ni Marvin na kahit na gumamit na siya ng pambihirang lakas, hindi pa rin niya nahigitan ang kanyang kalaban!

Sadyang napakalaki ng ibinigay na Divine Power ng Azure Matriarch kay Bamboo. Malayong-malayo talaga ito mula sa kung ano lang ang mayroon ang isang pangkaraniwang Cleric.

Ito ang kapangyarihan ng Chosen o ng mga Holy Spirit!

Ibang-iba rin ito mula sa Crimson Patriarch. Dahil di hamak na mas malakas ang Azure Matriarch. Ang Crimson Patriarch ay isang Half-God, habang ang Azure Matriarch ay napili na para maging isang True God!

Minana na nito ang Divine Power ng World Ending Twin Snakes, at kwalipikado na para pumili ng isang Chosen.

Dahan-dahang itinaas ni Bamboo ang kamay ni Marvin!

"Maganda ang balat ng oso na ito, magiging maingat ako sa pagtanggal nito." Maririnig ang boses ni Bamboo mula sa ibaba.

Tumingala si Marvin at umatungal, at biglang itinaas ang kanyang mga kamay. Pagkatapos nito ay isa na namang kamay nito ang humampas paibaba!

Sa pagkakataong ito, ibinuhos na ni Marvin ang lahat ng kanayng lakas rito!

"Bang!"

Nayanig ang lupa.

Lumubog ang kamay ni Marvin sa lupa, at nabaon sa lupa si Bamboo!

"Kahit na protektado ka ng Divine Power, hindi ako naniniwalang hindi ka pwedeng patayin!"

Alam ni Marvin na mahina ang katawan ng mga Cleric, kaya naman kahit muli silang ipinanganak sa pamamagitan ng Divine Power, kung hindi man siya mamatay sap ag-atakeng ito, siguradong matinding pinsala ang matatanggap nito!

Pero sa sunod na sandal, nakaramdam ng sakit si Marvin sa kanyang sikmura!

Isang kulay berdeng kamao ang lumabas mula sa lupa. At walang habas nitong inatake ang sikmura ng Asuran Bear!

Pero hindi ito isang spell, isa lang itong pisikal na atakeng ginamitan ng Divine Power.

Ang pinakasimple at pinakamapinsalang pagbawi!

Tumalsik ang Asuran Bear dahil dito, at lumipad nang pa-arko sa ere bago tuluyang bumagsak sa White River.

Tumalsik kung saan-saan ang tubig.

'Hindi maganda 'to!' Nakita ni Anna ang pangyayari mula sa palasyo at agad na kinabahan.

Hindi niya inasahang magiging ganito kalakas ang babaeng si Bamboo.

"Sir Sean!" Tiningnan niya ang matandang Blacksmith na katabi niya. Inaninag naman nito ang nangyayari habang nag-iisip at saka umiling. "Hindi ko inakalang kailangan ko pang kumilos sa tanda kong ito."

"Mas matindi matindi ang kakayahang gumawa ng gulo ng taong 'yon kesa sa akin noon."

Bigla namang nawala ang dating pinuno ng mga Night Walker mula sa kanyang kinatatayuan.

Kahit papaano ay humanahon naman si Anna.

"Ahem! Ahem!"

Lumabas si Bamboo mula sa alikabok. Halos hindi na maaninag ang ganda niya dahil balot na siya ng dumi at putik.

Sa pagkakataong ito, hindi lang dumudugo ang kanyang bibig, namumula na rin ang kanyang mga mata.

"Hindi pa sapat na isang beses mo kong hinampas, dalawang beses mo pang ginawa." Umabot na sa sukdulan ang galit ni Bamboo.

Nakatanggap siya ng ganitong pag-trato kahit na siya ang Chosen ng Dame Azure. Hindi madaling hulaan ang pamamaraan ni Marvin sa pakikipaglaban. Kung hindi lang dahil sa agwat nila sa lakas, hindi lang siya basta-basta mahihirapan.

'Mamamatay ako?'

Tiningnan niya ang mapayapang White River, masama ang kutob niya.

Divine Spell – Flight!

Isang pares ng azureng pakpak ang lumabas mula sa kanyang likuran at saka siya dahan-dahang lumipad sa White River.

.

Mapayapa ang ilog tulad ng dati at tila maputik naman ang ilalim nito.

Noong mga oras na iton, isang boses ng matanda ang maririnig mula sa kabilang dako ng ilog. "Umatras ka na bata. Wag mong isipin na dahil nakatanggap ka lang ng Divine Power mula sa masamang cult ay pwede ka nang manggulo kung saan mo naisin. Tandaan mong sa mga mata ng Azure ay isa ka lang laruan."

Tiningnan ni Bamboo ang blacksmith na tahimik na lumitaw at nanuya, "Sino bang hindi laruan sa mundong ito?"

"Kahit na ang mga makapangyarihang god ay mga laruan lang rin na na nilalaro ng God Lance. Matagal nang naunawan ng World Ending Twin Snakes ang lahat."

Sumagot naman ang matanda na tila hindi sumasang-ayon, "Sabihin mo nga sa akin, ano nga ba ang lahat na tinutukoy mo?"

"Pagkawasak." May maaaninag na takot sa mga mata ni Bamboo. "Nakakulong ang lahat ng tao sa mundong ito. At kailangan nilang kumawala sa kulungang ito para makapunta sa mas malawak na mundo."

"At sa sobrang tibay ng kulungan na ito, ilang grupo lang ng tao ang maaaring isilang muli pagkatapos was akin ito."

"At naniniwala kang kabilang ka doon?" Panunyang sagot ng blacksmith, "Hayaan mong payuhan kita bata."

"Hmm?" Tiningnan ni Bamboo ang matanda na mayroong pagdududa.

Ayon sa kanyang perception ay malakas ang taong ito. Pinagpatuloy niya lang ang pakikipag-usap rito dahil ayaw niyang magpadalos-dalos.

"Ano 'yon?"

"Ang payo ko ay…" Mahinahon ang matandang blacksmith.

"Sa isang laban, wag kang masyadong dumaldal sa iyong kalaban."

'Ano?'

Nanigas si Bamboo, sa sumunod na sandal, isang nakakatakot na anino ang umahon mula sa ilog!

'

'Hindi maganda 'to!'

Biglang kumibot ang pakpak ni Bamboo, pero huli na ang lahat.

Isang Two-Headed Snake na ang tumalon mula sa White River, at nilamon ng isa sa mga ulong ito si Bamboo nang buong-buo!

"Plop!"

Si Marvin, na nag-shapeshift blang isang Twin Headed Snake, ay maayos na napunta sa dalampasigan.

"Sige na!" Mabilis na sabi ng matandang blacksmith.

Tinuturo niya ang norte.

Hindi pabaya si Marvin, nararamdaman niyang hindi pa patay si Bamboo!

Sa katunayan, hindi madaling patayin ang isang taong 4th rank Cleric na isang Chosen.

Mabilsi na gumapang sa lupa ang Twin Headed Snake, at mabilis na tumungo pa norte!

Sa ilang saglit lang, nilagpasan na niya ang karamihan sa mga bayan at nakarating sa kasukalan sa norte.

Pero nang mga oras na iyon nakaramdam ng sakit sa tiyan si Marvin!

"Bang!"

Isang malaks na Divine Power na naman ang pumutok habang lumipad palabas mula sa katawan ng aha sang isang Azure na nilalang.

Bumagsak ang Hp ni Marvin, at halos kalahati na lang ang natira!

Sa takot ay agad na bumalik sa anyong tao si Marvin.

Namumutla ang mukha ni Bamboo habang tinitingnan nito si Marvin at ang matandang blacksmith ay biglang nagsuka paglipas lang ng tatlong Segundo!

Nagulat si Marvin.

Pero tiningnan siya ng matandang blacksmith. At ang ibig sabihin nito ay kailangan niyang gumawa ng oras!

Mahigpit niyang tinakpan ang butas sa kanayng sikmura at hindi nangahas na gumalaw.

Matapos ang ilang saglit, galit na tiningnan ni Bamboo si Sean. "Salamat sa payo mo! Sa susunod, hindi na ako makikinig sa mga pinagsasasabi mo, at papatayin na lang kita agad!"

Pagkatapos nito ay muling bumalik ang tingin niya sa katawan ni Marvin. "Nakakadiri ang sikmura mo. Nagbago na ang isip ko, papahirapan kita bago kita patayin."

"Dahan-dahan kitang babalatan, patatagalin ko ng tatlong araw."

"Kapag nangyari 'yon, mas gugustuhin mo na lang mapunta sa Underworld, dahil mas matindi pa ang mararanasan mo sa kamay ko kesa sa Underworld!"

Biglang lumutang ang mahabang buhok ni Bamboo, napuno ng kasamaan ang kanina'y maganda nitong mukha.

"Anong dapat gawin," tanong ni Marvin.

Nagkibit-balikat ang blacksmith, "Mukhang hindi siya nakinig sa payo ko."

Isang pagsabog ang naganap sa harap ng dalawa kasabay ng paglabas ng isang nakakatakot na kulay lilang sinag ng liwanag ang lumabas!

Direktang naabo si Bamboo dahil ditto!

Mga isang kilomtero lang ang layo, isang lalaki ang makikitang humithit ng isang mamahaling tabakong gawa sa isang malayong isla.

.

Saka niya binaklas ang isang kanyon sa kanyang harapan. Sa loob lang ng ilang saglit, ang nakaktakot at nakamamatay na armas ay nagging tumpok na lang ng mga piyesa at muli na ibinalik ang mga ito sa maleta.

'Pucha, kayang makabili ng ilang White River Valley ang dragon tooth canon na 'yon. Nakakamangah talaga!'

Tinitigan ni Constantine si Marvin na tumatakbo paakyat kahit na matindi ang sakit na nadarama nito. "Hindi talaga madaling patayin ang grupo ng maliliit na ahas gaya ng Twin Snakes Cult."

Tinitigan ni Marvin ang hawak na Constantine at hindi mapigilang magtanong, "Sandata ba 'to ng mga Sha?"

Tinaas ni Constantine ang kanyang kilay. "Ano, gusto mong bilhin?"

Tumango si Marvin.

Sino ba namang hindi gugustuhing bilhin ang isang napakabagsik na sandata! Hindi ganoon kalakas ang mga Sha sa laro. Limitado lang sa mga pistol at shotgun ang kanilang mga sandata at hindi pa kasing lakas ng mga high level archer ang mga ito.

Pero malinaw na higit pa sa mga ito ang hawak ni Constantine!

Kung mayroong ganito ang White River Valley para protektahan ito, bukod sa mga Monk at iba pang mga class, sino pa bang mangangahas na manggulo sa kanilang teritoryo?

Pero agad na tinuldukan ni Constantine ang imahinasyon ni Marvin. "Isang artillery shell, 500 na ginto ng Wizard."

"At para naman sa mismong [Brilliant Purple], inabot ang ng 30 taon para idesenyo at gawin ito, sa tingin mo magkano ito?"

Agad na natahimik si Marvin.

Hindi pala ito katulad ng mga pangkaraniwang sandata na nakita niya noon, isa pala itong Legend Item.

Isa pa, gumagamit ito ng napakaraming Legend item.

"Nakakatakot ang Divine Power ng babaeng 'yon. Kahit na kaya ko siyang labanan ng harapan, siguradong lalabas akong sugatan."

"Kaya minsan mas mabuti nang gumamit ng lang ng isang artillery shell."

Muling humithit si Constantine mula sa tabako at sinabing, "Pero kahit gaano pa karaming Twin tauhan ng Twin Snakes Cult ang dumating, ay ganoon rin karami ang papatayin ko. Libre lang."

Sa katunayan, alam niyang kaya napukaw ni Marvin ang atensyon ni Bamboo ay dahil sa pagpatay nila sa Crimson Patriarch.

Dahil kung hindi, hindi naman siya magmamadaling bumalik ditto matapos tawagan ng matandan gblacksmith.

"Salamat." Taos pusong nagpasalamat si Marvin kay Constantine.

Kung hindi dahil sa Legend na ito, baka hindi na kinayanan ni Marvin at Sean si Bamboo!

"Wala 'yon, para lang naman kaming nagbabakasyon." Binuhat na ni Constantine ang kanyang maleta at humakbang patungo sa White River Valley. "Dito muna ko panandalian."

"Gawin mo na ang kailangan mong gawin, wag mo kong isipin."

Sa Shrieking Mountain Range, sa isang kweba na may yelo.

Isang babae ang dahan-dahan na lumutang mula sa kumukulong sapa.

Matindi ang pinsala nito sa katawan, pero dahil sa sapa ay unti-unti na itong nakakabawi.

"Demon Hunter… Haha… Tulad ng inaasahan, lumitaw ang isa sa kanila pagkatapos kong gumawa ng gulo."

Tumawa si Bamboo, " Sa tingin niyo ba ay mamamatay ako nang dahil lang sa isang cannon?"

"Hintayin niyong gumaling ang katawan ko, ikaw ang una kong papatayin."

Related Books

Popular novel hashtag